MAKARAAN ANG ILANG ARAW...Nag-aayos na si Cherry ng kanyang mga gamit sa hospital dahil patapos na ang kanyang duty nang mapansin niya si Carlo na naglalakad palapit sa kanya."Hey, ano'ng ginagawa mo rito? May dinadalaw ka bang pasyente?" tanong niya sa binata."Napadaan lang ako. May inirekomenda kasing construction project sa akin ang isang kaibigan diyan lang sa malapit, kaya naisipan kong dumaan dito." masayang pagbabalita nito. "Eto o, dinalhan kita ng special cheesecake. Nakita ko kasing dinudumog ng tao sa bakery, baka masarap nga at magustuhan mo." Nakangiting sabi nito sabay abot sa dala nitong box ng pagkain."Thank you... Akala ko umalis ka na. I mean, akala ko bumalik ka na sa Amerika... Hindi ka na kasi pumunta sa bahay, nagtatanong at naghahanap na si Margaret. Nasabi ko nga sa kanya na baka naka-alis ka na at bumalik ka na sa Amerika. Hindi ko rin kasi alam ang isasagot ko sa mga tanong nya, " natatawa pero pormal na sabi ng dalaga."May inasikaso kasi akong mga papel
NALULUHANG NAKATINGIN na lamang si Carlota sa papaalis na anak. "Sana'y maayos ng kapatid mo ang kanyang buhay. Sana'y matauhan na siya habang maaga pa. Sana'y hindi siya nagka-ganito. Sana'y dumating ang panahon na makita namin siyang masaya at maayos,,, bago man lang kami mawala sa mundong ito." himutok nito. Naiiyak namang nakatingin si Cherry sa ina. Ramdam niya ang panghihinayang nito sa sinapit ng kapatid. Hindi naging maayos ang relasyon ni Joanna kay Joel pagkatapos ng ilang taong pagsasama. Palagi itong sinasaktan ng lalaki. Naging sobrang seloso ito at halos ayaw ng payagan si Joanna na magtrabaho. Hindi naging maayos ang pagsasama ng mga ito pagkatapos ikasal at nadagdagan pa iyon ng malaman ni Joanna na kung kani-kanino nakikipag-relasyon ang asawa lalo na nang hindi niya ito mabigyan ng anak."Wala po kayong kasalanan sa nangyari kay Ate Joanna, Mom. Ginusto niya pong maging ganyan ang kanyang buhay, hindi kayo nagkulang sa amin. Pwede naman po niyang iwan ang lalaking iy
KINABUKASAN ay maagang gumising si Cherry upang ipagluto ng almusal ang anak. Ipinagluto niya ito nga paboritong agahan, tocino at itlog. Pinagtimpla niya rin ito ng gatas at hinanda niya ang baon nito. Habang nasa kusina ay nakatanggap siya ng text message galing kay Carlo. "Hello. Good morning. Just asking if I could possibly pick up Margaret. Ok lang ba na ako sana maghahatid sa kanya sa school today, if it's ok with you," tanong ng binata. "Good morning. Ok sige, Carlo, no problem. Tulog pa siya ngayon, I'll tell her later paggising niya. I am just preparing her breakfast. Her classes starts at 8:30. If you'd like, dito ka na rin mag-agahan." Lumapad ang ngiti sa labi ng binata ng matanggap nito ang text ng dalaga. 'Iniimbitahan niya akong mag-breakfast sa kanila', naisip ng binata. Hayyyyy... Ang sarap sa pakiramdam. Sa di maintindihang dahilan, bigla siyang kinilig at parang nagliwanag ang kanyang buong paligid. "Yes, Cherry. I would be glad to have breakfast with her. Thank you
MAGHAPONG HINDI MAPAKALI si Marvin sa pag-iisip sa binitawang salita ni Joanna. Ayaw man niyang magpa-apekto ay hindi maiwasang sumagi sa isipan ang posibilidad na magkabalikan sina Cherry at Carlo. Batid man niyang hindi magsisinungaling sa kanya ang nobya. At kung sakali mang totoo ang sinabi ni Joanna ay alam niyang sasabihin lahat ni Cherry."Hello, Hon. How are you? Nasaan ka ngayon? Are you busy?" sunod-sunod na tanong ni Marvin sa kasintahan ng tawagan niya ito."I'm ok, Hon. Di naman masyadong busy, katatapos ko lang dumalaw sa mga pasyente ko. How about you?", sagot ng dalaga."Katatapos lang din ng meeting namin," kwento nya sa dalaga "Good news, may mga bagong projects na naman kaming nakuha at i-aaward sa amin most probably within this week," dugtong ng binata."Woww Congratulations, Hon. No doubt, ang galing niyo kasi, di ba. I am always proud of you." masayang sabi ni Cherry.Napangiti naman si Marvin sa sinabi ng kasintahan. "Thank you, Hon. It means a lot to me. Kaya l
