Share

Chapter One

Author: Piscean Tiger
last update Huling Na-update: 2022-10-18 23:26:21

Dinig na dinig ni Cherry Bueno ang pag-uusap ng kanyang nakatatandang kapatid na si Joanna at ang nobyo nitong si Carlo. "Ayaw kitang saktan, Carlo. Pero karapatan ko rin namang lumigaya", sabi ni Joanna habang nakaupo ito sa sala ng kanilang bahay. Humugot ito ng malalim na buntong-hininga at nagpatuloy "Matagal na kitang pinagtataksilan. Matagal ko na itong gustong sabihin sa iyo dahil alam ko na nagkakasala ako. Matagal na kaming may relasyon ni Joel, at masaya ako sa piling niya. Ngayon gusto na naming magpakasal kung kaya gusto ko nang tapusin ang lahat ng namamagitan sa atin."

Parang piangsakluban ng langit at lupa ang pakiramdam ni Carlo. Namayani ang katahimikan at pagkatapos ng ilang sandali ay nagsalita ang binata. "Sana hindi ka naglihim sa akin, Joanna. Sana noon mo pa sinabi ang lahat, na hindi mo ako totoong mahal... na hindi ka masaya sa piling ko. Ang tagal mo akong pinaasa at pinaniwala na mahal mo ako. Tatlong taon... Tatlong taon akong umasa, Joanna. Umasa ako na pakakasalan mo ako, na mamahalin mo habang buhay. Ang sakit nitong ginagawa mo sa akin. Noon pa man, minahal na kita, alam mo 'yan. Nag-aaral pa lang tayo, minahal na kita. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagpursigi na makapagtapos sa aking pag-aaral at maging kilalang Engineer. Dahil gusto kong ibigay sa iyo ang lahat, ang pinaka-magandang buhay na kaya kong ibigay. Pagkatapos ngayon ay sasabihin mo na hindi mo ako mahal, na hindi mo ako totoong minahal."

"Patawarin mo ako, Carlo. Ginawa ko 'yun dahil gusto kong pagbigyan ang hiling ng ating mga magulang," sagot nito. "Alam mo naman na mga bata pa lang tayo ay plinano na nila na maikasal tayo sa isa't-isa. Akala ko matututunan kitang mahalin kung kaya't sinagot kita. Pero hindi talaga, Carlo. Parang kapatid lang ang tingin ko sa iyo. Mas lalo kong na-realize ang lahat ng magkita kami ulit ni Joel, ang unang lalaking minahal ko."

"Pero mahal na mahal kita, Joanna, alam mo 'yan.. I love you so much. I can't imagine my life without you," naluluhang sabi ng binata.

Sa kanyang pinagkukublihan, dinig na dinig ni Cherry ang lahat. Parang madudurog din ang puso niya na makita ang naluluhang si Carlo. Napakasakit nga naman para sa isang taong lubos na nagmamahal na kalasan ng minamahal upang sumama at ipagpalit siya sa iba. Batid niya ang nararamdaman ni Carlo, ilang taon din itong nanligaw sa kanyang kapatid. Naghintay ito ng matagal upang sagutin at mahalin ni Joanna. Katulad niya na ilang taon na ding naghihintay na pansinin at bigyan ng kahit katiting na pagmamahal ng binata. Lihim siyang umiibig sa binata kahit alam niyang ang nakatatandang kapatid ang kinababaliwan nito.

Matagal ng magkaibigan ang pamilya Bueno at ang pamilya Santamaria. Matalik na magkaibigan ang kanilang mga ama. Palagi silang magkakasama sa mga pagtitipon at anumang kasayahan. Magkasing-edad sina Carlo at Joanna, magka-klase sila sa elementarya. Samantala mas bata naman ng tatlong taon si Cherry.

Mga bata pa lamang sila ay batid na ni Cherry ang espesyal na pagtingin ni Carlo sa kanyang kapatid. Kakaiba kasi si Joanna. Pareho silang maganda ni Cherry, may mala-porselanang kutis at balingkinitang katawan na namana nila sa kanilang ina. Pero mas kapansin-pansin si Joanna. Sosyal kasi ito kung manamit, liberated kung kumilos, mataas ang sex appeal at halatang matalino. Samantala, simpleng kagandahan lamang ang taglay ni Cherry. Mahinhin, conservative sa ilang bagay at taglay pa rin niya ang ugaling Pilipina.

Maka-ilang beses na niyang kinausap si Joanna. Ilang beses na niya itong kinumbinsi na subukang mahalin si Carlo, pero ipinipilit nitong wala kay Carlo ang mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki. Gwapo naman ito pero masyadong seryoso sa buhay at studious.

Isa na siyang ganap na Engineer ng magsimulang ligawan ni Carlo si Joanna.. Dahil sa laki ng paghanga ni Cherry sa binata ay pinilit din niyang mag-aral sa UST kung saan nag-aral si Carlo. Sa edad na beinte-singko ay nasa huling dalawang taon na siya ngayon sa kursong Medicine. Si Joanna naman ay nagtapos sa UP ng kursong Fashion Design at ngayon ay isa na itong kilalang fashion designer.

"Huwag mo naman akong iwan, Joanna, please. Don't do this to me. Mahal na mahal kita... Pag-usapan natin ito ng maayos, please. Gagawin ko ang lahat para mapasaya ka, promise. Mamahalin at pagsisilbihan kita habang-buhay. Gagawin ko ang lahat para sa 'yo, Joanna. I love you so much..."

