Share

Chapter 2

Agad kong iniwas ang tingin kay Amor dahil ayoko sa ganun topic. Palgi ko na lang kasi naririnig yan. Porke ba maganda ang kutis mayaman agad, paano na lang kaming mahihirap wala ng karapatan?

"Wala sa sabon yan Amor, nasa pagligo yan." biro ko para maiba ang topic namin. " Hilod lang sapat na, samahan mo na din ng dasal." 

Biglang nanlaki ang mga mata nito sa akin kaya lalo akong natawa. "Ligo at dasal ang kailangan gawin Mor mga sampung beses."

"Ganyan din naman ang ginagawa ko ah, umabot na nga siguro isang milyon pero waley parin, may kasamang hilod pa nga eh." pakikisakay nito sa biro ko. "Pero siguro kahit anong gawin ko hindi na ako puputi kagaya mo."

Pinasadahan ko ng tingin ang mukha ni Amor pati ang kutis niya. Morena ito, kulay itim ang buhok, medyo singkit ang mata, tamang tangos lang ng ilong at medyo may kakapalan ang labi niya, pero maganda naman ito para sa akin.

"I don't get why your standard of beauty is being white. Hindi porket, morena ka, hindi ka na maganda. Mas gusto ko ngang maging morena eh. I like your color, pilipinang-pilipina talaga."

"Nasasabi mo lang yan dahil maputi ka."

"No really! Ang ganda kaya ng mga moren--" 

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil narinig ko ang papalapit na yabag ng kabyo mula dito sa pwesto namin ni Amor. Bigla akong kinabahan, ganiyang tunog din ang narinig ko nung nasa mataas na bahagi ako ng burol. 

"Tara na, Mor." taranta kong sabi. Nagmamadali pa akong tumayo at pinagpagan ang damit na suot ko at naunang maglakad sa kanya. Ayokong maabutan kami dito ng kung sinumang may-ari ng kabayong yun. 

"Camilla, wait." tawag ni Amor sa akin pero hindi ako lumingon. Nagmamadali akong maglakad pababa ng burol. "Ses, saglit hintayin mo ako si Senyorito Gaston ata ang dumating.

Lalong lumakas ang kaba ng dibdib sa di ko alam na dahilan  ng marinig kong huminto ang kabayo malapit sa amin. Dama kong nakasunod si Amor sa akin kaya hindi ko na siya nilingon. 

"Girl saglit." kinikilig nitong sabi sabay pigil sa akin. Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko kaya hindi ako makaalis palayo sa kanya. Nakaharap ito sa pinanggalingan namin habang ako naman ay nakatalikod doon. "Si Senyorito Gaston nga ang dumating, tara kausapin muna natin.

Dahil sa sinabi niya mas lalong gusto kong umalis na kami. Walang dahilan para kausapin namin ang senyorito, baka pagbawalan niya pa kaming magawi dito lalo't mga babae.

"Oh my gosh! Papunta siya dito ses. Oh shit! Oh shit!" irit nito. "Hindi ba magulo ang buhok ko? Maayos ba ang damit ko, tingnan mo ses, please..Oh shit! Di man lang ako nakapaghanda." Hindi mapirmi nitong sabi. 

"Tara na, nakakahiya sa senyorito." mahina kong sabi dahil si Amor ay parang wala na sa sarili. Para itong natatae na iwan at mukhang hindi alam kung anong gagawin. Kulang na lang ay magtatalon ito sa kilig habang nakatingin sa likuran ko.

"Amor, ano ba? Pumirmi ka nga. Hindi ka ba nahihiya sa senyorito? Dahil kung hindi ka nahihiya pwes ako, nahihiya kaya umayos ka."

"At bakit ka naman mahihiya? May ginawa ba kayong kalokohan dito?" sagot ng baritonong boses mula sa malayong likuran ko. Oh gosh! Wait! Pamilyar ang boses niya sa akin.

Para akong napako sa kinatatayuan ko ng marealize ko yun. Oh God, tell me I'm wrong. Please wag naman sanang mangyari na ang senyoritong sinasabi ni Amor ay yung lalaking mapangahas na kulay asula ang mga mata na hambog, bastos at manyak. Nangnanakaw ng halik at nandidila pa.

"Magandang hapon po senyorito Gaston." magalang na bati ni Amor. Halos mapunit na ang labi nito sa lawak ng pagkakangiti niya, lalo pang sumingkit ang kanyang mga mata. "Pauwi na po kami nitong kaibigan ko, nagpapahangin lang po kami dito."

Hindi ko narinig ang sagot niya pero naramdaman ko ang mga yabag niyang palapit sa amin. Ang bilis niya namang makababa sa kabayo niya at makahabol sa amin. Si Amor kasi ang bagal kumilos, kung sana sumunod ito agad at hindi ako pinigilan hindi kami mahahabol nito ngayon. 

"Mauna na po kami, senyorito." magalang na sabi ni Amor, mahinhin niya pang hinawi at inipit ang buhok niya sa kanyang tenga, halatang nagpapa-cute. Kung ibang tao lang siguro ang nandito ngayon kinurot ko na ang tagiliran ng babaeng 'to. 

Ako ang nahihiya sa pagpapa-cute na ginawa niya. Ugh! Pasaway na babae, ang sarap kutusan. 

