Share

Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight
Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight
Author: LadyAva16

Prologue

 Mula sa mataas na bahagi ng burol na kinatatayuan ko ngayon tanaw ko kung gaano kalawak ang lupang sinasakupan at pag-aari ng mga Sandoval. Hindi maabot ng paningin ko ang hangganan ng lupain nila sa sobrang lawak nito. 

 Ang ulap ng nagkukulay dagat, ang luntiang tanawin, ang mataas na sikat ng araw ay nagbibigay sa akin ng kapayaan. Malayong malayo sa buhay na aking kinagisnan, ang buhay na aking tinakasan at ang buhay na pilit kong kinakalimutan.

Sa haciendang ito natagpuan ko ang kapayapaang matagal ko ng pinagdarasal. Dito ako magsisimula ng bago kong buhay kasama ang kaisa-isang taong tunay na nagmalasakit sa akin ang kapatid ng lolo ko si lolo Ignacio.

Dito tahimik, payapa at disiplinado ang mga tao. Payak man ang pamumuhay pero makita mo sa kanila ang kasiyahan at ang pagiging kontento.

Tanaw ko mula dito sa burol ang nagtatayugang mga puno ng niyog na sumasakop sa pinakamalaking bahagi ng lupa ng hacienda. Sa kabilang bahagi nito makikita ang iba't ibang uri ng mga prutas na ang dahon at sanga ay sumasabay sa malakas na ihip ng hangin. Kabilang sa pag-aari ng mga Sandoval ang malawak na dairy farm at ang malaking planta. Sa pinaka-gitna makikita ang malaki at malawak na kulay puting mansion na nagsisilbing bahay ng mga ito.

Si lolo Ignacio ang isa sa mga katiwala ng mga Sandoval sa niyugan. Mula ng mapadpad ang lolo dito sa Davao ang sabi niya ang mga Sandoval na ang kumupkop sa kanya hanggang sa nagkaedad na siya. Naging taga-pag-alaga siya ng kabayo si Senyor Gideon noong una hanggang sa pinagkatiwala sa kanya ang niyugan. 

Kilala ang mga Sandoval dito sa lugar nila. Hindi lang dahil sa mayaman sila kundi dahil sa maayos nilang pakikitungo sa mga tauhan nila sa hacienda. 

May foundation sila na sumusuporta sa pag-aaral ng mga anak ng mga trabahador sa hacienda. Bukod doon malaki din ang pasahod at hindi madamot sa benipisyo para sa manggawa nila.

Sabi ni Lolo may dalawang anak na lalaki si Senyor Gideon at Senyora Elizabeth, si Senyorito Gustavo at Senyorito Gaston. Pero mula ng dumating ako dito hindi ko pa nakikita ang nakababatang Sandoval. Ang balita ng mga kasamahan namin nasa ibang bansa daw ito para pamahalaan ang kanilang negosyo doon habang si Senyorito Gustavo naman ang dito sa hacienda nila.

Maraming nagsasabi na may pagka masungit daw si Senyorito Gustavo pero nung una ko itong nakitang dumalaw sa bakahan hindi ko naman ito nakitang nagsusungit, sadya lang na may pagkaseryoso ang mukha niya. Ang sabi din sa akin ni Lolo, mabait si Senyorito Gustavo hindi lang daw ito pala-salita.

Agad akong nagtago sa malaking puno ng kahoy ng marinig ko ang tunog ng paparating na kabayo. Alas tres pa lang naman ng hapon at kapag ganitong oras wala namang napapagawi dito kaya nagtataka ako kung sino ang  nagawi dito sa burol ng ganitong oras.

Mula ng dumating ako dito sa hacienda, itong burol na ang pinaka-paborito kong puntahan pagkatapos kong maligo sa waterfalls sa baba lang nitong burol.

I was seventeen when I moved here or shall I say when lolo Ignacio rescued me. Mag-dadalawang taon na ako at masasabi kong kahit sa maiksing panahon, napamahal na sa akin ang hacienda ng mga Sandoval. Dito sa hacienda naramdaman ko na nagkaroon ako na panibagong buhay...panibagong pag-asa.

