Share

Chapter seven

Author: Seirinsky
last update Last Updated: 2024-11-26 17:26:51

Nagising ako na parang may nakayakap sa akin kaya kinabahan ako at napatingin sa paligid.

Napakunot ang noo ko nang makita ko na iba ang kwarto na kinalalagyan ko kaya ginalaw ko ang katawan ko.

Si Gabriel pala ang katabi ko at nakaramdam ako ng inis kaya tumayo ako.

Nandito na ako sa silid niya ang naalala ko lang ay nasa kwarto ako ng mga bata. Napailing na lang ako sa ginawa niya at dahan-dahan na lumabas ng kwarto.

Maaga pa naman kaya alam ko na wala pang gising at lumipat ulit ako sa kwarto ng mga bata.

Tulog na tulog pa sila kaya napangiti ako at kinuha ko ang remote ng aircon at hininaan ko ang temperatura nito.

Inayos ko ang kumot ni Anthony at napangiti ako, napakunot ang noo ko nang mapansin ko na hindi talaga kamukha ni Gabriel ang mga anak niya.

Hindi ko na lang ito binigyan ng pansin at nang masiguro ko na maayos na ang lahat ay lumabas na ako ng kwarto.

Bumaba na ako at inayos ko ang pagkakatali ng buhok ko at pumunta na ng kusina.

Naabutan ko si tiya at Carla na nagluluyo na ng almusal kaya nang mapatingin sa akin si Carla ay nilaputan niya ako agad.

“Kumusta ang mga bata?“ Tanong niya kaya ngumiti lang ako at binati sila ng magandang umaga.

“Okay naman nakatulog ng maaga hindi ko na nga namalayan na nakatulog ako at hindi na nakababa.“ Sabi ko sa kanya kaya tumango lang siya.

Nagulat rin sila kahapon dahil sa pamamalo ni Gabriel sa mga bata.

“Bihirang magalit ng ganyan si Sir Gabriel, minsan kase ay may pagkapasaway rin yang kambal.“ Sabi ni Carla na naiiling na lang.

“Pero hindi na bago na napapalo ni Gabriel ang dalawang bata.“ Sabi naman ni tiya kaya napatango ako at lihim na napabuntong hininga.

Pinagbubuhatan pala niya ng mga kamay ang dalawang bata kaya marahil ay hindi malapit ang dalawa sa kanilang ama.

Nag-agahan na kami ni tiya at Carla dahil maaga pa ay nagsimula na ako sa trabaho ko, tinulungan ko si Carla na maglinis ng attic dahil ayaw niyang mag-isa doon.

Inutusan siya kanina ni Ma'am Cynthia na linisin ang attic pinapatapon na ang mga gamit roon na mga nakasalansan.

Ang mga canvas raw iyon kaya sinunod na lang siya ni Carla, masama ang tingin nito sa akin pero hindi ko na lang ito pinansin pa.

Napaubo ako dahil maalikabok na at may mga agiw na rin dito at napakaraming gamit pero mga naka-plastic naman.

“Ilang taon na itong hindi nalilinisan mula ng mamatay ang asawa ni Sir Gabriel.“ Sabi ni Carla kaya napatingin ako sa kanya at nilibot ang tingin ko sa malawak na silid.

“Bakit? Dito ba siya naglalagi?“ Tanong ko kaya tumango si Carla.

“Ilang taon na ako rito at narinig ko na ang kwento tungkol sa dating asawa ng amo natin.“ Sabi niya na napahinga ng malalim.

“Mahilig raw iyong magpinta at tumugtog ng piano, dito siya madalas mamalagi lalo na nang pinagbubuntis pa lang niya ang kambal.“ Kwento ni Carla may iba pa siyang sinabi pero nakuha ng pansin ko ay ang nakasalansan na mga canvas at halos pare-pareho lang lahat ang naka-pinta dito.

Karagatan at bundok at may isang lalake na nakatalikod at nakapamulsa.

“Si Sir Gabriel yan, mahal na mahal niya ang amo natin kaya lagi niya raw yan na pinipinta.“ Sabi ni Carla kaya napatango ako at napatitig dito.