"You'll leave without saying anything to me, lady?" tanong niya ng humakbang ako ng isang beses kaya napatigil ako. 

Hindi niya man sinabi pero alam kong para sa akin yun. Tumigil ako pero hindi ako lumingon sa kanya. 

"Where do you think you're going, Miss?"

His voice is calm. Hindi naman nakakatakot, pero si Amor parang kinakabahan. Naramdaman ko pa ang mahinang pagpisil ni Amor sa braso ko at nakita ko ang bahagyang pamumutla nito. 

"Camilla, magpakilala ka muna kay Senyorito Gaston." mahinang sabi ni Amor sa akin. "Ngayon mo lang siya nakita diba?"

Gusto ko sanang sabihin kay Amor na ang sneyoritong sinasabi niya ay matagal ko nang nakita, hindi lang nakita kundi...

"So your name is Camilla huh?" naramdaman kong nasa likuran ko na ito. Nakita kong humakbang si Amor paatras na parang binibigyan ng pagkakataon ang senyoritong makalapit sa akin.

 " Your name sounds good like what you did to me last time." he whispered, enough for me to hear it.

Bigla akong pinanayuan ng balahibo sa batok sa sobrang lapit niya sa akin. I can even feel the heat emitting from his body. Naikuyom ko ang aking kamao dahil ang walang hiya siya pa talaga ang may lakas ng loob na ipaalala ang nangyari.

"Move away." mahina pero mariin kung sabi sa kanya pero wala ata itong pakialam at lalo lang  itong dumikit sa akin. Naramdaman ko pa ang pagtama ng hininga niya sa batok ko na lalong nagpainis sa akin. 

Ang kapal talaga ng mukha. Kung hindi lang ito anak ng may-ari nitong hacienda baka kanina ko pa sinuntok ang pagmumukha niya. 

"Uhm, senyorito magkakilala po, kayo?" kuryusong tanong ni Amor.

"NO/YES." Sabay naming sagot. Nalilitong nagpalipat-lipat ng tingin sa amin si Amor, hindi alam kung sino ang paniwalaan. 

"Hindi ko siya kilala." kumunot ang noo ni Amor sa paraan ng pagkakasabi ko kaya agad ko itong binawi. "I mean, ngayon ko lang nakita si Senyorito Gaston, Amor."

"Really?" he asked in a playful tone. Kahit nakatalikod ako sa kanya alam kung nakangiti ang gago sa likod ko dahil nakita kong parang nahipan ng masamang hangin si Amor at nakatulala na naman ito. "Do you want me to tell your friend here, how you saved ---"

"Stop!" Medyo napalakas pa ang boses ko pagkasabi nun. Naiinis akong humarap sa kanya at tama nga ang nasa isip ko kanina nakangiti ito ngayon. Halatang nag-aasar.

"Why?! I'm just telling the truth."

"Shut it!" mataray kong sabi sa kanya, kinalimutan kong isang Sandoval ang kaharap ko ngayon. "Don't you dare tell my friend what I did to you up there." then a memory of me kissing...no I mean reviving him came flashing in my mind. "Wag mong sabihin, kundi isusumbong kita sa kay senyorito Gustavo."

There his expression changes! Ahuh? Takot ka pala sa kuya mo ha. Pwes...

Pero akala ko lang pala ayun dahil muli itong ngumisi sa akin at inilapit pa ang mukha niya sa mukha ko. Kung titingnan kami ngayon para kaming magkarelasyon na nag-aaway.

"Feisty huh?" he said with a smug smile on his face. 

"Talaga dahil mali ang ginawa mo." taas noo kong sagot sa kanya. 

"Anong ginawa niyo Senyorito, Camilla?" sabat ni Amor na lalo kong ikina-irita dahil mukhang tuwang-tuwa ang senyorito sa tanong niya. 

"You asked your friend, I'm sure she'll be happy to share that to you." mayabang niyang sabi pero inikutan ko lang siya ng mata. 

Ako magiging masaya? Asa ka?Hindi porket kulay asul ang mga mata mo, may matangos kang ilong at mapupulang labi ay kikiligin na ako sayo. Hoy mahal na senyorito hindi ako marupok noh. Ibahin mo ako. Shit mo!

"Camilla, may tinatago ka pala sa akin." kunwari nagtatampong sabi ni Amor pero alam kong gusto niya lang makichismis. 

"Wala akong tinatago sayo, Amor. May mga bagay na kapag hindi naman mahalaga ay mas maiging kalimutan mo na lang."

"So it's nothing to you huh?" nilapit nya ang mukha niya sa akin. "Do you want me to remind you, how you did it to me last time?" 

Hindi ko na napigilan ang aking sarili, malakas ko siyang tinulak palayo sa akin at mabilis akong tumakbo palayo sa kanya. Ang bastos! Manyak talaga! 

Hindi ko na hinintay si Amor dahil alam kung susunod din naman ito sa akin.

Dinig ko pang tinawag niya ako gaya noong nakaraang araw pero hindi ako lumingon sa kanya. Malakas pa itong tumawa sa akin. Bwesit!

Simula sa araw na to iiwasan ko na talagang magpunta sa mga lugar na andun ito. Ako na lang ang iiwas sa kanya at baka sa sobrang inis ko sa kanya ay mahalikan...I mean mabigwasan ko pa ang pagmumukha niya.

________________________________

Ingat po kayong lahat. God bless po!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status