Tumulo ang luha ni Cherry sa kanyang narinig. Napakagat-labi sya sa kanyang pinagkukublihan. Naaawa siya kay Carlo, mistula na itong desperado. "Ano ka ba naman, Carlo.", saad ni Joanna. "Para namang ako lang ang nag-iisang babae sa mundo. Guwapo ka naman, mayaman, may magandang trabaho. Sigurado ako na may magkakagusto pa naman sa 'yo, Carlo. Sa tingin ko maraming magkakandarapang babae sa 'yo pag nalaman nilang naghiwalay na tayo, wag ka naman magpakabaliw sa akin ng ganito. Tingnan mo ang sarili mo, para ka ng bakla sa pag-iyak mo dyan." Nakatawang saad ni Joanna.

Parang gusto ng lumabas ni Cherry sa kanyang pinagtataguan at sampalin ang kapatid sa mga pang-iinsulto nito kay Carlo.

"Alam mong mahal na mahal kita, Joanna. Wala akong ibang babaeng minahal katulad ng pagmamahal ko sa 'yo. Ano ba ang gusto mong gawin ko para mahalin mo rin ako? ikaw lang ang nagmamay-ari nito, Joanna." Itinuro nito ang dibdib.

"Sorry talaga, Carlo. Pero hindi naman kasi natuturuan ang puso, di ba. Kahit anong gawin ko, si Joel talaga ang tinitibok ng puso ko. Si Joel lang ang nagpapasaya sa akin, siya lang ang laging laman ng puso't isip ko. Mas lalo kitang sasaktan kung pipilitin kong makisama sa iyo pero iba ang minamahal ko. Joel has all the qualities I am looking for in a man. Sa iba mo na lang ibaling ang pagtingin mo, Carlo... Anyway I have to go. May pupuntahan pa kami ni Joel." Pagkasabi nito ay kinuha ang bag sa mesa at dali-daling lumabas ng bahay.

"Joanna....", usal ng naiwang lalaki... "Mahal na mahal kita, Joanna."

Pagkaraan ng ilang sandali ay hindi na nakatiis si Cherry na lumabas mula sa kanyang pinagtataguan at nilapitan ang binata. "Carlo... I'm so sorry. I.. I wish I could do something. Matagal ko nang alam ang relasyon ni Ate at Joel pero nawalan ako ng lakas ng loob na ipaalam sa 'yo dahil alam kong masasaktan ka. Ilang beses ko ring sinabihan si Ate na pag-aralan kang mahalin pero binalewala niya lang ang sinabi ko. I'm sorry, pero mahal na mahal ni Ate si Joel.. I... I suggest, kalimutan mo na lang si Ate."

"ilang taon ko siyang inalagaan, minahal.. How can I love somebody else?" basag ang tinig na tanong nito. "Mga bata pa lang kami si Joanna na ang tinitibok ng puso ko. Bawat araw, bawat oras, bawat minuto ay siya ang laman ng isip ko. Siguro hindi mo ako maiintindihan dahil hindi ikaw ang nasa katayuan ko ngayon, Cherry." Namumula ang mga mata nitong tumingin kay Cherry. "Baka nga hindi ka pa umiibig kaya hindi mo pa alam ang nararamdaman ko."

"That's what you think," pumiyok ang tinig na sagot ng dalaga. Bahagyang nanginig ang kanyang mga labi at nabasa ang bilugang mga mata.

Kung sana ay siya na lang ang minahal ng binata. Sana ay magising ito sa katotohanan at siya na lamang ang pagtuunan nito ng pansin. Maganda din naman siya, hindi nga lang kasing-ganda ng kanyang kapatid. Hindi rin siya sexy at simple lang kung mag-ayos ng sarili. Hindi katulad ng kanyang Ate Joanna na mahilig maglagay ng kolorete sa mukha. Pero kaya naman niyang suklian ang pagmamahal ng binata. 'Matagal na akong nagmamahal, Carlo. Matagal na kitang iniibig at matagal na rin akong nasasaktan', bulong niya sa kanyang sarili.

Tumayo ang binata at tinungo ang pinto, "Uuwi na ako, Cherry". Walang kabuhay-buhay na sambit nito.

"Carlo...." hindi nakatiis na sabi ng dalaga.

"Bakit? May sasabihin ka ba?"

"Baka gusto mo ng kaibigang makaka-usap, nandito lang ako. We can go out and have some fun, tawagan mo lang ako. Baka sakaling gumaan ang pakiramdam mo."

"Salamat... but I'm ok. And I want to be alone, for now." malungkot na sabi nito at tuluyan ng umalis.

Parang kinukurot ang puso ng dalaga habang tinitingnan ang papaalis na binata. 'Sana ako na lang, Carlo... sana ako na lang. Kaya kong gawin ang lahat para mapasaya ka. Kaya kong ibigay ang pagmamahal at pag-alaga na nararapat sa iyo... Sana ako na lang....'

Malapit din naman sa isa't isa sina Carlo at Cherry, subalit iyon ay bilang magkaibigan lamang. Napaghihingahan din naman nila ng problema ang bawat isa. Alam ni Cherry na ang kabiguan ni Carlo sa kanyang Ate Joanna ang pinakamalaking kabiguan nito at sa pagkakataong ito ay hindi niya ito makakayang pabayaang mag-isa.

