Nagising ako bigla at napaunat at napamulat bigla ng maalala ko na nandito pala ako sa opisina ng boss ko.
Napatingin ako sa paligid at nagulat ako na kama na ang kinahihigaan ko kaya napabangon ako. Anong ginagawa ko dito? Ito agad ang tanong ko sa sarili ko at napatingin ako sa paligid ulit. Nagulat ako ng bumukas ang pinto at nakita ko agad si Sir Gabriel na nakatingin sa akin. "Gising ka na pala." Sambit niya kaya napatingin ako sa kanya at umupo sa gilid ng kama ko. "Pasensya na po at nakatulog ako." Bulong ko agad at napahawak ako ng mahigpit sa kama. "Bumangon ka na para makakain na tayo ng tanghalian." Sabi niya kaya napatingala ako sa kanya at tumango na lang kahit nagtataka pa rin ako. Lumabas na siya ng silid at bumangon na malamig kaya napahawak ako sa braso ko. Isang pinto ang nakita ko at marahil ay ito ang banyo kaya lumapit ako dito at binuksan ko. Banyo nga ito kaya pumasok ako at napakabango amoy lalake, amoy ng gwapo kong amo kaya napangiti ako. Umihi lang ako at nagsabon ng kamay ko at inayos ko ang pagkakapusod ng buhok ko at naghilamos. Inamoy ko muna ang towel na nakasabit dito at dahil mabango ay ito na lang ang ginawa kong pamunas ng mukha ko. Huminga muna ako ng maluwag saka lumabas ng banyo at diretso sa pinto at lumabas ako. Nagulat ako ng opisina pa rin pala ito ng boss ko at nakita ko siya na may inaayos sa lamesa. Mangha ako dahil may kwarto rin pala dito sa opisina niya. Napatingin siya sa akin at sinenyasan ako na lumapit kaya lumapit ako. "Tara na kumain na tayo." Sabi niya kaya napatingin ako sa mga pagkain na nakahain sa lamesa. Tila nagutom ako bigla ng makita ko ang masasarap na nakahain napatingin ako sa amo ko ng paupuin niya ako kaya umupo na ako. "Sir pasensya na po nakatulog ako inabot pala ng ilang oras ang tulog ko." Paghingi ko ng pasensya sa kanya kaya napatingin siya sa akin. "Sige na ayos lang kumain ka na." Sabi niya kaya kumuha na ako ng pagkain. Humigop muna ako ng umuusok na sabaw at napangiti ako dahil napakasarap nito. Nagsimula na rin kumain ang amo ko tahimik lang ito kaya kumain na rin ako ng tahimik. Grabe ang sarap ng mga pagkain at nabusog ako sobra may desert pa na gelato ice cream. "Salamat sa pag-aayos mo ng mga papeles ko at paglinis ng buong opisina." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya at napangiti. "Ayos lang po sir magulo po kase masyado baka hindi ka nakakapagtrabaho ng maayos sa kalat." Sabi ko sa kanya kaya napatango siya at bahagyang ngumiti. Tila may mga paro-paro na nagsiliparan sa harap ko at mga kumikintab na bagay ng ngumiti siya. Napahawak ako sa puso ko ng malakas rin itong kumabog kaya napatanga lang ako sa kanya. "Sumama ka na sa akin na sunduin ang mga anak ko mamaya." Sabi niya mayamaya kaya napatingin ulit ako sa kanya at tumango ako. Niligpit ko na ang mga pinagkainan namin at hinugasan ko na ang pinagkainan namin. May kwarto, may banyo at may maliit na kusina pa dito na siya marahil natutulog kapag maraming trabaho. Kaya pala minsan ay hindi na ito umuuwi sa mansyon. Naalala ko pala sina Carla sigurado ako na bobombahin ako ng mga iyon ng tanong kaya napahinga na lang ako ng malalim. Sumilip muna ako sa labas dahil nandito pa ang amo ko dahil naiilang pa rin ako sa kanya. "Anong ginagawa mo diyan?" Nagulat ako ng nasa harap ko na pala ang amo kaya nagulat ako at napaupo kaya napahawak ako sa balakang ko dahil sumakit ito. "Sir naman eh nakakagulat ka naman." Nasabi ko bigla kaya nagulat ako sa sinabi ko at napatakip ng bibig at tumingala sa kanya. "Kasalanan mo yan para kang may kasalanan na nakadungaw diyan." Sabi niya saka binigay sa akin ang kamay niya para makatayo ako. "Halika na