Share

Chapter 4

Author: LadyAva16
last update Last Updated: 2024-08-08 16:56:02

"Lo, ang sarap naman ng apo mo..."

Natigil ako sa tangkang paglabas pagkarinig ko sa boses ng nagsasalita sa labas. Kung hindi ako nagkakamali ang malokong senyorito na naman ang kausap ni lolo Ignacio ngayon. Alas sais palang ng umaga andito na naman siya? Wala bang ibang magawa ang senyoritong ito kundi ang mambwesit ng tao?

At anong sabi niya? Masarap ako? Bastos!

"...I mean ang sarap ng suman na gawa ng apo mo, Lo."

Susugurin ko sana ito, mabuti na lang at binawi niya agad. Hindi man lang nahiya, senyorito pa namang naturingan. Wala sa ayos ang bunganga.

"Masarap talaga magluto ang batang yan? Swerte ko nga at dumating si Camilla sa buhay ko, bukod sa matalino na, masipag pa. Lahat ng gawain dito sa bahay siya na ang gumagawa, mula pagluto, paglaba at paglinis."

"Oo nga Lo, mukhang mabait yong apo niyo. Masarap pa...magluto ng ulam. Ang sarap nung tilapya ni Camilla kagabi." May nakabuntot pang tawa sa sinabi niya kahit wala naman akong nakitang nakakatawa.

Tilapya ni Camilla...

Pero teka, ulam pa ba ang pinag-uusapan nila mukhang iba ang dating sa akin nung mga sinasabi niya ah? Ang sagwa naman kasing pakinggan nung tilapya ni Camilla, parang iba yung dating.

Mukhang nahawaan na ata ang utak ko ng kalaswaan ng utak ng senyorito. Bakit ba kasi kapag nanggaling sa kanya nag-iiba ang pagkakaintindi ko dito?

"Nga pala, Lo, bakit may suman ngayon? Anong meron?"maya-maya ay dinig kong tanong niya.

Bakit kailangan ba may dahilan para magsuman? Hindi ba pwedeng gumawa lang ako dahil gusto kung kumain? O baka naman may iba na naman itong naiisip?

"Ah may-outing daw sila mamaya kasama ang mga kaibigan niya, yan daw ang ambag niya."

Kagabi nga dahil wala naman kaming ibang libangan ni Amor naisipan naming dalawang gumawa ng suman, may malagkit kasi akong nabili sa bayan nung nakaraang araw. Ito na rin ang plano naming dalhin mamaya doon sa talon para sa outing namin kasama ang ibang mga scholar ng mga Sandoval. Malapit na kasi kami mag-back to school.

"Sinong mga kaibigan, Lo? Saan daw sila pupunta? Baka naman may mga lalaki doon, delikado pa naman ang panahon ngayon, Lo. Kung ako sa inyo hindi ko yan basta-basta pinapayagan."

Wow! Ang lakas ng loob makasulsol kay Lolo ah. Kala mo naman kung saan kami pupunta e doon lang naman sa may talon. Isa pa kilala ni lolo ang mga kasama ko. Apaka judgmental niya!

"Mga skolar lang yung kasama niya mamaya, anak ng mga kapitbahay ko. Kilala ko din ang lalaking kasama nila, si Jepoy na anak ni Ruben at Long-long na anak ni Dencio, mga trabahador ng planta. Kasama din ang kaibigan niyang palaging pumunta dito sa bahay, si Amor."

"Apat lang sila, Lo? Pares-pares?"

Wow ulit! Anong pares-pares? Kung maka-intriga ang senyoritong to apaka chismoso. Anim kaming pupunta doon, kami ni Amor at ang dalawang kapatid niyang babae, si Jepoy at si Long-long.

"Saan daw sila pupunta, Lo? Baka naman may boyfriend na ang apo mo, Lo. Hindi mo lang alam."

Napaka tsismoso! Wow na wow kung maka-intriga dinaig pa ang dakilang marites na mga kapitbahay namin.

Ano naman ngayon kung me nobyo ako? Sino ba siya para magtanong ng ganun? Kuya ko ba siya?

"Wala pang nobyo yang apo ko." dinig ko pa ang mahinang tawa ni Lolo. "Gusto niya dawng magtapos ng pag-aaral bago siya magnobyo. Pero swerte ang lalaking mapapangasawa niyan, marunong sa buhay at madiskarte. Wag lang talaga magkamali ang sinumang lalaki na saktan ang apo ko dahil hindi ako magdadalawang isip na ibigay ang buhay ko para sa kanya."

