Share

Chapter 6

Gaston Pierre Sandoval, ang matanda, hambog at makulit senyorito ay hindi talaga ako tinantanan buong araw. Konting-konti na lang talaga mabubuhagan ko na ito. Kanina niya pa ako pinepeste, mula sa bahay hanggang dito sa niyogan.

Kahit sa pamumulot namin ng mga tuyong dahon ng niyog nakaagapay pa rin ito sa akin. Pakanta-kanta habang nakasakay sa kabayo niya. Pati tuloy mga kasamahan kong skolars ay napapatingin na din sa amin. Hiyang-hiya na ako pero ang mahal na senyorito mukhang tuwang-tuwa pa ito pero hindi lang pinapahalata.

"Leave that, Camilla." saway niya sa akin ng makita niyang hihilahin ko na yung malaking dahon ng niyog. Masungit akong lumingon sa kanya. Bakit ba pinapakialaman niya ang trabaho ko? As if naman hindi ako sanay sa ganito. Isa pa ayokong mahalata ng mga kasamahan kong may special treatment siya sa akin pero ayaw talaga papipigil ni senyorito.

"Kaya ko na po, ito senyorito. Sanay na po ako dito." magalang kong sabi kahit deep inside gusto ko na siyang patulan.

"You'll leave that or isasakay kita dito sa kabayo?" nanghahamong tanong niya sa akin. "you choose..."

Hindi ako sumagot pero hawak ko pa rin ang dulo ng dahon. Hanggat maari ayokong makipag-away sa kanya dahil oras ngayon ng trabaho. Isa pa baka makarating sa ibang tauhan ng hacienda na nakipag-away ako kay senyorito, ayokong ipahiya is Lolo.

"Boy, come here..."tawag niya kay Jepoy para ipakuha ang dahon na hawak ko. Nakita ko pang natigilan saglit si Jepoy dahil sa masungit na pagtawag ni senyorito sa kanya pero agad din naman sumunod.

"Ano po yun senyorito?"magalang na tanong ni Jepoy, tumingin pa ito at ngumiti sa akin kaya ngumiti din ako sa kanya.

"... take that leaves from her and bring there." tinuro niya ang kung saan namin tinitipon ang mga dahon ng niyog. Magpo-protesta pa sana ako pero pinili ko nalang manahimik dahil ayokong makagawa kami ng eksena.

"Okay po senyorito." nakangiting sagot ni Jepoy pero napawi ang ngiti niya ng makitang masungit na nakatingin si senyorito Gaston sa amin.

"Akin na Cam, sabi ko naman kasi sayo yong maliliit lang na dahon ang kunin mo." mahinang sabi ni Jepoy pero alam kong narinig ni senyorito dahil kulang na lang ay magbuhol ang kilay niya.

"Tutulung--"

"Give that to him Camilla and take a rest." putol ng senyorito sa akin.

Tinapunan ko siya ng masungit na tingin pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Finish all the works, boy, and tell the other scholars to rest after."

Tumango at tahimik na sumunod si Jepoy sa inutos ni senyorito. Hindi na rin ito nakangiti sa akin at umiiwas na ng tingin. Tutulungan ko pa sana si Jepoy pero nakita ko ang pag-angat ng kilay ng senyorito at masungit na tumingin sa akin.

Naglakad ako sa unahan para umiwas sa kanya. Hinayaan ko na lang si Jepoy na hilahin ang mga dahon ng niyog mag-isa. Wala din naman akong maitutulong dahil ayaw ng senyorito.

Nakasakay lang ito sa kabayo habang nakaagapay sa akin. Sa akin lang dahil ang ibang skolars ay ilag na lumayo sa amin. Strikto at masungit ang mukha nito na akala mo naman seryoso at walang tinatagong kalokohan.

"Anong dadalhin natin sa ilog mamaya, Cam? Excited na akong maligo." para itong batang ngayon pa makakaligo sa ilog. "I miss going there. Ang tagal ko ng hindi nakabalik doon."

Anong matagal? Last week ka nga lang nagkunwaring nalunod doon. Baka nakalimutan mo?

