Share

Chapter 3

Author: LadyAva16
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Inis na inis pa rin ako pagdating ko sa bahay namin ni Lolo. Sino ang hindi maiinis kung ang lalaki palang pinapantasya ng kaibigan ko at ang nakababatang senyorito ay iisa lang pala sa lalaking nagnanakaw ng halik sa akin.

May lakas na loob pa talaga itong pagtawanan ako sa harap ng kaibigan ko kanina. Hambog! Akala niya naman gwapong-gwapo ako sa kanya. Si Amor din naman kasi,masyadong nagpapahalata. Feeling tuloy ng kumag na yun siya ang pinaka gwapong maligno sa balat na lupa.

Akala niya siguro lahat ng babae dito sa lugar nila mahuhumaling sa kagwapuhan niya. Pwes ibahin niya ako. Kahit kulay asul pa ang mga mata niya, hindi ako madadala sa karisma niya. Never! never! never!

"Apo, andyan ka na pala." tawag ni lolo ng mapansin nyang dumating na ako. "Mag-init ka ng tubig, pupunta si senyorito dito mamaya may pag-uusapan kaming mahalaga." sabi nito at lumabas ng bahay para siguro mag-abang kay senyorito...Gustavo?

Napaisip pa ako dahil hindi naman binanggit ni Lolo kung sinong senyorito ang pupunta dito. Pero sa tingin ko sa senyorito Gustavo, siya kasi ang alam kung tumutulong kay Senyor Gideon sa pamamahal dito sa hacienda nila, hindi yong hambog na yon dahil mukhang puro kalokohan lang naman ang alam nun.

Mabilis kong nilinisan ang takuri at nagpakulo ng tubig. Magluluto din ako ng minatamis na saging baka sakaling gustong kumain ni senyorito Gustavo.Hindi naman siguro maarte yon, pero kung hindi niya naman kakainin ayos lang. Tiyak na pupunta si Amor dito mamaya para kulitin ako may ipang meryenda ako sa kanya.

Habang naghihintay na kumulo ang tubig, sinabay ko na rin ang pagluto sa minatamis. Hininaan ko lang ang apoy para masarap ang pagkakaluto.

"Lo, anong gusto niyong ulam natin mamaya?" sigaw ko mula sa loob ng bahay pero hindi ko narinig ang sagot niya. Balak kong magluto ng pinakbet at paksiw na tilapya sa gata na may halong talong. Sadyang nagtira ako ng gata para dito, dahil kahapon ko pa gustong mag-ulam nito.

Dahil hindi sumagot si Lolo pumunta ako sa likod para kumuha ng mga gulay na kakailanganin ko. Talong, okra, siling mahaba, at luya lang kinuha ko, meron pa kasing natirang kalabasa at sitaw sa loob. Madami kaming tanim ni lolo kaya hindi kami kinakapos sa ulam, bigas lang ang pinoproblema namin dahil may ginawa ding maliit na fishpond si lolo sa unahan para sa mga tilapya.

Saktong pagbalik ko kumulo na ang tubig at naluto na rin ang minatamis na saging.Hinango ko ito at mabilis na nagtimpla ng kape.

Ilang minuto lang din ang lumipas ,may narinig akong paparating na yabag ng kabayo kaya binilisan ko na. Kailangan kong madala ito sa labas bago pa makababa ang senyorito. Kahit kasi sinabi ni lolo na mabait ang senyorito Gustavo natatakot pa rin ako sa awra niyang mukhang laging galit.

"Lo, saan ko ito ilalagay?" tanong ko pero walang sagot. Sinilip ko sa labas, andun pala si Lolo nakipagtawanan sa byuda naming kapitbahay si Aling Edna. Ang lolo ko pumapag-ibig pa ata.

Tiningnan ko din kung sino ang may-ari ng kabayo pero hindi ko ito nakita. Tanging ang kabayong kulay itim lang ang andun nakatali sa puno ng niyog sa unahan. Itim? Hindi naman siguro ito yong kabayo na nakita ko sa burol ano?

"Lo, andito na ang kape niyo. May minatamis na saging din akong niluto." tawag ko kay Lolo mula sa labas ng bahay. Iniwan ko na din ang kape nila sa lamesang kawayan na gawa ni lolo.

Lumingon lang ito sa akin at tumango at muling nakipagtawanan kay Aling Edna. Naiiling na lang akong pumasok sa bahay. Kahit pala may edad na uso pa yon? Mukha kasing kinikilig pa silang dalawa e.

Maaga pa naman pero kailangan ko nang magluto ng maaga. Minsan kasi maagang kumakain si lolo ng hapunan dahil gustong tumambay sa labas. Ngayon ko lang narealize na kaya pala madalas itong tumatambay doon kina Aling Edna dahil mukhang nagkakamabutihan na sila. Hindi na ako magtataka kung isang araw dito na nakatira si Aling Edna sa amin. Wala namang problema sa akin, nababaitan din naman ako sa kanya. Basta ba masaya ang lolo ko, ayos na ako doon.

Kaya pala nitong huling mga araw napansin kong napdalas ang pagbigay-bigay nito ng papaya kay lolo, yun pala may something na sila. Ang lalaki pa naman nung papaya niya, ang tatamis pa.