Base sa pagkakatitig ko ay mas matangkad ang lalake kaysa kay Gabriel at tila may pumapasok sa isip ko na hindi ito si Gabriel.

Napahinga na lang ako ng maluwag at nagsimula na akong maglinis dahil masyadong madumi ay nahirapan kami ni Carla.

Napatingin kami sa pinto ng bigla itong bumukas kaya nagulat pa ako ng makita ko Gabriel.

“Sino ang nagutos na linisin ang attic?“ Kinabahan ako at napatingin kay Carla kaya napalapit siya sa akin.

“Pinalinis ho ni madam ipapatapon na raw niya ang ilan sa mga gamit dito na naiwan ng kapatid niya.“ Sagot ni Carla kaya nagulat kami ng magmura ang amo namin kaya napatingin ako sa kanya.

“That woman is testing my patient.“ Galit niya na turan saka lumabas ng kwarto kaya nagkatinginan kami ni Carla.

“Away na naman ito ng malala.“ Sabi ni Carla na pinaligpit na ako at saka na niya ako niyaya na lumabas na.

Bago ako lumabas ay tinignan ko pa ang buong silid at pakiramdam ko ay napakalungkot talaga ng lugar na ito.

Naabutan namin na nag-aaway na naman ang amo namin at ngayon nga ay tuluyan na nito na pinaalis ang sister-in law niya.

Dito ko nakita kung paano magalit si Gabriel kaya niyaya na muna ako ni Carla na bumalik sa kwarto namin.

Papanhik ako mamaya kapag gising na ang kambal, nag-tetext naman si Angelo kapag gising na ito.

“Napuno na talaga ang boss natin.“ Komento ni Carla kaya napailing na lang ako at napahinga ng malalim.

“Sinabi mo pa pero kawawa ang alaga ko.“ Sabi ko sa kanya kaya napatango lang siya at huminga ng malalim.

“Halika na nga magsimula na tayo ulit magtrabaho.“ Niyaya na ako ni Carla na lumabas muli ng kwarto namin kaya nagpahila na lang ako sa kanya.

Sumapit ang tanghali na hindi bumaba ang kambal dahil bawal sila lumabas utos ng ama nila kaya kahit ako ay walang nagawa.

Hindi ko rin ito pinapansin dahil naiinis ako dito kaya ginagawa ko ay lagi akong nakabuntot kay Carla at ginagawa ko na busy ang sarili ko.

“Okay na ang tanghalian ng mga bata?“ Tanong ko kay Carla kaya tumango siya at inayos ang tray na may laman ng pagkain.

“Tulungan na kita iakyat ito para hindi ka na bumalik.“ Sabi ni Carla kaya tumango ako.

Habang paakyat kami ay siya naman na pagsulpot ni Gabriel kaya nagulat ako at napayuko.

“Ihahatid niyo ba yan sa mga bata?“ Tanong nito na sinagot naman agad ni Carla.

“Ako na nito Carla sige na.“ Sabi nito na kinuha ang dala ni Carla kaya nagulat ito, maging ako ay ganun rin.

“Come on Sonata.“ Sabi nito kaya napasunod ako sa kanya sinenyasan na lang ko ni Carla na bababa na siya kaya tumango ako sa kanya.

“Mag-usap tayo mamaya Sonata!“ Sabi ni Gabriel kaya napahinto ako kaya napatitig siya sa akin at napatango na lang ako.

Ayoko nang dagdagan pa ang galit niya ngayong araw kaya tumango na lang ako sa kanya, saka na ako sumunod papasok sa kwarto ng mga bata.

Iniwan na kami ni Gabriel dahil alam ko na hindi makakain ng maayos ang dalawang bata kung nandito ang daddy nila.

“Kain na kayo wala ang daddy niyo.“ Masaya ko na turan sa dalawa kaya pareho na silang umupo dito sa lamesa.

Pinaghimay ko sila ng isda at maya't maya ay sinusubuan ko si Angelo na naglalambing na naman.

“I wish you are our mom.“ Biglang sabi ni Anthony kaya napatingin ako sa kanya at napangiti.

Sana nga ito ang nasa isip ko dahil sino ba ang hindi gugustuhin na maging anak ang dalawang ito.