"Do you want me to bring fish or meat para makapag bbq tayo doon mamaya, Cam? I'm really so excited."

Hindi ako sumagot dahil naiinis pa rin ako sa kanya.

"Ba't ang tahimik mo, Cam? Galit ka bang inutusan ko yong kaibigan mo?"

Hindi na ako nakatiis sa kakulitan ni senyorito kaya pasimple ko siyang tinaboy.

"Pwede po ba senyorito doon kayo sa unahan magbantay? Wag po kayong mag-alala magtatrabaho po akong mabuti para hindi kayo lugi sa akin." mahina pero may diin kong sabi sa kanya.

Nakakainis at nakakailang kasi ang pagsunod-sunod niya sa akin. Panay pa ang daldal dinaig pa si Amor sa kakulitan niya. Pati ang kabayo niya ay patingin tingin din. Siguro kong nakakapagsalita ito kanina niya ako tinawanan, kulang na lang kasi itulak ko si senyorito mula sa pagkakasakay sa kanya sa sobrang inis ko.

"Do you really think that I came here for that? Baka gusto mo ipasakay kita dito sa kabayo ko, Camilla?" hamon niya sa akin. Nakaangat pa ang isang kilay niya sa akin. "Gusto mo yun, Rodrigo? Isakay natin si Camilla dito sa likod mo?"

At para namang naiintindihan siya ng kabayo niya dahil bahagya itong humiyaw. Bwesit! Lumakas ang tawa ni senyorito kaya napalingon sa amin ang mga kasamahan ko. Agad akong nagkunwari na hindi ako ang dahilang kung ba't ito tumawa. Pulang-pula na ako sa uri ng tingin nila sa akin pero hindi naman ako pwedeng umalis dahil tiyak maghihinala ang mga ito lalo pa at nakasunod sa akin ang senyorito.

"Dinig mo yon Cam? Gusto ka daw ni Rodrigo...Halika, sumakay ka na sa akin."

Sumakay sa akin?

Bastos talaga!

I know it's half meant pero ng tumingin ako sa kanya, pormal itong nakatingin sa akin. Bakit ba kasi pakiramdam ko lahat ng lumalabas sa bibig ni senyorito may halong kabastusan? Ako lang ba ito o talagang double meaning ang sinabi niya?

Napansin ko yong tinatago niyang ngiti na kunwari wala itong sinabing bastos. Sabi ko na nga ba, tama talaga yong nasa isip ko. Pasaway talaga ang gurang na 'to.

"Bastos!" mahina kong sabi at nagmamadaling pumunta sa grupo nina Amor.

Mabuti at hindi ito sumunod sa akin pero nang tingnan ko ito sa akin pa rin pala nakatuon ang atensyon niya. He won't take his eyes off me, nakakainis dahil pinaharap niya pa talaga si Rodrigo sa gawi namin kaya tuloy yong mga dalagang skolar ay parang matatae na sa kilig habang nakatingin sa kanya.

"Shit ang gwapo talaga ni senyorito Gaston. Anakan mo po ako senyorito." kinikilig na sabi ni Roda na sinabayan naman ni Minggay. "Ang laki ng katawan, ang sarap siguro magpabalibag dyan."

Hindi ko mapigilang mapaangat ang kilay habang nakikinig sa kanilang dalawang pinag-uusapan si senyorito. Kababaeng tao ang babastos ng mga bunganga, parang hindi mga dalaga.

"Tingnan mo si senyorito nakatingin sa akin." Parang bulateng inasinan si Roda sa sobrang kilig. "Tingnan mo nga ang suot ko Minggay, ayos lang ba?" Inayos pa nito ang kulay dilaw niyang bestida. Ang mahaba at kulot niyang buhok ay mahinhin niyang inipit sa kanyang tenga.

"Oo, Roda, maganda ka parin." sagot na man ni Minggay sa kaibigan niya.

