Nakangiti ako habang tinatanaw ko na naglalaro ng badminton ang kambal dito sa garahe.
Hawak ko ang dalawang towel nila dahil pinupunasan ko ang mga pawis nila kapag nagpapahinga. Dalawang araw na rin mula ng makasama ko si Gabriel napakalambing nito kapag kaming dalawa lang, pero kapag may ibang kasama na kami ay malamig na ulit siya. Naalala ko ang sagot niya sa tanong ko at napahinga ako ng malalim. Bakit niya kailangan na protektahan ang sarili niya laban sa ibang tao? Ito ang hindi ko makalimutan dahil palaisipan pa rin ito sa akin. "Sonata!" Nagulat ako ng tawagin ako ni Madam Cynthia kaya napatingin ako dito. "Yes po ma'am?" Tanong ko dito at humarap sa kanya bigla niyang tinapon sa akin ang isang blouse kaya nagulat ako. "Anong ginawa mo diyan? Bakit may mantsa at mabaho!" Sigaw nito kaya natakot ako sa ginawa niya. "Ma'am hindi naman po ito ganito nong nilabhan ko." Katwiran ko sa kanya kaya lumapit siya sa akin at bigla akong tinulak kaya napaupo ako. "Boba ikaw ang naglalaba ng mga damit pero mangangatwiran ka pa!" Sigaw niya dito ako nilapitan ng kambal. "Stop it! Bakit mo sinasaktan si Nanny Sonata?" Sigaw ni Angelo habang tinulungan ako na makatayo ni Anthony. "Yan kakampihan niyo ang katulong na yan palibhasa namimihasa at lumalaki ang ulo!" Sigaw nito dito na lumabas sina Carla at tiya kaya kusa na lang tumulo ang luha sa mga mata ko. "Ano ba ang problema mo?" Galit na tanong ni tiya kaya nagsalita na naman ng masama ang babae kay tiya. Umiiyak ako na nakaupo dito sa kama ko dito sa kwarto namin ni Carla at palakad-lakad siya sa harap ko. "Imposible talaga na maging ganun ang blouse na iyon ng ingrata na iyon Sonata." Galit niya na turan kaya napatingin ako sa kanya. "Oo dahil maingat tayo sa mga damit nila." Iyak ko dahil ilang buwan na ako dito ay ngayon lang ako nakaranas ng ganito. Pwera lang iyong mga pasaring at galit sa akin ni Ma'am Cynthia dahil sinasadya niya iyon. "Hayaan mo na Carla baka nga kasalanan ko yon." Sabi ko sa kanya kaya tinitigan niya ako ng masama. "Hindi yan pwede na akuin mo ang kasalanan na hindi mo ginawa!" Galit niya na turan kaya hinayaan ko na lang siya na magbunganga dahil hindi na rin naman siya mapipigil. Nang humupa ang pakiramdam ko ay inayos ko na ang sarili ko at pumunta ng kusina at naabutan ko si Ate Yoly na naghuhugas ng mga plato. "Ate Yoly ang kambal po?" Tanong ko dito kaya napatingin siya sa akin. "Ayaw pa bumaba eh hinihintay ka." Sabi niya kaya tumango lang ako. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong niya kaya ngumiti lang ako. "Okay na ako ate nabigla lang ako." Sagot ko sa kanya kaya tumango siya ngumiti. "Dalhan mo na lang ng miryenda ang mga bata, at saka wag mo nang problemahin yong bruha na yon may araw rin siya." Sabi ni ate kaya napangiti ako sa sinabi at tumango ako. Umakyat na ako dito sa taas at huminga muna ako ng malalim saka kumatok. Mayamaya pa ay binuksan na ni Angelo ang pinto at nagulat siya ng makita ako. "Nanny ikaw pala pasok ka." Sabi niya kaya napangiti ako. Pumasok ako at nakita ko si Anthony na nanonood ng tv kaya nilapag ko ito sa mesita. "Kain na kayo nagluto si tiya ng carbonara." Sabi ko sa dalawa at hinanda ang