I grew up with a rough childhood and a pretty miserable life. Buong buhay, ko araw-araw kong pinapanalangin na makatakas ako sa impyernong kinasasadlakan ko noon. Pasalamat ako at niligtas at kinupkop ako ni Lolo Ignacio. Naging mahirap at masakit ang kabataan ko sa mga nakalipas na taon pero nung dinala ako ni lolo dito sa hacienda pakiramdam ko nahanap ko na ang kapayapaang matagal kong pinangarap.

I was blessed with a new life. I found new  friends. I met people who truly loved and cared for me. Here in hacienda Sandoval I found peace.  I found the life that I prayed for---a life that I deserved.

Hindi ko na nakita kung sino ang may dala ng itim na kabayo dahil ito na lang ang naiwang nakatali sa puno ng niyog. Dali-dali akong umalis sa punong pinagtataguan ko. Kailangan ko ng umalis, baka maabutan pa ako ng sinumang may may-ari ng kabayong 'yon.  

Tumalilis ako sa maliit na daan, ang short cut na alam ko para mas madali akong makarating sa bahay namin ng Lolo Ignacio ko. Babaybayin ko lang ilog at sa dulong bahagi nito ay ang maliit na bahay ng Lolo Ignacio ko.

"Ouch!" 

Natigil ako sa paglalakd ng may narinig akong boses ng lalaki na parang namimilipit sa sakit. Malapit na ako sa may waterfalls at ang tubig na binabagsak nito ang siyang dumadaloy sa ilog na babaybayin ko. Inilibot ko muna ang tingin sa paligid at baka kung sinong mapangahas ang nakarating dito.

"Ouch! Someone help me."

Narinig kong pagmamakaawa ng boses ng lalaki. Nagtago muna ako sa malaking puno, para tingnan kung sino at kung ano ang nangyari sa kanya. Hindi ako pwedeng padalos-dalos at baka nagkukunwari lang ito. Mahigpit kong hinawakan ang itak na dala ko, isang pagkakamali niya lang hindi ako mag-aatubiling itaga ang itak sa kanya. 

"Fuck! My head hurts...Awww."

Muli akong nagtago dahil nakita ko ang ulo ng lalaki na papaahon sa tubig. Sino kaya ito? Baka si Senyorito Gustavo dahil nag-e-ingles? Patay! Baka maapagalitan niya ako dahil napadpad ako dito na mag-isa.

Ilang minuto pa akong nagtago sa likod ng malaking puno hanggang sa hindi ko na narinig ang boses ng lalaki. 

Pagsilip ko nakita ko ang lalaking nakahiga na sa damuhan, nakatiyaha at parang nawalan ng malay. Wala itong pang-itaas na damit at tanging maliit na boxer shorts lang ang suot sa katawan.

Napa-sign of the cross ako. Jusko, ano pong gagawin ko sa kanya? Baka mamatay tong lalaking to at ako ang mapagbintangan. My God, wag naman po. Ayokong tumanda sa kulungan. 

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya pero sinigurado kong mahigpit ang pagkakahawak ko sa itak. Hindi ako magdadalawang isip na tagain ang malapad niyang dibdib at maganda niyang katawan kung may gagawin siya sa aking masama. 

Nakatayo na ako sa harap niya pero hindi pa rin ito gumagalaw kaya lalo na akong kinabahan. Mahina kong sinipa ang tagiliran niya pero walang response mula dito. Binaba ko ang itak at dahan-dahn akong lumuhod sa gilid niya. Bahagya kong ginalaw ang balikat niya pero hindi ito gumalaw at mukhang nawalan talaga ng malay. 

"Kuya..." mahina kong tawag sa kanya pero walang sagot. Nakapikit lang ang mga mata niya at bahagyang nakabukas ang kanyang bibig. 

"Kuya...gumising ka." tinapat ko ang aking tenga sa kanya dibdib para pakinggan kung tumitibok pa ito kasabay ng paghawak ko sa palapulsuhan niya kung pumipintig pa din ba. Meron pa lahat, dinig ko ang tibok ng puso niya at ang dama ko ang pagpintig ng pulso niya, siguro nawalang lang ito ng malay

Muli kong inilibot ang tingin sa paligid baka sakaling meron pang ibang makakatulong sa amin pero kaming dalawa lang ang nandito. Lord, anong gagawin ko dito kay Kuya?