Hindi ko na pinakinggan pa kung ano ang maging sagot ni senyorito at baka lalo lang akong mairita sa kanya. Ano ba kasi ang ginagawa niya dito at ke aga aga pa?

Tumuloy ako sa kusina sa likod bahay, sa dirty kitchen namin ni lolo para maghanda ng agahan namin. Tortang talong, pritong tuyo at salad na talbos ng kamote ang gagawin ko. May kalamansi din akong naharvest sa isang punong tanim ni lolo kaya gagawa ako ng kalamansi juice para sa amin ni Lolo mamaya.

Nakasaing na si lolo ng kanin kaya ulam na lang ang lulutuin ko. May kaunting apoy pa mula sa pinagsaingan ni lolo, yun na lang din ang gagamitin ko, pababagahin ko na lang ulit. Ininit ko muna ang tsokolate mula sa tableya na tinira ni lolo para sa akin para pang-pares ko sa suman at habang naghihintay na mainit, hinugasan ko muna ang talong at talbos ng kamote.

Sinilip ko ang kanin na niluto ni lolo mukhang madami ito ngayon. Dito na naman siguro kakain ang senyorito.

Hmm, okay, e di dito, pagtiisan niya kung anong ulam namin. For sure hindi ito kagaya ng pagkain sa mansion nila. Bakit ba kasi ke aga-aga andito na siya?

Ang sarap talaga pampares ng tableya sa suman. Sarap na sarap ako habang kumakain. Siguradong matutuwa ang mga kaibigan ko mamaya dito sa suman ko.

"Good morning beautiful."

Nabitin sa ere ang suman ko ng biglang may bumulong sa akin at kahit hindi ko man ito lingunin alam ko na kung sino ito. Walang iba kundi ang hambog na senyorito. Sobrang lapit niya sa likod ko na pati ang mainit niyang hininga ay tumama sa aking batok kaya hindi ako gumalaw.

Ano na naman kaya ang kailangan nito sa akin at ako na naman ang pini-peste niya?

"Hmmm...ang sarap ng suman." walang pagdadalawang isip itong kumagat sa suman na nasa kamay ko. "Gawan mo din ako nito Cam, ito na ang bago kong paborito."

Wow! Feeling close?

Umalis ito sa likuran ko at umupo sa upuang nasa tapat ko. Parang bata pa itong pangiti-ngiti sa akin habang nginunguya ang suman na nasa bibig niya na akala mo naman ay may nakakatawa. Pagkatapos, walang pag-aalinlangan itong humigop sa tsokolateng nasa tasa ko.

"Magdamit ka." saway ko sa kanya.

Hindi porke't maganda ang katawan niya ay pwede niya ng ibalandra. Isa pa ke aga-aga naghuhubad na? Ano na lang iisipin ng mga kapitbahay namin kapag nakitang n*******d ang senyorito sa harapan ko? Mahirap machismis, kaya kung maari lang iwasan ko na ngayon pa lang.

"Oh sorry." Aniya sabay suot ng damit niyang nakasampay sa kanyang balikat. "I helped lolo I G cut the woods."

Whatever! Naiinis ako sa kanya dahil dinig ko kung paano siya makasulsol kay lolo kanina. Buti na lang may tiwala si lolo sa akin kundi tiyak na mapupurnada pa ang outing namin ng mga kaibigan ko.

"Ang sarap talaga ng buhay probinsya, I miss this life."

Umangat ang isang kilay ko sa kanya. May nagtanong ba?

"Share ko lang." nakangiti nitong sabi sabay taas-baba ng kilay niya.

Inis ko siyang inikutan ng mata pero tumawa lang ito sa akin at mukhang tuwang -tuwa pa.

"May-outing daw kayo ngayon? Sama ako..." parang bata nitong sabi sa akin. Nagpapaawa pa ang mukha akala mo naman effective. Feeling close kahit hindi naman kami close.

I don't know why this senyorito is acting like this? Ang alam ng karamihan dito sa hacienda ang mga senyorito ay masususungit pero mukhang hindi naman. Ahm, siguro si senyorito Gustavo pero ang isang to? I doubt! Mukhang mas isip bata pa nga ito sa kakulitan at kadaldalan niya.

"Sige na Cam, akong bahala sa softdrinks. Yun lang muna ang ambag ko, wala pa kasi akong sahod mula kay Kuya, wala akong pera."

