Share

Chapter 5

Iniwan ko siya saglit para kunin ang kalamansing napitas ko kagabi. Gagawa na lang ako ng juice habang naghihintay maluto ang talong. Ang tubig na gagamitin ko ay ang tubig na ginamit ka sa pinakuluang kong talbos ng kamote.

"Hala magic! Bakit nag-iba ang kulay ng juice, Cam?" amuse nitong tanong sa akin pagkatapos kung pigain ang kalamansi sa pinagkuluan ng camote tops at naging kulay pink ito.

"Anong tawag sa juice na yan? First time ko makakita ng ganyan ah, nag-iiba ang kulay." parang bata nitong sabi, gusto kong matawa pero pinipigilan ko lang.

Malamang first time niyang makikita nito dahil hindi naman ito uso sa mansion nila. Malamang sa malamang, fresh fruit juice ang iniinom nila doon.

"'To naman, di ako sinasagot, nagtatanong lang e." kunwari nagtatampo nitong sabi kaya napairap ako.

"Camote tops juice, senyorito. Ginamit ko ang tubig na pinagkuluan ng talbos ng camote." sagot ko sa kanya.

"Wow naman! Pwede pala ganun?" tumango lang ako. "Pwede painom? Nauuhaw ako e."

Ang bilis namang mauhaw, parang bata lang?

"Medyo mainit pa, mamaya na, ilalagay ko muna sa ref. Ikukuha na lang kita ng tubig, gusto mo?"

"Ay wag nalang pala, maya na lang. Nawala na ang uhaw ko." hilaw pa itong ngumiti sa akin bago tumalikod at tiningnan ang mga talong na inihaw niya.

O diba? Biglang nagbago ang isip. Curious lang?

Pumasok na ako para ilagay ang juice sa ref, sunod kung kinuha ang kanin para dalhin sa loob. Panay lang ang sulyap nito sa akin. Para sa salad gumawa ako ng dalawang sawsawan. Toyo na may kalamansi, sili, hiniwang sibuyas at kamatis saka yong paborito kong bagoong na may sili at kamatis.

Tatlong tuyo lang ang piprituhin ko dahil may tortalng talong naman. Sakto na siguro yon , baka kasi masayang lang kung dinamihan ko at hindi naman pala kumakain ng tuyo ang senyorito.

"I'm done removing the skin, Cam" proud nitong pinakita ang dalawang talong na binalatan niya. Pero lumaki ang mati ko dahil halos kalahati na lang ang natira dahil pati laman ay tinanggal niya.

"Am I not doing it right?" nahihiya nitong tanong sa akin. "Sorry..."

"Akin na..." Kinuha ko ang talong sa kanya tapos ako na ang nagbalat. "Batilin mo na lang ang itlog tapos lagyan mo ng konting asin...Konti lang baka sobrang maalat at hindi na makain, ipapaubos ko talaga sayo."

"I'll just crack the egg, you put the salt later baka kasi maging maalat." mabilis niyang tanggi sa akin.

"Can you teach me how to cook?" aniya matapos kung balatan lahat ng talong at matimplahan ang itlog. "please, Cam..."

Ano to cooking show? Para tortang talong lang hindi pa alam?

"Madali lang naman yan, hintayin mo lang maiit ang mantika bago mo ilagay ang talong ng binabad sa itlog." sabi ko. Chef Logro ang peg. " Pagkatapos, kung sa tingin mo brownish na, baligtarin mo para ang kabilang side naman ang maluto."

Tumango-tango ito sa akin. "How to know if the oil is hot?"

"Hawakan mo."

"What? Seriously?" gulat nitong tanong sa akin. "Hindi ba ako mapapaso kapag hinawakan ko?"

Common sense!

"Malamang mapapaso ka." mahina kong sabi na iknakunot ng noo niya. " Malalaman mo naman yan kung mainit na ang mantika, grabe ka naman kung hindi mo matantya. " Tinapat ko ang palad ko sa kawali ng may mantika, mainit na. Pwede ko ng ilagay ang talong at hindi na ito didikit.