Sabagay maganda din naman itong si Roda, morena at may katangkaran din, pero isa ito sa mga nang-iirap sa akin kaya hindi kami magkasundo. Katropa niya din yung mga may crush kay senyorito Gaston na Valderama angels, si Cha-cha at Ramona.

Pasimple kong tiningnan si Amor umiismid-ismid ito habang nakatingin sa mga kababata niya. Palibhasa may tama din ito kay senyorito kaya ganun na lang din kung makairap. Akala ko talaga tatahimik lang ito pero napasinghap ako ng bigla itong nagsalita.

"Asa ka naman Roda, wag masyadong feeling uy!"pabirong komento ni Amor pero iba ang pagkakatanggap ni Roda dito, ang nakangiting mukha ni Roda ay biglang naging masungit. Susugod sana ito sa pwesto namin pero mabilis kong nahila si Amor.

"Hoy singkit anong sabi mo?"

"Sabi ko wag feeling, Roda, kalmahan mo lang." sumagot pa talaga. Ayaw talaga paawat ni Amor kahit na kita niyang pikon na si Roda. "Konting ligo at sabon pa baka pwede ka ng pumasa."

"Amor, tama na." awat ko sa kanya pero ngumiti lang si Amor sa akin saka umismid kina Roda.

"Di hamak na mas maganda naman ako kesa sayo, Amor. Tingnan mo nga yang mata mo halos hindi ka na nga makakita sa liit niyan. Kung makalait ka naman sa akin akala mo naman ng tangos ng ilong mo ah."

"At least ako, kalma lang. E kayo daig niyo pa ang mga kiti-kiti. Sa tingin niyo papatulan kayo ni senyorito? Asa kayo!"

Hindi ko na hinintay na sumagot pa si Roda at hinila ko na si Amor palayo sa kanila.

"Ano ba, Amor, kailangan ba talagang makipag-away ka para lang kay senyorito?" mahina kong tanong sa kanya.

"Nakakainis kasi sila Camilla, akala mo kung sinong magaganda. Isa pa kanina ka pa pinag-uusapan ng mga yun. Kanina ko pa gustong sugurin ang mga yon eh, nagpipigil lang ako at baka matanggalan ako ng skolarship."

Gusto ko pa sanang magtanong kung bakit nila ako pinag-uusapan pero pinili ko na lang na tumahimik. It's obvious na ang pagsunod-sunod ni senyorito sa akin kanina ang topic nila. Hindi rin naman kasi kaila sa akin na kahit nung wala pa si senyorito dito ayaw na talaga ako nina Roda maging kaibigan.

"Hayaan mo na lang Mor, hindi natin makokontrol kung anong sasabihin ng mga tao tungkol sa atin."

It's true, I've been in that situation before. Kahit anong gawin mo kung ayaw ng mga tao sa paligid, ayaw talaga nila. Hindi mo pwedeng ipilit ang sarili sa taong ayaw naman.

Tumahimik na ako saka umupo sa isang lilim. Nagpapahinga na din ang ibang skolars at maya-maya uuwi na din kami.

Hindi naman mahirap ang trabaho dito sa hacienda. Minsan namumulot lang kami ng mga nahuhulog na niyog, nagwawalis, o di kaya nagdadamo. Tsaka madami naman kaming nagtatrabaho kaya madali lang ding natatapos.

"Ayos ka lang?" maya-maya ay tanong niya at umupo na ito sa tabi ko. Binuksan niya ang dalang bag na may lamang biko at tubig. "Kain muna tayo."

Tipid akong ngumiti sa kanya. "Ayos lang ako, basta sa susunod wag ka na lang makipag-away sa kanila."

Kung pwedeng umiwas sa gulo, iiwas na lang. Hindi ko naman kailangan ng validation ng ibang tao. Ang importante kilala ko ang sarili ko.

Tahimik kaming kumain dalawa. Kapag ganitong hindi ako masyadong nakikipag-usap kay Amor hindi niya rin ako kinukulit.

Maya-maya ay nakita kong papalapit si Jepoy at si Long-long sa amin. Malayo pa lang ay nakangiti na ang mga 'to. Si Jepoy may bitbit na supot na sa palagay ko ay banana cue dahil may hawak ito sa kabilang kamay niya at ngumunguya pa at si Long-long naman ay may dalang pitsel.

