Tamang-tama naman na natapos kaming magluto ng tanghalian ay nagising na si Gabriel at sinalubong ko siya na agad naman akong niyakap at hinalikan sa noo.“Nagising ako na wala ka.“ Buling niya kaya napangiti ako.“Nagluto po kasi kami ng masarap na tanghalian kaya halika na at makakain na tayo.“ Sabi ko sa kanya na tumango lang at ngumiti.Pumasok na rin ang kambal dito sa hapag-kainan at binati ang ama nila kaya napangiti ako lalo.“Hows your lesson?“ Tanong ni Gabriel sa kambal na agad naman sinagot ni Angelo at may natutunan raw sila at mamaya ay ipaparinig sa amin.“Umupo na kayo manang, Carla tawagin niyo na rin ang iba para makakain na tayo ng sabay-sabay.“ Nagkatinginan kami ni tiya kaya agad itong tumango at pinatawa kay Carla ang iba pa.Nag-dagdag na sila ng plato kaya napangiti ako at masaya dahil maganda ang mood ni Gabriel.Alam ko na naninibago pa rin ang lahat sa kanya pero masaya sila na nagbago na talaga ang ugali ng kanilang masungit na amo.Masaya kaming nananghali
Ito ang araw na magbabakasyon kami ni Gabriel na wala ang kambal, kaming dalawa lang.Alas-kwatro i medya pa lang ng madaling araw ay gising na ako dahil maaga raw kaming aalis.Kagabi ay inayos ko na ang mga gamit ni Gabriel at nailagay ko na ito sa maleta, nangungulit pa rin ang kambal hanggang kagabi pero kinausap ito ng ama kaya nagtaka ako dahil hindi na nga ito nangulit at panay na lang bilin na mag-ingat kami.Hindi ko alam kung ano ang sinabi ni Gabriel sa mga anak niya para hindi mangulit na sumama sa amin pero nakahinga pa rin ako ng maluwag kahit papano.Hindi sa pagiging makasarli pero gusto ko rin na makasama si Gabriel nang kaming dalawa lang.Nag-eempake na ako ng dadalhin ko nang pumasok si Carla na tila mas excited pa sa amin kaya napailing ako.Ngayon na lang ako nag-empake dahil nakaayos naman na ito at ilalagay na lang sa maleta ko.“Dalhin mo yong binili natin na swimsuit mo ha.“ Paalala niya nang umupo sa sahig at tinulungan ako pero alam ko na titignan lang niya
Ang mga kaibigan pala ni Gabriel ang dumating at pumunta sila para kumustahin ako kaya napangiti ako.May dala ang mga ito ng prutas at ice cream kaya nagpasalamat ako sa mga ito, ang sweet naman pala nila kahit mukhang nakakatakot pero may concern.Nasa tabi lang ng condo na tinutuluyan namin ang tinutuluyan rin nila kaya napangiti na lang ako.Hindi naman na sila nagtagal dahil magpapahinga raw muna ang mga ito, mukhang nagmasyal na sila kanina.Nakangiti kong binuksan ang mga plastic at natakam ako at nakangiti na napatingin kay Gabriel na nakahalukipkip.Mukhang may sumpong na naman ang nobyo ko.“Wow! May langka pa at mangga.“ Sabi ko habang binubuksan ko ang basket.“I can buy you that too.“ Parinig ni Gabriel kaya napatingin ako sa kanya at napatawa ako dahil nakasimangot pa rin ito.“Gutom ka na ba? Wait may hindi pa ako nabuksan na styro kanina na ulam at kanin iinitin ko lang.“ Sabi ko sa kanya na nakangiti na dahil hinalikan ko muna siya sa pisngi.“Sigurado ka na maayos na