Mula dito sa kusina dinig ko ang tawanan ni Lolo at ng kausap niya. Nanibago ako dahil nung huling punta ni senyorito Gustavo dito tahimik lang naman sila ni Lolo, akala ko nga wala itong kausap sa sobrang tahimik nila. Nakarating at nakauwi na lang ang senyorito ng hindi ko namalayan.

"Camilla, apo, masarap daw ang minatamis mo sabi ng sensyorito. Naubos niya ang nilagay mong minatamis para sa kanya, nagustuhan niya rin ang kape na tinimpla mo."

Wee?

Wala namang espesyal sa kape na ginawa ko. Instant coffee lang naman yun, saka ang minatamis na saging wala din naman akong dinagdag doon maliban sa asukal at gata. Nagtataka akong tumingin kay lolo, akala ko nagbibiro lang ito pero seryoso naman ang mukha niya kaya nagkibit balikat na lang ako.

Weird naman ni senyorito Gustavo. Sabagay, siguro ngayon lang ito nakakain ng ganun klaseng pagkain, mayaman e.

"Salamat Lo, nga pala nakapagluto na ako ng ulam." tinuro ko ang dalawang nakasalang na ulam sa lutuan. "Pakbet at ginataang paksiw na tilapya, Lo."

"Kaya naman pala umabot hanggang doon sa labas ang bango. Ang swerte ko talaga sayo, apo, maganda na matalino pa, plus masarap pang magluto."

Bahagya akong natawa sa papuri ni Lolo, iwan ko ba sa kanya, para sa akin wala namang espesyal sa mga ulam na niluluto ko pero si lolo sarap na sarap talaga dito.

"Umuwi na si senyorito, Lo?" tanong ko ng mapansing bitbit na pala ni lolo yung pinag-kapehan nila.

"Ah hindi pa, andun sa mga kapitbahay nakipag kamustahan. Bilib ako sa batang yun ang galing makisama. Dinig mo ba yang tawanan sa labas, sila yan."

Pagmamalaki pa ni lolo dito. Proud lolo ang peg ah.

"Himala ata at naging maingay na si senyorito Gustavo, Lo. Dati kasi sabi mo hindi ito pala salita, sumasagot lang kapag kinakausap."

"Ah hindi si senyorito Gustavo ang kausap ko, Camilla." lumingon pa si lolo sa labas para tingnan ang senyorito. Magtatanong pa sa ako kung sino pero natigilan ako ng matanto ko na kung hindi si senyorito Gustavo ang kausap ni lolo, malamang ang hambog na senyorito ang andito ngayon.

"Si senyorito Gaston ang dumating, siya na raw ang mamamahala dito sa planta, dahil si senyorito Gustavo magpo-focus na sa bakahan."

Hindi ko alam kung matutuwa ba o hindi pero isa lang ang ibig sabihin nun. Madalas ko nang makikita ang hambog na senyorito dito sa hacienda nila.

Bigla tuloy bumalik ang inis na naramdaman ko kanina at pakiramdam ko nagsiakyatan lahat ng dugo sa ulo ko. Pero hindi ko naman pwedeng ipakita kay lolo na naiinis ako sa senyorito at baka magtanong pa ito. 'Pag nagkataon anong isasagot ko?

Di bale, hindi naman siguro alam ng senyorito na apo ako ni lolo Ignacio. Iiwas na lang ako sa kanya. Ilang linggo na lang din naman pasukan na, hindi na ako maglalagi dito sa bahay.

"Mabait ang batang yan, may pagka pilyo lang. " umiling-iling pa si Lolo na para bang may naalalang nagawang kalokohan ng senyorito noon. "Kaya nga doon yan pina-aral ng senyor Gideon sa US kasi baka pag dito hindi makapagtapos dahil puro kalokohan. Pero sabi niya, nagbago na raw siya." binuntutan pa ito ni Lolo ng tawa.

Walang pinagbago, Lo, baka nga lumala pa ang pagiging mapilyo niya. Hindi lang mapilyo ang senyoritong yan, Lo, manyakis pa.Sigaw ng utak ko. Ninakaw nga ng hambog na yan ang first kiss ko tapos siya pa ang may ganang mambintang na hinalikan ko siya? Kung alam ko lang talaga na nagkukunwari siya baka tinuluyan ko na siya.

"Tawagin mo na lang ako, apo, 'pag naluto na ang ulam ah, labasin ko muna si senyorito." sabi ni Lolo at muling naglakad palabas.

Habang hinihintay na maluto ang hapunan namin ni Lolo, kinuha ka na lang muna ang mga nilabhan kong mga damit namin ni lolo kanina. Ipapasok ko muna ito sa aking silid at mamayang gabi ko na tutupihin bago ako matulog.

Sobrang payapa ng buhay ko dito sa hacienda Sandoval, kahit simple lang ang pamumuhay namin ni Lolo masaya pa rin ako. Kung pwede nga lang dito na rin sana ako tatanda, pero hindi kasi natin alam ang kapalaran ng tao. Baka bukas makalawa or sa mga susunod na taon magbago din pala ang gusto ko, baka aalis din ako dito.

But for now, masaya ako, masaya ako sa lugar, masaya ako sa mga tao sa paligid.

"Paksiw na isda ang niluto ng apo ko, kumakain ka ba nun?"

