Each passing day is like a living hell. I was traumatized. I don't have proper sleep. Sa tuwing pinipikit ko ang mga mata ko bumabalik lahat ng mga masasamang nangyari sa akin. Nararamdaman ko ang haplos ng mga demonyo. Kahit sa aking pagtulog hinahabol nila ako. Naririnig ko ang mga halakhak nila.Ilang beses kong sinubukanag kitilin ang buhay ko pero hindi ako nagtatagumpay. I don't want to live this miserable life anymore. I hate that I was born. I hated myself, I hated my body, I hated my face. I hate everything about me. I want to end this fucking life. Para na akong mababaliw. Wala na akong ganang mabuhay. Ayokong makakita ng tao. Ayoko ng may kumakausap sa akin. Konting kaluskos lang pakiramdam ko may mangyayari na sa akin. Feeling ko mamatay na ako. I wished, I really wished to be gone. I prayed for that everyday. I prayed for that every night. But the next morning I am still alive. I don't know why I am still alive. I don't deserve this life. I don't deserve myself. Araw-
"Malaki ang respeto ko sa inyo ng mga magulang mo Senyorito Gaston. Malaki ang utang na loob ko sa pamilya niyo at habang buhay ko itong pasasalamatan. Matanda na ako, hindi ko alam kong ilang taon nalang ang ilalagi ko dito sa mundo. Wala na akong ibang pamilya. Si Camilla na lang ang meron ako. Kaya kung hindi mo kayang protektahan ang apo ko, nakikiusap ako sayo. Ipaubaya mo nalang siya sa akin."Nagising ako na may kausap si Lolo Ignacio. Narinig ko ang pagbanggit niya ng pangalan ni Senyorito Gaston. Gusto kong idilat ang mga mata ko pero pinili kong magkunwaring natutulog pa dahil gusto kong marinig ang usapan nila."Madami ng masasakit na pinagdaanan ang apo ko senyorito pero hindi ko maaring sabihin sayo dahil wala ako sa posisyon. Alam kong nagkakamabutihan na kayo ng apo ko, wala akong tutol dun pero ayaw ko lang na madedehado siya. Hindi ko kayang makitang bumalik siya sa dati. Ayokong makita ulit na nasasaktan siya. Ngayong andito na siya sa akin, gagawin ko ang lahat ma-p
Dahil sa payo ni Lolo na wag na lang akong pumunta sa mansion ng mga Sandoval, nandito ako ngayon sa bahay nag-iisa. Nakahanda na sana ang mga susuotin kong dress at shoes na padala ni senyorito pero heto ako nakatitig lang sa mga ito ngayon. Si Lolo kasama ang iba pang mga trabahante ng planta ay kanina pa pumunta doon para tumulong. Iniwanan niya pa akong ng pagkain bago ito umalis. Ilang ulit niya pang sinabing dito lang ako sa bahay at wag aalis.Kanina pa ako patingin-tingin sa cellphone ko, nagbabaka sakali na may text galing kay senyorito pero wala akong natanggap. Maliban sa bulaklak at note na pinadala niya kaninang umaga hindi na ito nagparamdam ulit sa akin. Ayoko namang magtext ulit sa kanya at baka madami siyang ginagawa ngayon. Hindi rin naman siya nagreply sa akin nung sinabi kong natanggap ko ang pinadala niya. Ayoko ring maka-istorbo sa kanya. Tama na yung nagpasalamat ako sa bulaklak at damit na pinadala niya sa akin. "Camilla, handa ka na ba? Tara na!" dinig ko a
"Camilla!" Dinig kong tawag ni Amor sa akin pero hindi na ako lumingon. Narinig ko rin ang pagtawag ni Lolo pero patuloy lang ako sa pagtakbo. Gusto kong makalabas ng mansion nila, gusto kong lumayo, gusto kong mapag-isa pero pagdating ko sa gate hinarang ako ng mga gwardiya. "Ikaw ba si Camilla?" tanong ng gwardya sa akin, Tumango lang ako sa kanya. Halos hindi ko na siya makita sa dami ng luhang bumalot sa aking mga mata. "Pasensya na pero hindi ka pwedeng lumabas. Maghintay ka muna dito at may maghahatid sayo pauwi sa inyo." "Apo po ako ni Lolo Ignacio, malapit lang ang bahay namin dito lalakarin ko nalang po." pagmamakaawa ko, putol-putol na rin ang boses ko dahil sa pag-iyak pero lalo lang nila sinara ang gate. "Pasensya ka na Camilla, pero may tumawag na hindi ka muna papalabasin." "Bakit hindi ako papalabasin, Kuya?" Wala naman akong kasalanan, gusto ko lang namang makalayo pero bakit hindi nila ako pinapalabas? Hanggang sa hindi ko namalayang napalakas na pala ang iy
Hindi ko alam kung nanaginip lang ba ako o patay na ako dahil naramdaman kong para akong nakalutang ako sa ere. Gusto kong idilat ang mga mata ko pero sobrang bigat ng talukap ko. Wala akong lakas at nararamdaman ko ang panginginig ng aking katawan. "Stay still, Baby." narinig kong boses at sunod kong naramdaman na tinatanggal nito ang suot kong damit. Tinabig ko ang kamay niya pero hindi sapat ang lakas ko. Sunod kong naramdaman ang pagkatanggal ng pantalon ko."Please, d-dont." hindi ko alam kung may lumabas bang boses mula sa akin."Si Gaston ito, Cam." he sounded like him, he smelled like him, he touched like him. But I can't see his face. Am I dreaming? Oh God give me strength, mahina kong dasal pero wala pa rin akong lakas."Shhh...stay still, Baby. " he whispered. I felt the warmth of his body as pulled me closer to him. " I won't harm you."He took my hand and let me hug him. He hugged me back so tight like he's caging me. Then I felt the warmth of his lips on my forehead.
