"Hell no, Kuya!"Tila binuhusan ng malamig na tubig si Senyorito Gaston at nauna pa itong tumayo sa kuya niya. Agad naman akong umiwas ng tingin dahil ayokong mahuli nila akong nakatingin sa nakakampong sundalo sa harapan ng senyorito. "Hala!" nagpapanic niyang sabi. " Bakit ako nandi---Hi Lolo IG! Good morning! Hi Ba--" I glared."Hi Cam! Good morning sayo." hilaw pa itong ngumiti. Pagkatapos bumaba ang tingin niya sa kanyang harapan. Nang matantong wala siyang suot na damit at tanging boxers lamang mabilis niya itong tinakpan. "Bakit ako nakahubad, Kuya? Bakit ka nandito? Dito ka rin natulog?"Pero imbes na sagutin siya ni Senyorito Gustavo masungit siya nitong tinapunan ng tingin. "Fix yourself Gaston Pierre and explain yourself to Mang Ignacio."Mabilis niyang kinuha ang damit at pantalon na nakasabit sa may upuan. Tumalikod ako saglit dahil nakakahiya naman kung pati sa pagbihis niya nakatingin pa rin ako at mas lalong nakakahiya dahil alam kong nagmamasid lang si lolo Ignacio
"Bakit palagi kong napapansin si Senyorito Gaston na nakasunod kay Camilla? Noong nakaraan kita kong sinakay siya ni senyorito sa kabayo papuntang burol, kaninang umaga kita kong bumaba si Camilla mula sasakyan ni senyorito." Si Roda na parang may naka built-in na megaphone sa bibig sa lakas ng boses niya habang kausap ang kaibigan niyang si Minggay. Pati tuloy ang ibang mga skolar na andito sa hall ngayon ay nagbubulungan na din.Pinatawag ang mga skolars ng Sandoval Foundation para sa dagdag na allowance, pambili ng gamit para sa opening ng klase. Kanina pa ako pinaparinggan ni Roda pero hindi ko siya pinapansin. Una, ayokong tanggapin ang basurang lumalabas sa bibig niya, pangalawa ayokong sayangin ang lakas ko para patulan ang mga parunggit nila sa akin."Ang yabang hindi naman kagandahan. Maputi lang siya kaya mukhang maganda pero kung naging maitim yan sigurado akong hindi yan mapapansin ni senyorito.""Oh talaga? Share mo lang." mahina kong bulong. "Hindi ko na kailangang magpa
"Lo, baka matagalan ako ng uwi mamaya. Pupunta kami sa kaibigan ni Senyorito Gaston."pagpapaalam ko kay Lolo Ignacio.Senyorito Gaston parin ang tawag ko kay senyorito kahit na sinabihan niya na akong 'Mahal' ang dapt kung itawag sa kanya. Naiilang ako at mukhang hindi pa rin masasanay yung dila ko. Nahihiya rin ako lalo na kung may ibang nakakarinig. Hindi dahil sa kinakahiya ko ang senyorito kundi dahil sa feeling ko hindi pa ako umabot sa puntong karapat dapat akong maging nobya niya.Sino lang ba ako kumpara sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya? Ang dami kong narinig tungkol sa mga babaeng na link sa kanya at halos lahat galing sa mayamang angkan dito sa probinsya. Yung iba mga modelo at yung iba naman mga sikat na artista. I know hindi ako dapat mainsecure dahil nararamdaman ko naman mahalaga ako kay Senyorito pero hindi ko talaga maiwasan.Kaya nga magsisikap talaga akong makapagtapos ng pag-aaral. Para kahit papano may maipagmamalaki din ako sa kanya. That way, baka sakaling m
Sakay ng itim na Hummer ni Senyorito Gaston pumunta kami sa bahay ng bestfriend niya. Malayo pa lang tanaw na namin ang isang magandang babae na nakaabang sa labas ng bahay nila. Katabi nito ang isang lalaking matangkad na may bibit na payong na halos yumakap na sa kanya at sa harapan naman nila ay isang batang lalaki na sa palagay ko ay nasa sampung taong gulang. Malayo palang kami kumakaway na ito sa amin. Nakaplaster ang malawak na ngiti sa kanyang magandang mukha. Matangkad, maganda ang katawan, morena ang kulay ng balat. In short she is really beautiful. Tama lahat ng sinabi ni Lolo Ignacio tungkol sa kanya. "That's Zia." bulong ni Senyorito sa akin. "Beside him is Dominguez, her first love and father of her son, Dalton Ambert. Siyan yung batang nasa profile pic ko noon.""Papa G!!!!!! I missssss you." Naunang bumati ang batang lalaki. Tumakbo ito palapit sa amin at mabilis na yumakap kay senyorito."Up! Up!" aniya, nagpapabuhat. " I know how to ride a horse now, daddy taught