Daming sinabi, hindi naman ako nagtatanong. Isa pa, hindi niya naman kailangan mag-ambag dahil hindi ko siya isasama.

Hindi ako sumagot at pinagpatuloy lang ang pagkakape ko. Wala akong balak isama siya sa outing at baka kung ano pa ang isipin ng mga kasama ko. Kahapon nga lang na nakita siya ng mga kapitbahay may nagtanong na, paano na lang kung sasama pa siya sa amin?

"Sige na Cam, akong magdadala ng suman mo para hindi ka mahirapan. Tapos isasakay kita kay Rodrigo para di ka na maglakad papunta doon malayo-layo pa naman yun."

Ano naman kung malayo? Buti sana kung kakasya kami ng mga kaibigan ko sa kabayo niya.

"Sige na...friends naman na tayo diba?"

Sinabi ko bang magkaibigan na kami? Kelan pa?

"Cam ha?" Si senyorito kung makaasta parang bata. Dinaig pa kami ng mga kaibigan ko sa kakulitan niya.

"Yes! Sama ako." pinal niyang sabi.

Hindi pa rin ako sumagot, pinagpatuloy ko ang pagkakape na parang wala akong kausap. Hindi rin ito umalis sa harapan ko, kumuha pa ito ng suman at muling kumain. Nakiinom din ito ulit sa tsokolate ko na para talagang close kami. Hindi man lang nandiri sa laway ko.

"Sarap noh? Gusto mo pa?" tanong niya sabay angat sa tasa ko.

"Ubusin mo na yan." Masungit kong sabi kahit gusto ko pang uminom. Nilawayan niya na eh, ayoko ng ganun, laway conscious ako.

"Arte naman nito, hindi naman mabaho hininga ko ah." hiningahan niya pa ang palad niya para masiguro. Yuck kadiri!

"Ang bango kaya ng hininga ko."aniya saka muling binalik ang tasa sa akin. "Inumin mo na alam kung gusto mo pa." sabi niya pero umiling ako. Ayoko nga may laway niya na yun e.

"Pag di mo yan ininum crush mo ako at naniniwala ko dun sa indirect-indirect kiss na pauso ng mga millenials ngayon." nang-aasar nitong sabi.

Nagkibit balikat pa ito na para bang nagyayabang. Sarap talaga bangasan ang mukha. Hambog! Feeling gwapo! Kainis.

"Okay...I'll finish this." kinuha niya muli ang tasa na may nakakalokong ngiti sa akin pero bago niya pa ito nahawakan ay kinuha ko na at ininom. Sa sobrang pagmamadali ko, hindi ko man lang naisip na mainit pa pala ang tsokolate kaya napaso ang dila ko.

"Oh shit!" mabilis niyang sinakop ang mukha ko para tingnan ang aking dila. "Open your mouth."

"Aray..." naluluha kong sabi.

"Show me your tongue." natataranta nitong utos sa akin dahil nakita niyang napaluha na ako. Ang init talaga kasi ng tsokolate, buong dila ko ata ang napaso.

"Fuck!" mura niya sabay hinipan ito. Ilang ulit niya pa itong ginawa bago ko narealize na ang akward palang tingnan naming dalawa.

"Ayos na ako." sabi ko. Itutulak ko sana ito pero mahigpit niyang napigilang ang aking mukha.

"Stay still, let me see your tongue." seryoso nitong sabi kaya wala akong nagawa kundi sundin ang sinabi niya. Wala na din kasi ang mapaglarong ngiti nito kanina, biglang naging seryoso.

Pagkatapos ay tumayo ito at pumasok sa loob. Pagbalik niya may dala na itong malamig na tubig at fresh milk. Saan galing ang fresh milk? Wala naman akong biniling ganito.

"Hold this cold water in your mouth for while then drink this milk after."

I followed what he said. I took the water from him and hold it in my mouth for a minute.

"Here." sabi niya, sabay abot ng isang basong gatas. Hindi ko pa sana ito tatanggapin pero iniumang niya na sa bibig ko kaya napainum ako.

"I brought you and lolo fresh milk from the dairy farm." paliwanag nito kahit naman ako nagtanong.

"Kasalanan mo 'to." sa halip na magpasalamat sa kanya ay sinisi ko siya. Siya naman talaga ang may kasalanan kung bakit ako napaso. Maypa-challenge challenge pa kasing nalalaman.