tumayo ka diyan." Sabi niya ulit kaya tinanggap ko na lang ang kamay niya. Nagulat pa ako sa mainit niyang kamay at hindi ako makapaniwala na mahahawakan ko ang kamay niya. "Salamat po sir." Mahina kong turan sa kanya kaya akma ko na ulit hihilahin ang kamay ko sa kanya pero ayaw niyang bitiwan. "You know i don't know why i am feeling this right now." Mahina niyang turan kaya napatitig ako sa kanya na nagtataka. "Alin po sir?" Tanong ko sa kanya bigla habang nakatingala ako sa kanya. "This feeling..." Hindi na niya tinapos ang sasabihin niya at bigla na lang akong kinabig at naramdaman ko na lang na dumampi na ang labi niya sa labi ko. Sa gulat ko ay hindi ako agad nakakilos dahil sa ginawa niya at gulat na gulat pa rin. "Open your mouth baby." Bulong niya saka ako muling hinalikan. Dito ay wala sa loob na binuka ko ang bibig ko at naramdaman ko ang lalong paghigpit ng yakap niya sa akin. Hindi ako makapaniwala na hinahalikan ako ngayon ng amo ko at hindi man lang ako nakaramdam ng takot bagkus ay para akong dinuduyan sa napakalambing na paraan ng paghalik niya. Pareho kaming humihingal habang magkadikit ang mga noo namin nakahawak pa rin sa leeg niya ang kamay ko at napakalakas ng tibok ng puso ko. "I'm not sorry for kissing you Sonata." Bulong niya kaya napatingala ako sa kanya dahil masyado siyang mataas kaysa sa akin. "Ayos lang po sir pasensya na." Bulong ko kaya napatitig rin siya sa akin. "Bakit ka humihingi ng sorry?" Tanong niya kaya kinabahan ako at napalunok. "Hindi ako marunong humalik." Mahina ko na turan sa kanya kaya mahina siyang napatawa. "I will teach you how baby." Bulong niya kaya lalo naman lumakas ang tibok ng puso ko. Nandito ako sa banyo at nahihiya talaga ako na lumabas kanina ay naranasan ko ang napakasarap na halik ng amo ko at hindi ko maiwasan na hindi matakot. Biglaan lang ang mga nangyari at paulit-ulit ko pa rin na kinukurot ang braso ko dahil baka panaginip lang ito pero totoo dahil nasasaktan ako. Inayos ko ang damit ko at inayos ko rin ang buhok ko at napatitig ako sa salamin. Namumula ang pisngi ko at namamaga ang labi ko dahil sa ilang minuto yata na pinanggigilan ni Sir Gabriel ang mga ito. Napahawak na lang ako sa pisngi ko at napahinga ng malalim. Napapitlag ako ng bigla na lang bumukas ang banyo at pumasok ang amo ko. "Why took you so long?" Tanong nito kaya napatitig ako sa kanya at napalunok. "Pasensya na sir." Mahina ko na turan sa kanya kaya lumapit siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko. Napatitig ako sa kanya at lalo akong kinabahan lalo na ng haplusin niya ang labi ko na namamaga. "This lips is only mine." Bulong niya kaya napalunok ako at lalo akong kinabahan. "Masakit po." Mahina ko na turan kaya napatingin siya sa akin. "I'm sorry baby." Mahina niyang turan kaya kinabig niya ako at niyakap kaya napaiyak ako. Napayakap ako sa kanya at hinayaan niya lang ako na umiyak ng umiyak bago kase sa akin ito. Ang pakiramdam na ganito at ang kilos ni Sir Gabriel na malambing at hinayaan lang ako na umiyak ng umiyak. Nakaupo lang ako dito habang may kausap sa telepono si Sir Gabriel at patingin-tingin lang sa akin. Napapayuko na lang ako dahil nahihiya pa rin ako sa kanya napahawak na lang ako sa kamay ko ng mahigpit. Kinuha ko na lang ang magazine na nakalagay dito sa lamesa at nagbasa-basa na lang. Mangha kong tinitigan ang magazine at nandito pala si Sir Gabriel siya ang cover issue ng magazine na ito at napakagwapo niya dito kahit hindi siya nalangiti. Nabasa ko dito na sa edad dalawang pu't limang taong gulang ay magaling na siya sa pagnenegosyo at nagmana na siya ng isang buong kumpanya. Matalino, Mayaman, Masipag at Gwapo ito ang