Trigger Warning: abuse_________________________________"Camilla! Lintek kang babae ka! Anong oras na hindi ka pa nakasaing?"Dinig ko ang pagdadabog ni Tiyong Selmo sa loob ng bahay. Mukhang madami na namang masisirang gamit ngayon. "Pisteng buhay 'to! Malas lahat ng mga tao dito." Nagsisimula na itong magwala, lasing na naman. Naririnig ko na ang kalansingan ng mga nabasag na pinggan sa loob. "Rosalinda! Camilla! Mga bwesit kayo! Malas kayo sa buhay ko."Malakas niyang sigaw. Wala ang Tiyang Rosa ngayon dahil nandun sa sugalan, nagbabaraha. Ako lang ang naiwan dito dahil naglalaba ako. "Camilla!"Dinig ko ang mga mabibigat niyang yabag palapit sa akin pero hindi ako sumagot. Wala akong lakas na sumagot sa kanya dahil alam ko na ang susunod na gagawin niya sa akin. "Andito ka lang pala! Bakit di ka sumasagot?! Ano nagmamalaki kana!!?"Malakas niya akong binatukan. Hindi ako nakagalaw dahil sobrang nanghihina ang aking katawan. Hindi pa ako tapos maglaba ng mga damit nila ni Tiy
Each passing day is like a living hell. I was traumatized. I don't have proper sleep. Sa tuwing pinipikit ko ang mga mata ko bumabalik lahat ng mga masasamang nangyari sa akin. Nararamdaman ko ang haplos ng mga demonyo. Kahit sa aking pagtulog hinahabol nila ako. Naririnig ko ang mga halakhak nila.Ilang beses kong sinubukanag kitilin ang buhay ko pero hindi ako nagtatagumpay. I don't want to live this miserable life anymore. I hate that I was born. I hated myself, I hated my body, I hated my face. I hate everything about me. I want to end this fucking life. Para na akong mababaliw. Wala na akong ganang mabuhay. Ayokong makakita ng tao. Ayoko ng may kumakausap sa akin. Konting kaluskos lang pakiramdam ko may mangyayari na sa akin. Feeling ko mamatay na ako. I wished, I really wished to be gone. I prayed for that everyday. I prayed for that every night. But the next morning I am still alive. I don't know why I am still alive. I don't deserve this life. I don't deserve myself. Araw-
"Malaki ang respeto ko sa inyo ng mga magulang mo Senyorito Gaston. Malaki ang utang na loob ko sa pamilya niyo at habang buhay ko itong pasasalamatan. Matanda na ako, hindi ko alam kong ilang taon nalang ang ilalagi ko dito sa mundo. Wala na akong ibang pamilya. Si Camilla na lang ang meron ako. Kaya kung hindi mo kayang protektahan ang apo ko, nakikiusap ako sayo. Ipaubaya mo nalang siya sa akin."Nagising ako na may kausap si Lolo Ignacio. Narinig ko ang pagbanggit niya ng pangalan ni Senyorito Gaston. Gusto kong idilat ang mga mata ko pero pinili kong magkunwaring natutulog pa dahil gusto kong marinig ang usapan nila."Madami ng masasakit na pinagdaanan ang apo ko senyorito pero hindi ko maaring sabihin sayo dahil wala ako sa posisyon. Alam kong nagkakamabutihan na kayo ng apo ko, wala akong tutol dun pero ayaw ko lang na madedehado siya. Hindi ko kayang makitang bumalik siya sa dati. Ayokong makita ulit na nasasaktan siya. Ngayong andito na siya sa akin, gagawin ko ang lahat ma-p
Dahil sa payo ni Lolo na wag na lang akong pumunta sa mansion ng mga Sandoval, nandito ako ngayon sa bahay nag-iisa. Nakahanda na sana ang mga susuotin kong dress at shoes na padala ni senyorito pero heto ako nakatitig lang sa mga ito ngayon. Si Lolo kasama ang iba pang mga trabahante ng planta ay kanina pa pumunta doon para tumulong. Iniwanan niya pa akong ng pagkain bago ito umalis. Ilang ulit niya pang sinabing dito lang ako sa bahay at wag aalis.Kanina pa ako patingin-tingin sa cellphone ko, nagbabaka sakali na may text galing kay senyorito pero wala akong natanggap. Maliban sa bulaklak at note na pinadala niya kaninang umaga hindi na ito nagparamdam ulit sa akin. Ayoko namang magtext ulit sa kanya at baka madami siyang ginagawa ngayon. Hindi rin naman siya nagreply sa akin nung sinabi kong natanggap ko ang pinadala niya. Ayoko ring maka-istorbo sa kanya. Tama na yung nagpasalamat ako sa bulaklak at damit na pinadala niya sa akin. "Camilla, handa ka na ba? Tara na!" dinig ko a