Share

Chapter Two

AGOSTO 2000. Naghari ang matinding katahimikan sa sala ng mga Bueno. Matinding kaba naman ang nararamdaman ni Cherry ng gabing iyon. Nakaupo siya sa tabi ng mga magulang habang nasa kabilang sofa naman si Carlo kasama ang mga magulang nito. Nakatayo naman sa may bintana si Joanna.

"We have to set the wedding of Cherry and Carlo the soonest. Reputasyon at pangalan ng pamilya natin ang nakataya rito", mariing saad nito.

"Who are you to decide for us, Joanna. Buhay namin ito, kami ang dapat magdesisyon sa dapat naming gawin... Pagkatapos mo akong saktan, didiktahan mo pa ako kung ano ang dapat gawin?", inis na sabi ng binata.

"So,,, is this your way of having your revenge on me? Buhay ng kapatid ko ang sinira mo, Carlo. Nararapat lang ng magdesisyon ako para sa kanya." Tugon ni Joanna.

"Wala akong planong maghiganti, Joanna. Ilang beses ko bang sasabihin na lasing na lasing ako noon", katuwiran ng lalaki.

"Lasing ka man o hindi, may nangyari pa rin sa inyo ng anak ko, Carlo", sabad ng ama ni Cherry. "Nararapat lamang na panagutan mo ang nangyari sa inyo. Besides, ayokong magkaroon ng apong bastardo!".

Katahimikan....

Tahimik na lumuluha lamang sa tabi si Cherry, habang nakayuko at nakatingin sa sahig si Carlo.

"Alright... pakakasalan ko si Cherry alang-alang sa pinagbubuntis nito."

"No! Ayoko...", mabilis na pagtutol ng dalaga. "Hindi kami nagmamahalan ni Carlo, hindi kami dapat magpakasal. Tapusin na natin ang usapang ito. Hindi solusyon sa problemang ito ang isa pang problema. Bubuhayin kong mag-isa ang anak ko!"

"Cherry!", sigaw ni Joanna sa kapatid. "Hindi pwedeng hindi kayo magpakasal ni Carlo. iang buwan na lang at lolobo na ang tiyan mo. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao? Na tinakbuhan ka ng nakabuntis sa 'yo? Na isa kang disgrasyada?!"

"Yan ba ang pinoproblema mo, Ate? Na pag-usapan tayo ng mga tao? Hindi mo 'yon ikamamatay, Ate. Buhay ko 'to. Kung mayron mang mahihirapan sa nangyayaring ito, ako lang 'yon. Hayaan nyo kami ni Carlo sa desisyon namin. Aksidente lang ang nangyari sa amin. Ang pagpapakasal ay para lamang sa dalawang taong nagmamahalan." Pigil ang luhang saad ni Cherry.

"Paano ang bata, Cherry? Paano ang iyong pag-aaral?" tanong ng kanyang mga magulang.

"Nandito na ito at wala na tayong magagawa. Wala rin akong balak na ipalaglag ang bata. Tatapusin ko ang aking pag-aaral. Bubuhayin ko ang bata. Kaya ko naman siyang alagaan."

"Handa akong magbigay ng financial support para sa iyo at sa bata buwan-buwan, Cherry", tugon ng binata.

"This also means na hinding-hindi dadalhin ng bata ang apelyido mo, Carlo!" galit na saad ni Joanna sa ex-boyfriend.

"The discussion is over... Please excuse me." tumayo si Cherry at umakyat sa kwarto nito. Doon ay bumuhos ang kanyang mga luha. Kakayanin niyang buhayin mag-isa ang bata kaysa magpakasal sa lalaking walang pagtingin sa kanya.

WALA NGANG KASALAN na nangyari kina Carlo at Cherry. Pero hindi naman nakalimutan ng binata ang kanyang tungkulin sa dalaga. Itinuon nito ang atensyon sa kanyang trabaho kung kaya't bihira lamang itong makadalaw sa bahay ng mga Bueno. Si Cherry naman ay nagpatuloy sa kanyang pag-aaral kahit medyo nahihirapan na siya nang lumaki ang kanyang sinapupunan.