"Why me?" kunwari gulat nitong sabi pero halata namang natatawa. "I didn't force you to drink, ikaw tong nagmamadaling inumin ang tsokolate." depensa niya sa sarili.

"So kasalanan ko?" mataray kong tanong sa kanya. Isang maling sagot na lang talaga at lalabas na ang tinatago kong kamalditahan para sa kanya. "For your information hindi kita crush."

"Hmm...okay, it's my fault." nakangiting amin nito. Halatang nang-aasar kaya lalo akong sumimangot sa kanya.

"What? I already said it's my fault..."

"Umalis ka nga dito sa harap ko senyorito? Ang aga-aga nambubwesit ka e."

Tumayo na ako at umalis sa harapan niya. Ang suman na naiwan sa plato ko ay mabilis niyang inubos, pati ang tsokolate ininom niya rin.

Isa-isa ko ng sinalansan sa apoy ang talong para sa gagawin kong torta. Akala ko aalis na ito, pero tumabi lang pala sa akin at pinapanood ang ginagawa ko.

"Let me help you." he offered but I declined.

"Kaya ko na po ito senyorito."

"No let me help you, baka hindi mo pa pakainin dito e. " aniya saka kinuha niya ang pang-ipit sa kamay ko. Hindi na ako naka-protesta, hinayaan ko siyang mag-ihaw sa talong. As if naman may makakapigil sa kanyang hindi kumain dito.

Related chapters

  • Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight   Chapter 5

    Iniwan ko siya saglit para kunin ang kalamansing napitas ko kagabi. Gagawa na lang ako ng juice habang naghihintay maluto ang talong. Ang tubig na gagamitin ko ay ang tubig na ginamit ka sa pinakuluang kong talbos ng kamote. "Hala magic! Bakit nag-iba ang kulay ng juice, Cam?" amuse nitong tanong sa akin pagkatapos kung pigain ang kalamansi sa pinagkuluan ng camote tops at naging kulay pink ito."Anong tawag sa juice na yan? First time ko makakita ng ganyan ah, nag-iiba ang kulay." parang bata nitong sabi, gusto kong matawa pero pinipigilan ko lang. Malamang first time niyang makikita nito dahil hindi naman ito uso sa mansion nila. Malamang sa malamang, fresh fruit juice ang iniinom nila doon. "'To naman, di ako sinasagot, nagtatanong lang e." kunwari nagtatampo nitong sabi kaya napairap ako. "Camote tops juice, senyorito. Ginamit ko ang tubig na pinagkuluan ng talbos ng camote." sagot ko sa kanya."Wow naman! Pwede pala ganun?" tumango lang ako. "Pwede painom? Nauuhaw ako e."Ang

    Last Updated : 2024-08-08
  • Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight   Chapter 6

    Gaston Pierre Sandoval, ang matanda, hambog at makulit senyorito ay hindi talaga ako tinantanan buong araw. Konting-konti na lang talaga mabubuhagan ko na ito. Kanina niya pa ako pinepeste, mula sa bahay hanggang dito sa niyogan.Kahit sa pamumulot namin ng mga tuyong dahon ng niyog nakaagapay pa rin ito sa akin. Pakanta-kanta habang nakasakay sa kabayo niya. Pati tuloy mga kasamahan kong skolars ay napapatingin na din sa amin. Hiyang-hiya na ako pero ang mahal na senyorito mukhang tuwang-tuwa pa ito pero hindi lang pinapahalata."Leave that, Camilla." saway niya sa akin ng makita niyang hihilahin ko na yung malaking dahon ng niyog. Masungit akong lumingon sa kanya. Bakit ba pinapakialaman niya ang trabaho ko? As if naman hindi ako sanay sa ganito. Isa pa ayokong mahalata ng mga kasamahan kong may special treatment siya sa akin pero ayaw talaga papipigil ni senyorito."Kaya ko na po, ito senyorito. Sanay na po ako dito." magalang kong sabi kahit deep inside gusto ko na siyang patulan

    Last Updated : 2024-08-14
  • Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight   Chapter 7