platito. "Nanny i'm so sorry." Napatingin ako kay Angelo ng yumakap siya bigla sa akin kaya nagtataka ako na napatingin sa kanya saka ako napatitig kay Anthony. Napakamot ako ng sentido ko dahil sa sinabi ng kambal na sila ang may gawa sa damit ng kanilang step-lola kaya inaamin ko sa sarili ko nainis ako sa ginawa nila. "Bakit niyo ito ginawa?" Tanong ko na nagpigil lang ako na hindi magalit. "Dahil naiinis kami sa kanya lagi niya kaming pinapakialaman." Sabi ni Anthony kaya napahinga ako ng malalim. "Pero hindi naman namin alam na ikaw ang pagbibintangan niya." Sabi ni Angelo kaya napatingin ako sa kanya. "So kayong dalawa ang may kasalanan at hindo niyo agad sinabi ang totoo!?" Nagulat kami ng makita namin si Gabriel na galit na nakatingin sa dalawang bata kaya kinabahan ako lalo na at nakita ko ang galit sa mukha niya. Hindi ko na napigilan pa si Gabriel na parehong sinigawan at pinagalitan ang mga anak niya "Nang dahil sa galit niyo kay Cynthia ay nandamay pa kayo ng inosenteng tao! Wala naman ginagawang masama sa inyo si Sonata!" Sigaw nito na ikinakaba ko. "Sumama kayo sa akin sa baba at doon tayo mag-usap!" Sigaw nito kaya agad na sumunod ang dalawang bata kaya natakot ako at sumunod rin. Napapikit ako ng parehong paluin ni Gabriel ang dalawang bata ng sinturon niya sa pang-upo nito kaya natakot ako. "We're so sorry daddy." Iyak ni Angelo kaya napaiyak na ako dahil kahit sina tiya ay walang nagawa at gulat rin sa nakikita nila. "Sir Gabriel tama na po nasasaktan sila." Pigil ko sa kanya at hinawakan ko siya sa braso kaya napatingin siya sa akin. "No! Dapat silang magtanda!" Galit niya na turan kaya napatitig ako sa kanya. "Pero hindi sa paraan mo mga bata pa sila." Giit ko saka ako lumapit sa dalawa at pareho ko silang niyakap pareho silang umiiyak na yumakap sa akin. "Gabriel tama si Sonata hindi mo dapat ganito disiplinahin ang mga bata." Sabi ni tiya kaya napaiyak ako lalo na at iyak ng iyak ang kambal. "Dapat lang yan sa kambal Pining!" Biglang sabat ni Ma'am Cynthia kaya napatingin ako dito. "At ikaw isa ka pa basta ka na lang magbintang, get out of my house now!" Sigaw dito ni Gabriel na ikinalaki ng mga mata nito. "You can't do that Gabriel!" Sigaw nito na galit na nakatitig kay Gabriel. "Try me then! This is my house i have rules here!" Sigaw ni Gabriel kaya naramdaman ko na nanginig ang dalawang bata. Inakay ko na ang kambal habang nagbabangayan sila at naawa ako sa dalawang bata. "Tahan na okay hindi na mauulit ito." Pinunasan ko ang pisngi ng kambal na umiiyak pa rin dahil alam ko na nasaktan sila. "Sorry po nanny." Iyak ni Anthony kaya umiling lang ako at niyakap ko sila pareho. "Hindi ako galit okay tama na wag na kayong umiyak." Lambing ko sa dalawa kaya pareho silang tumango. Napangiti ako ng parehong makatulog ang kambal at kinumutan ko sila pareho. "Bakit hindi ka sa kanila nagalit Sonata?" Napatingin ako kay Gabriel na nakapasok na pala dito sa kwarto. "Mga bata lang sila at hindi minsan maiiwasan na hindi sila makagawa ng ganitong bagay." Sabi ko sa kanya sa seryoso na boses. "Ikaw na nasaktan at nasabihan ng masasakit ikaw pa ang hindi galit." Sabi niya kaya napailing na lang ako at hindi ko na siya