“Pwede niyo naman akong maging mama pero wag niyong papalitan ang mommy niyo.“ Sabi ko sa kanya kaya nakita ko ang ngiti ni Anthony na hindi umabot sa mga mata niya.

Sinubo ko na sa kanya ang huling nasa kutsara at bahagyang pinisil ang pisngi nito.

“Mula ngayon hindi ka na namin tatawagin na nanny, mama na po pero kapag tayong tatlo lang.“ Masaya na turan ni Angelo kaya napatawa ako sa sinabi at tumango.

Nang matapos ko na pakainin ang mga bata ay naghugas ako ng kamay dito sa banyo nila at napahinga ako ng malalim.

Naaawa ako sa mga bata dahil lumaki sila na walang ina at ni hindi nga nila gusto na banggitin ang pangalan nito.

Paglabas ko ay nandito na sa kwarto si Gabriel at pinagsasabihan ang dalawang bata na parehong nakayuko kaya napailing na lang ako.

Lumapit ako dito at tinabihan ang dalawang bata kaya tila nakahinga ng maluwag ang dalawa.

“Sa susunod na may gawin pa kayo na ikapapahamak ni Sonata ay pauuwiin ko na siya sa bahay nila at hindi niyo na siya makikita pa.“ Seryoso nito na turan sa dalawa kaya napailing na lang ako.

“Maliwanag ba?“ Tanong nito na may kasama nang pagbabanta sa boses kaya napatitig ako sa kanya na nakatingin rin pala sa akin.

Dapat talaga kaming mag-usap ng lalakeng ito bata pa lang ang mga anak niya pero baka magkaroon na ang dalawa ng sakit puso dahil sa nyerbyos.

“Wag niyo intindihin ang sinabi ng daddy niyo okay.“ Lambing ko na lang sa dalawa na pareho kong hinalikan sa pisngi matapos kong pagsepilyuhin at pinunasan po pareho ang mga basa nila na pisngi.

“Takot pa rin po kami ganyan po magsalita si daddy.“ Sabi ni Angelo na naglalambing na yumakap sa akin kaya napailing na lang ako.

Matapos kong maibaba ang mga pinagkainan ng dalawa ay bumalik ulit ako dito sa taas, nagpaalam ako kay tiya na may pinapagawa ang amo namin na masungit.

Huminga muna ako ng maluwag saka kumatok sa pinto ng kwarto ni Gabriel nang bumukas ito ay agad niya akong hinila papasok.

Pero kasabay nito ay ang paghalik niya sa akin kaya nabigla ako at napaungol na lang sa ginagawa niya.

Mukhang hindi lang paguusap ang gahawin niya kundi ang papakin na rin ang labi ko.

Related chapters

  • The Probinsyana and the Heartless CEO   Chapter eight

    Napahawak ako sa dibdib ni Gabriel at pilit ko siyang tinutulak at hindi ko binubuka ang mga labi ko.Pero malakas siya at nakapinid ako sa pader at pilit pa rin akong lumalaban sa kanya.Napaungol ako ng bigla niyang hawakan ang dibdib ko dahilan para mapaungol ako at maibuka ko ang bibig ko.At wala na akong nagawa kundi ang tugunin na lang ang halik niya at napayakap na lang ako sa kanya.“I miss you babe.“ Pareho kaming humihingal ng bitiwan niya ang labi ko at napadausdos na lang ako habang hawak ang dibdib ko na malakas ang kabog.“Sabi mo mag-uusap lang tayo!“ Inis ko na turan sa kanya sabay palo sa braso niya na ikinatawa niya kaya napailing na lang ako.Akma akong tatayo pero inalalayan niya ako kaya napahinga ako ng malalim.“Mag-usap lang tayo Gabriel pakiusap.“ Pakiusap ko sa kanya kaya napahinga siya ng malalim.“Okay, now sit and we will talk.“ Sabi niya kaya napaupo na lang ako at napahinga ng maluwag.“Gabriel sana wag mo naman pagmalupitan ng ganun ang mga bata.“ Laka

    Last Updated : 2024-11-26
  • The Probinsyana and the Heartless CEO   Chapter nine