    "Tell your friends to take the food the helpers prepared for our picnic later." diritso nitong sabi. Dama ko ang gulat ng mga kaibigan ko dahil hindi ko pa naman nabanggit sa kanila na sasama si senyorito. Nakalimutan ko ay hindi pala, hindi ko talaga binanggit dahil hindi ko naman sure kung seryoso siya kanina.But here he is now, confirming. At ako itong parang nalagay sa alanganin. Bakit ba kasi sasama pa siya sa amin? Hindi namin kami close, lalo na ng mga kaibigan ko."Sama po kayo sa amin senyorito?" di napigilang tanong ni Amor. Nagtatanong pa ang mga mata ni Amor na bumaling sa akin dahil hindi sumagot si senyorito sa kanya. "You didn't tell them, Camilla?" may kakaiba sa boses ni senyorito. Hindi ko mapangalanan pero nakadama ako ng takot. "Nakalimutan kong sabihin sa inyo, nagpaalam na si senyorito kay lolo na sasama siya sa atin ngayon." mahinahon kong sabi sa mga kaibigan ko. Ayoko mang isama si senyorito pero natatakot akong baka totohanin niya ang sinabi niyang ipapas

    Last Updated : 2024-08-15
  • Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight   Chapter 8

    "Camilla, akala ko naman naligaw na kayo ni senyorito! Ba't ang tagal niyo? Ano bang ginawa niyo?"Sunod-sunod na tanong sa akin ni Amor pagkalapit ko sa kanila pero mahina lang ang boses niya, sapat lang na kaming dalawa ang makakarinig. Lumagpas ang tingin niya sa akin, hinahanap ng mga mata ang kasama ko. Iniwan ko kasi si Senyorito Gaston na ngayon ay nagtatali pa sa kabayo niyang si Rodrigo doon sa unahan. Sa tagal naming tumigil ni senyorito Gaston doon sa hindi ko alam saang parte ng hacienda hindi na ako magtataka kung magtatanong sila. Kainis kasi ang senyorito, mapag-angkin na nga paladesisyon pa. Ang dami pang bawal na akala mo naman ay kung sinong makapagbawal. Maypa-marka-marka pang nalalaman. Yan tuloy huli kaming dumating. Nakakahiya sa mga kaibigan ko. Baka isipin nilang nagpapahayahay lang ako.Nauna ngang dumating sina Amor, Meling, Jepoy at Longlong dito sa tagpuan namin. Nag-iihaw na ng isda ang mga lalaki habang si Amor at Meling naman ay nag-aayos ng mga pagkain

    Last Updated : 2024-08-16
  • Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight   Chapter 9

    "Camilla apo, may pinadala ang Senyorito Gaston." Tumigil ako sa pagtutupi ng mga damit pagkarinig ng pangalan niya. Ilang araw ko na itong hindi nagpapakita dito sa amin. It's not that it's his obligation to show up here pero hindi ko alam parang may kulang. Kahit na wala naman ginagawa ang senyorito kundi ang asarin at kulitin lang ako.Dati wala naman akong pakialam, kaya nga wala akong masyadong kaibigan dito sa hacienda dahil wala ring nagkakalakas loob na dumalaw sa akin maliban kina Longlong at Jepoy. Pero ngayon pakiramdam ko talaga may kulang simula nung hindi na siya nadalaw dito sa amin.Nung araw na naligo kami sa ilog, hinatid niya lang ako pauwi pero after nun hindi na ito nagpakita sa akin. Hindi na rin ito pumupunta at nanggugulo dito sa bahay sa tuwing umaga kaya hindi na kami nagkita. Naging busy din ako dahil pumunta akong university nitong nakaraan para magpa-enroll. "Ano po yun, Lo?" tanong ko. Si Lolo ay nasa harap ng salamin kanina pa sinusuklay ang bagong g

    Last Updated : 2024-08-17
  • Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight   Chapter 10

    "Apo, ba't gising ka pa?"Naabutan ako ni Lolo na nakatulala sa sala. Pagkatapos kung e-off ang cellphone ko kanina lumabas ako ng silid at dito nga sa sala umupo. "May hinihintay ka?" may halong panunuksong sabi nito. "May aakyat na ba ng ligaw sa apo ko?" Humaba ang nguso ko sa sinabi ni lolo kaya napalakas ang tawa nito. Mukhang good mood ang Lolo Ignacio ngayon. Siguro maganda kinalabasan ng panunuyo kay Aling Edna. "Hindi pa ako magpapaligaw, Lolo. Tsaka walang magkakalakas loob na ligawan ako, takot lang nila sa 'yo."sabi kaya lalong lumakas ang tawa nito. Umupo ito sa tapat ko habang tinatanggal ang sapatos na suot niya. Akalain mo yun, nagsapatos pa pala talaga siya kanina, hindi ko man lang napansin. "Alam mo apo, malaki ka na. Sa edad mong yan, hindi ko naman mapipigilan kung may magugustuhan ka o may manligaw na sayo. Pero syempre, bilang Lolo andito ako para bantayan at protektahan ka." nakangiti itong sumulyap sa akin. Ngumiti din ako pabalik sa kanya. Ang swerte ko