pinansin. Nakakagalit lang dahil napalo niya ng ganun ang mga anak niya hindi nakakatuwa. "Are you mad at me baby?" Bulong niya nagulat ako dahil nakalapit na pala siya sa akin at niyakap niya ako kasabay ng paghalik niya sa pisngi ko. "Hindi naman ako galit hindi mo dapat sinaktan yong mga bata." Sabi ko sa kanya habang nakatingin sa dalawang bata na tulog. "I'm so sorry nagalit lang ako dahil nagsumbong si Pining na pinagbintangan ka ni Cynthia." Sabi niya na niyaya ako na makaupo sa sofa at umupo siya saka ako pinakandong sa kanya. "Wag mo na iyon uulitin ayoko na nagagalit ka at pinapalo ang mga anak mo." Sabi ko sa kanya kaya napatitig siya sa akin kaya hinalikan niya ako pero tinulak ko siya. "Nandito tayo sa kwarto ng mga bata." Sabi ko sa kanya pero lalo lang niya akong niyakap ng mahigpit. "Tulog na sila." Bulong niya kaya wala akong nagawa dahil tila pagod na pagod siya. "Punta na tayo sa kwarto ko." Sabi niya kaya kinabahan ako lalo na at naramdaman ko na hinahaplos niya ang tagiliran ko. Hindi ako sanay sa ganito kaya bigla akong tumayo kaya nagulat siya. "Gabriel may gagawin pa pala ako." Sabi ko sa kanya kaya tila lalo siyang nagulat at tumayo siya. "May problema ba? Hindi mo ba gusto ang ginawa ko?" Tanong niya akma niya akong hahawakan pero nakita ko na bumangon si Anthony kaya nagulat ako at pumunta ako sa kanya. "Nanny?" Tawag niya na tila inaantok pa nakita niya ang daddy niya nandito kaya nagulat siya. "Halika tulog ka ulit halika higa tayo." Sabi ko sa kanya kaya humiga ulit siya na tila natakot kay Gabriel. Humiga ako sa tabi niya at yumakap siya sa akin kaya napangiti ako. "Lalabas na ako mag-uusap tayo mamaya." Seryoso na turan ni Gabriel kaya kinabahan ako saka siya lumabas ng kwarto. Napahinga na lang ako ng maluwag at napatingin sa kambal at napapikit. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na ito, natakot ako sa paraan ng hawak kanina ni Gabriel. Hindi ako sanay muntik na rin may mangyari sa amin sa opisina niya pero wala akong naramdaman kundi kaba lang. Pero dahil nandito kami sa kwarto ng mga anak niya ay natakot ako, baka kung ano ang makita ng mga bata kaya pinigilan ko ang sarili ko na magpadala sa kanya.Nagising ako na parang may nakayakap sa akin kaya kinabahan ako at napatingin sa paligid.Napakunot ang noo ko nang makita ko na iba ang kwarto na kinalalagyan ko kaya ginalaw ko ang katawan ko.Si Gabriel pala ang katabi ko at nakaramdam ako ng inis kaya tumayo ako.Nandito na ako sa silid niya ang naalala ko lang ay nasa kwarto ako ng mga bata. Napailing na lang ako sa ginawa niya at dahan-dahan na lumabas ng kwarto.Maaga pa naman kaya alam ko na wala pang gising at lumipat ulit ako sa kwarto ng mga bata.Tulog na tulog pa sila kaya napangiti ako at kinuha ko ang remote ng aircon at hininaan ko ang temperatura nito.Inayos ko ang kumot ni Anthony at napangiti ako, napakunot ang noo ko nang mapansin ko na hindi talaga kamukha ni Gabriel ang mga anak niya.Hindi ko na lang ito binigyan ng pansin at nang masiguro ko na maayos na ang lahat ay lumabas na ako ng kwarto.Bumaba na ako at inayos ko ang pagkakatali ng buhok ko at pumunta na ng kusina.Naabutan ko si tiya at Carla na naglulu