Nakangiti ako habang magkahawak kamay kami na naglalakad dito sa dalampasigan ni Gabriel. Pagkakain namin ay inaya ko siya na maglakad-lakad kami dahil marami akong nakain. Walang gaanong tao kaya solo namin ang lugar at tahimik lang ito pero alam ko na napakasaya nito. Naalala ko ang babae kanina kaya napailing na lang ako, kahit sinabi ni Gabriel na that woman is nothing ay hindi ko pa rin maiwasan na hindi mag-alala. “Are you okay babe?“ Biglang tanong ni Gabriel kaya napatingala ako sa kanya at napangiti saka naglakad muli. Napangiti ako at namulot ng mga shell kaya nawili ako at si Gabriel ay nakangiti lang habang nakasunod sa akin. Ginawa kong lalagyan ng mga shell ang baso ng kape na hawak niya kanina na ubos na ang laman at hinugasan ko lang sa tubig ng dagat. Hawak niya ito at hinayaan niya lang ako. Para lang sa bata ito pero natutuwa kasi ako na-miss ko rin sa probinsya namin na malapit sa tabing-dagat at ito ang libangan ko kapag nakauwi na ako sa eskwela noon. “P
Nagising ako na mahigpit na nakayakap sa akin si Gabriel kaya napangiti ako at napasiksik dito.Malamig ang aircon pero mainit ang katawan ni Gabriel na nakahubad baro pa kaya napangiti ako.Wala naman nangyari sa amin kagabi pero tila namamaga ang labi ko sa panggigigil nito kaya napahawak ako sa labi ko.Napangiti ako at lalo kong siniksik ang katawan ko kay Gabriel.Oo nga pala ito ang huling araw namin dito at medyo nalungkot ako dahil babalik na naman kami sa dati kapag umuwi na kami.Magiging abala na naman siya sa kumpanya niya at ako sa pag-aaral at syempre hindi naman ako nagrereklamo dahil nga alam ko na mahalaga sa kanya ang trabaho niya.“Good morning my baby.“ Bulong ni Gabriel na nagising na kaya napangiti ako.“Babalik na tayo sa Manila.“ Bulong ko kaya napatawa siya ng mahina.Masaya ako kahit uuwi na kami ni Gabriel at gusto ko na rin makita ang kambal na alam ko excited na rin sa pag-uwi namin.Magkahawak kamay kami ni Gabriel habang naglalakad palabas ng airport, hi
Habang nasa klase ako ay hindi ko maiwasan na hindi isipin yong nangyari kanina.Kapag nakita ni Gabriel ang pasa ko ay sigurado ako na magagalit iyon.Masyado pa naman iyong paranoid kahit kaunting pasa nga lang sa balat ko ay natataranta na ito.Paano pa kaya itong pasa ko kaya nahinga na lang ako ng maluwag.Nang tumunog ang bell ay saka na tumayo ang professor namin at pinapasa na ang pinagawa nitong short essay kaya pinasa ko na ito sa kaklase ko na siyang kumolekta ng mga papel namin.Inayos ko na rin ang mga gamit ko dahil uwian na rin at ito na ang huling klase namin.Dahil mukhang uulan at mahangin sa labas ay kinuha ko ang jacket ko na nasa bag ko at sinuot ko ito saka na ako lumabas ng room namin.Habang papunta ako sa gate ay nakasalubong ko si Bryan na bahagyang ngumiti kaya ngumiti rin ako at nagpatuloy na sa paglabas.Naghihintay na sa labas si Gabriel kaya napahinga muna ako ng malalim saka ako pumasok sa kotse nito.“Hi babe how are you?“ Tanong nito kaya umusog ako d
Maaga akong nagising dahil ngayong araw na kami uuwi sa amin.Tulog pa si Gabriel pero alam ko na magigising na rin ito dahil mararamdaman nito na wala na ako sa tabi nito.Naghilamos lang ako at saka nagbihis ng pambahay.Bumaba na ako para magtimpla ng kape at iaakyat ko ulit dahil aayusin ko pa ang gamit na dadalhin ko.Nakaayos na rin naman ang mga pasalubong namin kina nanay.Nang bumalik ako sa kwarto namin ay gising na si Gabriel na nagpu-push up habang nakahubad baro.“Good morning mahal.“ Bati nito kaya napangiti ako at binati rin ito at nilapag ang dala kong tasa na may kape sa mesita ko.Kinuha ko ang duppel bag ni Gabriel at pumasok sa walk in closet nito.Dahil isang linggo kami sa bahay namin ay magdadala ako ng mga damit nito, anim na t-shirt at tatlong cargo pants at ang underwear nito at ang panligo na damit.Naglagay rin ako ng aftershave, shampoo at sabon nito, pati ang toothbrush naming dalawa.Nilabas ko na ang bag na dala ko at nakita ko na nagpupunas na ng pawis