"Are you going to marry her because something happened between the two of you, Gaston Pierre?" Nakagat ko ang labi ko at nahihiyang yumuko. Hindi ko inaasahan na itatanong yun ni Senyora Elizabeth. Mababa at kalmante man ang boses niya pero hindi ko maiwasang kabahan. Wala akong mababasang reaksyon sa mukha niya mula ng dumating kami ni Lolo Ignacio at Senyorito Gaston. Ngayon lang ako nakalapit ng ganito kalapit sa kanila. Ngayon ko lang din sila makakausap simula ng dumating ako dito sa hacienda nila. Pero alam kong mababait ang mag-asawang Sandoval, yung ang palaging bukambibig ng mga trabahante nila dito sa hacienda.Nandito kami ngayon sa loob ng library nila dahil pinatawag kami ni Senyor Gideon at Senyora Elizabeth. Katabi ng Ginang si Senyorito Gustavo na tahimik lang. Si Senyor Gideon naman ay nakaupo sa kabisera, seryoso man ang mukha pero tipid itong ngumiti pagkakita sa akin kanina. Ako, si Lolo at si Senyorito Gaston ay nakaupo sa tapat nila.Mula sa cabana kung saan
"You may now kiss the...Hindi paman tapos sabihin ng judge ang famous line niya. Walang pagdadalawang isip ng inangkin ni Gaston ang labi ko sa harap ng mga pamilya namin. Hindi man lang ito nahiya. Hinawakan niya pa ang ulo ko kaya hindi ako nakaatras agad."...bride." Natawa na lang si Judge Gonzales ng idagdag niya yun. Mukhang sanay na rin sa ganitong mga eksena. "Hindi naman halatang excited ang anak mo, Eon. Sabagay ang Angelo ko ganyan din." aniya na may nakabuntot na tawa bago niya kami kinamayan. "Congrats to both of you. I wish you a blissful marriage life, Gaston, Camilla." nakangating bati ni Judge Gonzales sa amin. Tinanggap ko ang kamay niya sumunod naman si Gaston. Pagkatapos ay may pinapirmahan siya sa aming mga dokomento. "Thank you po, Tito Ern. Please send my regards to Tristan. It's been more than two decades that I haven't seen him. Masungit pa rin po ba?" si Gaston pagkatapos niyang pumirma. "Oh, same as before but he's little bit dramatic lately...you kno
Mabilis na lumipas ang mga araw. Naging busy ako dahil start na ang pasukan namin at si Gaston naman ay ganun din sa planta. Kailangan niyang magdoble kayod dahil silang dalawa lang ni Kuya Gustavo ang namamahala sa lahat ng mga negosyo nila.Pansamantala kaming nakatira sa mansion nila habang pina-finalize pa ang plano sa magiging bahay namin. Nakausap ko na ang mga arkitektong sinasabi niyang kilala niya. Sina Architect Villegas at Architect Valderama at ang asawa niya si Engineer Sapphira. Nung last meeting namin, tinanong nila ako kung ano ang mga gusto kong ipadagdag sa design nila. Actually wala na akong maidadagdag pa. Kahit nga maliit na bahay basta matatawag ko lang na amin ni Gaston ayos na ako doon. Para sa akin iba ang feeling kapag may sarili kaming tahanan ng asawa ko.Wala naman akong ibang masabi dito sa mansion nila. Hindi naman masungit sa akin ang mama ni Gaston pero hindi ko rin masasabing okay kami. Hindi niya ako kinakausap pero hindi rin naman niya ako sinusung