Natigil ako sa paglagay ng kanin ng marinig kong papasok na sina Lolo. Tatakbo sana ako papasok sa silid ko para magtago pero huli na dahil nasa bungad na ng pintuan si Lolo Ignacio kasama ang hambog na senyorito.

"Syempre, Lo, ako pa ba?" nakangiting sagot nito at makahulugang tumingin sa akin." Dati nga gustong-gusto kung maghuli ng tilapya, pero ngayon parang iba na ang gusto kung hulihin, Lo."

Sabay pa silang natawa ni lolo sa kalokohan niya. Hindi man lang ito nagulat na nakita niya ako dito sa bahay ng lolo ko. Nauna pang pumasok kay Lolo, di man lang nahiya.

"Actually, may iba pa nga akong gustong kainin,Lo, kaso mukhang..." binitin pa nito ang sasabihin at pasimpleng kumindat sa akin.

Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kanya pero ganun pa man nararamdaman ko ang nang-aasar na ngiti niya sa akin. Ang kapal talaga!

"Lo, pasok po muna ako sa silid. Mamaya na lang po ako kakain." magalang kong paalam kay Lolo pero agad akong pinigilan ni gago.

"'Di mo naman sinabi ,Lo, na may kasama ka na pala dito?" kunwari tanong nito kay Lolo. Tumingin pa ito sa akin at nagkunwaring first time niya akong nakita. "Matagal ka na ba dito Miss__?"

"Camilla." agap ni Lolo. "Apo ko siya, anak ng pamangkin ko. Mahigit isang taon na itong apo ko dito at scholar din siya ng foundation niyo. Matalinong bata yan, dalawang taon mula ngayon may nars na ako." buong pagmamalaking sabi ni Lolo sa kanya.

"Wow ang galing naman,Lo, kapag pala may sakit ako kay nars Camilla pala ako magpapagamot." biro niya pa sa akin pero hindi ako ngumiti.

"Camilla, apo, ito si senyorito Gaston, nakababatang kapatid ni senyorito Gustavo. Kakauwi lang niya galing Amerika kaya ngayon mo lang siya makikita dito."pagpapakilala ni Lolo sa kanya. Ngumiti ito sa akin at ng masiguro niyang hindi nakatingin si Lolo sa kanya, pilyo itong kumindat sa akin sabay taas-baba ng kilay niya.

Gusto ko siyang irapan pero hindi ko magawa dahil nakatingin si Lolo sa akin kaya kahit napipilitan, bumati pa rin ako sa kanya.

"Magandang hapon po, senyorito." kunwari magalang kong bati dahil nakatingin si lolo Ignacio sa akin. Pilit ko rin pinakitaan ito na magiliw na ngiti kahit ang totoo ay gusto ko ng hambalusin ang mukha nya dahil mukhang tuwang-tuwa pa itong nasa harapan niya ako ngayon.

"Aray ang sakit naman pakinggan,Lo, pi-no ako ng apo niyo. Gaston nalang, magkaedad lang naman siguro tayo." nakangiting sabi nito, aliw na aliw pa ang mukha. Sarap bigwasan.

"Ilang taon ka na nga apo?" seryosong tanong ni Lolo sa akin. Talagang pinatulan niya ang sinabi ni senyorito na halos magkaedad lang kami. Kapal ha.

Kung mukha niya lang ang basehan siguro magkaedad kami tingnan pero alam kung matanda na ito. Siguro nga lagpas na ito sa kalendaryo, nagkukunwari lang. Pero kung pati ang pag-iisip, jusko ang layo. Mukhang Grade-4, Section C ito kung umasta.

Muli kong binalik ang tingin kay lolo na naghihintay ng sagot ko. Kung pwede nga lang iniwan ko na silang dalawan ng senyorito dahil naihanda ko naman na ang pagkain. Pero syempre hindi pwede yun, proud pa naman si lolo na mabait ako.

"Magna-nineteen pa ako, Lo." sagot ko na hindi nakatingin kay senyorito.

Parag bigla akong nailang sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Napansin ko pang pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa, nagtagal pa nga ang mata niya sa bandang dibdib ko dahil hindi ko namalayan na bumaba pala ang isang strap ng dress ko.

"Dalawang taon lang naman pala ang tanda ko sayo, Camilla."

Camilla...

Why does my name sounds so good nung binigkas niya?

"Gaston na lang ang itawag mo sa akin, parang tropa lang ba, hindi rin naman malayo ang agwat ng edad natin, diba Lo?"dagdag niya pero agad akong umiling.

"Hindi po pwede senyorito, nakakahiya po sa ibang mga trabahador dito sa hacienda niyo. Isa pa amo namin kayo, kaya tama lang na tawagin ko kayong senyorito." sagot ko sa ka tumalikod na. Kumuha ako ng pitsil sa maliit naming ref saka dalawang baso. "Sige na po, Lo, kumain na po kayo. Mamaya na po ako."

Napansin kong dumako ang tingin niya sa ulam na niluto ko. Tama pala, hindi ko natanong baka hindi naman ito kumakain ng ganung ulam.

"Paksiw na tilapia sa gata at pinakbet ang ulam senyorito. Kumakain po ba kayo niyan? Pasensya na po yan lang kasi ang naisipan kung lutuin ngay-"

"Ano ka ba, Camilla, paborito ko kaya to. Diba,Lo?" putol niya sa akin at nauna pang umupo sa lamesa. Kahit papano ay natuwa ako sa pinakita niya. Hindi naman pala maarte ang kumag na to.