Nagising ako ng maaga at wala na rin si nanay kaya alam ko na abala na iyon sa kusina.Sina Carla at ang mga bata ay mahimbing pa ang tulog kaya nagdahan-dahan lang ako sa pagbihis ng pambahay at saka na ako lumabas.Sa baba na lang ako maghilamos para hindi sila maistorbo.Pagbaba ko ay nakaayos na ang hinigaan ni Gabriel at Pierre sa sala pero si Pierre ay mahimbing pa ang tulog sa sofa namin na halos hindi magkasya ang katawan nito.Nakarinig ako ng masayang nag-uusap sa kusina kaya napangiti ako at naabutan ko si nanay at Gabriel na magkatulong sa niluluto nitong agahan.Alas-sais na ng umaga kaya alam ko na ganitong oras talaga nagigising si Gabriel.“Hows Sonata i mean, nong lumalaki siya?“ Ito ang narinig ko na tanong ni Gabriel kay nanay na napatawa at tila nag-isip.“Si Sonata napakabait na bata wala yata akong naalala na nagpasaway siya sa amin ng tatay niya.“ Sabi ni nanay kaya nakita ko ang pagngiti nito.“Pero alam mo kapag sa eskwelahan siya nako tagapagtanggol siya ng m
Si lola naman ay sinaway si lolo na agad na nilapitan ni mama, niyakap nito si lola at hinalikan sa pisngi."Apo ko, kumusta ka at ang baby mo?" Tanong ni lola kaya agad akong lumapit dito, at saka yumakap at humalik sa pisngi nito.Saka naman ako lumapit kay lolo na agad ko itong niyakap at hinalikan din sa magkabilang pisngi."My princess, how's your feeling?" Tanong nito kaya agad ko naman itong sinagot at saka ako lumapit kay Gabriel at saka ako napatitig kay lolo."Lolo, meet my husband. Gabriel San Diego." Sabi ko kay lolo na agad naman na napatingin kay Gabriel.Binigay nito ang kamay niya kay Gabriel na agad naman kinuha ni Gabriel, pero niyakap ito ni lolo na ikinangiti ko na lang.Si lola rin ay niyakap si Gabriel, at saka ito humingi ng pasensya sa inasta ni lolo kanina."Magkano ang kinikita ng mga negosyo mo sa isang taon Gabriel?" Biglang tanong ni lolo sa asawa ko."Enough to build my wife and our child a beautiful castle, and i can provide them a better life until we g
Samuel is nervous while we are here in the elevator.Nang sabihin namin dito kanina ang tungkol kay Simone ay nagulat ito at hindi makapaniwala.Pero kita ko ang kasiyahan sa mukha nito."Kinakabahan ako ate." Bulong nito kaya hinawakan ko ang kamay nito at napatitig kay Gabriel."Okay lang yan Sam, ganyan rin ang ate mo nong unang beses namin na puntahan si Simone." Sabi ni Kyros na kasama namin ngayon."Excited po ako na kinakabahan, makikita ko na rin sa wakas si Simone." Sabi ni Samuel kaya napangiti na lang ako.Nang makarating kami sa kwarto ni Simone ay tulog pa ito, pero si Samuel ay hindi napigilan na lapitan ang kapatid at niyakap niya ito.Umiiyak ito at dahil dito nagising si Simone."Kilala mo ba ako? Ako ito ang Kuya Samuel mo." Umiiyak na sabi nito sa kapatid na agad naman na tumango at umiyak na rin.Simone recognize him, pero hindi ito makapagsalita at naunawaan agad ito ni Samuel."Magpagaling ka okay, para sa birthday niyo ni Sirone ay makauwi ka na at tiyak ako na