Ilang araw din siyang walang narinig mula kay Carlo. Ilang beses niya itong tinawagan pero hindi ito sumasagot. Halos araw-araw ay kinukumusta niya ito sa text pero wala din siyang natatanggap na sagot. Medyo kilala na rin niya ang binata, kapag ganitong may problema ito ay sa kanyang condominium sa Makati ito naglalagi upang mapag-isa.

Hindi na nakatiis si Cherry at pagkatapos ng kanyang duty sa hospital ay sinadya niya ang binata sa tinitirhan nito. Alam niya na ngayon kailanman nito kailangan ang kanyang pagdamay. Kailangan din niya itong makumbinsing kalimutan na nang maaga si Joanna at ituon na lamang ang atensyon nito sa kanyang trabaho.

Isang matamlay na Carlo ang nagbukas ng pinto ng kumatok si Cherry sa condo unit nito. May hawak-hawak pa itong bote ng beer.

"Bakit? Ano'ng kailangan mo?" kunot-noong tanong ng binata ng makita siya.

"Gusto ko lang kumustahin ka, Carlo." mahinang sagot niya.

Tumalikod ito at pumasok sa loob. Sinundan niya ito.

"Naglalasing ka?" tanong niya ng makita ang ilang pirasong bote ng beer sa sala nito.

"Gusto ko lang makalimot at makatulog. Ito lang ang tanging paraang alam ko upang makalimutan ko ang lahat ng sakit." Naupo ito sa sala at patuloy na tinungga ang beer. "Baka gusto mong samahan akong uminom?" May mapaklang ngiting sumilay sa mga labi nito ng tumingin ito sa kanya.

"Hindi ako umiinom, alam mo naman siguro 'yun. Wala kang mapapala sa ginagawa mo, Carlo. Mas lalo mo lang pinahihirapan ang sarili mo, napapabayaan mo pa ang trabaho mo." Sabi niya na pinahalata ang pagkainis.

"Ginago ako ng kapatid mo, Cherry. Ginawa niya akong tanga", muli itong tumungga ng alak. "Tatlong taon, Cherry. Tatlong taon na akala ko ako lang, akala ko wala siyang ibang mahal. Tatlong taon na wala akong ibang ginawa kundi pasayahin siya at ibigay sa kanya lahat ng kaya kong kong ibigay. Hindi ako tumingin sa ibang babae dahil ayaw kong magselos at magalit siya. Ginawa ko siyang inspirasyon araw-araw sa trabaho ko. Pati langit at mga bituin gusto ko ng sungkitin para sa kanya. Pero ano'ng ginawa niya? Niloko niya ako... niloko niya ako. She made me believe we have a future together. She made me believe that we'll be together hanggang pagtanda namin... Pakiramdam ko ngayon ako na ang pinakatangang lalaki sa buong mundo." Inihagis nito ang hawak na bote at basag na bumagsak iyon sa sahig.

"Tama na 'yan, Carlo, please. Kahit ano pa ang ginawa ni Ate sa 'yo, you have to move on. Marami pa namang babae sa mundo, Carlo. May magkakagusto pa naman sa 'yo." Nandito lang ako para sa 'yo, dugtong niya sa isip.

"Si Joanna lang ang nag-iisang babae para sa akin", mariing sagot nito. "Hayaan mo na ako, Cherry. Just leave me alone. Gusto kong mapag-isa. Walang ibang makakatulong sa 'kin ngayon kundi itong alak. Iwan mo na ako". Pagkasabi niyon ay nagpatuloy na ito sa pag-inom.

Alam ni Cherry na desperado na ang binata, kaya hindi niya ito magawang iwanan. Nag-aalala siyang baka ano ang maisipan nitong gawin sa sarili. Naupo lang siya sa tapat nito at hinayaan itong uminom.

Makaraan ang ilang sandali, halos maubos na nito ang lahat ng bote ng beer sa mesa nang mapansin niya itong titig na titig sa kanya, namumungay ang mga mata at may kakaibang ngiti sa labi. Parang wala na ito sa sariling katinuan.

"Joanna", mahinang usal ng binata.

"Hindi ako si Ate Joanna, Carlo." napalunok na pagwawasto ni Cherry. "Lasing ka na nga. Ang mabuti pa ay matulog ka na muna at magpahinga. Pupunasan kita para mawala ang kalasingan mo." Inalalayan niya ito papunta sa silid nito. Tinulungan niya itong humiga sa kama at ng akma na siyang tatalikod para kumuha ng maipupunas dito ay bigla siya nitong kinabig hanggang pumaibabaw siya sa katawan nito. "Carlo, ano ba?! What are you doing?" naalarma niyang tanong.

"I love you so much, Joanna... I need you," sagot ng binata.

"Hindi ako si Joanna, Carlo, ano ba!" malakas niyang sabi.

Ngunit walang pakialam na h******n siya nito sa labi at pilit na niyakap. Tinangkang umiwas ng dalaga, ngunit mas lalo lamang humigpit ang yakap ng binata. Parang pinanghinaan siya nang maramdaman ang kaaya-aya nitong haplos sa kanyang likod. Hindi rin niya maipagkakailang naapektuhan siya ng halik nito. Nawalan na siya ng lakas na labanan ito bagkus ay dahan-dahan niya ring niyakap ang binata at tinanggap ang nag-aapoy nitong mga halik.