mga katangian na nakapaloob sa kanya kaya naman maraming babae ang nagkakagusto sa kanya kaya napasimangot ako. May mga model na na-link sa kanya dahil umaatend siya sa mga sosyal na party ng mayayaman sa ibang bansa. Walang-wala ako kumpara sa mga babae na nandito sa litrato na kasama niya na nakuhanan ng picture. Inis ko itong pinitik at lalo akong napasimangot lalo na ng makita ko ang babae na nakahawak sa braso nito. Ang ganda nito at model at sikat na sikat kilala ko ito dahil madalas siyang pag-usapan ni Carla at Ate Yoly. "Bakit ka nakasimangot?" Nagulat ako ng magsalita si Sir Gabriel na nasa tabi ko na pala. "You're reading this magazine uh." Sabi niya at kinuha ito sa akin ayaw ko pa itong bitiwan dahil naiinis pa ako. "Bitaw nagbabasa pa ako." Seryoso ko na turan sa kanya kaya napatitig siya at napangiti at hinawakan na ang kamay ko at bigla akong hinalikan kaya nabitiwan ko ang magazine. "Don't worry kahit magaganda itong nasa tabi ko ay ikaw pa lang pinakamaganda na nakita ko sweetheart." Sabi niya saka ako hinalikan ulit at ang puso ko literal na dumagundong na naman sa kaba. "Nagbibiro ka lang walang-wala ako sa mga babaeng yan." Mayamaya ko na sabi sa kanya kaya tumawa siya ng mahina. Napatanga na lang ako sa kanya dahil hindi ako makapaniwala na makikita ko na tumatawa siya at parang gusto ko na ulit na magpabihag sa kanyang mga braso.Hindi talaga ako makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari sa buhay ko dahil lang sa isang halik ay nawalan na akong makatakas sa ganitong sitwasyon. Napahawak pa ako sa labi ko na pakiramdam ko ay namamaga na dahil hindi ito tinigilan na halikan ni sir ay mali pala Gabriel ito ang gusto niyang itawag ko sa kanya. Hindi na sir o boss basta tawagin ko na lang raw siya sa pangalan niya na kahit malaki ang tanda niya sa akin ay gora lang. Oo nga pala thirty years old na pala ang amo ko at ako ay nineteen pero okay lang raw iyon sabi niya. Sampung taon lang naman ang tanda niya sa akin pero sa probinsya namin ay napakalaking agwat na iyon dahil hindi iyon normal. Hays napatayo ako dito sa sofa at napatingin sa paligid saka ko kimuha ang ballpen at notebook ni Gabriel dito sa ibabaw ng lamesa niya. May pilyo akong naisip kaya umupo ako dito sa upuan niya napatawa ako dahil wala naman akong naramdaman ng umupo ako dito. Upuan raw ito ng CEO at naalala ko ang sabi ni Carla na trono raw
Nakangiti ako habang tinatanaw ko na naglalaro ng badminton ang kambal dito sa garahe.Hawak ko ang dalawang towel nila dahil pinupunasan ko ang mga pawis nila kapag nagpapahinga.Dalawang araw na rin mula ng makasama ko si Gabriel napakalambing nito kapag kaming dalawa lang, pero kapag may ibang kasama na kami ay malamig na ulit siya.Naalala ko ang sagot niya sa tanong ko at napahinga ako ng malalim.Bakit niya kailangan na protektahan ang sarili niya laban sa ibang tao? Ito ang hindi ko makalimutan dahil palaisipan pa rin ito sa akin."Sonata!" Nagulat ako ng tawagin ako ni Madam Cynthia kaya napatingin ako dito."Yes po ma'am?" Tanong ko dito at humarap sa kanya bigla niyang tinapon sa akin ang isang blouse kaya nagulat ako."Anong ginawa mo diyan? Bakit may mantsa at mabaho!" Sigaw nito kaya natakot ako sa ginawa niya."Ma'am hindi naman po ito ganito nong nilabhan ko." Katwiran ko sa kanya kaya lumapit siya sa akin at bigla akong tinulak kaya napaupo ako."Boba ikaw ang naglalab