Isang araw ay nasorpresa ang dalaga sa biglang pagdalaw ng binata. May dala itong mga prutas para sa kanya.

"Kumusta ka na?" tanong nito.

"Mabuti naman." sagot ng dalaga habang nakatitig sa binata na nakaupo sa marble bench sa kanilang garden. Para sa kanya ay napaka-gwapo nito sa suot na polo at slacks.

"Hindi ka pa ba nahihirapan sa pagbubuntis mo?, sinulyapan nito ang magli-limang buwan niyang tiyan.

Umiling ang dalaga. "Mabigat lang at nag-uumpisa nang maging malikot."

"Cherry..." mahinang tugon ng binata. "May magandang offer sa akin sa States. Tinanggap ko dahil gusto kong doon na magpaka-dalubhasa. Maganda rin ang kompanyang papasukan ko. I'll be leaving in a couple of weeks."

"Bakit kailangan mo pang lumayo, Carlo. Pwede ka namang magpaka-dalubhasa rito." kinakabahang tanong niya.

Malungkot ang mga matang tumingin sa kanya ang binata. "I'm so sorry, Cherry. But until now ay hindi ko pa rin nakakalimutan si Joanna. Patuloy akong nasasaktan kapag nakikita ko siyang kasama si Joel. Marahil ay iyon ang tanging dahilan kung bakit ko tinanggap ang offier na ito. Mas makabubuting lumayo na muna ako para tuluyan ko na siyang makalimutan."

'Paano ako,,, paano ang anak mo?' naluluhang tanong niya sa kanyang isip.

"But don't worry, Cherry. Hindi ko naman kakalimutan ang obligasyon ko sa iyo at sa magiging anak natin. Hindi ka rin pababayaan nina Mama't Papa. Buwan-buwan magpapadala rin ako ng sustento sa inyo ng bata."

"G-good luck", naluluhang sabi ng dalaga.

Napakislot siya ng maramdaman ang paghawak nito sa kanyang kamay. "Thank you so much for everything, Cherry. Mag-iingat ka palagi. Kung may kailangan ka, pwede mo naman akong tawagan o sulatan. I wish you luck and happiness, Cherry. Dasal ko lagi ang tagumpay mo at sana'y makatagpo ka rin ng taong mamahalin mo at magmamahal sa 'yo ng totoo."

Pinilit niyang ngumiti. "Ikaw din, Carlo. Sana makalimutan mo na doon si Ate Joanna at makakita ka rin ng tunay mong mamahalin."

"Salamat, Cherry. Maraming salamat. Babalik din naman ako rito pero sa panahong lubos ko na siyang nakalimutan at nabura sa isipan ko," pahayag ng binata. "Alam mo naman kung gaano ko siya minahal, di ba. Marahil matagal na panahon pa ang hihintayin ko upang makalimutan ko siya ng lubusan."

'Sana ay alam mo rin kung gaano kita kamahal, Carlo', sa loob-loob ng dalaga. 'Siguro nga ay mas makabubuting lumayo ka na muna upang tuluyan din kitang makalimutan'.

"Goodbye, Cherry. Mag-iingat ka palagi." Ginawaran siya nito ng halik sa pisngi at tuluyan nang umalis.

Saka lamang niya pinakawalan ang kanina pa nagbabantang mga luha sa kanyang mga mata. Noon pa man ay pilit siyang umasa na matututunan siyang mahalin ni Carlo dahil sa kanilang magiging anak, ngunit nabigo siya. Tuluyan na aalis at magpapakalayo.

Hinaplos niya ang kanyang tiyan at kahit papaano ay may sumibol na ngiti sa kanyang mga labi. Alam niyang kahit lumayo ang binata ay may magandang alaala itong iniwan sa kanya. Ang batang pumipintig ngayon sa kanyang sinapupunan na ilang buwan na lang ay iluluwal na niya at magsisilbing alaala ng kanyang pagmamahal kay Carlo.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sab Vareigh
... kawawa s cherry
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status