"Oh, like that..." komento niya. Mangha itong nakatingin sa akin habang nilalagay ko ang talong sa kawali. Akala mo talaga kung gaano kahirap ang niluluto ko e.

"Anong gusto mong luto sa tuyo? Prito o ihaw na lang din?" tanong ko, piankita ko pa ang tuyo sa kanya.

"Huh?" kunot noong tanong niya sa akin.

Shocks! Nakalimutan ko, hindi pala si Jepoy, Long-long o Amor ang kausap ko na sanay ng kumain ng tuyo. Ang mahal na senyorito pala ang nasa harapan ko ngayon.

"May baga pa, dyan ko nalang lulutuin ang tuyo." sabi ko. "Tabi ka muna."

Tahimik lang itong nagmamasid sa akin , pagkalipas ng ilang minuto napansin kong sumisinghot-singhot siya kaya gusto kong matawa sa kanya.

"What's that smell?" he asked.

Pinipigilan ko ang sariling matawa sa kanya, kunwari di ko alam pero alam kung ang tinutukoy niya ang amoy ng tuyo.

"It's kinda awful. Are you sure the fish is still fresh?" sinilip niya pa talaga ang tuyo na umuusok.

Hala may fresh bang tuyo? Siraulo 'to.

Natatawa ako sa pagiging ignorante ni senyorito pero pinipigilan ko lang. Buti nga sa kanya, bukas hindi na ito babalik dito panigurado.

"Ayos pa yan, wala pa namang uod e." biro ko. Kinagat ko pa ang labi ko para supilin ang aking ngiti.

"Are you serious?"

"Oo naman mga tatlong buwan pa lang yan e." Kunwari seryoso kong sagot.

"Three months?"

"Yup! Pero ayos lang senyorito kung ayaw mo. Alam ko naman kasing hindi ka sanay sa pagkain naming mahihirap."

Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Pumasok ako sa loob para dalhin ang salad na hinanda ko at para kumuha ng paglagyan ng tortang talong.

"Tawagin ko muna si Lolo, dyan ka lang." Iniwan ko siyang mag-isa sa hapag. Para itong batang nakasalikop ang mga kamay habang nakatingin sa pagkaing nasa harapan niya.

Ang cute...

Wait, what? Talaga lang Camilla?

Wala sa labas ng bahay si Lolo, paniguradong nakasilay na naman ito kay aling Edna. Hindi nga ako nagkamali, andun nga si Lolo sa tapat ng bakod ni Aling Edna may hawak na malaking papaya at nagtatawanan.

"Lo, kain na po tayo." tawag ko dito at mabilis namang nagpaalam kay aling Edna. Nakita ko pa ang pasimpleng pagkahawak ni lolo sa kamay ng ginang bago ito kinikilig na tumalikod sa kanya. Talagang di na mapigilan ang pag-ibig ni lolo, sadyang nag-uumapaw.

"Si senyorito Gaston, saan?" tanong ni Lolo sabay abot ng papaya sa akin. Napapadalas na talaga ang pagbigay ng papaya ni Aling Edna.

"Nasa loob, Lo, naghihintay." sagot ko, nauna na din akong maglakad sa kanya papasok. " Bakit nga pala maagang naparito ang senyorito, Lo? May kailangan ba siya sa 'yo?

Mabilis itong umiling. "Wala naman, paagkagising ko kanina, dumating din ito sakay ng kabayo niya. Gusto sigurong lumanghap ng sariwang hangin kaya nandito."

Sariwang hangin? Dito talaga sa amin? Pwede namang sa ibang bahagi ng hacienda.

"Tinulungan niya pa nga akong magsibak ng kahoy kanina. Nga ppala, kinuhanan ko yung baon niyong suman, kumain kami ni senyorito. Pers taym atang kumain ng suman, manghang-mangha e."

China-charot ka lang nun Lo, gusto ko sanang idagdag pero hindi na lang dahil nakapasok na kami at nakatingin sa aming ang mahal na senyorito.