Gumulong sila sa kama at hindi na niya namalayan ay ito na ang nakaibabaw sa kanyang malambot na katawan. "Joanna, hhmmm, I love you so much", saad nito habang masuyo nitong hinahaplos ang kanyang magkabilang pisngi. Muli siya nitong hinalikan sa labi. Napapikit si Cherry at naramdaman na lamang niya ang maiinit na butil ng luhang tumutulo sa kanyang pisngi. Hinayaan na lamang niya ang binata sa maling paniniwala nito na siya si Joanna. Sa ganitong paraan niya lamang mararamdaman ang pagmamahal ng lalaking matagal na niyang pinangarap at palihim na minamahal.

Lalong nanghina ang kanyang katawan ng maramdaman niya ang masuyong paghaplos ng binata sa kanyang katawan. Muli nitong hinalikan ang kanyang labi. Sa pagkakataong ito ay mas mapusok na ang binata. Makaraan ang ilang sandaling pagkakahinang ng kanilang mga labi ay gumapang ang mga halik nito sa kanyang buong mukha, tainga at pababa sa kanyang leeg. Pakiramdam ng dalaga ay may kuryenteng tumutulay sa kanyang buong katawan ng maramdaman niya ang mga halik at haplos nito. Wala na siyang lakas na tumutol at nagpaubaya na lamang siya sa nais gawin ng binata.

Pagkaraan ng ilang sandali ay dahan-dahan nitong hinubad ang kanyang blusa at isinubsub ang mukha nito sa kanyang dibdib habang nababaliw na sinimsim ang kanyang bango.

"Ahhh, Carlo..." napaungol na sambit ng dalaga habang nakayakap nang mahigpit dito. Kapwa sila pansamantalang nawala sa katinuan at tuluyang nang tinalo ng pagnanasang nararamdaman.

UMAGA. Mabigat ang pakiramdam ng magising si Carlo. Hawak ang noo ay dahan-dahan siyang bumangon. Nang mag-angat sya ng paningin ay ang pormal na mukha ni Cherry ang tumambad sa kanya. Tahimik itong nakaupo sa gilid ng kama.

"Cherry... ano'ng ginagawa mo dito?" gulat na tanong ng binata.

"Dito ako nakatulog," mahinang sagot nito. Halatang buong magdamag itong gising at umiyak base sa namumugto nitong mata.

"Bakit?" simpeng tanong ng binata.

Imbes na sumagot ay tahimik siya nitong tiningnan at muling naglandas ang masaganang luha sa mga mata nito.

Muling napatutop sa kanyang noo ang binata at pilit na inaalala ang mga nangyari. Dahan-dahan ay nagbalik ka kanyang alaala ang mga nangyari kagabi. Unti-unti niyang nakita ang mukha ni Cherry habang hinahalikan niya ito. "Shitttt.... May nangyari ba sa atin?" Napatayong sabi niya habang nakabalabal sa katawan ang kumot.

Hindi sumagot ang dalaga, sa halip ay nagpatuloy lamang ito sa pagluha.

"Cherry.... bakit mo hinayaang mangyari ito? Alam mo namang hindi dapat, di ba. For God's sake, bakit ka pumayag, Cherry. Lasing ako. Dapat tumutol ka.. I didn't force you, did I?"

Marahan itong umiling. "Nadarang din ako. Hindi ko na nagawang tumutol, Carlo. N-nakalimot din ako...."

"I'm sorry, Cherry... what are we going to do now?" tensyonado niyang tanong dito.

"I don't know."

"I'm really sorry.. God... Hindi ko mapapatawad ang sarili ko!" Sunod-sunod na napabuntung-hininga ang binata. "Kasalanan ko lahat ito. it's all my fault."

"Kasalanan ko rin, Carlo. Ako ang pumunta rito. Lasing ka at wala ka sa sarili samantalang malinaw ang pag-iisip ko. Kasalanan ko, Carlo, dahil hinayaan kong mangyari ito. But don't worry, hindi naman ako maghahabol. Wala kang dapat problemahin."

Pero nakukunsensya pa rin siya. Alam niya na ibang-iba si Cherry sa kapatid nito. Conservative ito at batid niyang hindi magiging madali para rito ang nangyari sa kanila. Sinira niya ang pagkadalaga nito.

"Alam kong hindi ako mapapatawad ng mga magulang mo, Cherry."

"Walang makaka-alam sa nangyaring ito, Carlo, don't worry."

"But.... w-what if you get pregnant?"

Tumahimik lamang ang dalaga, dahan-dahang kinuha ang bag nito at umalis.

Lumipas ang mga araw at linggo na walang nakitang palatandaan si Carlo na ipinaalam ni Cherry sa mga magulang nito ang nangyari sa kanila. Pilit din naman niya itong kinakausap para humingi ng tawad ngunit iniiwasan siya ng dalaga.

Hanggang dumating ang araw ng kasal nina Joanna at Joel. Sa mismong reception ay nahilo si Cherry at hinimatay. Dali-dali siyang dinala ng mga magulang sa hospital at doon ay nalaman ng mga ito na tatlong buwan na itong buntis. Pilit mang itinago ng dalaga ang lahat ay wala pa rin siyang nagawa ng sapilitan siyang tanungin ng mga magulang kung sino ang ama ng dinadala nito.