    Tumawag ako sa bahay at kinumusta ko ang mga kapatid ko at si nanay, umiiyak na naman ito sa pagka-miss sa akin.“Nay wag ka nang umiyak, magbabakasyon ako diyan promise.“ Sabi ko dito na tumango lang ito at nagpunas pa ng luha.“Siena alagaan mo si nanay at ang mga kapatid mo ha, huwag mo silang paglalaruin ng matagal sa labas.“ Sabi ko sa kapatid ko na tumango at ngumiti lang.“Opo ate kong maganda mababait naman sina Simone at Sirone.“ Sabi niya kaya napangiti ako.“May bigas pa ba kayo? May pera pa ba si nanay?“ Tanong ko mayamaya kaya napangiti ito at sunod-sunid na tumango.“Meron pa ate sobra yong pinadala mo kaya kasya pa iyon hanggang sa isang buwan.“ Sabi niya kaya napahinga na lang ng maluwag.“Ate sino yon?“ Biglang tanong ni Siena kaya napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Gabriel na may kausap sa cellphone niya.Nandito pala ako sa garden at nakaupo ako dito sa lamesa at nakita ko ang boss ko na seryoso sa pakikipag-usap sa telepono.“Boss ko yon may kausap.“ Sagot

    Last Updated : 2024-11-26
  • The Probinsyana and the Heartless CEO   Chapter ten

    Napahinga ako ng malalim bago pumasok sa kwarto ni Gabriel at napatingin sa paligid.Wala naman siya dito pero pinapapunta niya ako dito kaya napakunot ang noo ko.Makalat na naman ang kwarto niya nagkalat ang mga papel at damit niya kaya napanguso na lang ako at isa-isa itong pinulot.Dalawang araw rin akong hindi nakapaglinis dito dahil may mga inasikaso ako, ang passport ko na sekretarya na lang daw ni Gabriel ang kukuha.May tampo pa rin ako nong isang araw pa dahil pinaasa ako na maglilinis ako pero hindi naman, kaya ang siste ay linagtawanan ako nina Carla.Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng banyo kaya napatingin ako dito at nakita ko si Gabriel na lumabas at nakatapis lang ng tuwalya at bagong ligo.Napatalikod ako dahil magkakasala ako kapag tumingin ako sa lalakeng ito na nakahubad at parang wala pang pakialam.“Hi babe.“ Bati niya at naramdaman ko na papalapit siya kaya umatras ako at napapikit.“Huwag kang lumapit diyan ka lang!“ Malakas ko na turan sa kanya kaya n

    Last Updated : 2024-11-26
  • The Probinsyana and the Heartless CEO   Chapter eleven

    Yong kaba ko ay nandito pa rin sa isip ko ang lagi kong nakikita ay ang nangyari sa amin ni Gabriel kanina at lagi itong pumapasok sa isip ko.At rin hindi ako makatulog dahil gising na gising pa rin ako samantalang si Carla ay naghihilik na kaya napabangon ako.Napakamot na ako ng ulo ko at kinuha ko ang panali ng buhok ko at basta ko na lang tinali ang buhok ko at saka tumayo.Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto namin at naglakad papunta sa kusina ng malaking bahay para kumuha ng tubig.Napatingin ako sa loob dahil bukas pa sa kusina sa loob kaya sinilip ko ang screen dahil nakabukas lang ito pero naka-lock naman.Nagulat ako dahil nakita ko si Gabriel na nasa lamesa at parang nagkakape, kinabahan ako dahil baka makita ako nito kaya nagmadali ako na kumuha ng pitsel at baso sa ref at saka ako lumabas agad at muli kong ni-lock ang pinto.Imbes na bumalik ako sa kwarto ay naglakad ako papunta sa garden at nilapag ko ang dala ko sa lamesa at naupo.Napahinga ako ng maluwag at saka napa

    Last Updated : 2024-11-28
  • The Probinsyana and the Heartless CEO   Chapter twelve