Gaya kagabi naging maingay na naman ang hapag dahil sa mga pasimpleng hirit ni senyorito na para sa akin ay double meaning pero si Lolo ay hindi man lang nakahalata. Tawang tawa pa si lolo sa mga kalokohan niya.

"Lo, isasama pala ako ni Camilla sa outing nila mamaya, diba Cam?"

Pinanlakihan ko siya ng mata pero tumawa lang ito sa akin. Wala akong sinabing isasama ko siya, siya ang nagvolunteer sa sarili niya. Kokontrahin ko na sana ito pero biglang nagsalita si Lolo.

"Mabuti kung ganun, makakabisita ka na ulit sa talon. Si Camilla kasi minsan pumupunta doon mag-isa. Ikaw ba senyorito, hindi pa nakadalaw mula ng dumating ka?"

"Ay hindi pa, Lo." tanggi nito. Sinungaling!

"Natatakot kasi ako baka mabagok ang ulo ko doon at walang makakakita sa akin , mahirap na Lo, bata pa naman ako. Sayang naman ang lahi, Lo, kung hindi mapakinabangan." biro nito na ikinatawa ni Lolo. Swak na swak yung mga hirit niya kay lolo kahit hindi naman nakakatawa para sa akin.

"...atleast pag may kasama akong pumunta doon Lo, may magliligtas sa akin diba? Tama ba ako Cam?" makahulugan itong ngumiti sa akin.

"Shut up!" I mouthed but he just laughed at me.

"Lo, isasakay ko si Camilla kay Rodrigo mamaya ah. Tuturuan ko din siyang mangabayo para lalong gumaling."

Nagsisimula na naman siya sa hindi nakakatawang biro niya. Inirapan ko ito pero maduduling nalang siguro ako kakairap sa kanya hindi pa rin ito apektado. Tuwang-tuwa pa ata.

"Magaling akong magturo Cam, for sure pagkatapos kitang turuan magiging expert ka na."

Expert? Wala akong balak maging equestrian. Mukha mo!

"Wag na po senyorito." kunwari magalang kong tanggi dahil kaharap si lolo. "sasabay na lang ako kina Jepoy, dito lang naman kami sa short cut dadaan."

"No!" Masungit niyang sagot sa akin pagkarinig ng pangalan ni Jepoy. Bigla pang naging seryoso ang mukha niya. "You'll come with me. Let your friends, follow us there." may pinalidad nitong sabi.

"I just want to make sure you are safe, mahirap na, diba Lo?"dugtong niya.

"Mga kaibigan ko ang aking kasama, kilala din sila ni lolo kaya alam kung safe ako." mahina pero may diin kung sabi.

"Pumayag na si Lolo na ako ang maghahatid sayo doon.Kung ayaw mo, ipapasara ko ang short cut na sinasabi mo. Balita ko pa naman madami na ang dumadaan doon..." nanghahamon pa itong tumingin sa akin.

Nagngingitngit na ang kalooban ko sa kanya pero pinipigilan ko lang. Hambog talaga! Palibhasa sa kanila ang hacienda kaya ganun na lang kung makaasta.

"Tama si senyorito Gaston, apo. Mabuti na rin yung makasiguro akong ligtas ka. Mahirap ang panahon ngayon.'

Bakit sa kanya ba Lo, sigurado kang ligtas ako?

Gusto ko pa sanang kumontra pero tumahimik na lang ako. Hindi ko din naman kasi pwedeng sabihan sila ni Amor na hindi kami tutuloy dahil lang sa ayaw kong magpahatid sa senyorito. Natatakot din akong baka totothanin nitong ipasara ang short cut na dinadaanan namin dahil kapag nangyari ang layo na ng iikutan ko kapag gusto kong pumunta sa burol.

"Okay po, Lo." I surrender, wala din naman atang balak ang senyoritong bawiin ang sinabi niya. Nakita ko pa ang pinipigilan niyang ngiti na lalo lang nagpainis sa akin.

Sarap murahin ni gago. Tang-ina mo po, senyorito. Hindi po kayo nakakatuwa. Bwesit po ako sa inyo!

_________________________________

Ingat po kayong lahat. God bless po!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status