"Cam, saging para sayo. " aniya sabay abot ng supot sa akin. Umupo ito sa tabi ko at nagpatuloy sa kinakain niyang saging. Tumingin si Amor sa kanya pero hindi niya ito pinansin. Sarap na sarap ito sa kinakain niyang saging, namamawis pa ang noo niya.

Tumabi naman si Long-long kay Amor ." Buko juice, para sa inyo." aniya sabay abot ng baso.

"Hoy Jepoy, bakit si Camilla lang, ako wala?" malditang tanong ni Amor sa kanya tinampal niya pa ang braso ni Jepoy kaya muntik matapon ang stick na hawak nito.

"Ay! Andyan ka pala Mor?" nakangising sagot ni Jepoy.

"Ay wala...wala ako dito. Hangin lang ako Jepoy, hangin!"

"'to naman di na mabiro. Dalawang stick yan, hingin mo kay Camilla ang isa." saad ni Jepoy at nagpatuloy na sa pagkain.

Kinuha ko ang isang stick at binigay naman ang isa kay Amor. Ang sarap ng banana cue, puno ng asukal at mainit-init pa. Ilang subo na ang nagawa ko ng maramdaman kong parang may mga matang nakatingin sa akin. Noong una hindi ko ito pinansin pero habang tumatagal hindi na ako mapakali.

Pasimple kong nilibot ang aking pangingin at hindi nga ako nagkakamali. Sa kaliwang bahagi namin, ilang metro lang ang pagitan nakita ko si senyorito Gaston nakasakay sa kabayo niya at madilim ang mga tinging pinukol sa akin. Napalunok ako at agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya pero dama ko pa rin ang intensidad ng mga titig niya.

Nakapagpalit na ito ng tshirt ngayon, puting v-neck shirt, dark na pantalon at naka boots pa ito. Feeling hari talaga habang nakasakay sa itim na kabayo niya.

"Excited na akong maligo sa ilog mamaya, Cam. Anong niluto mo?" tanong ni Jepoy.

Pagbaling ko sa kanya tapos na siyang kumain ng banana cue at ang biko na dala ni Amor naman ang nilalantakan niya ngayon. Masiba din itong si Jepoy kumain pero hinayaan ko lang. Si Long-long at Amor ay may iba ding pinag-uusapan, nagtatawanan pa silang dalawa habang may tinitingnan sa cellphone ni Long-long.

"May suman akong niluto doon, tsaka maglalaga ako ng mani." sagot ko. Pasimple kong tiningnan si senyorito, nag-aapoy ang mga mata nitong nakatingin sa balikat ni Jepoy na bahagyang nakadikit sa akin kaya wala sa isip akong bahagyang umusod.

I don't know pero bigla akong nakadama ng takot sa paraan ng pagtitig niya sa magkadikit naming balikat ni Jepoy. Parang ang laking kasalanan na may ibang nakakalapit sa akin.

Para bang handa itong parusahan ang sinumang lalapit sa akin sa paraan ng pagtingin niya. feeling ko tuloy ang laki ng kasalanan ko at maari niya akong parusahan dahil doon.

"Ikaw Jepoy anong dadalhin mo? Si long-long ang magdadala ng kanin. Ako magdadala ng tilapya para ihawin natin." sabat ni Amor sa usapan.

"Soft drinks na lang akin tsaka tubig." nakangiting sagot ni Jepoy.

"Yun lang? Ang lakas mong kumain--"

"Camilla."

Natigil si Amor sa pagsasalita ta sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses.

Si senyorito Gaston, ang tumawag. Nakasakay pa rin ito sa kabayo niya pero pormal at strikto ang anyo niya ngayon. Mabilis kaming tumyong apat saka humarap sa kanya pero sa akin lang nakatuon ang tingin ni senyorito.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Kilutz Yohgatz
wow mukhanp maganda, bagong subaybayan
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status