Masayang pinagmamasdan ni Carlo Santamaria ang larawan ng anim-na-taong batang babae. Si Margaret.... ang kanyang nag-iisang anak. Tanging sa larawan niya lang nakikita ang maamong mukha nito at sa mga kwento ng kanyang magulang niya nakikilala ang anak. Madaldal, bungisngis at pala-kaibigan... ganito ilarawan ng kanyang ina ang bata. Mahigit pitong taon na ang nakaraan ng lisanin ni Carlo ang kanilang lugar at makipagsapalaran dito sa Canada. Noon ay pinagbubuntis pa lamang si Margaret ng kanyang ina. Kaybilis lumipas ng panahon, parang kailan lang...Pinagmasdang muli ni Carlo ang larawan ng anak. Mala-porselanang kutis, maamong mukha at matangos na ilong, halatang kuha nito kay Cherry, ang ina nito. Samantala, ang maalong buhok, manipis at mapulang labi at ang hugis ng mukha ay halatang kuha sa kanya. Maraming beses na syang sumulat sa kanyang mag-ina pero wala syang natanggap na sagot. Ngayon para syang hinihila pauwi ng Pilipinas. Gustong-gusto niyang makita at mayakap ang anak.
Dinig na dinig ni Cherry Bueno ang pag-uusap ng kanyang nakatatandang kapatid na si Joanna at ang nobyo nitong si Carlo. "Ayaw kitang saktan, Carlo. Pero karapatan ko rin namang lumigaya", sabi ni Joanna habang nakaupo ito sa sala ng kanilang bahay. Humugot ito ng malalim na buntong-hininga at nagpatuloy "Matagal na kitang pinagtataksilan. Matagal ko na itong gustong sabihin sa iyo dahil alam ko na nagkakasala ako. Matagal na kaming may relasyon ni Joel, at masaya ako sa piling niya. Ngayon gusto na naming magpakasal kung kaya gusto ko nang tapusin ang lahat ng namamagitan sa atin."Parang piangsakluban ng langit at lupa ang pakiramdam ni Carlo. Namayani ang katahimikan at pagkatapos ng ilang sandali ay nagsalita ang binata. "Sana hindi ka naglihim sa akin, Joanna. Sana noon mo pa sinabi ang lahat, na hindi mo ako totoong mahal... na hindi ka masaya sa piling ko. Ang tagal mo akong pinaasa at pinaniwala na mahal mo ako. Tatlong taon... Tatlong taon akong umasa, Joanna. Umasa ako na pa
AGOSTO 2000. Naghari ang matinding katahimikan sa sala ng mga Bueno. Matinding kaba naman ang nararamdaman ni Cherry ng gabing iyon. Nakaupo siya sa tabi ng mga magulang habang nasa kabilang sofa naman si Carlo kasama ang mga magulang nito. Nakatayo naman sa may bintana si Joanna."We have to set the wedding of Cherry and Carlo the soonest. Reputasyon at pangalan ng pamilya natin ang nakataya rito", mariing saad nito."Who are you to decide for us, Joanna. Buhay namin ito, kami ang dapat magdesisyon sa dapat naming gawin... Pagkatapos mo akong saktan, didiktahan mo pa ako kung ano ang dapat gawin?", inis na sabi ng binata."So,,, is this your way of having your revenge on me? Buhay ng kapatid ko ang sinira mo, Carlo. Nararapat lang ng magdesisyon ako para sa kanya." Tugon ni Joanna."Wala akong planong maghiganti, Joanna. Ilang beses ko bang sasabihin na lasing na lasing ako noon", katuwiran ng lalaki."Lasing ka man o hindi, may nangyari pa rin sa inyo ng anak ko, Carlo", sabad ng am
TAONG KASALUKUYAN.Makaraan ang halos pitong taon ay nagdesisyong umuwi sa Pilipinas si Carlo. Hindi niya pinalipas ang isang araw bago dinalaw si Cherry at ang kanilang anak. Nakatira pa rin si Cherry sa bahay ng kanyang mga magulang at isa na itong ganap na Doktor. Bitbit ang ilang pasalubong ay dali-dali niyang tinungo ang tahanan ng mga Bueno. Aminado siyang kabadong-kabado siya pero may pananabik ding makita ang kanyang anak."Hi.. Are you my mom's new suitor?" Sa kinauupuan ay nag-angat siya ng paningin nang marinig ang munting tinig ng isang batang babae. Tumambad sa kanyang harapan ang isang napakagandang bata, higit na maganda kaysa sa larawang ipinadala sa kanya nga kanyang ina."Margaret..." May kakaibang kislap na nabuhay sa kanyang mga mata pagkakita niya rito. Tiyak niyang ang batang ito ang kanyang anak hindi lamang dahil kamukha nito ang nasa larawang madalas niyang pagmasdan sa Amerika kundi dahil na rin sa lukso ng dugo."Why do you know my name?" Tumaas ang munting