Nagising ako na parang may nakayakap sa akin kaya kinabahan ako at napatingin sa paligid.Napakunot ang noo ko nang makita ko na iba ang kwarto na kinalalagyan ko kaya ginalaw ko ang katawan ko.Si Gabriel pala ang katabi ko at nakaramdam ako ng inis kaya tumayo ako.Nandito na ako sa silid niya ang naalala ko lang ay nasa kwarto ako ng mga bata. Napailing na lang ako sa ginawa niya at dahan-dahan na lumabas ng kwarto.Maaga pa naman kaya alam ko na wala pang gising at lumipat ulit ako sa kwarto ng mga bata.Tulog na tulog pa sila kaya napangiti ako at kinuha ko ang remote ng aircon at hininaan ko ang temperatura nito.Inayos ko ang kumot ni Anthony at napangiti ako, napakunot ang noo ko nang mapansin ko na hindi talaga kamukha ni Gabriel ang mga anak niya.Hindi ko na lang ito binigyan ng pansin at nang masiguro ko na maayos na ang lahat ay lumabas na ako ng kwarto.Bumaba na ako at inayos ko ang pagkakatali ng buhok ko at pumunta na ng kusina.Naabutan ko si tiya at Carla na naglulu
Napahawak ako sa dibdib ni Gabriel at pilit ko siyang tinutulak at hindi ko binubuka ang mga labi ko.Pero malakas siya at nakapinid ako sa pader at pilit pa rin akong lumalaban sa kanya.Napaungol ako ng bigla niyang hawakan ang dibdib ko dahilan para mapaungol ako at maibuka ko ang bibig ko.At wala na akong nagawa kundi ang tugunin na lang ang halik niya at napayakap na lang ako sa kanya.“I miss you babe.“ Pareho kaming humihingal ng bitiwan niya ang labi ko at napadausdos na lang ako habang hawak ang dibdib ko na malakas ang kabog.“Sabi mo mag-uusap lang tayo!“ Inis ko na turan sa kanya sabay palo sa braso niya na ikinatawa niya kaya napailing na lang ako.Akma akong tatayo pero inalalayan niya ako kaya napahinga ako ng malalim.“Mag-usap lang tayo Gabriel pakiusap.“ Pakiusap ko sa kanya kaya napahinga siya ng malalim.“Okay, now sit and we will talk.“ Sabi niya kaya napaupo na lang ako at napahinga ng maluwag.“Gabriel sana wag mo naman pagmalupitan ng ganun ang mga bata.“ Laka
Tumawag ako sa bahay at kinumusta ko ang mga kapatid ko at si nanay, umiiyak na naman ito sa pagka-miss sa akin.“Nay wag ka nang umiyak, magbabakasyon ako diyan promise.“ Sabi ko dito na tumango lang ito at nagpunas pa ng luha.“Siena alagaan mo si nanay at ang mga kapatid mo ha, huwag mo silang paglalaruin ng matagal sa labas.“ Sabi ko sa kapatid ko na tumango at ngumiti lang.“Opo ate kong maganda mababait naman sina Simone at Sirone.“ Sabi niya kaya napangiti ako.“May bigas pa ba kayo? May pera pa ba si nanay?“ Tanong ko mayamaya kaya napangiti ito at sunod-sunid na tumango.“Meron pa ate sobra yong pinadala mo kaya kasya pa iyon hanggang sa isang buwan.“ Sabi niya kaya napahinga na lang ng maluwag.“Ate sino yon?“ Biglang tanong ni Siena kaya napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Gabriel na may kausap sa cellphone niya.Nandito pala ako sa garden at nakaupo ako dito sa lamesa at nakita ko ang boss ko na seryoso sa pakikipag-usap sa telepono.“Boss ko yon may kausap.“ Sagot
Napahinga ako ng malalim bago pumasok sa kwarto ni Gabriel at napatingin sa paligid.Wala naman siya dito pero pinapapunta niya ako dito kaya napakunot ang noo ko.Makalat na naman ang kwarto niya nagkalat ang mga papel at damit niya kaya napanguso na lang ako at isa-isa itong pinulot.Dalawang araw rin akong hindi nakapaglinis dito dahil may mga inasikaso ako, ang passport ko na sekretarya na lang daw ni Gabriel ang kukuha.May tampo pa rin ako nong isang araw pa dahil pinaasa ako na maglilinis ako pero hindi naman, kaya ang siste ay linagtawanan ako nina Carla.Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng banyo kaya napatingin ako dito at nakita ko si Gabriel na lumabas at nakatapis lang ng tuwalya at bagong ligo.Napatalikod ako dahil magkakasala ako kapag tumingin ako sa lalakeng ito na nakahubad at parang wala pang pakialam.“Hi babe.“ Bati niya at naramdaman ko na papalapit siya kaya umatras ako at napapikit.“Huwag kang lumapit diyan ka lang!“ Malakas ko na turan sa kanya kaya n