Napahawak ako sa dibdib ni Gabriel at pilit ko siyang tinutulak at hindi ko binubuka ang mga labi ko.Pero malakas siya at nakapinid ako sa pader at pilit pa rin akong lumalaban sa kanya.Napaungol ako ng bigla niyang hawakan ang dibdib ko dahilan para mapaungol ako at maibuka ko ang bibig ko.At wala na akong nagawa kundi ang tugunin na lang ang halik niya at napayakap na lang ako sa kanya.“I miss you babe.“ Pareho kaming humihingal ng bitiwan niya ang labi ko at napadausdos na lang ako habang hawak ang dibdib ko na malakas ang kabog.“Sabi mo mag-uusap lang tayo!“ Inis ko na turan sa kanya sabay palo sa braso niya na ikinatawa niya kaya napailing na lang ako.Akma akong tatayo pero inalalayan niya ako kaya napahinga ako ng malalim.“Mag-usap lang tayo Gabriel pakiusap.“ Pakiusap ko sa kanya kaya napahinga siya ng malalim.“Okay, now sit and we will talk.“ Sabi niya kaya napaupo na lang ako at napahinga ng maluwag.“Gabriel sana wag mo naman pagmalupitan ng ganun ang mga bata.“ Laka
Tumawag ako sa bahay at kinumusta ko ang mga kapatid ko at si nanay, umiiyak na naman ito sa pagka-miss sa akin.“Nay wag ka nang umiyak, magbabakasyon ako diyan promise.“ Sabi ko dito na tumango lang ito at nagpunas pa ng luha.“Siena alagaan mo si nanay at ang mga kapatid mo ha, huwag mo silang paglalaruin ng matagal sa labas.“ Sabi ko sa kapatid ko na tumango at ngumiti lang.“Opo ate kong maganda mababait naman sina Simone at Sirone.“ Sabi niya kaya napangiti ako.“May bigas pa ba kayo? May pera pa ba si nanay?“ Tanong ko mayamaya kaya napangiti ito at sunod-sunid na tumango.“Meron pa ate sobra yong pinadala mo kaya kasya pa iyon hanggang sa isang buwan.“ Sabi niya kaya napahinga na lang ng maluwag.“Ate sino yon?“ Biglang tanong ni Siena kaya napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Gabriel na may kausap sa cellphone niya.Nandito pala ako sa garden at nakaupo ako dito sa lamesa at nakita ko ang boss ko na seryoso sa pakikipag-usap sa telepono.“Boss ko yon may kausap.“ Sagot
Napahinga ako ng malalim bago pumasok sa kwarto ni Gabriel at napatingin sa paligid.Wala naman siya dito pero pinapapunta niya ako dito kaya napakunot ang noo ko.Makalat na naman ang kwarto niya nagkalat ang mga papel at damit niya kaya napanguso na lang ako at isa-isa itong pinulot.Dalawang araw rin akong hindi nakapaglinis dito dahil may mga inasikaso ako, ang passport ko na sekretarya na lang daw ni Gabriel ang kukuha.May tampo pa rin ako nong isang araw pa dahil pinaasa ako na maglilinis ako pero hindi naman, kaya ang siste ay linagtawanan ako nina Carla.Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng banyo kaya napatingin ako dito at nakita ko si Gabriel na lumabas at nakatapis lang ng tuwalya at bagong ligo.Napatalikod ako dahil magkakasala ako kapag tumingin ako sa lalakeng ito na nakahubad at parang wala pang pakialam.“Hi babe.“ Bati niya at naramdaman ko na papalapit siya kaya umatras ako at napapikit.“Huwag kang lumapit diyan ka lang!“ Malakas ko na turan sa kanya kaya n
