NANG MAKARATING sa bahay ng mga Bueno ay hindi na ginising ni Carlo ang bata. Kinarga na lamang niya ito at inihatid sa naghihintay na si Cherry. "Ako na maghahatid sa kanya sa kwarto nyo, Cherry." ani Carlo sa dalaga. "Napagod siya sa maghapong paglalaro," dugtong pa nito at dinala na sa taas ang bata. "Salamat, Carlo. Ilapag mo na lamang siya sa kama, ako na ang mag-aayos sa kanya," saad ng dalaga. "Cherry... may hihingin sana akong pabor. Kanina kasi nasabi ng anak natin na gusto raw niyang makapasyal na magkakasama tayong tatlo. Gusto raw niyang ma-experience na kumain at mamasyal na kasama tayong dalawa. Sana'y mapagbigyan mo ang simpleng hiling ng bata," ani Carlo."Pasensya na, Carlo, hindi ko iyon maipapangako sa ngayon. Masyado akong busy sa trabaho at sa pag-asikaso sa kasal namin ni Marvin." Hindi na nabigla si Carlo sa sinabi ng dalaga dahil naikwento na kanina ng anak. Pero bakit mas matindi ang kirot na naramdaman niya ngayon. Parang pinipiga ang kanyang puso sa kanyang
ANG MGA SUMUNOD NA MGA ARAW ay naging mas madalas pa ang pagkakasama ng mag-amang Carlo at Margaret kaya mas lalong nahulog ang loob ng bata sa kanyang ama. Pinilit naman ni Cherry na iwasan ang lalaki kahit pa may mga sandaling hindi niya mapigilan ang sitwasyon na hindi makipagkita rito. Ilang linggo na lang ay magdiriwang na ang bata ng kanyang ika-pitong kaarawan. Dahil ito ang unang pagkakataon na makakadalo siya sa kaarawan ng anak ay hindi mapigilan ni Carlo ang ma-excite. "Hello, Cherry." Isang umaga ay naalalang tawagan ng binata ang dalaga."Hello, Carlo. Napatawag ka?" sagot ng dalaga."Ahmm.. itatanong ko lang sana kung ano ang plano mo para sa kaarawan ni Margaret? Baka may maitutulong sana ako.""Kinausap ko na pala ang kakilala kong event coordinator at siya na ang bahala sa pag-asikaso sa party ng bata. Sa ngayon kasi ay hindi ko iyon maaasikaso ng personal." paliwanag ni Cherry."Ganun ba.. Pwede bang makatulong ako sa pag-aayos nito." pakiusap ni Carlo."Ikaw ang ba
KAHIT NAKAHIGA na ay hindi pa rin maalis sa isip ng dalaga ang mga ikinuwento ng kanyang anak. Hindi niya lubos maisip kung bakit nahulog ang loob ng bata sa kanyang kapatid. Simula noong maliliit pa sila ay talagang hindi na sila masyadong magkasundo ng kanyang kapatid. Magkaiba kasi ang kanilang hilig at ugali. Si Joanna ay mahilig sa party at sa barkada. Samantalang siya naman ay bahay-klase-bahay lang ang daily routine. Ang kanyang Ate Joanna ay extrovert, kahit saan ay madali itong makahanap ng magiging kaibigan at dahil sa pagiging sikat na model nito ay marami din naman ang naghahangad na maging kaibigan ito. Samantalang siya ay iilan lamang ang naging kaibigan. Bagama't kaunti lang ang mga kaibigan niya ay sigurado naman siyang panghabambuhay ang pagkakaibigan nila. Kaya't simula ng ipinanganak niya si Margaret ay hindi niya kailanman nakita ang kapatid na nakipaglaro sa bata. Hindi niya ito nakitang kinarga man lang ang kanyang anak. Sa tingin niya tuloy ay suklam na suklam a
SA BAWAT ARAW na dumadaan ay makikita ang pagiging abala ni Cherry sa pag-aasikaso sa nalalapit na kaarawan ng anak. Dagdag pa rito ang preparasyon din para sa kanilang kasal ni Marvin. Halos hindi na rin ito makapag-pahinga. Gusto niya na nasa ayos ang lahat bago dumating ang espesyal na mga araw. Bagama't tumutulong din naman si Carlo sa paghahanda para sa kaarawan ng anak ay nais pa rin ni Cherry na walang makalimutang detalye ukol dito.Naipamigay na rin nila ang imbitasyon para sa kaarawan ng anak. Lahat ng kamag-anak, kaibigan at kakilala ay nabigyan na ng imbitasyon. Syempre kasali din sa mga imbitado ang kanyang kapatid na talagang siniguro ni Margaret na mabigyan ng imbitasyon.Pagkatapos ng birthday party ng anak ay ang kanilang pag-iisang dibdib ni Marvin naman ang bibigyang atensyon ng dalaga. Darating na sa susunod na Linggo ang mga ipinagawa nilang imbitasyon. Maging ang mga souvenir items ay darating na rin sa mga susunod na araw. Malapit na nga siyang maging Mrs. Marvi
Masayang pinagmamasdan ni Carlo Santamaria ang larawan ng anim-na-taong batang babae. Si Margaret.... ang kanyang nag-iisang anak. Tanging sa larawan niya lang nakikita ang maamong mukha nito at sa mga kwento ng kanyang magulang niya nakikilala ang anak. Madaldal, bungisngis at pala-kaibigan... ganito ilarawan ng kanyang ina ang bata. Mahigit pitong taon na ang nakaraan ng lisanin ni Carlo ang kanilang lugar at makipagsapalaran dito sa Canada. Noon ay pinagbubuntis pa lamang si Margaret ng kanyang ina. Kaybilis lumipas ng panahon, parang kailan lang...Pinagmasdang muli ni Carlo ang larawan ng anak. Mala-porselanang kutis, maamong mukha at matangos na ilong, halatang kuha nito kay Cherry, ang ina nito. Samantala, ang maalong buhok, manipis at mapulang labi at ang hugis ng mukha ay halatang kuha sa kanya. Maraming beses na syang sumulat sa kanyang mag-ina pero wala syang natanggap na sagot. Ngayon para syang hinihila pauwi ng Pilipinas. Gustong-gusto niyang makita at mayakap ang anak.