"Bago pa ako pumuntang states, dito ako kay lolo Ignacio tumatambay dati. Dyan kasi ako dumadaan sa likuran kapag gusto kong maligo sa ilog. At kapag nandito ako, itong tilapya ang paborito kong ipaluto kay lolo." nakangiti itong bumaling kay lolo na malawak din ang ngiti sa kanya. "

"Sumabay ka na sa amin." aya niya. " nauna pa nitong nilagyan ng kanin at ulam ang pinggan ko bago ang kanya kaya napilitan akong umupo sa tapat niya. Siya rin ang naglagay ng tubig sa baso at nilagay ito sa tabi ko.

"I miss this type of food, Lo. Sa states kasi english din ang pagkain." natatawang sabi niya at nagsimula ng kumain.

I thought he's just faking it pero nakita kong magana itong kumain. Ang bilis niya pang maghimay ng tilapya na pati ako ay pinaghimay niya rin.

"Kain ka pa, Camilla, para may lakas ka."

Napaangat ako ng tingin sa kanya dahil sa sinabi niya pero hindi ito nakatingin sa akin ngunit nakita kong nakaangat ang isang sulok ng labi niya.

Ayos na sana e, kaso hinahaluan niya talaga ng kalokohan.

Bakit ko naman kialangang magpalakas? Para saan?

"Malakas yang apo, ko senyorito. Sinanay ko yan, marunong nga yang mangabayo eh." proud na sabt ni Lolo at nakita ko ang bahagyang pag-angat ng isang kilay niya at amuse na tumingin sa akin.

"Mabuti naman kung ganun, Lo. Sa susunod na araw mangangabayo kami ni Camilla doon sa burol, maganda ang tanawin doon, pwede po ba, Lo?"

Akala ko hindi papayag si Lolo pero agad itong tumango. Minsan kasi nag-aya yong mga kaedad kong lalaki na mga anak din ng trabahador dito sa planta hindi ito pumayag dahil mahirap daw magtiwala.

"Marunong ka bang lumangoy, Camilla? May talon doon, baka gusto mong maligo."

As if naman hindi ko alam na may talon doon? Siya pa talaga ang may ganang mag-open ng topic ah?

"Masarap maligo doon, lalo na pag hapon, mga alas tres yong tipong akala mo walang tao pero meron pala." nakangising sabi niya pero agad din namang binawi. "...I mean, wala naman talagang pumupunta doon dahil malayo."

Matalim akong tumingin. Talaga lang huh?

"Marunong ka bang lumangoy, Cam? Cam nalang itawag ko sayo, ang haba ng Camilla eh." daldal pa nito.

Hindi ko akalain na ganito pala kadaldal ang lalaking 'to. Mula kanina ang dami niya ng kinuda.

"Bakit ikaw senyorito, marunong ka ba?"

"Ako pa ba? Ang galing ko pa ngang sumisid e, nakakatagal ako ng ilang minuto sa tubig. Gusto mo subukan natin?"

Hindi ko na alam kung seryoso ba ito o hindi. Feeling ko kasi may double meaning ang mga pinagsasabi niya. Sabayan pa ng pasekretong pagngisi-ngisi niya na parang may nakakatawa itong naiisip.

"I'm a professional swimmer and diver, Camilla." maya-maya ay sabi nito ng hindi ako sumagot.

Share mo lang? Yabang.

"Sinama ko pa nga si Lolo dati nung nag-compete ako sa Manila, diba Lo?" dagdag niya ng makitang hindi ako kumbinsido.

"Oo, apo, champion si senyorito sa sisiran at languyan dati." proud na sagot ni lolo na akala mo naman parang tunay niyang apo ang senyorito.

Kung magaling siyang lumangoy anong nangyari sa kanya noong isang araw? Ibig bang sabihin mula umpisa nagkukunwari lang siyang may nangyari sa kanya?

"See, I told you." nagmamalaki niyang sabi sa akin. "Samahan mo ako ha, ligo tayo sa falls, na-miss ko ng magtampisaw doon e."

Nanatili akong tahimik. Ayokong samahan siya doon bahala siya. Hanggang ngayon naiinis pa rin ako sa ginawa niya sa akin.

"Ayaw mo ba?" kunwari malungkot na tanong nito kaya pati si lolo napasulyap sa akin. Nagpapawa pa ang mukha na akala mo naman bagay sa kanya. Ang tanda-tanda na, pabebe pa.

"Sayang naman, gusto ko pa naman sana maka-bonding ka. Malay mo may mangyaring masama sa akin doon, at least may sasagip sa akin kapag kasama ka diba? Ma-aaply mo pa yong natutunan mo sa school."

Parang hindi ko na gusto ang pinatutunguhan nitong usapan namin kanya binilisan ko na ang pag-ubos ng pagkain ko.

"At least kapag nalunod ako may magre-revive sa akin." sabi niya na nagpatigil sa akin. "Sabi pa naman nila ang mga nurse magaling mag-CPR."

Tiningnan ko siya at nakipagsukatan din ito ng tingin sa akin. In that instant, muling nagflash sa utak ko ang eksena naming dalawa doon sa talon. Kung ilang beses lumapat ang labi ko sa labi nya.