Kaugnay na kabanata

  • Sa Aking Pagbabalik   Chapter Two

    AGOSTO 2000. Naghari ang matinding katahimikan sa sala ng mga Bueno. Matinding kaba naman ang nararamdaman ni Cherry ng gabing iyon. Nakaupo siya sa tabi ng mga magulang habang nasa kabilang sofa naman si Carlo kasama ang mga magulang nito. Nakatayo naman sa may bintana si Joanna."We have to set the wedding of Cherry and Carlo the soonest. Reputasyon at pangalan ng pamilya natin ang nakataya rito", mariing saad nito."Who are you to decide for us, Joanna. Buhay namin ito, kami ang dapat magdesisyon sa dapat naming gawin... Pagkatapos mo akong saktan, didiktahan mo pa ako kung ano ang dapat gawin?", inis na sabi ng binata."So,,, is this your way of having your revenge on me? Buhay ng kapatid ko ang sinira mo, Carlo. Nararapat lang ng magdesisyon ako para sa kanya." Tugon ni Joanna."Wala akong planong maghiganti, Joanna. Ilang beses ko bang sasabihin na lasing na lasing ako noon", katuwiran ng lalaki."Lasing ka man o hindi, may nangyari pa rin sa inyo ng anak ko, Carlo", sabad ng am

    Huling Na-update : 2022-10-23
  • Sa Aking Pagbabalik   Chapter Three

    TAONG KASALUKUYAN.Makaraan ang halos pitong taon ay nagdesisyong umuwi sa Pilipinas si Carlo. Hindi niya pinalipas ang isang araw bago dinalaw si Cherry at ang kanilang anak. Nakatira pa rin si Cherry sa bahay ng kanyang mga magulang at isa na itong ganap na Doktor. Bitbit ang ilang pasalubong ay dali-dali niyang tinungo ang tahanan ng mga Bueno. Aminado siyang kabadong-kabado siya pero may pananabik ding makita ang kanyang anak."Hi.. Are you my mom's new suitor?" Sa kinauupuan ay nag-angat siya ng paningin nang marinig ang munting tinig ng isang batang babae. Tumambad sa kanyang harapan ang isang napakagandang bata, higit na maganda kaysa sa larawang ipinadala sa kanya nga kanyang ina."Margaret..." May kakaibang kislap na nabuhay sa kanyang mga mata pagkakita niya rito. Tiyak niyang ang batang ito ang kanyang anak hindi lamang dahil kamukha nito ang nasa larawang madalas niyang pagmasdan sa Amerika kundi dahil na rin sa lukso ng dugo."Why do you know my name?" Tumaas ang munting

    Huling Na-update : 2022-10-23
  • Sa Aking Pagbabalik   Chapter Four

    Ilang sandali ng makaalis si Carlo, dumating si Marvin, ang nobyo ni Cherry. Si Marvin ay kaklase ni Cherry sa elementarya at ngayon ay isa na ring magaling na inhinyero. Nagtapos itong Cum Laude at isa sa topnotcher sa Engineering Board Exam kung kaya't agad itong nakakuha ng magandang trabaho. Aaminin niya na nagkaroon ng puwang sa kanyang puso si Marvin dahil sa magandang pagtrato nito kay Margaret. Sa loob ng ilang taon, pilit na pinunan ni Marvin ang matinding pangungulila ni Margaret sa sariling ama. Sinasamahan nito si Cherry sa pagdalo sa mga patimpalak at school activities na sinasalihan ng bata kung kaya't mismong si Margaret ay naging malapit na rin dito."Kumusta? Napansin ko kanina ka pa parang nakatulala? Is there something wrong?" tanong ni Marvin habang papalapit ito sa kinauupuan niya."Ahmm.. I'm ok. May naalala lang ako." nakangiti niyang sagot."This is for you and this one's for Margaret, sweetheart." Malambing nitong sabi at inabot sa kanya ang bouquet of roses a

    Huling Na-update : 2022-10-29
  • Sa Aking Pagbabalik   Chapter Five

    Knock! Knock! "Mom?" Narinig ni Cherry ang mga katok sa pinto at ang munting tinig ng anak. "Hello. Something wrong?" tanong niya nang makita itong papasok sa kanyang kwarto. "Mom, I couldn't sleep. Can I stay here?" tanong ng bata na kaagad na nahiga sa kanyang tabi. "Of course, my love, come here." niyakap niya ito ng mahigpit. "What's wrong? Are you having bad dreams?" tanong niya. Umiling ang bata at yumakap din sa kanya. "No, Mom. I haven't slept yet.... Hindi po kasi mawala sa isip ko si...... ang daddy ko." "What about him? Do you want to talk to him?" kinakabahan niyang tanong sa anak."No, Mommy. Iniisip ko lang po.... does he like me? Tama ka po, malaki ang pagkakahawig namin. Nang makita ko po siya kanina, hindi ko po maintindihan ang feeling ko, Mommy. I want to hug him tight, pero nahiya po ako", pag-amin ni Margaret sa ina. "Nahihiya po akong makipag-usap sa kanya," pagpapatuloy nito. "But I love talking to him. Gusto ko pong magkuwento sa kanya. Mommy, what do you thi

    Huling Na-update : 2022-10-29
  • Sa Aking Pagbabalik   Chapter Six

    MAKARAAN ANG ILANG ARAW...Nag-aayos na si Cherry ng kanyang mga gamit sa hospital dahil patapos na ang kanyang duty nang mapansin niya si Carlo na naglalakad palapit sa kanya."Hey, ano'ng ginagawa mo rito? May dinadalaw ka bang pasyente?" tanong niya sa binata."Napadaan lang ako. May inirekomenda kasing construction project sa akin ang isang kaibigan diyan lang sa malapit, kaya naisipan kong dumaan dito." masayang pagbabalita nito. "Eto o, dinalhan kita ng special cheesecake. Nakita ko kasing dinudumog ng tao sa bakery, baka masarap nga at magustuhan mo." Nakangiting sabi nito sabay abot sa dala nitong box ng pagkain."Thank you... Akala ko umalis ka na. I mean, akala ko bumalik ka na sa Amerika... Hindi ka na kasi pumunta sa bahay, nagtatanong at naghahanap na si Margaret. Nasabi ko nga sa kanya na baka naka-alis ka na at bumalik ka na sa Amerika. Hindi ko rin kasi alam ang isasagot ko sa mga tanong nya, " natatawa pero pormal na sabi ng dalaga."May inasikaso kasi akong mga papel