Dinig na dinig ni Cherry Bueno ang pag-uusap ng kanyang nakatatandang kapatid na si Joanna at ang nobyo nitong si Carlo. "Ayaw kitang saktan, Carlo. Pero karapatan ko rin namang lumigaya", sabi ni Joanna habang nakaupo ito sa sala ng kanilang bahay. Humugot ito ng malalim na buntong-hininga at nagpatuloy "Matagal na kitang pinagtataksilan. Matagal ko na itong gustong sabihin sa iyo dahil alam ko na nagkakasala ako. Matagal na kaming may relasyon ni Joel, at masaya ako sa piling niya. Ngayon gusto na naming magpakasal kung kaya gusto ko nang tapusin ang lahat ng namamagitan sa atin."Parang piangsakluban ng langit at lupa ang pakiramdam ni Carlo. Namayani ang katahimikan at pagkatapos ng ilang sandali ay nagsalita ang binata. "Sana hindi ka naglihim sa akin, Joanna. Sana noon mo pa sinabi ang lahat, na hindi mo ako totoong mahal... na hindi ka masaya sa piling ko. Ang tagal mo akong pinaasa at pinaniwala na mahal mo ako. Tatlong taon... Tatlong taon akong umasa, Joanna. Umasa ako na pa
AGOSTO 2000. Naghari ang matinding katahimikan sa sala ng mga Bueno. Matinding kaba naman ang nararamdaman ni Cherry ng gabing iyon. Nakaupo siya sa tabi ng mga magulang habang nasa kabilang sofa naman si Carlo kasama ang mga magulang nito. Nakatayo naman sa may bintana si Joanna."We have to set the wedding of Cherry and Carlo the soonest. Reputasyon at pangalan ng pamilya natin ang nakataya rito", mariing saad nito."Who are you to decide for us, Joanna. Buhay namin ito, kami ang dapat magdesisyon sa dapat naming gawin... Pagkatapos mo akong saktan, didiktahan mo pa ako kung ano ang dapat gawin?", inis na sabi ng binata."So,,, is this your way of having your revenge on me? Buhay ng kapatid ko ang sinira mo, Carlo. Nararapat lang ng magdesisyon ako para sa kanya." Tugon ni Joanna."Wala akong planong maghiganti, Joanna. Ilang beses ko bang sasabihin na lasing na lasing ako noon", katuwiran ng lalaki."Lasing ka man o hindi, may nangyari pa rin sa inyo ng anak ko, Carlo", sabad ng am
TAONG KASALUKUYAN.Makaraan ang halos pitong taon ay nagdesisyong umuwi sa Pilipinas si Carlo. Hindi niya pinalipas ang isang araw bago dinalaw si Cherry at ang kanilang anak. Nakatira pa rin si Cherry sa bahay ng kanyang mga magulang at isa na itong ganap na Doktor. Bitbit ang ilang pasalubong ay dali-dali niyang tinungo ang tahanan ng mga Bueno. Aminado siyang kabadong-kabado siya pero may pananabik ding makita ang kanyang anak."Hi.. Are you my mom's new suitor?" Sa kinauupuan ay nag-angat siya ng paningin nang marinig ang munting tinig ng isang batang babae. Tumambad sa kanyang harapan ang isang napakagandang bata, higit na maganda kaysa sa larawang ipinadala sa kanya nga kanyang ina."Margaret..." May kakaibang kislap na nabuhay sa kanyang mga mata pagkakita niya rito. Tiyak niyang ang batang ito ang kanyang anak hindi lamang dahil kamukha nito ang nasa larawang madalas niyang pagmasdan sa Amerika kundi dahil na rin sa lukso ng dugo."Why do you know my name?" Tumaas ang munting