    Ilang minuto siguro akong umiiyak lang dito sa garden at napakasakit na nang lalamunan ko dahil ko maihinto ang pag-iyak ko.“Napakasama pala magsalita ng tiya mo Sonata, hindi ako makapaniwala na may ganun siyang ugali!“ Nagulat ako kay Carla na bigla na lang sumulpot at pinatayo ako kaya napayakap ako sa kanya at muli akong umiyak habang nakayakap sa kanya.Nandito na kami sa kwarto namin pero umiiyak pa rin ako kahit pilit akong pinapatahan ni Carla.“Bessy tahan na namamaga na ang mga mata at ang ilong mo mapula na para kang si Rudolf the reindeer.“ Sabi niya na pinupunasan ang mga luha na hindi tumitigil sa pagtulo.“Hiwag mo nang intindihin ang sinabi ng tiya mo, ako hindi ako nagiisip ng ganun alam ko na mahal ka ni Sir Gabriel promise.“ Sabi niya na hindi man lang nakapagpalubag sa damdamin ko.“Totoo naman si-sinabi ni tiya.“ Iyak ko na sabi sa kanya kaya napailing na lang siya.“Hindi Sonata kung mahal mo si Sir Gabriel go girl sumugal ka at saka mo na isipin ang mga susunod

    Last Updated : 2024-11-28
  • The Probinsyana and the Heartless CEO   Chapter thirteen

    Napangiti ako habang tanaw ko ang kambal na naglalaro sa garden at kalaro si Carla na parang bumalik sa pagkabata.Ilang buwan na ang lumipas mula nang mangyari ang araw na iyon pero nandito pa rin ang sama-samang kaba, sakit at hindi ko maipaliwanag na damdamin.Si tiya ay humingi na nang tawad sa akin at mahal niya lang daw ako at ayaw niya akong masaktan kaya nakapagsalita siya ng ganun.Pero pinatawad ko na siya simula pa lang at ayos na kami, hindi naman na siya tutol kung mahal namin ni Gabriel ang isa't isa.Medyo awkward nga lang pero unti-unti ay sinasanay ko na ang sarili ko pero hindi pa rin naman magbabago ang turing ko sa mga kasamahan ko.Napakaswerte ko dahil ni isa kanila ay hindi man lang tumutol at walang problema sa kanila iyon, sabi nga nila ay masaya sila na unti-unti nang nagbabago ang amo nila.Nagagawa na kasing ngumiti ni Gabriel at nakikipag-usap na siya ng maayos sa kmabal na hindi nagagalit at mas madalas na niyang ilagi ang oras niya dito sa mansyon kaysa

    Last Updated : 2024-11-29
  • The Probinsyana and the Heartless CEO   Chapter fourteen

    Namumula pa rin ako habang nakaupo dito sa sofa at nag-iisip kung ano ang pwede kong gawin.Dahil nakaramdam ako ng antok ay pumasok na lang ako sa kwarto ni Gabriel at humiga dito sa kama.Amoy niya ang nandito at malamig kaya napayakap ako sa unan ni Gabriel at napangiti saka ko na pinikit ang mga mata ko.Nagising ako dahil may tila nakayakap na sa akin mula sa likod kaya napahawak ako sa braso ni Gabriel na nakayakap pala sa akin.Gumalaw ako saglit pero hindi ko maikilos ang katawan ko dahil masyadong mahigpit ang yakap ni Gabriel.“You're awake now love?“ Bulong ni Gabriel kaya napatango ako at napahawak sa braso niya.“Uwi na tayo?“ Tanong ko kaya nahinga siya ng malalim at napayakap lalo ng mahigpit sa akin.“Mamaya na kakain muna tayo.“ Bulong niya pero napaharap ako sa kanya at napatitig sa kanya.“Hahanapin tayo ng mga bata at saka nag-promise ako na sa bahay kakain.“ Sabi ko sa kanya na napatawa ng mahina at napatitig sa akin kaya ito na naman ang puso ko na malakas ang ti

    Last Updated : 2024-11-29
  • The Probinsyana and the Heartless CEO   Chapter fifteen