Yong kaba ko ay nandito pa rin sa isip ko ang lagi kong nakikita ay ang nangyari sa amin ni Gabriel kanina at lagi itong pumapasok sa isip ko.At rin hindi ako makatulog dahil gising na gising pa rin ako samantalang si Carla ay naghihilik na kaya napabangon ako.Napakamot na ako ng ulo ko at kinuha ko ang panali ng buhok ko at basta ko na lang tinali ang buhok ko at saka tumayo.Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto namin at naglakad papunta sa kusina ng malaking bahay para kumuha ng tubig.Napatingin ako sa loob dahil bukas pa sa kusina sa loob kaya sinilip ko ang screen dahil nakabukas lang ito pero naka-lock naman.Nagulat ako dahil nakita ko si Gabriel na nasa lamesa at parang nagkakape, kinabahan ako dahil baka makita ako nito kaya nagmadali ako na kumuha ng pitsel at baso sa ref at saka ako lumabas agad at muli kong ni-lock ang pinto.Imbes na bumalik ako sa kwarto ay naglakad ako papunta sa garden at nilapag ko ang dala ko sa lamesa at naupo.Napahinga ako ng maluwag at saka napa
Ilang minuto siguro akong umiiyak lang dito sa garden at napakasakit na nang lalamunan ko dahil ko maihinto ang pag-iyak ko.“Napakasama pala magsalita ng tiya mo Sonata, hindi ako makapaniwala na may ganun siyang ugali!“ Nagulat ako kay Carla na bigla na lang sumulpot at pinatayo ako kaya napayakap ako sa kanya at muli akong umiyak habang nakayakap sa kanya.Nandito na kami sa kwarto namin pero umiiyak pa rin ako kahit pilit akong pinapatahan ni Carla.“Bessy tahan na namamaga na ang mga mata at ang ilong mo mapula na para kang si Rudolf the reindeer.“ Sabi niya na pinupunasan ang mga luha na hindi tumitigil sa pagtulo.“Hiwag mo nang intindihin ang sinabi ng tiya mo, ako hindi ako nagiisip ng ganun alam ko na mahal ka ni Sir Gabriel promise.“ Sabi niya na hindi man lang nakapagpalubag sa damdamin ko.“Totoo naman si-sinabi ni tiya.“ Iyak ko na sabi sa kanya kaya napailing na lang siya.“Hindi Sonata kung mahal mo si Sir Gabriel go girl sumugal ka at saka mo na isipin ang mga susunod
Napangiti ako habang tanaw ko ang kambal na naglalaro sa garden at kalaro si Carla na parang bumalik sa pagkabata.Ilang buwan na ang lumipas mula nang mangyari ang araw na iyon pero nandito pa rin ang sama-samang kaba, sakit at hindi ko maipaliwanag na damdamin.Si tiya ay humingi na nang tawad sa akin at mahal niya lang daw ako at ayaw niya akong masaktan kaya nakapagsalita siya ng ganun.Pero pinatawad ko na siya simula pa lang at ayos na kami, hindi naman na siya tutol kung mahal namin ni Gabriel ang isa't isa.Medyo awkward nga lang pero unti-unti ay sinasanay ko na ang sarili ko pero hindi pa rin naman magbabago ang turing ko sa mga kasamahan ko.Napakaswerte ko dahil ni isa kanila ay hindi man lang tumutol at walang problema sa kanila iyon, sabi nga nila ay masaya sila na unti-unti nang nagbabago ang amo nila.Nagagawa na kasing ngumiti ni Gabriel at nakikipag-usap na siya ng maayos sa kmabal na hindi nagagalit at mas madalas na niyang ilagi ang oras niya dito sa mansyon kaysa