    Huling Na-update : 2023-11-25
  • Sa Aking Pagbabalik   Chapter Seven

    NALULUHANG NAKATINGIN na lamang si Carlota sa papaalis na anak. "Sana'y maayos ng kapatid mo ang kanyang buhay. Sana'y matauhan na siya habang maaga pa. Sana'y hindi siya nagka-ganito. Sana'y dumating ang panahon na makita namin siyang masaya at maayos,,, bago man lang kami mawala sa mundong ito." himutok nito. Naiiyak namang nakatingin si Cherry sa ina. Ramdam niya ang panghihinayang nito sa sinapit ng kapatid. Hindi naging maayos ang relasyon ni Joanna kay Joel pagkatapos ng ilang taong pagsasama. Palagi itong sinasaktan ng lalaki. Naging sobrang seloso ito at halos ayaw ng payagan si Joanna na magtrabaho. Hindi naging maayos ang pagsasama ng mga ito pagkatapos ikasal at nadagdagan pa iyon ng malaman ni Joanna na kung kani-kanino nakikipag-relasyon ang asawa lalo na nang hindi niya ito mabigyan ng anak."Wala po kayong kasalanan sa nangyari kay Ate Joanna, Mom. Ginusto niya pong maging ganyan ang kanyang buhay, hindi kayo nagkulang sa amin. Pwede naman po niyang iwan ang lalaking iy

    Huling Na-update : 2023-11-25
  • Sa Aking Pagbabalik   Chapter Eight

    KINABUKASAN ay maagang gumising si Cherry upang ipagluto ng almusal ang anak. Ipinagluto niya ito nga paboritong agahan, tocino at itlog. Pinagtimpla niya rin ito ng gatas at hinanda niya ang baon nito. Habang nasa kusina ay nakatanggap siya ng text message galing kay Carlo. "Hello. Good morning. Just asking if I could possibly pick up Margaret. Ok lang ba na ako sana maghahatid sa kanya sa school today, if it's ok with you," tanong ng binata. "Good morning. Ok sige, Carlo, no problem. Tulog pa siya ngayon, I'll tell her later paggising niya. I am just preparing her breakfast. Her classes starts at 8:30. If you'd like, dito ka na rin mag-agahan." Lumapad ang ngiti sa labi ng binata ng matanggap nito ang text ng dalaga. 'Iniimbitahan niya akong mag-breakfast sa kanila', naisip ng binata. Hayyyyy... Ang sarap sa pakiramdam. Sa di maintindihang dahilan, bigla siyang kinilig at parang nagliwanag ang kanyang buong paligid. "Yes, Cherry. I would be glad to have breakfast with her. Thank you

    Huling Na-update : 2023-11-25
  • Sa Aking Pagbabalik   Chapter Nine

    MAGHAPONG HINDI MAPAKALI si Marvin sa pag-iisip sa binitawang salita ni Joanna. Ayaw man niyang magpa-apekto ay hindi maiwasang sumagi sa isipan ang posibilidad na magkabalikan sina Cherry at Carlo. Batid man niyang hindi magsisinungaling sa kanya ang nobya. At kung sakali mang totoo ang sinabi ni Joanna ay alam niyang sasabihin lahat ni Cherry."Hello, Hon. How are you? Nasaan ka ngayon? Are you busy?" sunod-sunod na tanong ni Marvin sa kasintahan ng tawagan niya ito."I'm ok, Hon. Di naman masyadong busy, katatapos ko lang dumalaw sa mga pasyente ko. How about you?", sagot ng dalaga."Katatapos lang din ng meeting namin," kwento nya sa dalaga "Good news, may mga bagong projects na naman kaming nakuha at i-aaward sa amin most probably within this week," dugtong ng binata."Woww Congratulations, Hon. No doubt, ang galing niyo kasi, di ba. I am always proud of you." masayang sabi ni Cherry.Napangiti naman si Marvin sa sinabi ng kasintahan. "Thank you, Hon. It means a lot to me. Kaya l

    Huling Na-update : 2023-11-25

Pinakabagong kabanata

  • Sa Aking Pagbabalik   Chapter Sixteen

    SA BAWAT ARAW na dumadaan ay makikita ang pagiging abala ni Cherry sa pag-aasikaso sa nalalapit na kaarawan ng anak. Dagdag pa rito ang preparasyon din para sa kanilang kasal ni Marvin. Halos hindi na rin ito makapag-pahinga. Gusto niya na nasa ayos ang lahat bago dumating ang espesyal na mga araw. Bagama't tumutulong din naman si Carlo sa paghahanda para sa kaarawan ng anak ay nais pa rin ni Cherry na walang makalimutang detalye ukol dito.Naipamigay na rin nila ang imbitasyon para sa kaarawan ng anak. Lahat ng kamag-anak, kaibigan at kakilala ay nabigyan na ng imbitasyon. Syempre kasali din sa mga imbitado ang kanyang kapatid na talagang siniguro ni Margaret na mabigyan ng imbitasyon.Pagkatapos ng birthday party ng anak ay ang kanilang pag-iisang dibdib ni Marvin naman ang bibigyang atensyon ng dalaga. Darating na sa susunod na Linggo ang mga ipinagawa nilang imbitasyon. Maging ang mga souvenir items ay darating na rin sa mga susunod na araw. Malapit na nga siyang maging Mrs. Marvi