    Last Updated : 2024-08-18
  • Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight   Chapter 11

    " Did my baby, miss me?" tanong niya sabay halik sa ulo ko. "Opo." nahihiyang kong sagot. Narinig ko ang mahina niyang tawa. "I miss you too, Baby, a loooooot." he whispered and kissed me on the side of my head and rested his lips in there. " I miss you so damn much, Camilla."Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin. Tanging ang tibok lang ng aming mga puso ang aking naririnig. Nanatili ako sa kandungan niya at siya naman ay mahigpit na nakayakap sa akin. "Are you drunk? Bakit ka napasugod dito gabing-gabi na? Hindi ka ba natatakot kay lolo?" tanong ko dahil naamoy ko ang pinaghalong alak at mint sa hininga niya. Gusto ko iangat ang ulo ko para tingnan ang mukha niya pero sa sobrang dilim wala akong makita kaya hinilig ko nalang ang mukha ko sa kanyang dibdib."Konti lang ang naimon ko, Baby, nag-aya kasi si Kuya sa akin. Do I smell bad? I'm sorry." Bahagya niya akong nilayo sa katawan niya pero muli akong sumiksik.Nawala na yung hiya ko sa katawan. Bahala na. "Why are you he

    Last Updated : 2024-08-19
  • Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight   Chapter 12

    "Gaston! Gaston! Wake up! The fuck are you doing, fucker?!"Mula sa loob ng silid ko dinig ko ang malaking boses ng isang lalaki mula sa sala na tila may ginigising. Mabilis akong bumangon sa kama ko at dali-daling nagsuot ng bra at nagpalit ng damit. Sumilipi muna ako sa pintuan. Kita ko mula sa pwesto ko ang isang matangkad na lalaki na may malaking pangangatawan na nakaupo paharap sa lalaking hanggang ngayon ay nakahilata pa rin sa sa sala na tanging banig, manipis na kumot at isang unan lang ang gamit.Kung hindi ako nagkakamali, base sa paraan ng pananalita niya. Si senyorito Gustavo ito."What the hell, Gaston Pierre?!" bakas ko na ang inis sa boses niya. "Ang kapal ng mukha mo gago, dito ka pa talaga natulog! Huy gumising ka!"pero hindi ito gumalaw.Umangat ang tingin nung lalaki kay Lolo Ignacio na ngayon ay seryosong nakatingin sa kanila. Kinakabahan ako sa reaksyon ni Lolo. Hindi niya naman kasi alam na pumunta si Senyorito Gasto kagabi at hindi nakauwi. Papauwiin ko na sa

    Last Updated : 2024-08-20

Latest chapter

  • Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight   Epilogue Last Part

    "Kuya calm down. You need to calm down."How can I calm down? My wife left me. My Star is nowhere to be found. Tuluyan niya na akong iniwan. Tuluyan ng nawala sa akin si Camilla. Napakalaki kong gago. "Camilla! Please Baby wag mo akong iwan." I was crying loud begging for Camilla to come back but she didn't hear me anymore. "Ibalik niyo sa akin ang asawa ko! Ibalik niyo sa akin si Camilla. Kahit hindi niyo na ibalik ang paningin ko basta ibalik niyo lang si Camilla sa akin."Nagwawala na ako sa loob ng ospital. Mula nang magkamalay ako sa pagka aksidente ko walang mintuo na hindi ako nagwawala at umiiyak. "Parang awa niyo na ibalik niyo sa akin si Camilla.Star! Please Baby nagmamakaawa ako, patawarin mo ako, Cam. I'm so sorry wife . I'm so sorry."Pero kahit anong pagmamakaawa ko, kahit anong pag-iyak ko, walang Camilla ang bumalik sa akin. My wife hated me. She loathed me to death kaya kahit di na maibalik ang paningin ko ayos lang sa akin. Wala na din namang silbi ang buhay ko

  • Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight   Epilogue Part 3

    "Tilapya lang ba talaga ang pakay mo doon, son? Baka ibang tilapya na yan ah?" nakangiting komento ni Papá na may pritong tilapya din naman sa plato niya, pati si Kuya nga meron din. Si Mamá lang ang hindi kumakain ng tilapya dito sa bahay. Hindi ako sumagot sa kanila. Ngumiti lang ako saka nagsimula ng kumain pero ilang subo palang ang nagawa ko ng mabaling ang tingin ko kay Kuya Gustavo dahil biglang itong nagsalita."She's too young for you Gaston, kung wala kang balak seryosohin ang bata wag mong sirain ang kinabukasan niya." Umangat ang isang kilay ko dahil sa sinabi ni Kuya. Talaga lang huh? Coming from him? Kung maka-too young siya, akala mo naman may pagkakaiba kami? Like , as if I don't know about his love interest also? Tsaka anong too young? Isang taon lang ang tanda ko kay Camilla ah. Syempre hindi ko sasabihin na sampu.Hindi pa nga ako nakasagot muli na naman itong nagsalita."She's one of the best scholar of our foundation Gaston. The kid has so many things in stor

  • Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight   Epilogue Part 2

    " Bawal mag-boyfriend hanggat di nakatapos ng college."Seriously fucker! At bakit di pwede magboyfriend? Maypa-rule-rule ka pang nalalaman huh?"Wala pang boyfriend ang apo ko, Senyorito. Madaming gustong manligaw pero ayaw ng apo ko.""That's good, Lo. Nakakasira ng pag-aaral yang boyfriend-boyfriend na yan."Talagang lang Gaston huh? Panindigan mo yan."Ano nga pala ang gustong kunin na kurso ng apo niyo at saan niya gustong mag-aral, Lo?" kapagkway tanong ko."Nursing, senyorito. Gusto niya daw sana maging doctor pero saka nalang daw kapag kaya niya ng pag-aralin ang sarili niya."Oh doctor. That's nice course huh? May kamahalan pero kung maganda naman ang performance niya sa school okay lang willing akong gumastos para sa kanya. I mean, willing ang foundation na tumulong sa kanya."Mahal mahimong doctor, Senyorito?""Doctor ba kamu ang gusto niya Lo? Wag kang mag-alala kaya ko yun.""S-Senyorito?""Ibig kong sabihin, kaya yun e-finance ng foundation, Lo. Baka siya pa ang kauna-un

  • Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight   Epilogue Part 1

    Gaston's POV_____________________________"Good morning, Senyorito. Ang aga mo atang napasyal dito sa amin. May kailangan ka?"Inayos ko muna ang pagkakatali sa kaayo kong si Rodrigo bago ako lumapit kay Lolo IG na nagsisibak ng kahoy sa harapan ng bahay niya. Si Lolo IG ay isa sa mga katiwala dito sa hacienda, siya ang tumutulong kay Kuya at Papá sa pamamahala ng niyugan at planta. Mag-isa lang siya dito sa bahay niya dahil wala na siyang asawa kaya palagi ko siyang dinadalaw. Gaya na lang ngayon, sabado at walang pasok sa shool. Maaga akong nangabayo ngayon dahil dito ako magkakape sa kaniya. Paborito ko yung tsokolateng gawa niya galing sa mga bunga ng cacao na pinaparesan namin ng suman na gawa ng kaibigan niyang si Aling Edna. "Magandang umaga, Lolo IG." bati ko. Lumapit ako sa kanya para magmano. Pinunasan niya pa muna ang pawis sa kamay niya bago ito inabot sa akin. "May dala akong karne para ihawin natin mamaya." sabi ko sabay pakita ng ecobag na may lamang karne ng babo

  • Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight   Chapter 65

    Sabay na kaming apat na lumabas sa silid. Uuwi na sana kami Gaston pero nag-aya si Ate Ezra at ang asawa niya na sabay na kaming maghapunan. May restaurant daw silang pinareserve dyan lang sa unahan. Tinawagan ko na lang ang mga bata na male-late kami ng uwi ng tatay nila pero mukhang masaya pa ang mga ito. Sabagay andun si Kuya Hawk nila sa bahay may kalaro ang mga ito. "Cam, I'll go to the washroom first pwede mo akong samahan?" sabi ni Ate Ezra pagkarating namin doon. "Sure Ate." pagpayag ko at himala na hindi man lang nagprotesta si Gaston.The place is so nice, one of the coziest place in the area. The interior is well planned , modern design and well coordinated. The ambiance is nice, the lightings are perfect, adding warmth to the place. Based on the article I read recently, this place is owned and managed by the youngest CEO in town, the seventeen year old, Dalton Ambert Dominguez. Yes, the same Dalton na inaanak ni Gaston na anak ni Ate Zia at Kuya Ethan. Oh, how I miss

  • Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight   Chapter 64

    I was nervous but at the same time excited. Who would have thought that the woman I met in the airport years ago is the same woman that will handle my annulment today. No other than the famous Atty. Ezra Monique Torrecelli.Nangangarap lang kaming dalawa noon na sana balang araw maging doktor ako at siya naman maging abugado. Dreams really do come true and now we are living our dreams. Kailangan lang ng tiyaga, determinasyon at pagsisikap. "Camilla! Oh God. You're so pretty! How are you, Doc?" Atty Ezra welcomed me with a hug. Years passed but still hasn't changed. Kung may nagbago man, yun ay lalo siyang gumanda. She look fiercer, stronger and more empowered. But nevertheless she's still the same person I met before, sweet, caring ang gentle."Ang ganda mo ba Babe, saan ang camera? Dito ba? " tinuro niya ang cctv na nasa uluhan namin. "Artista ka ba? Saan mga kasamahan mo?" Naguguluhan pa ako nung una pero bigla akong natawa ng maalala ko ang pinagsasabi ko noong akala ko nasa soc

  • Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight   Chapter 63

    Hindi naman masama ang magpatawad diba? Bagkus naging magaan pa ang iyong kalooban. Ang sarap mabuhay ng walang galit sa puso. Something came up. Ate Beth called informing me that the meeting is cancelled. Hindi na natuloy ang pakikipagkita ko kay Atty. Torrecelli kaya napagdesisyunan nalang namin ni Gaston na umuwi. Sumabay kami kay Kuya Falcon at walang ginawa si Gaston buong byahe kundi ang kulitin si Kuya. Noong una banas pa si Kuya sa kanya pero kalaunan, nakikipagtawanan na rin ito. Hanggang sa sila nalang ang nag-uusap. Maraming silang napag-usapan ang surprisingly alam pala ni Kuya ang mga ganap sa buhay ni Gaston nung panahong hindi pa ito nakakakita. "I'm really sorry, Bro." Gaston whispered softly. "Alam ko marami akong pagkukulang sa mag-ina ko, pero babawi ako." ginagap niya ang kamay ko, dinala ito sa kanyan labi at masuyong ginawaran ng halik. Kuya Falcon was just looking at us. His reaction is not the same as before. I can see the gentleness in his eyes this time a

  • Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight   Chapter 62

    Finally, another story has reached an end. So, far ito ang story ko na umabot ng fifty chapters and I would like to thank all of you for not leaving me. Thank you Avangers for making it this far! Thank you for being with me in this heartbreaking journey in finding Gaston and Camilla's forever. Maraming salamat sa votes, comments at sa lahat ng encouragements niyo sa akin. I'm so honored and feel loved. Feeling ko ang galing-galing kong magsulat dahil sa mga positive messages niyo sa akin. Hanggang sa susunod kong story. Thank you so much and I love you all!_____________________________________"Ouch! Ouch! Nanay help! Aray! Aray! Kuya wag po." Gaston is exclaiming exaggeratedly like someone is really beating him. What the heck Gaston Pierre? Anong pinagsasabi ng lokong to? Anong ouch!? Anong aray?Ni hindi nga siya tinamaan. He's screaming like a beaten kid."Tangna! Ang arte mo di ka nga natamaan." pabulyaw na sabi ni Kuya Falcon, umamba pa itong susuntukin si Gaston kaya di ko

  • Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight   Chapter 61

    "Tatay, bakit po ikaw naga-iyak?" A soft voice from our baby star, Castor made me look at them. He's with his twin brother, the one whom they called my mini me, si Pollux. They are looking at me confused. I was crying inside our room when the twins came in and it's too late for me to hide 'cos they saw me already. The reason why I was crying is that last night my brightest star left me. Their Nanay, my wife, Camilla, left me for New York to speak with her lawyer regarding the annulment of our marriage.Sino ang hindi maiiyak kapag ganun ang rason diba? Pwede namang magpakasal nalang kami ulit para mapalitan yun. Tapos sana ang usapan, pero ayaw naman niya. She said, she wants us to start in a clean slate and all other people inside our house agreed with her. Pinagkaisahan nila ako.Pumayag lang naman ako dahil sabi niya kailangan lang talagang ayusin ang mga papers namin dahil nga iba na ang pangalan niya ngayon. Madaming conflicts, madaming restraints, madaming hindrance at madami p

DMCA.com Protection Status