Namumula pa rin ako habang nakaupo dito sa sofa at nag-iisip kung ano ang pwede kong gawin.Dahil nakaramdam ako ng antok ay pumasok na lang ako sa kwarto ni Gabriel at humiga dito sa kama.Amoy niya ang nandito at malamig kaya napayakap ako sa unan ni Gabriel at napangiti saka ko na pinikit ang mga mata ko.Nagising ako dahil may tila nakayakap na sa akin mula sa likod kaya napahawak ako sa braso ni Gabriel na nakayakap pala sa akin.Gumalaw ako saglit pero hindi ko maikilos ang katawan ko dahil masyadong mahigpit ang yakap ni Gabriel.“You're awake now love?“ Bulong ni Gabriel kaya napatango ako at napahawak sa braso niya.“Uwi na tayo?“ Tanong ko kaya nahinga siya ng malalim at napayakap lalo ng mahigpit sa akin.“Mamaya na kakain muna tayo.“ Bulong niya pero napaharap ako sa kanya at napatitig sa kanya.“Hahanapin tayo ng mga bata at saka nag-promise ako na sa bahay kakain.“ Sabi ko sa kanya na napatawa ng mahina at napatitig sa akin kaya ito na naman ang puso ko na malakas ang ti
Dahil medyo napagod ako at nagutom sa pagtingin ng mga kagamitan para kay baby ay pumunta kami sa resto na paborito namin na kainan ni Gabriel.Masasarap ang pagkain dito at matalik na kaibigan ng asawa ko ang may-ari ng lugar.“Pare, my man kumusta, hello Sonata.“ Bati nito sa amin pagkapasok namin.“Mabuti pare, kailan ka pa dumating?“ Sabi naman ni Gabriel dito na napangiti at sinamahan kami sa second floor kung saan may mga pribadong kwarto para sa vip.“Last week lang, lalake ang panganay namin ng asawa ko.“ Sabi nito kaya napangiti ako.Nakatira ito sa Japan at doon rin ang pamilya nito at ang asawa nito ay kapapanganak pa lang daw.“Hindi naman ako magtatagal dito pare, may inasikaso lang ako.“ Sabi nito kay Gabriel kaya napangiti at tumango lang ang asawa ko.Sinabi ni Gabriel dito na magkakaanak na rin kami at masaya naman ito para sa amin.“Congrats sa inyo pare, magiging tatay ka na naman ulit.“ Sabi nito kaya napangiti lang ako.Knowing na ang alam ng lahat ay anak ni Gabr
Wala akong imik kanina pa habang abala si Gabriel sa ginagawa nito.After kong malaman ang totoong pagkatao ng kambal ay awang-awa ako sa mga bata.How could a mother did that to them, napaka-inosente ng mga ito para lang maranasan ang ganoong bagay.Ipinaako sila ng kanilang ina kay Gabriel gayong alam nito na ang ama nito ang totoong dapat na umako dito.Nandidiri ako sa tuwing maiisip ko kung paano nila nagawa iyon sa asawa ko.But Gabriel confess to me that he never had a intimate relationship to his ex-wife nor sleeping with her in the same bed.Their marriage is just for a paper, and after three years the woman left them and never contact him and she came back thats when he ask for a devorse.Kinasal sila sa Amerika that time kaya madali para sa kanila ang mag-devorse.Napatitig ako sa asawa ko kung paano nito kinaya ang betrayal sa parte nito, ang asawa niya at ang ama niya na ginamit lang siya para pansarili nitong interes.Tumayo ako at lumapit dito at saka ako yumakap dito a
Tatlong araw bago ang graduation ko ay excited na ako na sabihin na magkakaanak na kami ni Gabriel. Hindi na ako makapaghintay pa sa magiging reaksyon nito. Naging succesful ang exam ko at pareho kaming cum laude ni Bianca, at tuwang-tuwa naman ang buo kong pamilya. Pinasundo na ni Gabriel ang pamilya ko sa probinsya para sa graduation ko at para makasama namin ang mga ito. My husband is really proud to me and he even told me that he is beyond happy. Kung hindi naman kasi dahil sa kanya ay hindi ako babalik ng pag-aaral. Nagbibihis na ako dahil may batch photos kami ngayong araw, medyo abala na ako dahil inaasikaso ko pa ang lahat sa school. Pumasok si Gabriel mula sa veranda dahil kausap ito kanina napangiti ito at lumapit sa akin. “Hindi kita maihahatid babe but i already called Pierre to take you to university.“ Sabi nito kaya napatango lang ako. Siniper na nito ang blouse sa likod ko kaya napangiti ako. “You look lovely babe.“ Bulong nito na niyakap ako at hilal