    Laging abala si Gabriel nitong mga nakaraan na araw at lagi itong wala pero hindi naman nakakalimot na kumustahin ako.Tulog na rin ako sa tuwing umuuwi ito kaya hindi na kami nagkakausap, alam ko naman na kailangan siya sa trabaho niya kaya nauunawaan ko naman iyon.Sabado ngayon at walang pasok pero ang kambal ay mayroong piano lesson kaya maaga itong gumising at hinatid na namin ni Kuya Mon ang driver namin.Naisipan ko na dumaan sa grocery para bumili ng mga kailangan sa bahay dahil imbes na si tiya ang bibili ng mga ito ay ako na lang dahil wala naman akong gagawin.“Hintayin na lang kita dito hija.“ Sabi ni Kuya Mon kaya napailing ako at inabutan ko siya ng five hundred para makabili siya ng miryenda niya kaya nagpasalamat ito.Nilabas ko ang listahan ko at nagsimula ako sa can goods, pumunta ako sa section ng mga sardinas dahil nagpapabili ng spanish sardines si Carla.Dinagdagan ko na ito dahil gusto ko rin ito na inuulam, kumuha rin ako ng tuna in can at corn in can.Nawili a

    Last Updated : 2024-11-29

Latest chapter

  • The Probinsyana and the Heartless CEO   Chapter sixty-one

    Napahinga muna ako ng malalim bago ako bumangon.Nagbihis ako at saka ko tinitigan si Gabriel na mahimbing ang tulog.Saka ako lumabas at naglakad sa madilim na pasilyo pababa ng hagdan.Nasa baba na si kuya na hinihintay ako.“Nakatulog na sila lahat, si Kyris at Xanty nasa bodega sila kasama yong babae.“ Sabi nito kaya napatango ako dito.Napatingin ako kina Kyros na nasa sala, mga wala itong malay o mas tamang sabihin na mga nakatulog ito.We put sleeping pills, sa gatas kanina ng mga kapatid ko at kay Olivia.While kuya, Xanty and Kyris and also Leon who knows this too.Sila na ang naglagay ng pampatulog sa iba pa, including my husband na umakyat kanina pero nagawan ko naman ito ng paraan.We need to do that to infiltrate our plan easy.Lumabas kami ni kuya papunta sa bodega hindi naman kalayuan dito sa villa.Imbakan ang bodega ng mga gamit sa villa at storage area rin ng mga pagkain.Nang pumasok kami sa loob ay nasa gitna ang babae, nakaupo sa upuan at nakatali ang katawan.Nan

  • The Probinsyana and the Heartless CEO   Chapter sixty

    Nagulat ako dahil ang kasama ni Xanty at Leon ay ang taong hindi ko inaasahan na nandito.“Kuya Achilles.“ Bulong ko kaya lumapit ako dito yumakap dito ng mahigpit.“You made me worried sick.“ Bulong nito kaya napangiti ako.“Kuya akala ko ba hindi ka muna pupunta dito?“ Tanong ko dito kaya napangisi lang ito.“I need to personally came here because, i want you and your siblings to come home with me.“ Sabi nito kaya nawala ang ngiti sa labi ko.“Mukhang hindi mo pa naintindihan na nandito ang asawa ni Sonata, hindi ako papayag na iuwi mo sila Cortessi!“ Biglang nagsalita si Gabriel kaya masama itong tinignan ni kuya.“Please, pwede ba na pumasok muna tayo sa loob?“ Sabat ko sa dalawa na hinawakan ko ang kamay ni Gabriel.Nang makita ito ni kuya ay napamura ito sa Romanian na lengwahe.Napailing na lang ako dahil talagang galit ito.Nang makapasok kami sa loob ay napatingin ang lahat kay kuya, ang mga kapatid ko ay tumayo sa pagkakaupo mula sa carpet at lumapit kina Olivia at Kyros.“W

  • The Probinsyana and the Heartless CEO   Chapter fifty-nine

    Limang araw ang nakalipas mula nong dumating kami dito sa isla.This island are therapeutic from all of us, maging ako ay kapag natatanaw ko ang kalmadong alon ng karagatan at ang payapang huni ng mga ibon sa kagubatan ay nawawala ang mga iniisip ko.Napakasaya rin ng mga kapatid ko at malaya ang mga ito na nakakapaglibot sa buong isla.Tila ba alam nina Xanty na ito ang kailangan namin, ngayin na buo na ang mga kapatid ko.Makakakilos na sila ng maayos, wala na kasi silang hahanapin pa bukod kay Ramil.Ako naman ay nagtatrabaho pa rin, kahit nandito ako sa Pilipinas i need to work, may mga naiwan ako na trabaho doon.Dapat nakabalik na ako sa trabaho kung natuloy kang kaming umuwi ng Romania, pero dahil sa asawa ko na ayaw kaming umuwi ay wala akong nagawa.Ang mga naiwan ko na trabaho ay siyang pinagtutuunan ko ng pansin sa ngayon.Pero itong asawa ko na hindi na ako iniiwan at laging nasa tabi ko ay laging nangungulit.“Hindi mo naman kailangan na magtrabaho, i can provide for you

