Share

3 - Slowly

Naging maayos ang lagay ni mama noong sumapit ang sabado. Kaya naman ay pumasok na ako ulit sa school.

Ethan brought me his notes and assignments at tinuruan din ako lalo na sa math namin, dahil may quiz daw kami ngayong Lunes.

Hindi ako matalino, inaamin ko. And having Ethan as a friend who could teach me is really a blessing for me.

“Ethan~” I called out his name when I saw him walking in the hallway.

Hindi ito lumingon kaya tumakbo ako papalapit sa kanya at kinabit ang braso ko sa braso niya. Napatingin siya saglit sa akin, at muling napatingin sa harapan.

“Thank you!” Saad ko sa kanya. Hindi ko kasi siya napasalamatan sa pagtuturo niya sa akin at sa pagyakap ko sa kanya.

Wala naman siyang sinabi, pero lumawak ang ngiti ko. Maybe mama saw us that night, kaya nag-decide siya na magpagaling ng tuluyan para sa akin.

Hindi pa rin nakakapagsalita si mama, pero ngumingiti na ito. Umuuwi naman si papa, pero hindi siya pinapansin ni mama. Halata naman sa mukha ni papa ang pag-sisisi.

“Sera!” Rinig ko ang boses ni Liam kaya lilingon na sana ako pero bago ko magawa iyon ay kaagad niyang hinawakan ang mukha ko at inipit iyon sa pagitan ng mga kamay niya dahilan para mapabitaw ako sa pagkakahawak ko kay Ethan.

“Are you okay? Kumakain ka ba ng maayos? Bakit ang payat-payat mo na? Bakit may mga eyebags ka? Bakit namumugto mga mata mo? Are you hurt?”

Napanguso ako sa sunod-sunod na tanong ni Liam. Tinanggal ko naman ang pagkakahawak niya sa mukha ko.

“Grabe? Wala bang preno ‘yang bibig mo?” natatawang saad ko kay Liam. Ngumiti naman siya at ginulo ang buhok ko.

Nilingon ko si Ethan na nakatingin sa amin, pero kaagad din itong tumalikod at naglakad palayo sa amin. Minsan iniisip ko talagang nagseselos itong si Ethan e! Pero paano ko malalaman? Hindi man lang umiiba ang ekspresyon nito sa mukha! Kaya ang hirap niyang basahin!

“Teka, Ethan!” Sigaw ko at hahabulin ko na sana si Ethan nang hulihin ni Liam ang kamay ko.

He squeezed it, kaya napatingin ako sa kanya. Nabigla ako nang napalitan ng pag-aalala ang mukha ni Liam.

“I’m really worried about you, Seraphina. You didn’t show up last monday, akala ko may masamang nangyari na sa’yo. Pinuntahan kita sa bahay niyo, pero sabi ni manang ay umalis daw kayong mag-anak.”

Napakagat ako ng dila sa sinabi ni Liam. Inutos ko kay manang kasi iyon na kapag may naghahanap sa akin at wala kami sa bahay, iyon ang sasabihin niya. Nakauwi lang kami ng bahay noong Miyerkules.

“Ayos lang ako! Ang OA mo naman, see? Ang sigla-sigla ko nga e,” pagbibiro ko sa kanya.

I’m still recovering. Just like Mama, I experienced a trauma too. Hindi naman kasi biro ang pinagdaanan ni mama, lalo na’t nawalan ako ng kapatid. It traumatized me too, and dad’s cheating issues... Lalo na iyon. My family’s been a perfect family. Oo, minsan nag-aaway sila mama, pero kaagad din naman nilang inaayos iyon. Both of my parents are kind and loving, kaya hindi ko ine-expect na magche-cheat si daddy sa amin ni mama. Sobrang laki ng respeto ko sa kanya, dahil gano’ng paraan niya ako pinalaki, kaya ang hirap tanggapin na may kabit si papa.

Gaya ng sabi ni Ethan ay may pa quiz nga kami ngayon sa geometry. Mahina ako sa math, kaya laking pasasalamat ko sa kanya nang tinuruan niya ako dahil kahit paano e nakapasa ako sa quiz.

“Ethan~ lunch na po! Kain tayo!” I giggled as I moved closer to him and pinched his cheeks.

Napatingin si Ethan sa akin dahilan para matigilan ako. As I stared into his deep brown almond eyes, cold and magnetizing, I felt something in my chest. My stomach churned up with unfamiliar feelings.

Napaatras at napabitaw ako sa kanya dahil sa kakaibang sensasyon na nararamdaman ko. Hindi ko alam pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit? I never felt this way before.

Muli akong napaatras ng tumayo si Ethan, pero may naramdaman ako sa likuran ko dahilan para mawalan ako ng balanse.

And just before I could land on the floor, Ethan held my hand and pulled me closer to him. When I said closer, as in sobrang lapit.

Our bodies collide with each other. Pero mas nabigla ako nang maramdaman ang kamay ni Ethan sa bewang ko habang hawak niya ang pulsuhan ko.

Our faces are so close... Enough for me to feel his breath.

“Sera.”

Kaagad akong umayos ng tayo at nabitawan narin naman ako ni Ethan nang marinig namin ang boses ni Liam.

Hindi kasi namin kaklase si Liam at nasa kabilang section ito. Ako lang naman ang pinupuntahan niya dito sa classroom.

Nilingon ko si Liam at nakita kong seryoso itong nakatingin sa aming dalawa ni Ethan. Muli akong napatingin kay Ethan nang gumalaw ito. Muli siyang umupo sa upuan niya at dinungo ang ulo sa lamesa.

“Ethan, hindi ka kakain?” Tanong ko sa kanya, ngunit hindi ito sumagot.