Medyo awkward ang unang minuto ng pagkikita namin ng tiyahin ni Bianca dahil nga maya't maya ay nakatitig ito sa akin.Pero napakabait nito at malambing at madaldal rin panay lang ang kwento nito tungkol kay Bianca at sa buhay nila sa Italy.Pero nakikita ko dito na hindi ito masaya, may lungkot pa rin ang mga mata nito at kahit nakangiti ito ay makikita mo na may kulang dito.“Pasensya ka na kay tita.“ Bulong ni Bianca sa akin kaya napangiti lang ako at napatingin sa ginang.“Ano ka ba okay lang, nakakatuwa nga eh kasi may kahawig pala ako.“ Sabi ko dito kaya natawa lang ito.Ang dinner namin ay napuno ng tawanan at kwentuhan at masasabi ko na magaan ang gabing ito.Nakapalagayan ko na talaga ng loob si Tita Selene.Kwento nito ay may anak ito at twenty seven years old na ito at laging abala sa trabaho katulad ng ama nito.“What about you hija?“ Tanong naman nito kaya natigilan ako at napatingin dito.“Oh, anim po kaming magkakapatid maliliit pa po sila at ako po ang panganay, at ka
Sinabi ko kay Carla na may dinner akong puluntahan at nagselos pa ito dahil may kaibigan akong iba.“Ikaw talaga ipapakilala kita sa kanya at alam ko na makakasundo mo si Bianca.“ Sabi ko dito kaya napangiti na ito na nakasimangot kanina lang.“Mabait ba? Hindi ka naman binu-bully sa school mo?“ Magkasunod nitong tanong kaya napailing lang ako.Lagi naman niya itong tinatanong dahil mabait daw ako masyado at hinahayaan lang ang ibang tao na apihin ako.Napailing na lang ako dito at hinanda ko na ang miryenda namin ni Gabriel.Naliligo sila ng mga bata sa swimming pool at natuwa naman ako dahil nag-bonding ang mag-aama.Tinulungan ako ni Carla na dalhin sa likod ang miryenda at nakita namin na nandito na rin pala si Pierre na naliligo na rin.Napangiti ako dahil napalunok si Carla dahil nakabalandra lang naman ang katawan ni Pierre na maganda rin katulad syempre ng asawa ko.“Heres your food kain muna kayo.“ Sabi ko sa mga ito na niyaya ako ng kambal na maligo pero umiling lang ako.Wa
Araw na ng exam ko at kabado ako ng sobra pero alam ko naman na kaya ko. Tatlong linggo na rin amg nakakaraan mula nang mangyari ang aksidente kay Gabriel. Nakabalik na ito sa dati at abala na naman sa trabaho. Naalala ko nga pala nong sinabi namin dito ang ginawa na naman ng ama nito at nagalit ito ng sobra. He even report this to the police pero nakabalik na pala ng Davao ang ama nito at si Kuya Gael ang dahilan. Mukhang may ginawa ang kapatid ni Gabriel sa ama nila, buti na lang dahil ramdam ko pa rin ang takot hangang ngayon. Nagbibihis na ako nang pumasok si Gabriel na galing sa gym at pawisan pa ito. “I will take a bath first babe and then i will take you to university.“ Sabi nito kaya napatango lang ako dito. Nakasuot ako ng blue jeans na pinaresan ko ng white polo dahil ito ang instruction sa amin. I have three days exam at sana makapasa ako at makakuha ng mataas na marka at maka-graduate. “Just focus babe and good luck i know that you can do it.“ Sabi ni Gabriel nan