Both Gabriel and Gael didn't said anything, when my father told them everything.Si kuya ay wala ring imik, pero si papa ay sinubukan niya naman na ipaliwanag ang lahat kung bakit ginawa iyon ni Gallard San Diego.I know na ginagawa lang ito ni papa para maunawaan ito ng magkapatid.I don't know what to say either, dahil nasasaktan ako para sa magkapatid.Lalo na si Gabriel, he never saw his mom mula nong sanggol pa lang ito.Ang kinilala nitong ina ay ang mayordoma nila na nagpalaki dito.And what about Gael? He still young that time too. Naiisip ko pa lang kung ano ang naging impact nito sa kanila ay masasabi ko hindi nila deserve ang ganitong buhay.Lumaki silang salat sa pagmamahal ng isang ina, walang mga magulang na gumabay sa kanila.Gustavo abuse them, when they were young. Pinalaki sila nito sa masamang tahanan.“To be honest kung ako ang tatanungin, they are the worst parents i ever met. To think that Natalia, my wife has worst parents, but them nah, kung ako ang masusunod i
Dumating si Gael kasama ang pamilya nito, he has three child. Two boys seven years old and a three years old and the youngest is four months old baby girl.His wife is pretty and kind. Unang kita ko pa lang dito ay alam ko na napakabuti ng puso nito.She is kinda shy type of a woman, and five year younger than Gael, half pilipina and a half australian.Matatas rin itong magtagalog at kitang-kita ko ang pagmamahal ni Gael dito.And i remember while looking at this family, do i really need to tell to Gael that he is the real father of the twins?And i have my answer already too, i don't want to break this family apart.Tama na yong alam lang nito na anak ni Gustavo at Alina ang kambal, at si Gabriel ang kilala ng kambal na ama ng mga bata.My parents wellcome them with a warm heart, and also my whole family.Nakita ko na masaya ang pamilya na binuo ni Gael, and Gabriel said that he deserve it more than anyone else.His sacrifice is shown in the past years, kaya naman ayoko nang sirain p
Nagising ako na wala dito sa tabi ko si Gabriel kaya napabangon ako.Nakita ko ito sa sofa nakaupo at hawak ang laptop nito at may ginagawa.Oo nga pala umaga sa Pilipinas at may trabaho ito, tumayo ako kaya napatingin ito sa akin.“Nakatulog ka na ba?“ Tanong ko dito kaya pinaupo ako nito sa tabi nito.Malamig ang kwarto kaya sumukob ako sa kumot nito at napasandal dito.“I was talking to Gael if they can come here, together with his wife and child.“ Sabi nito kaya napatango lang ako dito.Nang mag-reply si Gael ay umuo ito agad at ihahanda ang ticket ng pamilya nito agad.“I told him about our son. He feel so sorry at the same time guilty too, but i told him that it's okay.“ Sabi nito sa akin kaya napatango ako dito.“So we can let him rest now?“ Tanong ko dito kaya napatango ito.“Napag-isip isip ko na kailangan na talaga natin siyang pakawalan, it was hard but we need to do this babe.“ Bulong nito kaya napayakap ako dito at naalala ko na hindi ko pa dito nasasabi ang tungkol sa pa
Awkward ito ang tamang salita sa mga sandaling ito.Si papa ay seryoso lang na nakatitig kay Gabriel, katabi ko ito na nakaupo sa harap nila ni mama.“Nice to meet you, Mr. Cortessi and Mrs. Cortessi.“ Nagsalita si Gabriel at binati nito ang mga magulang ko.Ang boses nito ay matatag at walang halong kaba, mukhang pinaghandaan ito ng mabuti ni Gabriel.“Nice to meet you too, San Diego.“ Sabi naman ni papa pero siniko ito ni mama na nakangiti sa asawa ko.“It's nice to finally meet you hijo, i am glad that you come here already. We really want to meet you.“ Sabi ni mama na nakangiti kaya napangiti na lang ako.Mama is always our sunshine, she always want us to have this kind of light conversation.“I am planning po, but when ypu personally called me i never had a second thought.“ Sabi ni Gabriel kaya nagulat ako sa sinabi nito at napatingin kay mama.“Honey you called him?“ Nakakunot ang noo na tanong ni papa kay mama, pero sinenyasan ito ni mama na manahimik muna.“Yes, ano pa nga ba