At nang dilaan niya ang kanyang labi, biglang nag-init ang mukha ko dahil pakiramdam ko ang labi ko ang dinilaan niya. Bahagya pa itong ngumiti ng makita niya ang reaksyon ko. Siguro napansin nitong namumula ako.

"How about you, Cam?" He paused and looked at me with a sly smile on his face. "Do you know how to do CPR?"

_____________________________________

Ingat po kayong lahat. God Bless po.

Related chapters

  • Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight   Chapter 4

    "Lo, ang sarap naman ng apo mo..."Natigil ako sa tangkang paglabas pagkarinig ko sa boses ng nagsasalita sa labas. Kung hindi ako nagkakamali ang malokong senyorito na naman ang kausap ni lolo Ignacio ngayon. Alas sais palang ng umaga andito na naman siya? Wala bang ibang magawa ang senyoritong ito kundi ang mambwesit ng tao?At anong sabi niya? Masarap ako? Bastos!"...I mean ang sarap ng suman na gawa ng apo mo, Lo."Susugurin ko sana ito, mabuti na lang at binawi niya agad. Hindi man lang nahiya, senyorito pa namang naturingan. Wala sa ayos ang bunganga."Masarap talaga magluto ang batang yan? Swerte ko nga at dumating si Camilla sa buhay ko, bukod sa matalino na, masipag pa. Lahat ng gawain dito sa bahay siya na ang gumagawa, mula pagluto, paglaba at paglinis.""Oo nga Lo, mukhang mabait yong apo niyo. Masarap pa...magluto ng ulam. Ang sarap nung tilapya ni Camilla kagabi." May nakabuntot pang tawa sa sinabi niya kahit wala naman akong nakitang nakakatawa.Tilapya ni Camilla...P

    Last Updated : 2024-10-29
  • Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight   Chapter 5

    Iniwan ko siya saglit para kunin ang kalamansing napitas ko kagabi. Gagawa na lang ako ng juice habang naghihintay maluto ang talong. Ang tubig na gagamitin ko ay ang tubig na ginamit ka sa pinakuluang kong talbos ng kamote. "Hala magic! Bakit nag-iba ang kulay ng juice, Cam?" amuse nitong tanong sa akin pagkatapos kung pigain ang kalamansi sa pinagkuluan ng camote tops at naging kulay pink ito."Anong tawag sa juice na yan? First time ko makakita ng ganyan ah, nag-iiba ang kulay." parang bata nitong sabi, gusto kong matawa pero pinipigilan ko lang. Malamang first time niyang makikita nito dahil hindi naman ito uso sa mansion nila. Malamang sa malamang, fresh fruit juice ang iniinom nila doon. "'To naman, di ako sinasagot, nagtatanong lang e." kunwari nagtatampo nitong sabi kaya napairap ako. "Camote tops juice, senyorito. Ginamit ko ang tubig na pinagkuluan ng talbos ng camote." sagot ko sa kanya."Wow naman! Pwede pala ganun?" tumango lang ako. "Pwede painom? Nauuhaw ako e."Ang

    Last Updated : 2024-10-29
  • Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight   Chapter 6

    Gaston Pierre Sandoval, ang matanda, hambog at makulit senyorito ay hindi talaga ako tinantanan buong araw. Konting-konti na lang talaga mabubuhagan ko na ito. Kanina niya pa ako pinepeste, mula sa bahay hanggang dito sa niyogan.Kahit sa pamumulot namin ng mga tuyong dahon ng niyog nakaagapay pa rin ito sa akin. Pakanta-kanta habang nakasakay sa kabayo niya. Pati tuloy mga kasamahan kong skolars ay napapatingin na din sa amin. Hiyang-hiya na ako pero ang mahal na senyorito mukhang tuwang-tuwa pa ito pero hindi lang pinapahalata."Leave that, Camilla." saway niya sa akin ng makita niyang hihilahin ko na yung malaking dahon ng niyog. Masungit akong lumingon sa kanya. Bakit ba pinapakialaman niya ang trabaho ko? As if naman hindi ako sanay sa ganito. Isa pa ayokong mahalata ng mga kasamahan kong may special treatment siya sa akin pero ayaw talaga papipigil ni senyorito."Kaya ko na po, ito senyorito. Sanay na po ako dito." magalang kong sabi kahit deep inside gusto ko na siyang patulan

    Last Updated : 2024-10-29
  • Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight   Chapter 7

    "Tell your friends to take the food the helpers prepared for our picnic later." diritso nitong sabi. Dama ko ang gulat ng mga kaibigan ko dahil hindi ko pa naman nabanggit sa kanila na sasama si senyorito. Nakalimutan ko ay hindi pala, hindi ko talaga binanggit dahil hindi ko naman sure kung seryoso siya kanina.But here he is now, confirming. At ako itong parang nalagay sa alanganin. Bakit ba kasi sasama pa siya sa amin? Hindi namin kami close, lalo na ng mga kaibigan ko."Sama po kayo sa amin senyorito?" di napigilang tanong ni Amor. Nagtatanong pa ang mga mata ni Amor na bumaling sa akin dahil hindi sumagot si senyorito sa kanya. "You didn't tell them, Camilla?" may kakaiba sa boses ni senyorito. Hindi ko mapangalanan pero nakadama ako ng takot. "Nakalimutan kong sabihin sa inyo, nagpaalam na si senyorito kay lolo na sasama siya sa atin ngayon." mahinahon kong sabi sa mga kaibigan ko. Ayoko mang isama si senyorito pero natatakot akong baka totohanin niya ang sinabi niyang ipapas