LINGGO NG UMAGA. Ang tawag ni Marvin sa telepono ang gumising sa natutulog na dalaga. "Hello, Hon. Ang aga mo yatang tumawag. Somehing wrong? Are you okey?" bungad na tanong ni Cherry sa kanyang nobyo. "Morning, Hon. Don't worry, I'm fine. Itatanong ko lang sana kung busy ka ba today. May pupuntahan sana tayo later, if you're not busy." tanong ng lalaki. "Nag-alala naman ako sa maagang tawag mo, Hon. I'm free today, Hon. Wala akong gagawin the whole day. Ano'ng oras tayo aalis?" sagot ng dalaga."I'll call you again later na lang pag okey na ang lahat, Hon. Maybe in the afternoon, pupuntahan ko lang ang ilang projects for inspection. Will it be okey with you?" pagsisiguro ng binata. "Yes, Honey. Anytime." sagot naman ni Cherry.Pagkatapos mag-usap ng dalawa ay bumaba na si Cherry upang mag-agahan. Naabutan niya ang mga magulang sa hapag-kainan. "O, Cherry, gising ka na pala. Come and join us.," anyaya ng kanyang ina. Naupo nga si Cherry at sinaluhan ang mga magulang sa almusal. Hindi
KINABUKASAN ay maagang nagising si Cherry. Masayang-masaya pa rin ang dalaga habang tinitingnan ang singsing na bigay sa kanya ng nobyo. Kay sarap sa pakiramdam na sa kabila ng mga pinagdaanan niya sa buhay ay may taong nangangako na mamahalin siya habambuhay. Akala niya noon ay hindi na siya makapag-aasawa dahil sa kanyang pagiging single mother. Sadyang kaybuti ng Panginoon. Pagkatapos maligo ay bumaba siya upang mag-almusal kasama ang mga magulang. Sabik siyang ibalita sa mga ito ang marriage proposal ni Marvin. Sigurado siyang katulad niya ay masaya ang mga ito sa panibagong kabanata ng kanyang buhay. Dahil nga hindi madalas makasamang kumain ang mga magulang kung kaya't bawat sandaling nakakasalo niya ang ama't ina ay espesyal para kay Cherry. Madalas din kasi magbyahe ang dalawa. Dalawang beses sa isang taon kung mag-out of the country ang mga ito, kadalasan naman ay nasa Cebu at Davao kung saan nakatira ang kani-kanilang mga kamag-anak. Kaya siguro hindi halata ang pagiging sen
MABILIS na lumipas ang mga araw at mas naging abala pa si Cherry sa paghahanda ng kanilang nalalapit na kasal ni Marvin. Lahat ng detalye sa kanilang pag-iisang dibdib ay gusto niyang siya mismo ang mag-asikaso o kaya naman ay silang dalawa ni Marvin kung hindi busy ang kasintahan. Ang ibang araw naman na hindi siya duty ay ginugugol niya sa kanyang anak. Minsan ay isinasama niya ang bata sa pamimili ng mga kakailanganin sa kasal. Ayaw niyang maramdaman ng bata na nababalewala na siya ng kanyang ina. Bagaman sa murang edad nito ay naiintindihan na ni Margaret ang sitwasyon nilang tatlo ay gusto pa rin ni Cherry na ipadama sa anak na mahal na mahal niya ito. Naging madalas na rin ang pagdalaw ni Carlo sa bata. Minsan naman ay sinusundo niya ito at isinasama sa kanilang bahay upang makapiling ng kanyang magulang. Naging panatag na ang loob ni Margaret sa kanyang ama at sa pamilya nito. Isang araw ay sinundo ni Carlo ang bata at dinala sa isang mall upang ibili ng laruan at ilang gamit
NANG MAKARATING sa bahay ng mga Bueno ay hindi na ginising ni Carlo ang bata. Kinarga na lamang niya ito at inihatid sa naghihintay na si Cherry. "Ako na maghahatid sa kanya sa kwarto nyo, Cherry." ani Carlo sa dalaga. "Napagod siya sa maghapong paglalaro," dugtong pa nito at dinala na sa taas ang bata. "Salamat, Carlo. Ilapag mo na lamang siya sa kama, ako na ang mag-aayos sa kanya," saad ng dalaga. "Cherry... may hihingin sana akong pabor. Kanina kasi nasabi ng anak natin na gusto raw niyang makapasyal na magkakasama tayong tatlo. Gusto raw niyang ma-experience na kumain at mamasyal na kasama tayong dalawa. Sana'y mapagbigyan mo ang simpleng hiling ng bata," ani Carlo."Pasensya na, Carlo, hindi ko iyon maipapangako sa ngayon. Masyado akong busy sa trabaho at sa pag-asikaso sa kasal namin ni Marvin." Hindi na nabigla si Carlo sa sinabi ng dalaga dahil naikwento na kanina ng anak. Pero bakit mas matindi ang kirot na naramdaman niya ngayon. Parang pinipiga ang kanyang puso sa kanyang