Yong kaba ko ay nandito pa rin sa isip ko ang lagi kong nakikita ay ang nangyari sa amin ni Gabriel kanina at lagi itong pumapasok sa isip ko.At rin hindi ako makatulog dahil gising na gising pa rin ako samantalang si Carla ay naghihilik na kaya napabangon ako.Napakamot na ako ng ulo ko at kinuha ko ang panali ng buhok ko at basta ko na lang tinali ang buhok ko at saka tumayo.Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto namin at naglakad papunta sa kusina ng malaking bahay para kumuha ng tubig.Napatingin ako sa loob dahil bukas pa sa kusina sa loob kaya sinilip ko ang screen dahil nakabukas lang ito pero naka-lock naman.Nagulat ako dahil nakita ko si Gabriel na nasa lamesa at parang nagkakape, kinabahan ako dahil baka makita ako nito kaya nagmadali ako na kumuha ng pitsel at baso sa ref at saka ako lumabas agad at muli kong ni-lock ang pinto.Imbes na bumalik ako sa kwarto ay naglakad ako papunta sa garden at nilapag ko ang dala ko sa lamesa at naupo.Napahinga ako ng maluwag at saka napa
Ilang minuto siguro akong umiiyak lang dito sa garden at napakasakit na nang lalamunan ko dahil ko maihinto ang pag-iyak ko.“Napakasama pala magsalita ng tiya mo Sonata, hindi ako makapaniwala na may ganun siyang ugali!“ Nagulat ako kay Carla na bigla na lang sumulpot at pinatayo ako kaya napayakap ako sa kanya at muli akong umiyak habang nakayakap sa kanya.Nandito na kami sa kwarto namin pero umiiyak pa rin ako kahit pilit akong pinapatahan ni Carla.“Bessy tahan na namamaga na ang mga mata at ang ilong mo mapula na para kang si Rudolf the reindeer.“ Sabi niya na pinupunasan ang mga luha na hindi tumitigil sa pagtulo.“Hiwag mo nang intindihin ang sinabi ng tiya mo, ako hindi ako nagiisip ng ganun alam ko na mahal ka ni Sir Gabriel promise.“ Sabi niya na hindi man lang nakapagpalubag sa damdamin ko.“Totoo naman si-sinabi ni tiya.“ Iyak ko na sabi sa kanya kaya napailing na lang siya.“Hindi Sonata kung mahal mo si Sir Gabriel go girl sumugal ka at saka mo na isipin ang mga susunod
Dahil medyo napagod ako at nagutom sa pagtingin ng mga kagamitan para kay baby ay pumunta kami sa resto na paborito namin na kainan ni Gabriel.Masasarap ang pagkain dito at matalik na kaibigan ng asawa ko ang may-ari ng lugar.“Pare, my man kumusta, hello Sonata.“ Bati nito sa amin pagkapasok namin.“Mabuti pare, kailan ka pa dumating?“ Sabi naman ni Gabriel dito na napangiti at sinamahan kami sa second floor kung saan may mga pribadong kwarto para sa vip.“Last week lang, lalake ang panganay namin ng asawa ko.“ Sabi nito kaya napangiti ako.Nakatira ito sa Japan at doon rin ang pamilya nito at ang asawa nito ay kapapanganak pa lang daw.“Hindi naman ako magtatagal dito pare, may inasikaso lang ako.“ Sabi nito kay Gabriel kaya napangiti at tumango lang ang asawa ko.Sinabi ni Gabriel dito na magkakaanak na rin kami at masaya naman ito para sa amin.“Congrats sa inyo pare, magiging tatay ka na naman ulit.“ Sabi nito kaya napangiti lang ako.Knowing na ang alam ng lahat ay anak ni Gabr
Wala akong imik kanina pa habang abala si Gabriel sa ginagawa nito.After kong malaman ang totoong pagkatao ng kambal ay awang-awa ako sa mga bata.How could a mother did that to them, napaka-inosente ng mga ito para lang maranasan ang ganoong bagay.Ipinaako sila ng kanilang ina kay Gabriel gayong alam nito na ang ama nito ang totoong dapat na umako dito.Nandidiri ako sa tuwing maiisip ko kung paano nila nagawa iyon sa asawa ko.But Gabriel confess to me that he never had a intimate relationship to his ex-wife nor sleeping with her in the same bed.Their marriage is just for a paper, and after three years the woman left them and never contact him and she came back thats when he ask for a devorse.Kinasal sila sa Amerika that time kaya madali para sa kanila ang mag-devorse.Napatitig ako sa asawa ko kung paano nito kinaya ang betrayal sa parte nito, ang asawa niya at ang ama niya na ginamit lang siya para pansarili nitong interes.Tumayo ako at lumapit dito at saka ako yumakap dito a