  • Sa Aking Pagbabalik   Chapter Fifteen

    KAHIT NAKAHIGA na ay hindi pa rin maalis sa isip ng dalaga ang mga ikinuwento ng kanyang anak. Hindi niya lubos maisip kung bakit nahulog ang loob ng bata sa kanyang kapatid. Simula noong maliliit pa sila ay talagang hindi na sila masyadong magkasundo ng kanyang kapatid. Magkaiba kasi ang kanilang hilig at ugali. Si Joanna ay mahilig sa party at sa barkada. Samantalang siya naman ay bahay-klase-bahay lang ang daily routine. Ang kanyang Ate Joanna ay extrovert, kahit saan ay madali itong makahanap ng magiging kaibigan at dahil sa pagiging sikat na model nito ay marami din naman ang naghahangad na maging kaibigan ito. Samantalang siya ay iilan lamang ang naging kaibigan. Bagama't kaunti lang ang mga kaibigan niya ay sigurado naman siyang panghabambuhay ang pagkakaibigan nila. Kaya't simula ng ipinanganak niya si Margaret ay hindi niya kailanman nakita ang kapatid na nakipaglaro sa bata. Hindi niya ito nakitang kinarga man lang ang kanyang anak. Sa tingin niya tuloy ay suklam na suklam a

  • Sa Aking Pagbabalik   Chapter Fourteen

    ANG MGA SUMUNOD NA MGA ARAW ay naging mas madalas pa ang pagkakasama ng mag-amang Carlo at Margaret kaya mas lalong nahulog ang loob ng bata sa kanyang ama. Pinilit naman ni Cherry na iwasan ang lalaki kahit pa may mga sandaling hindi niya mapigilan ang sitwasyon na hindi makipagkita rito. Ilang linggo na lang ay magdiriwang na ang bata ng kanyang ika-pitong kaarawan. Dahil ito ang unang pagkakataon na makakadalo siya sa kaarawan ng anak ay hindi mapigilan ni Carlo ang ma-excite. "Hello, Cherry." Isang umaga ay naalalang tawagan ng binata ang dalaga."Hello, Carlo. Napatawag ka?" sagot ng dalaga."Ahmm.. itatanong ko lang sana kung ano ang plano mo para sa kaarawan ni Margaret? Baka may maitutulong sana ako.""Kinausap ko na pala ang kakilala kong event coordinator at siya na ang bahala sa pag-asikaso sa party ng bata. Sa ngayon kasi ay hindi ko iyon maaasikaso ng personal." paliwanag ni Cherry."Ganun ba.. Pwede bang makatulong ako sa pag-aayos nito." pakiusap ni Carlo."Ikaw ang ba

  • Sa Aking Pagbabalik   Chapter Thirteen

    NANG MAKARATING sa bahay ng mga Bueno ay hindi na ginising ni Carlo ang bata. Kinarga na lamang niya ito at inihatid sa naghihintay na si Cherry. "Ako na maghahatid sa kanya sa kwarto nyo, Cherry." ani Carlo sa dalaga. "Napagod siya sa maghapong paglalaro," dugtong pa nito at dinala na sa taas ang bata. "Salamat, Carlo. Ilapag mo na lamang siya sa kama, ako na ang mag-aayos sa kanya," saad ng dalaga. "Cherry... may hihingin sana akong pabor. Kanina kasi nasabi ng anak natin na gusto raw niyang makapasyal na magkakasama tayong tatlo. Gusto raw niyang ma-experience na kumain at mamasyal na kasama tayong dalawa. Sana'y mapagbigyan mo ang simpleng hiling ng bata," ani Carlo."Pasensya na, Carlo, hindi ko iyon maipapangako sa ngayon. Masyado akong busy sa trabaho at sa pag-asikaso sa kasal namin ni Marvin." Hindi na nabigla si Carlo sa sinabi ng dalaga dahil naikwento na kanina ng anak. Pero bakit mas matindi ang kirot na naramdaman niya ngayon. Parang pinipiga ang kanyang puso sa kanyang

  • Sa Aking Pagbabalik   Chapter Twelve

    MABILIS na lumipas ang mga araw at mas naging abala pa si Cherry sa paghahanda ng kanilang nalalapit na kasal ni Marvin. Lahat ng detalye sa kanilang pag-iisang dibdib ay gusto niyang siya mismo ang mag-asikaso o kaya naman ay silang dalawa ni Marvin kung hindi busy ang kasintahan. Ang ibang araw naman na hindi siya duty ay ginugugol niya sa kanyang anak. Minsan ay isinasama niya ang bata sa pamimili ng mga kakailanganin sa kasal. Ayaw niyang maramdaman ng bata na nababalewala na siya ng kanyang ina. Bagaman sa murang edad nito ay naiintindihan na ni Margaret ang sitwasyon nilang tatlo ay gusto pa rin ni Cherry na ipadama sa anak na mahal na mahal niya ito. Naging madalas na rin ang pagdalaw ni Carlo sa bata. Minsan naman ay sinusundo niya ito at isinasama sa kanilang bahay upang makapiling ng kanyang magulang. Naging panatag na ang loob ni Margaret sa kanyang ama at sa pamilya nito. Isang araw ay sinundo ni Carlo ang bata at dinala sa isang mall upang ibili ng laruan at ilang gamit