    Last Updated : 2024-10-29
  • Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight   Chapter 8

    "Camilla, akala ko naman naligaw na kayo ni senyorito! Ba't ang tagal niyo? Ano bang ginawa niyo?"Sunod-sunod na tanong sa akin ni Amor pagkalapit ko sa kanila pero mahina lang ang boses niya, sapat lang na kaming dalawa ang makakarinig. Lumagpas ang tingin niya sa akin, hinahanap ng mga mata ang kasama ko. Iniwan ko kasi si Senyorito Gaston na ngayon ay nagtatali pa sa kabayo niyang si Rodrigo doon sa unahan. Sa tagal naming tumigil ni senyorito Gaston doon sa hindi ko alam saang parte ng hacienda hindi na ako magtataka kung magtatanong sila. Kainis kasi ang senyorito, mapag-angkin na nga paladesisyon pa. Ang dami pang bawal na akala mo naman ay kung sinong makapagbawal. Maypa-marka-marka pang nalalaman. Yan tuloy huli kaming dumating. Nakakahiya sa mga kaibigan ko. Baka isipin nilang nagpapahayahay lang ako.Nauna ngang dumating sina Amor, Meling, Jepoy at Longlong dito sa tagpuan namin. Nag-iihaw na ng isda ang mga lalaki habang si Amor at Meling naman ay nag-aayos ng mga pagkain

    Last Updated : 2024-10-29
  • Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight   Chapter 9

    "Camilla apo, may pinadala ang Senyorito Gaston." Tumigil ako sa pagtutupi ng mga damit pagkarinig ng pangalan niya. Ilang araw ko na itong hindi nagpapakita dito sa amin. It's not that it's his obligation to show up here pero hindi ko alam parang may kulang. Kahit na wala naman ginagawa ang senyorito kundi ang asarin at kulitin lang ako.Dati wala naman akong pakialam, kaya nga wala akong masyadong kaibigan dito sa hacienda dahil wala ring nagkakalakas loob na dumalaw sa akin maliban kina Longlong at Jepoy. Pero ngayon pakiramdam ko talaga may kulang simula nung hindi na siya nadalaw dito sa amin.Nung araw na naligo kami sa ilog, hinatid niya lang ako pauwi pero after nun hindi na ito nagpakita sa akin. Hindi na rin ito pumupunta at nanggugulo dito sa bahay sa tuwing umaga kaya hindi na kami nagkita. Naging busy din ako dahil pumunta akong university nitong nakaraan para magpa-enroll. "Ano po yun, Lo?" tanong ko. Si Lolo ay nasa harap ng salamin kanina pa sinusuklay ang bagong g

    Last Updated : 2024-10-29
  • Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight   Chapter 10

    "Apo, ba't gising ka pa?"Naabutan ako ni Lolo na nakatulala sa sala. Pagkatapos kung e-off ang cellphone ko kanina lumabas ako ng silid at dito nga sa sala umupo. "May hinihintay ka?" may halong panunuksong sabi nito. "May aakyat na ba ng ligaw sa apo ko?" Humaba ang nguso ko sa sinabi ni lolo kaya napalakas ang tawa nito. Mukhang good mood ang Lolo Ignacio ngayon. Siguro maganda kinalabasan ng panunuyo kay Aling Edna. "Hindi pa ako magpapaligaw, Lolo. Tsaka walang magkakalakas loob na ligawan ako, takot lang nila sa 'yo."sabi kaya lalong lumakas ang tawa nito. Umupo ito sa tapat ko habang tinatanggal ang sapatos na suot niya. Akalain mo yun, nagsapatos pa pala talaga siya kanina, hindi ko man lang napansin. "Alam mo apo, malaki ka na. Sa edad mong yan, hindi ko naman mapipigilan kung may magugustuhan ka o may manligaw na sayo. Pero syempre, bilang Lolo andito ako para bantayan at protektahan ka." nakangiti itong sumulyap sa akin. Ngumiti din ako pabalik sa kanya. Ang swerte ko

    Last Updated : 2024-10-29
  • Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight   Chapter 11

    " Did my baby, miss me?" tanong niya sabay halik sa ulo ko. "Opo." nahihiyang kong sagot. Narinig ko ang mahina niyang tawa. "I miss you too, Baby, a loooooot." he whispered and kissed me on the side of my head and rested his lips in there. " I miss you so damn much, Camilla."Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin. Tanging ang tibok lang ng aming mga puso ang aking naririnig. Nanatili ako sa kandungan niya at siya naman ay mahigpit na nakayakap sa akin. "Are you drunk? Bakit ka napasugod dito gabing-gabi na? Hindi ka ba natatakot kay lolo?" tanong ko dahil naamoy ko ang pinaghalong alak at mint sa hininga niya. Gusto ko iangat ang ulo ko para tingnan ang mukha niya pero sa sobrang dilim wala akong makita kaya hinilig ko nalang ang mukha ko sa kanyang dibdib."Konti lang ang naimon ko, Baby, nag-aya kasi si Kuya sa akin. Do I smell bad? I'm sorry." Bahagya niya akong nilayo sa katawan niya pero muli akong sumiksik.Nawala na yung hiya ko sa katawan. Bahala na. "Why are you he