Tatlong araw bago ang graduation ko ay excited na ako na sabihin na magkakaanak na kami ni Gabriel. Hindi na ako makapaghintay pa sa magiging reaksyon nito. Naging succesful ang exam ko at pareho kaming cum laude ni Bianca, at tuwang-tuwa naman ang buo kong pamilya. Pinasundo na ni Gabriel ang pamilya ko sa probinsya para sa graduation ko at para makasama namin ang mga ito. My husband is really proud to me and he even told me that he is beyond happy. Kung hindi naman kasi dahil sa kanya ay hindi ako babalik ng pag-aaral. Nagbibihis na ako dahil may batch photos kami ngayong araw, medyo abala na ako dahil inaasikaso ko pa ang lahat sa school. Pumasok si Gabriel mula sa veranda dahil kausap ito kanina napangiti ito at lumapit sa akin. “Hindi kita maihahatid babe but i already called Pierre to take you to university.“ Sabi nito kaya napatango lang ako. Siniper na nito ang blouse sa likod ko kaya napangiti ako. “You look lovely babe.“ Bulong nito na niyakap ako at hilal
Medyo awkward ang unang minuto ng pagkikita namin ng tiyahin ni Bianca dahil nga maya't maya ay nakatitig ito sa akin.Pero napakabait nito at malambing at madaldal rin panay lang ang kwento nito tungkol kay Bianca at sa buhay nila sa Italy.Pero nakikita ko dito na hindi ito masaya, may lungkot pa rin ang mga mata nito at kahit nakangiti ito ay makikita mo na may kulang dito.“Pasensya ka na kay tita.“ Bulong ni Bianca sa akin kaya napangiti lang ako at napatingin sa ginang.“Ano ka ba okay lang, nakakatuwa nga eh kasi may kahawig pala ako.“ Sabi ko dito kaya natawa lang ito.Ang dinner namin ay napuno ng tawanan at kwentuhan at masasabi ko na magaan ang gabing ito.Nakapalagayan ko na talaga ng loob si Tita Selene.Kwento nito ay may anak ito at twenty seven years old na ito at laging abala sa trabaho katulad ng ama nito.“What about you hija?“ Tanong naman nito kaya natigilan ako at napatingin dito.“Oh, anim po kaming magkakapatid maliliit pa po sila at ako po ang panganay, at ka
Sinabi ko kay Carla na may dinner akong puluntahan at nagselos pa ito dahil may kaibigan akong iba.“Ikaw talaga ipapakilala kita sa kanya at alam ko na makakasundo mo si Bianca.“ Sabi ko dito kaya napangiti na ito na nakasimangot kanina lang.“Mabait ba? Hindi ka naman binu-bully sa school mo?“ Magkasunod nitong tanong kaya napailing lang ako.Lagi naman niya itong tinatanong dahil mabait daw ako masyado at hinahayaan lang ang ibang tao na apihin ako.Napailing na lang ako dito at hinanda ko na ang miryenda namin ni Gabriel.Naliligo sila ng mga bata sa swimming pool at natuwa naman ako dahil nag-bonding ang mag-aama.Tinulungan ako ni Carla na dalhin sa likod ang miryenda at nakita namin na nandito na rin pala si Pierre na naliligo na rin.Napangiti ako dahil napalunok si Carla dahil nakabalandra lang naman ang katawan ni Pierre na maganda rin katulad syempre ng asawa ko.“Heres your food kain muna kayo.“ Sabi ko sa mga ito na niyaya ako ng kambal na maligo pero umiling lang ako.Wa