Tila ako kandila na unti-unting nauupos dahil sa mga nalaman ko.Naaksidente si Gabriel sa Singapore at hindi maganda ang kalagayan nito doon.Si Pierre mismo ang pupunta doon para sunduin ang asawa ko.Iyak ako ng iyak kanina pa dahil hindi ko alam ang gagawin ko sa mga sandaling ito.Nang tumawag si Gabriel kanina at sinabi ang nangyari dito ay takot na takot ako pero masaya pa rin dahil nasa mabuti na itong kalagayan.“Wag ka nang umiyak Sonata, uuwi na ang asawa.“ Sabi ni tiya na nasa tabi ko kaya napatango lang ako.Bukas alam ko na makakauwi na si Gabriel at makakahinga lang ako ng maluwag nandito na ito.Pinagpahinga ako ni tiya at hindi ako nito pinapasok sa university dahil emosyonal pa rin ako.Nakatulog ako na katabi ang kambal dahil hindi ako iniwan ng dalawa.Nang magising ako ay may tumatawag kaya agad ko itong sinagot.Si Pierre pala ito na nakarating na sa Singapore at gusto raw akong makausap ng asawa ko.Nakiusap kasi ako dito kapag nandoon na ito ay dapat ay masigur
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil may pasok ako ng alas-otso at sasabay na kami ng kambal kay Gabriel sa pagpasok nito sa opisina. Sinabi nito na ito na ang maghahatid at magsusundo sa amin mula ngayon. Ito ay para hindi makalapit muli si Alina sa mga bata at gusto raw pala ng costudy nito sa kambal. Hindi pumayag si Gabriel at alam ko na kapag nagsalita ang awasa ko ay dapat na nasusunod. Dahil dito ay nakita ko kung paano nito handang protektahan ang kambal kaya natutuwa ako. Pero sa legal na proseso ito gagawin ni Gabriel at may abogado na mamamagitan. Tulog pa ang asawa ko nang pumasok ako sa banyo at maligo. Pero sinamahan rin ako nito na maligo ilang sandali pa lang na nandito ako sa loob kaya nauwi ito sa mainit na sandali. Nang matapos kami ay sabay na kaming bumaba at naabutan namin si tiya at si Ate Yolly na naghahanda na ng agahan. Binati kami nito at kinausap ni Gabriel si tiya at si tiyo na pinatawag nito. “Wag na ho kayong mag-alala dahil naka-ban na sil
Masaya kaming naghapunan ni Gabriel at inalis ko na sa isip ko ang nakasalubong namin kanina. Gabriel also told to the waiter and manager that don't desturb us if ever na may maghanap dito. Mukhang kilala pa ito ng manager kanina dahil nakangiti lang ito na tumango. Matapos nito ay may lalakeng lumapit sa amin at nagpakilala na ito ang may-ari ng restaurant na ito at ang buong resort at kaibigan rin ni Gabriel. Gabriel introduce me to the man that i am his wife kaya pakiramdam ko ay proud ito na ipakilala ako bilang asawa sa lahat ng kakilala at kaibigan nito. “I don't know that you've already settle down now like me pare.“ Sabi nito na nakangiti akong tinignan kaya napangiti rin ako. “Hows your wife and your first child?“ Tanong naman ni Gabriel na lalo pang ikinangiti ng lalake. “Oh, it was amazing Gabriel though i was really scared when my wife gave birth but when i held my son in my arms all my worries are gone.“ Nakangiti nitong sagot at nakita ko kung paano napangiti ang a