    Last Updated : 2024-10-29

Latest chapter

  • Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight   Epilogue Last Part

    "Kuya calm down. You need to calm down."How can I calm down? My wife left me. My Star is nowhere to be found. Tuluyan niya na akong iniwan. Tuluyan ng nawala sa akin si Camilla. Napakalaki kong gago. "Camilla! Please Baby wag mo akong iwan." I was crying loud begging for Camilla to come back but she didn't hear me anymore. "Ibalik niyo sa akin ang asawa ko! Ibalik niyo sa akin si Camilla. Kahit hindi niyo na ibalik ang paningin ko basta ibalik niyo lang si Camilla sa akin."Nagwawala na ako sa loob ng ospital. Mula nang magkamalay ako sa pagka aksidente ko walang mintuo na hindi ako nagwawala at umiiyak. "Parang awa niyo na ibalik niyo sa akin si Camilla.Star! Please Baby nagmamakaawa ako, patawarin mo ako, Cam. I'm so sorry wife . I'm so sorry."Pero kahit anong pagmamakaawa ko, kahit anong pag-iyak ko, walang Camilla ang bumalik sa akin. My wife hated me. She loathed me to death kaya kahit di na maibalik ang paningin ko ayos lang sa akin. Wala na din namang silbi ang buhay ko

  • Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight   Epilogue Part 3

    "Tilapya lang ba talaga ang pakay mo doon, son? Baka ibang tilapya na yan ah?" nakangiting komento ni Papá na may pritong tilapya din naman sa plato niya, pati si Kuya nga meron din. Si Mamá lang ang hindi kumakain ng tilapya dito sa bahay. Hindi ako sumagot sa kanila. Ngumiti lang ako saka nagsimula ng kumain pero ilang subo palang ang nagawa ko ng mabaling ang tingin ko kay Kuya Gustavo dahil biglang itong nagsalita."She's too young for you Gaston, kung wala kang balak seryosohin ang bata wag mong sirain ang kinabukasan niya." Umangat ang isang kilay ko dahil sa sinabi ni Kuya. Talaga lang huh? Coming from him? Kung maka-too young siya, akala mo naman may pagkakaiba kami? Like , as if I don't know about his love interest also? Tsaka anong too young? Isang taon lang ang tanda ko kay Camilla ah. Syempre hindi ko sasabihin na sampu.Hindi pa nga ako nakasagot muli na naman itong nagsalita."She's one of the best scholar of our foundation Gaston. The kid has so many things in stor

  • Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight   Epilogue Part 2

    " Bawal mag-boyfriend hanggat di nakatapos ng college."Seriously fucker! At bakit di pwede magboyfriend? Maypa-rule-rule ka pang nalalaman huh?"Wala pang boyfriend ang apo ko, Senyorito. Madaming gustong manligaw pero ayaw ng apo ko.""That's good, Lo. Nakakasira ng pag-aaral yang boyfriend-boyfriend na yan."Talagang lang Gaston huh? Panindigan mo yan."Ano nga pala ang gustong kunin na kurso ng apo niyo at saan niya gustong mag-aral, Lo?" kapagkway tanong ko."Nursing, senyorito. Gusto niya daw sana maging doctor pero saka nalang daw kapag kaya niya ng pag-aralin ang sarili niya."Oh doctor. That's nice course huh? May kamahalan pero kung maganda naman ang performance niya sa school okay lang willing akong gumastos para sa kanya. I mean, willing ang foundation na tumulong sa kanya."Mahal mahimong doctor, Senyorito?""Doctor ba kamu ang gusto niya Lo? Wag kang mag-alala kaya ko yun.""S-Senyorito?""Ibig kong sabihin, kaya yun e-finance ng foundation, Lo. Baka siya pa ang kauna-un

  • Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight   Epilogue Part 1

    Gaston's POV_____________________________"Good morning, Senyorito. Ang aga mo atang napasyal dito sa amin. May kailangan ka?"Inayos ko muna ang pagkakatali sa kaayo kong si Rodrigo bago ako lumapit kay Lolo IG na nagsisibak ng kahoy sa harapan ng bahay niya. Si Lolo IG ay isa sa mga katiwala dito sa hacienda, siya ang tumutulong kay Kuya at Papá sa pamamahala ng niyugan at planta. Mag-isa lang siya dito sa bahay niya dahil wala na siyang asawa kaya palagi ko siyang dinadalaw. Gaya na lang ngayon, sabado at walang pasok sa shool. Maaga akong nangabayo ngayon dahil dito ako magkakape sa kaniya. Paborito ko yung tsokolateng gawa niya galing sa mga bunga ng cacao na pinaparesan namin ng suman na gawa ng kaibigan niyang si Aling Edna. "Magandang umaga, Lolo IG." bati ko. Lumapit ako sa kanya para magmano. Pinunasan niya pa muna ang pawis sa kamay niya bago ito inabot sa akin. "May dala akong karne para ihawin natin mamaya." sabi ko sabay pakita ng ecobag na may lamang karne ng babo

  • Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight   Chapter 65

    Sabay na kaming apat na lumabas sa silid. Uuwi na sana kami Gaston pero nag-aya si Ate Ezra at ang asawa niya na sabay na kaming maghapunan. May restaurant daw silang pinareserve dyan lang sa unahan. Tinawagan ko na lang ang mga bata na male-late kami ng uwi ng tatay nila pero mukhang masaya pa ang mga ito. Sabagay andun si Kuya Hawk nila sa bahay may kalaro ang mga ito. "Cam, I'll go to the washroom first pwede mo akong samahan?" sabi ni Ate Ezra pagkarating namin doon. "Sure Ate." pagpayag ko at himala na hindi man lang nagprotesta si Gaston.The place is so nice, one of the coziest place in the area. The interior is well planned , modern design and well coordinated. The ambiance is nice, the lightings are perfect, adding warmth to the place. Based on the article I read recently, this place is owned and managed by the youngest CEO in town, the seventeen year old, Dalton Ambert Dominguez. Yes, the same Dalton na inaanak ni Gaston na anak ni Ate Zia at Kuya Ethan. Oh, how I miss

  • Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight   Chapter 64

    I was nervous but at the same time excited. Who would have thought that the woman I met in the airport years ago is the same woman that will handle my annulment today. No other than the famous Atty. Ezra Monique Torrecelli.Nangangarap lang kaming dalawa noon na sana balang araw maging doktor ako at siya naman maging abugado. Dreams really do come true and now we are living our dreams. Kailangan lang ng tiyaga, determinasyon at pagsisikap. "Camilla! Oh God. You're so pretty! How are you, Doc?" Atty Ezra welcomed me with a hug. Years passed but still hasn't changed. Kung may nagbago man, yun ay lalo siyang gumanda. She look fiercer, stronger and more empowered. But nevertheless she's still the same person I met before, sweet, caring ang gentle."Ang ganda mo ba Babe, saan ang camera? Dito ba? " tinuro niya ang cctv na nasa uluhan namin. "Artista ka ba? Saan mga kasamahan mo?" Naguguluhan pa ako nung una pero bigla akong natawa ng maalala ko ang pinagsasabi ko noong akala ko nasa soc

  • Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight   Chapter 63

    Hindi naman masama ang magpatawad diba? Bagkus naging magaan pa ang iyong kalooban. Ang sarap mabuhay ng walang galit sa puso. Something came up. Ate Beth called informing me that the meeting is cancelled. Hindi na natuloy ang pakikipagkita ko kay Atty. Torrecelli kaya napagdesisyunan nalang namin ni Gaston na umuwi. Sumabay kami kay Kuya Falcon at walang ginawa si Gaston buong byahe kundi ang kulitin si Kuya. Noong una banas pa si Kuya sa kanya pero kalaunan, nakikipagtawanan na rin ito. Hanggang sa sila nalang ang nag-uusap. Maraming silang napag-usapan ang surprisingly alam pala ni Kuya ang mga ganap sa buhay ni Gaston nung panahong hindi pa ito nakakakita. "I'm really sorry, Bro." Gaston whispered softly. "Alam ko marami akong pagkukulang sa mag-ina ko, pero babawi ako." ginagap niya ang kamay ko, dinala ito sa kanyan labi at masuyong ginawaran ng halik. Kuya Falcon was just looking at us. His reaction is not the same as before. I can see the gentleness in his eyes this time a

  • Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight   Chapter 62

    Finally, another story has reached an end. So, far ito ang story ko na umabot ng fifty chapters and I would like to thank all of you for not leaving me. Thank you Avangers for making it this far! Thank you for being with me in this heartbreaking journey in finding Gaston and Camilla's forever. Maraming salamat sa votes, comments at sa lahat ng encouragements niyo sa akin. I'm so honored and feel loved. Feeling ko ang galing-galing kong magsulat dahil sa mga positive messages niyo sa akin. Hanggang sa susunod kong story. Thank you so much and I love you all!_____________________________________"Ouch! Ouch! Nanay help! Aray! Aray! Kuya wag po." Gaston is exclaiming exaggeratedly like someone is really beating him. What the heck Gaston Pierre? Anong pinagsasabi ng lokong to? Anong ouch!? Anong aray?Ni hindi nga siya tinamaan. He's screaming like a beaten kid."Tangna! Ang arte mo di ka nga natamaan." pabulyaw na sabi ni Kuya Falcon, umamba pa itong susuntukin si Gaston kaya di ko

  • Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight   Chapter 61

    "Tatay, bakit po ikaw naga-iyak?" A soft voice from our baby star, Castor made me look at them. He's with his twin brother, the one whom they called my mini me, si Pollux. They are looking at me confused. I was crying inside our room when the twins came in and it's too late for me to hide 'cos they saw me already. The reason why I was crying is that last night my brightest star left me. Their Nanay, my wife, Camilla, left me for New York to speak with her lawyer regarding the annulment of our marriage.Sino ang hindi maiiyak kapag ganun ang rason diba? Pwede namang magpakasal nalang kami ulit para mapalitan yun. Tapos sana ang usapan, pero ayaw naman niya. She said, she wants us to start in a clean slate and all other people inside our house agreed with her. Pinagkaisahan nila ako.Pumayag lang naman ako dahil sabi niya kailangan lang talagang ayusin ang mga papers namin dahil nga iba na ang pangalan niya ngayon. Madaming conflicts, madaming restraints, madaming hindrance at madami p

DMCA.com Protection Status