  • The Probinsyana and the Heartless CEO   Chapter fifty-eight

    Galit ako kay Gabriel pero, galit rin ako kay Kuya Achilles.Galit na galit ito habang nakikipagpalitan ng maanghang na salita kay Gabriel, at ang asawa ko naman ay tila chill lang.Nawindang ako sa dalawang ito na parehong matigas ang mga ulo.Hindi ko alam kung paano nangyari na sila na ang magkaaway ngayon ng asawa ko.Isang isla na pagmamay-ari ng mga San Gabriel ang lugar na pinagdalhan sa amin ni Gabriel.Hindi ito pumayag na bumalik kami ng Romania, si Kyros ay walang nagawa kundi ang sumama sa amin.Ito pa nga ang nag-report kay kuya na hindi kami matutuloy sa makalawa sa flight namin ng mga kapatid ko.May mga passport na ang mga ito na mabilis lang nagawa ni Kyros.Pero nalaman ni Gabriel na uuwi na kami sa Romania at nag-away kami at ito napilitan ako na sumama dito at ang mga bata.“I know you have all day to mad at me my wife, pero hindi ako papayag na umuwi kayo sa inyo ng ganon lang.“ Sabi nito kaya tinignan ko ito ng masama.“Nakapag-usap naman tayo tungkol dito diba?“

  • The Probinsyana and the Heartless CEO   Chapter fifty-seven

    I saw how Xanty satisfied face, while puting Gustavo in elictric chair.Nanonood lang ako habang humihiyaw ang matandang ito, hindi pa ako nasisiyahan sa nangyayari dahil kulang pa ito sa mga kasamaan na ginawa nito.While Crisanta is in isolation room, pinalagyan ni Xanty ng mga ahas at daga ang kwarto na malayang gumagapang sa loob.This is what they do to my wife before, ang lagyan ng mga hayop sa silid na pinagkulungan nito sa asawa ko.I remember how my wife is trembling while shouting, sinabi nitong lahat ang mga ginawa ng babaeng ito sa kay Sonata.Kung paanong sa loob ng dalawang buwan ay ginawa nilang impyerno ang buhay ng asawa ko.They killed our son too, at wala akong ibang hinangad kundi ang iparamdam rin sa kanila ang ginawa ng mga ito kay Sonata.“It's been a while since i torture human being.“ Nakangisi na turan ni Xerxes na nasa tabi ko.Napailing lang ako dito at napaupo na lang, hinilot ko ang kaliwa kong binti dahil nakaramdam ito ng pamamanhid.“Do you think na ma

  • The Probinsyana and the Heartless CEO   Chapter fifty-six

    Kinabukasan ay kasama na namin si Sirone na umuwi, malungkot ito dahil naghiwalay sila ng mga naging kaibigan na nito.Ang ilan sa mga ito ay kinuha na ng mga pamilya ng mga ito na matagal na silang hinahanap, including Lian na ayaw sumama sa ama nito.I saw how she struggle in his fathers grip, binantaan ko pa nga ito na kapag may nangyaring masama ulit sa anak nito ay ako na ang kukuha dito.Nakita ko kung paano ito mapakunot ng noo at matapang na nagtanong kung sino ako.When Xanty told the man who am i, bigla itong natigilan.Sinabi ba naman ni Xanty dito ang buong kong pangalan, it was Sonata Ryme Cortessi Rosenthal San Diego.“Nakakatawa yong mukha kanina nong Seymore, maging ako ay hindi makapaniwala na ikaw ang nag-iisang prinsesa ng mga Cortessi.“ Narinig ko sa headphone ang boses ni Leon.“Kahit ako rin nagulat sa sinabi ni Xanty.“ Wala sa loob ko na sabi dito kaya tumawa lang si Xanty na nasa kabilang linya rin.“Kung hindi kita pinakilala sa taong iyon ay baka, pinaglalama