“Let’s go, Sera.” Ani Liam.

“May gusto ka bang kainin? Bibilhan kita.”

But Ethan just moved his hands, telling me to go away. Napakagat ako ng labi sa ginawa niya, kaya kaagad ko din siyang iniwan.

“You need to eat rice, ang payat mo na. Bawal mag-diet.” Wika ni Liam sabay gulo ng buhok ko.

Muli akong napanguso sa sinabi nito, pero pinisil niya lang ang pisngi ko.

“Cute.” He muttered, almost a whisper, but dahil malakas ang pandingig ko ay narinig ko iyon.

“Bakit mo ba crush si Ethan?” Tanong niya sa akin habang naglalakad kami papuntang cafeteria.

“Wala lang. Kailangan ba ng dahilan para magkagusto sa ibang tao?” I asked him.

Liam nodded his head. “Oo, kailangan. Mukhang wala naman interes si Ethan sa'yo, and you keep pestering him.”

Pestering. Natigilan ako sa sinabi ni Liam, pero nagulat ito. “I mean, lagi mo kasi siyang kinukulit. Mukhang ayaw niya namang kinukulit siya—”

I smiled at Liam. “I knew him, Liam. Mukhang ayaw niya lang, pero alam kong gusto niyang kinukulit siya.”

Our conversation ended when I chose to remain silent. Nasaktan ako. Hindi ko alam kung bakit, pero mukhang tama nga si Liam. Alam ko namang walang interes si Ethan sa mga bagay-bagay, at alam kong walang patutunguhan ang pangungulit ko sa kanya. But still, trying my luck na baka mapansin niya rin ang pagtingin ko sa kanya.

Valentine’s Day came. Sobrang abala ng lahat dahil ang iba ay gustong magtapat ng mga nararamdaman nila sa mga napupusuhan nila. Habang ako naman ay busy sa pagsasagot ng mga binigay ni Ethan na math questionnaire para sa darating na fourth quarter. Nakakainis. Ang dami-dami!

“Sige na, Liam tulungan mo na ako!” Pangungulit ko kay Liam.

“Ay be, gwapo lang ambag ko at hindi katalinuhan,” pagbibiro ni Liam.

Napaismid ako at pinatong ang ulo ko sa lamesa habang inis ko namam pinagtatadyak ang mga paa ko sa ere.

Rinig ko ang pagtawa ni Liam. “Oh,” aniya, kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.

Pero ngumuso ako nang may nakita akong chocolate cookie box sa harapan ko. “I baked that for you, kaya dapat ikaw lang kakain niyan.”

Napanganga ako sa sinabi ni Liam. “Really? Ikaw gumawa nito?” Ramdam ko ang pagkislap ng mga mata ko sa sinabi ni Liam.

Tumango naman siya. “For you only. Subukan mong ipakitim sa iba.” He glared at me.

I giggled and excitedly opened the box. Kumuha ako ng isa at handa na sanang kainin nang may tumawag sa akin. “Sera! May naghahanap sa’yo!” Sigaw ni Fatima.

Napanguso naman ako, pero kaagad ding tumayo at kinain ang cookies.

Lumabas ako para tignan ang naghahanap sa akin, at nakita ko si Dyson sa labas na may hawak ng tatlong pirasong roses.

“Pars sa’yo, Sera.” Aniya tsaka inabot sa akin ang bulaklak. Nagdadalawang isip naman akong tanggapin iyon.

“Ano, gusto ko lang magtapat. I don’t mean anything. And it’s okay if you don’t accept it,” he scratched the back of his head and faked a laugh.

Bigla akong nakonsensya, kaya tinanggap ko iyon. “It doesn’t mean I can return the favor, Dy. I’m sorry.”

He smiled. “Yeah, sure. Not a problem. Thank you.”

Nagpaalam na ito na aalis na at nang umalis na ay papasok na sana ako sa loob nang makita kong naglalakad si Ethan na nakapamulsa papalapit sa akin.

I don’t know, but every step he takes, takes my breath away. And everything around us moves slowly… No, kasi kahit siya ay mabagal lang din ang paggalaw niya.

Rinig na rinig ko ang malakas na pagkakatibok ng puso ko. Is this still normal? Bakit parang ramdam ko hindi na…

Nababaliw na ba ako? Bakit ganito nagiging epekto ni Ethan sa akin?

Simula nang araw na iyon ay medyo naiilang na ako kay Ethan. Sa tuwing kasi nagtatama mga balat namin, e ayaw nang kumalma ang puso ko! Nakakainis!

“Ma, what does it feel like when you fall in love with someone?” I asked Mama as I brushed her hair.

“Hmm,” napaisip ito. “Ano nga ba?” I smiled when she tried to think.

It’s been two months since that incident. Kaya nakakapagsalita na ulit si mama at bumabawi ulit si papa sa amin.

Pero, ramdam kong iniiwasan ni mama si papa. And I can’t blame her. How to trust again to the man who broke your heart?

“Everything moves slowly; siya lang laman ng isip mo, siya lang tinitibok ng puso mo. Marinig mo lang ang pangalan niya ay parang inaatake ka na ng kaba, siya dahilan ng pagngiti mo.”

“Ethan!” Tawag ko kay Ethan nang makita ko siyang papasok ng school.

I ran after him, pero may bato akong nasagi dahilan para mawalan ako ng balanse and was about to fall when someone grabbed my arm.

Napaangat ako ng tingin nang makita ko ang malamig na titig ni Ethan. I smiled at him, but he just scoffed. “Clumsy.” he muttered.

Just like my mama said, everything went slow, sobrang lakas ng tibok ng puso ko at parang kami lang dalawa ni Ethan ang nasa paligid.

Confirmed. I am in love with him.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status