I'm a second year nursing student, tinuro sa amin sa school kung paano mag-CPR pero hindi ko pa ito nasubukan kaya hindi ako sigurado kung tama ba itong gagawin ko. 

"Kuya...gumising ka." muli kong tawag, pero wala talaga itong reaksyon.

Sa nanginginig kong mga kamay ay pinump ko ang dibdib niya bago ko nilapit ang bibig ko sa bahagyang nakaawang niyang bibig bago ko ito binugahan ng hangin. 

It's my first time to perform CPR, tama man o mali pero ito lang ang paraang alam ko para makatulong sa kanya. Maybe a mouth to mouth resuscitation will help him. Hindi ko na rin inisip na ito ang unang pagkakataon na may nakalapat sa birhen kong mga labi. What's important now is I can revive this man in front of me. 

"Kuya...wake up!" tawag ko sa kanya. Ilang buga na ang aking ginawa pero hindi pa rin ito dumidilat. Muli kong binomba ang dibdib niya at muli binigyan siya ng hangin sa bibig hanggang sa unti-unti gumalaw ang labi nito na parang humahalik sa akin.

Tumigil ako sa pagbuga ng hangin sa bibig niya at tiningnan ang ang mukha niya kung nagkamalay na ba ito pero nakapikit pa rin.Nagkaroon tuloy ako ng pagkakataong matingnan ang mukha nito. Medyo makapal ang kilay, matangos ang ilong, manipis at mapupula ang mga labi. In short ang gwapo ni Kuya.

Oh shit! Talagang naisip ko pa yun ah?

" Kuya...gumising ka. Tulong!" Nagsimula na akong mag-panic ilang minuto na pero wala pa rin itong malay, baka tuluyan na itong mamatay. Jusko, Lord, help.

Muli kong binugahan ng hangin ang bibig niya at muli kong naramdaman na gumalaw ito na parang hinahalikan ako. Naramdaman ko pa ang bahagyang paghinga nito sa aking bibig kaya dali-dali akong lumayo, pero pagtingin ko sa mukha niya, nakapikit pa rin ito gaya kanina.

 Ano yon? Guni-guni ko lang ba na parang hinahalikan niya ako?

Malapit na akong maiyak, sobrang lakas na ng kaba ng dibdib ko dahil wala pa ring malay si Kuya. Biglang sumagi sa isip ko ang kabayo, tama may kabayo doon, isasakay ko siya. Tiningnan ko ang buong katawan ni Kuya, malaki ito. Sinubukan ko siyang patayuin pero sobrang bigat. Hindi ko siya kaya, marunong akong mangabayo pero hindi ko kayang dalhin si Kuya doon sa kabayo. 

"Kuya!" desperada kong tawag sa kanya. Niyugyog ko na ang balikat niya pero hindi pa rin ito gumagalaw. 

Muli kong inayos ang pagkahiga niya at inulit ang ginawa ko kanina, pinump ko ang kanyang dibdib at sa huling paglapat ng labi ko sa mga labi niya ay bahagya kong naramdaman ang paggalaw ng labi niya at pagdila niya sa labi ko.

"What the?..." nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kanya. His eyes are still close but I can see that his eyelids are moving and his lips are pressed like he is suppressing to smile.

Agad akong lumayo sa kanya, pero this time alam kong gising na ito at nagkukunwari lang. Mabilis kong kinuha ang aking itak sa labis na inis ko sa kanya pero bago ko paman ito nahawakan ay bigla itong dumilat. 

Bumungad sa akin ang kulay asul niyang mga mata. Hindi ko alam kung anong meron sa mga mata niya pero bigla akong may naramdamang kakaiba sa paraan ng pagititig niya sa akin. Mabilis kong kinuha ang aking itak at hindi ko na siya tinulungan pang makabangon. 

Nagmamadali akong tumakbo palayo sa kanya. Dinig ko pang tinawag niya ako pero hindi na ako lumingon. I have to go, bago niya pa ako paglaruan ulit. That jerk is just pretending and playing dead all along. 

"Thanks for kissing me, Miss beautiful. Nabuhay ang katawang lupa ko." dinig kong sigaw niya kahit na malayo na ako. 

"Thank you! I'll see you soon."

__________________________________

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status