Napaiyak ako habang nakatingin kay Gabriel habang nagpipilit pa rin ito na lumapit sa akin.Nauna nang pumasok sa eroplano ang mga kapatid ko kasama si Kyros at Olivia.Hawak ni Xanty at Leon si Gabriel at nagpipilit talaga ito na lapitan ako.Pumayag man ito na umalis kami pero kanina ay nagbago ang isip nito, baka daw hindi na kami makabalik dito.Pero nangako ako dito na kung sakali man na pumayag sina mama ay sumunod sila agad sa Romania.Kahit naman ganon ay takot pa rin ang mga ito na baka hindi na kami magkita pa.“Tara na Sonata.“ Inakay na ako ni kuya kaya nagpaakay na ako dito.Gusto ko na sumunod si Gabriel sa amin ito naman ang sinabi ko dito pero matigas ang ulo nito.Ayaw akong pauwiin sa Romania, kapag daw kasi umuwi ako ay baka hindi na kami magkita pa.Hindi naman iyon mangyayari kaya nagkasagutan kami.mismo ang nagsabi na baka hindi ko na ito maabutan kung magtatagal pa ako dito sa Pilipinas.Minsan ang hirap mag-isip ng tama, pwede naman kasi silang sumunod sa amin
Nagising ako na masakit ang ulo ko kaya napatingin ako sa tabi ko pero wala dito ang asawa ko.Nakita ko ang orasan at alas singko pa lang ng madaling araw.Nakarinig ako ng katok na tila nagmamadali kaya agad akong bumangon.“Gabriel, wala dito sina Sonata.“ Sabi ni Kyros kaya napakunot noo ako.“What do you mean by that?“ Tanong ko kaya pinasunod ako nito agad pababa.Then Iñigo, Takeshi and Olivia are here in the sala, while Kyris is like a child in the sofa.“They put something in our drink, lumuwas sila sa Manila at sabi ni Kyris ay alam na nila kung nasaan si Ramil!“ Biglang sabi ni Kyros kaya napamura ako ng malakas.“Xanty, Leon, Achilles, and the woman and also Sonata, Siena and Samuel are not here!“ Sabi naman ni Olivia kaya lalo akong napamura at napatingin ako kay Kyris.Alam nito ang ginawa nina Sonata, ang asawa ko na basta na lang nagdesisyon ng ganito.“Ibig sabihin si Miriam ay hindi ang babae na kasama natin ng ilang araw?“ Tanong ni Olivia matapos sabihin ni Kyris n
Napahinga muna ako ng malalim bago ako bumangon.Nagbihis ako at saka ko tinitigan si Gabriel na mahimbing ang tulog.Saka ako lumabas at naglakad sa madilim na pasilyo pababa ng hagdan.Nasa baba na si kuya na hinihintay ako.“Nakatulog na sila lahat, si Kyris at Xanty nasa bodega sila kasama yong babae.“ Sabi nito kaya napatango ako dito.Napatingin ako kina Kyros na nasa sala, mga wala itong malay o mas tamang sabihin na mga nakatulog ito.We put sleeping pills, sa gatas kanina ng mga kapatid ko at kay Olivia.While kuya, Xanty and Kyris and also Leon who knows this too.Sila na ang naglagay ng pampatulog sa iba pa, including my husband na umakyat kanina pero nagawan ko naman ito ng paraan.We need to do that to infiltrate our plan easy.Lumabas kami ni kuya papunta sa bodega hindi naman kalayuan dito sa villa.Imbakan ang bodega ng mga gamit sa villa at storage area rin ng mga pagkain.Nang pumasok kami sa loob ay nasa gitna ang babae, nakaupo sa upuan at nakatali ang katawan.Nan