  • The Probinsyana and the Heartless CEO   Chapter fifty-five

    Agad kaming pumunta sa hospital kung nasaan si Sirone, at nakaabang na sa amin si Xanty at isa pa na lalaki na nakasalamin.“Where is he?“ Tanong ko dito kaya inalalayan ako ni Xanty na makapasok sa loob.Naiwan namin sa bahay sina Gabriel, at si Kyros lang ang kasama ko.Ayaw pumayag kanina ni Gabriel pero nakiusap ako dito na kami na lang ang babyahe ni Kyros.Isang pribadong kwarto ang pinasukan namin at agad akong napalapit sa isang batang lalaki na nakahiga dito at walang malay.“Sirone, ang kapatid ko.“ Bulong ko sabay yakap dito.“Buti na lang naabutan namin yong barko na magdadala sa kanila sa Davao, diretso sila ng Sulu at papunta ng Malaysia.“ Kwento ng lalaki na nagpakilala na si Leon at kaibigan rin nina Gabriel.“Kung nahuli pa kami ng ilang minuto ay baka hindi na namin sila naabutan, pero pwede kaming mauna sa Davao para mag-abang doon pero hindi namin alam kung idadaong pa sila doon.“ Sabi naman ni Xanty na nakaupo sa sofa na nandito sa kwarto kaya napatingin ako dito.

  • The Probinsyana and the Heartless CEO   Chapter fifty-four

    Kabado ako dahil ngayong araw darating ang kambal na dito na rin pala pina-diretso ni Gabriel.Sinabi na rin namin kina Samuel na uuwi na rin ang kambal, si Selia ay agad na naalala si Anthony at Angelo at umiyak pa ito kanina.Naalala ko ang sinabi ko kay Gabriel kasama sa mga sinabi sa akin noon ni Alina.Ang kambal ay hindi totoo ang edad na binigay niya kay Gabriel noon.Bago pala gawin ni Crisanta at Rhodora ang pag-setup noon kay Gabriel at Alina ay buntis na ito.So ang totoong edad at birth certificate ng kambal ay mas matanda sila ng isang taon kaysa sa oras na akala ni Gabriel ay nabuntis niya ang babae.Wala talagang nangyari sa dalawa noon nakatulog si Gabriel at hindi ginawa ni Alina ang utos ni Crisanta noon.Isang taon ang tanda ng kambal kay Selia, at hindi ang kapatid ko ang mas matanda sa kambal.Peke rin ang pinagawang birth certificate ni Gustavo noon sa kambal, basically ginawan nila ng pekeng pagkakakilanlan ang kambal para accurate ito kay Gabriel.“Excited ka n

  • The Probinsyana and the Heartless CEO   Chapter fifty-three

    Bigong mahanap nina Xanty si Sirone, ang mga taong may hawak o umampon raw dito ay wala na sa lugar na sinabi ng impormant nila.Sa ngayon ay hinahanap pa rin nila kung na saan ang pamilyang may hawak sa kapatid ko.Naging maayos ang mga nakaraan namin na araw, hindi na awkward sa isa't isa si Olivia at ang asawa ko.Magaan na rin ang pakikitungo nila sa isa't isa, yon nga lang ay si Kyros ang problema.Talaga ngang may gusto ang lalaki dito pero harapan itong sinabihan ni Olivia na wala itong panahon sa pakikipag-boyfriend.Abala ito sa trabaho nito at sa mga kapatid ko, napapatawa pa rin ako dahil alam ko na nasaktan si Kyros sa sinabi nito.But that man is serious of courting Olivia kaya napailing na lang ako.While preparing our dinner tonight, tumawag si Kuya Achiles kaya kinabahan ako.Hindi ito basta tatawag ng walang magandang balita, almost one week since we found Samuel and Siena.Bukas ay pwede na namin dalhin sa ospital si Siena para ipatingin sa ophthalmologis ang mga mat

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status