  • Sa Aking Pagbabalik   Chapter Eleven

    KINABUKASAN ay maagang nagising si Cherry. Masayang-masaya pa rin ang dalaga habang tinitingnan ang singsing na bigay sa kanya ng nobyo. Kay sarap sa pakiramdam na sa kabila ng mga pinagdaanan niya sa buhay ay may taong nangangako na mamahalin siya habambuhay. Akala niya noon ay hindi na siya makapag-aasawa dahil sa kanyang pagiging single mother. Sadyang kaybuti ng Panginoon. Pagkatapos maligo ay bumaba siya upang mag-almusal kasama ang mga magulang. Sabik siyang ibalita sa mga ito ang marriage proposal ni Marvin. Sigurado siyang katulad niya ay masaya ang mga ito sa panibagong kabanata ng kanyang buhay. Dahil nga hindi madalas makasamang kumain ang mga magulang kung kaya't bawat sandaling nakakasalo niya ang ama't ina ay espesyal para kay Cherry. Madalas din kasi magbyahe ang dalawa. Dalawang beses sa isang taon kung mag-out of the country ang mga ito, kadalasan naman ay nasa Cebu at Davao kung saan nakatira ang kani-kanilang mga kamag-anak. Kaya siguro hindi halata ang pagiging sen

  • Sa Aking Pagbabalik   Chapter Ten

    LINGGO NG UMAGA. Ang tawag ni Marvin sa telepono ang gumising sa natutulog na dalaga. "Hello, Hon. Ang aga mo yatang tumawag. Somehing wrong? Are you okey?" bungad na tanong ni Cherry sa kanyang nobyo. "Morning, Hon. Don't worry, I'm fine. Itatanong ko lang sana kung busy ka ba today. May pupuntahan sana tayo later, if you're not busy." tanong ng lalaki. "Nag-alala naman ako sa maagang tawag mo, Hon. I'm free today, Hon. Wala akong gagawin the whole day. Ano'ng oras tayo aalis?" sagot ng dalaga."I'll call you again later na lang pag okey na ang lahat, Hon. Maybe in the afternoon, pupuntahan ko lang ang ilang projects for inspection. Will it be okey with you?" pagsisiguro ng binata. "Yes, Honey. Anytime." sagot naman ni Cherry.Pagkatapos mag-usap ng dalawa ay bumaba na si Cherry upang mag-agahan. Naabutan niya ang mga magulang sa hapag-kainan. "O, Cherry, gising ka na pala. Come and join us.," anyaya ng kanyang ina. Naupo nga si Cherry at sinaluhan ang mga magulang sa almusal. Hindi

  • Sa Aking Pagbabalik   Chapter Nine

    MAGHAPONG HINDI MAPAKALI si Marvin sa pag-iisip sa binitawang salita ni Joanna. Ayaw man niyang magpa-apekto ay hindi maiwasang sumagi sa isipan ang posibilidad na magkabalikan sina Cherry at Carlo. Batid man niyang hindi magsisinungaling sa kanya ang nobya. At kung sakali mang totoo ang sinabi ni Joanna ay alam niyang sasabihin lahat ni Cherry."Hello, Hon. How are you? Nasaan ka ngayon? Are you busy?" sunod-sunod na tanong ni Marvin sa kasintahan ng tawagan niya ito."I'm ok, Hon. Di naman masyadong busy, katatapos ko lang dumalaw sa mga pasyente ko. How about you?", sagot ng dalaga."Katatapos lang din ng meeting namin," kwento nya sa dalaga "Good news, may mga bagong projects na naman kaming nakuha at i-aaward sa amin most probably within this week," dugtong ng binata."Woww Congratulations, Hon. No doubt, ang galing niyo kasi, di ba. I am always proud of you." masayang sabi ni Cherry.Napangiti naman si Marvin sa sinabi ng kasintahan. "Thank you, Hon. It means a lot to me. Kaya l

  • Sa Aking Pagbabalik   Chapter Eight

    KINABUKASAN ay maagang gumising si Cherry upang ipagluto ng almusal ang anak. Ipinagluto niya ito nga paboritong agahan, tocino at itlog. Pinagtimpla niya rin ito ng gatas at hinanda niya ang baon nito. Habang nasa kusina ay nakatanggap siya ng text message galing kay Carlo. "Hello. Good morning. Just asking if I could possibly pick up Margaret. Ok lang ba na ako sana maghahatid sa kanya sa school today, if it's ok with you," tanong ng binata. "Good morning. Ok sige, Carlo, no problem. Tulog pa siya ngayon, I'll tell her later paggising niya. I am just preparing her breakfast. Her classes starts at 8:30. If you'd like, dito ka na rin mag-agahan." Lumapad ang ngiti sa labi ng binata ng matanggap nito ang text ng dalaga. 'Iniimbitahan niya akong mag-breakfast sa kanila', naisip ng binata. Hayyyyy... Ang sarap sa pakiramdam. Sa di maintindihang dahilan, bigla siyang kinilig at parang nagliwanag ang kanyang buong paligid. "Yes, Cherry. I would be glad to have breakfast with her. Thank you

DMCA.com Protection Status