Ilang sandali ng makaalis si Carlo, dumating si Marvin, ang nobyo ni Cherry. Si Marvin ay kaklase ni Cherry sa elementarya at ngayon ay isa na ring magaling na inhinyero. Nagtapos itong Cum Laude at isa sa topnotcher sa Engineering Board Exam kung kaya't agad itong nakakuha ng magandang trabaho. Aaminin niya na nagkaroon ng puwang sa kanyang puso si Marvin dahil sa magandang pagtrato nito kay Margaret. Sa loob ng ilang taon, pilit na pinunan ni Marvin ang matinding pangungulila ni Margaret sa sariling ama. Sinasamahan nito si Cherry sa pagdalo sa mga patimpalak at school activities na sinasalihan ng bata kung kaya't mismong si Margaret ay naging malapit na rin dito."Kumusta? Napansin ko kanina ka pa parang nakatulala? Is there something wrong?" tanong ni Marvin habang papalapit ito sa kinauupuan niya."Ahmm.. I'm ok. May naalala lang ako." nakangiti niyang sagot."This is for you and this one's for Margaret, sweetheart." Malambing nitong sabi at inabot sa kanya ang bouquet of roses a
Knock! Knock! "Mom?" Narinig ni Cherry ang mga katok sa pinto at ang munting tinig ng anak. "Hello. Something wrong?" tanong niya nang makita itong papasok sa kanyang kwarto. "Mom, I couldn't sleep. Can I stay here?" tanong ng bata na kaagad na nahiga sa kanyang tabi. "Of course, my love, come here." niyakap niya ito ng mahigpit. "What's wrong? Are you having bad dreams?" tanong niya. Umiling ang bata at yumakap din sa kanya. "No, Mom. I haven't slept yet.... Hindi po kasi mawala sa isip ko si...... ang daddy ko." "What about him? Do you want to talk to him?" kinakabahan niyang tanong sa anak."No, Mommy. Iniisip ko lang po.... does he like me? Tama ka po, malaki ang pagkakahawig namin. Nang makita ko po siya kanina, hindi ko po maintindihan ang feeling ko, Mommy. I want to hug him tight, pero nahiya po ako", pag-amin ni Margaret sa ina. "Nahihiya po akong makipag-usap sa kanya," pagpapatuloy nito. "But I love talking to him. Gusto ko pong magkuwento sa kanya. Mommy, what do you thi
MAKARAAN ANG ILANG ARAW...Nag-aayos na si Cherry ng kanyang mga gamit sa hospital dahil patapos na ang kanyang duty nang mapansin niya si Carlo na naglalakad palapit sa kanya."Hey, ano'ng ginagawa mo rito? May dinadalaw ka bang pasyente?" tanong niya sa binata."Napadaan lang ako. May inirekomenda kasing construction project sa akin ang isang kaibigan diyan lang sa malapit, kaya naisipan kong dumaan dito." masayang pagbabalita nito. "Eto o, dinalhan kita ng special cheesecake. Nakita ko kasing dinudumog ng tao sa bakery, baka masarap nga at magustuhan mo." Nakangiting sabi nito sabay abot sa dala nitong box ng pagkain."Thank you... Akala ko umalis ka na. I mean, akala ko bumalik ka na sa Amerika... Hindi ka na kasi pumunta sa bahay, nagtatanong at naghahanap na si Margaret. Nasabi ko nga sa kanya na baka naka-alis ka na at bumalik ka na sa Amerika. Hindi ko rin kasi alam ang isasagot ko sa mga tanong nya, " natatawa pero pormal na sabi ng dalaga."May inasikaso kasi akong mga papel
NALULUHANG NAKATINGIN na lamang si Carlota sa papaalis na anak. "Sana'y maayos ng kapatid mo ang kanyang buhay. Sana'y matauhan na siya habang maaga pa. Sana'y hindi siya nagka-ganito. Sana'y dumating ang panahon na makita namin siyang masaya at maayos,,, bago man lang kami mawala sa mundong ito." himutok nito. Naiiyak namang nakatingin si Cherry sa ina. Ramdam niya ang panghihinayang nito sa sinapit ng kapatid. Hindi naging maayos ang relasyon ni Joanna kay Joel pagkatapos ng ilang taong pagsasama. Palagi itong sinasaktan ng lalaki. Naging sobrang seloso ito at halos ayaw ng payagan si Joanna na magtrabaho. Hindi naging maayos ang pagsasama ng mga ito pagkatapos ikasal at nadagdagan pa iyon ng malaman ni Joanna na kung kani-kanino nakikipag-relasyon ang asawa lalo na nang hindi niya ito mabigyan ng anak."Wala po kayong kasalanan sa nangyari kay Ate Joanna, Mom. Ginusto niya pong maging ganyan ang kanyang buhay, hindi kayo nagkulang sa amin. Pwede naman po niyang iwan ang lalaking iy