Araw na ng exam ko at kabado ako ng sobra pero alam ko naman na kaya ko. Tatlong linggo na rin amg nakakaraan mula nang mangyari ang aksidente kay Gabriel. Nakabalik na ito sa dati at abala na naman sa trabaho. Naalala ko nga pala nong sinabi namin dito ang ginawa na naman ng ama nito at nagalit ito ng sobra. He even report this to the police pero nakabalik na pala ng Davao ang ama nito at si Kuya Gael ang dahilan. Mukhang may ginawa ang kapatid ni Gabriel sa ama nila, buti na lang dahil ramdam ko pa rin ang takot hangang ngayon. Nagbibihis na ako nang pumasok si Gabriel na galing sa gym at pawisan pa ito. “I will take a bath first babe and then i will take you to university.“ Sabi nito kaya napatango lang ako dito. Nakasuot ako ng blue jeans na pinaresan ko ng white polo dahil ito ang instruction sa amin. I have three days exam at sana makapasa ako at makakuha ng mataas na marka at maka-graduate. “Just focus babe and good luck i know that you can do it.“ Sabi ni Gabriel nan
Tila ako kandila na unti-unting nauupos dahil sa mga nalaman ko.Naaksidente si Gabriel sa Singapore at hindi maganda ang kalagayan nito doon.Si Pierre mismo ang pupunta doon para sunduin ang asawa ko.Iyak ako ng iyak kanina pa dahil hindi ko alam ang gagawin ko sa mga sandaling ito.Nang tumawag si Gabriel kanina at sinabi ang nangyari dito ay takot na takot ako pero masaya pa rin dahil nasa mabuti na itong kalagayan.“Wag ka nang umiyak Sonata, uuwi na ang asawa.“ Sabi ni tiya na nasa tabi ko kaya napatango lang ako.Bukas alam ko na makakauwi na si Gabriel at makakahinga lang ako ng maluwag nandito na ito.Pinagpahinga ako ni tiya at hindi ako nito pinapasok sa university dahil emosyonal pa rin ako.Nakatulog ako na katabi ang kambal dahil hindi ako iniwan ng dalawa.Nang magising ako ay may tumatawag kaya agad ko itong sinagot.Si Pierre pala ito na nakarating na sa Singapore at gusto raw akong makausap ng asawa ko.Nakiusap kasi ako dito kapag nandoon na ito ay dapat ay masigur
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil may pasok ako ng alas-otso at sasabay na kami ng kambal kay Gabriel sa pagpasok nito sa opisina. Sinabi nito na ito na ang maghahatid at magsusundo sa amin mula ngayon. Ito ay para hindi makalapit muli si Alina sa mga bata at gusto raw pala ng costudy nito sa kambal. Hindi pumayag si Gabriel at alam ko na kapag nagsalita ang awasa ko ay dapat na nasusunod. Dahil dito ay nakita ko kung paano nito handang protektahan ang kambal kaya natutuwa ako. Pero sa legal na proseso ito gagawin ni Gabriel at may abogado na mamamagitan. Tulog pa ang asawa ko nang pumasok ako sa banyo at maligo. Pero sinamahan rin ako nito na maligo ilang sandali pa lang na nandito ako sa loob kaya nauwi ito sa mainit na sandali. Nang matapos kami ay sabay na kaming bumaba at naabutan namin si tiya at si Ate Yolly na naghahanda na ng agahan. Binati kami nito at kinausap ni Gabriel si tiya at si tiyo na pinatawag nito. “Wag na ho kayong mag-alala dahil naka-ban na sil
Masaya kaming naghapunan ni Gabriel at inalis ko na sa isip ko ang nakasalubong namin kanina. Gabriel also told to the waiter and manager that don't desturb us if ever na may maghanap dito. Mukhang kilala pa ito ng manager kanina dahil nakangiti lang ito na tumango. Matapos nito ay may lalakeng lumapit sa amin at nagpakilala na ito ang may-ari ng restaurant na ito at ang buong resort at kaibigan rin ni Gabriel. Gabriel introduce me to the man that i am his wife kaya pakiramdam ko ay proud ito na ipakilala ako bilang asawa sa lahat ng kakilala at kaibigan nito. “I don't know that you've already settle down now like me pare.“ Sabi nito na nakangiti akong tinignan kaya napangiti rin ako. “Hows your wife and your first child?“ Tanong naman ni Gabriel na lalo pang ikinangiti ng lalake. “Oh, it was amazing Gabriel though i was really scared when my wife gave birth but when i held my son in my arms all my worries are gone.“ Nakangiti nitong sagot at nakita ko kung paano napangiti ang a