Share

Chapter Three

TAONG KASALUKUYAN.

Makaraan ang halos pitong taon ay nagdesisyong umuwi sa Pilipinas si Carlo. Hindi niya pinalipas ang isang araw bago dinalaw si Cherry at ang kanilang anak. Nakatira pa rin si Cherry sa bahay ng kanyang mga magulang at isa na itong ganap na Doktor. Bitbit ang ilang pasalubong ay dali-dali niyang tinungo ang tahanan ng mga Bueno. Aminado siyang kabadong-kabado siya pero may pananabik ding makita ang kanyang anak.

"Hi.. Are you my mom's new suitor?"

Sa kinauupuan ay nag-angat siya ng paningin nang marinig ang munting tinig ng isang batang babae. Tumambad sa kanyang harapan ang isang napakagandang bata, higit na maganda kaysa sa larawang ipinadala sa kanya nga kanyang ina.

"Margaret..." May kakaibang kislap na nabuhay sa kanyang mga mata pagkakita niya rito. Tiyak niyang ang batang ito ang kanyang anak hindi lamang dahil kamukha nito ang nasa larawang madalas niyang pagmasdan sa Amerika kundi dahil na rin sa lukso ng dugo.

"Why do you know my name?" Tumaas ang munting kilay nito. "Do you know my mom?"

Hindi niya alam ang sasabihin sa bata. Gusto niya rin itong yakapin ng mahigpit at sabihing siya ang ama nito. Pero paano? Hindi niya alam kung naipakilala ba siya ni Cherry sa kanilang anak.

"Kumusta? Kailan ka pa dumating?"

Nagulat siya at naagaw ang atensyon niya mula sa bata sa pamilyar na tinig na iyon ng isang babae. Pagtingin niya sa pinanggagalingan ng tinig ay tumambad sa kanya ang napakagandang Cherry. Ibang-iba sa Cherry na kilala niya noon. Ang dating mahabang buhok ay hanggang balikat na lamang ngayon. Ang dating simpleng mukha nito ay pinaganda ngayon nga konting makeup. Ang dating simple at konserbatibong pananamit nito ay napalitan na ngayon ng spaghetti-strapped blouse at fitted jeans.

Dahan-dahan siyang tumayo. Napatunganga siya. Hindi niya iton inaasahan. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Parang hindi ito si Cherry na kilala niya. Parang hindi ito si Cherry na iniwanan niya noon. Ibang-iba na ito ngayon. Parang namamalikmata lamang siya.

Ngunit malinaw na taglay pa rin nito ang simpleng ngiti na dito niya lamang nakita. Ngayon ay may kakaibang ningning ang mga mata nito. Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na patuloy itong pagmasdan dahil ngayon niya lamang nakita ang tunay na kagandahan ng dalaga. Mas nagkaroon ng magandang hubog ang katawan nito. Mas lumiit ang waistline nito at nagkalaman ang balakang. Mas lalo itong pumuti at ang mga pisngi ay mamula-mula lalo na kung ngumingiti ito.

"Kumusta ka? Kailan ka pa dumating?" muli

nitong tanong sa kanya.

"Kagabi lang." sa wakas ay sagot niya. "Hindi na ako pumunta kaagad dito sa inyo dahil akala ko tulog na kayo", dugtong niya habang nakatitig pa rin sa dalaga. Lihim niyang pinagalitan ang sarili. Parang ngayon lang siya nakakita ng magandang babae. Ayaw niyang kumurap dahil takot siyang bigla itong mawala sa harap niya. Sa ilang taong pamamalagi niya sa Amerika ay maraming babae na rin ang naka-date niya pero wala siyang naging seryosong relasyon doon. Para sa kanya, bukod-tangi pa rin ang kagandanhang taglay ng isang Pilipina.

Ilang sandaling naghari ang katahimikan habang patuloy na magkahinang ang kanilang mga mata. Samantala, palipat-lipat naman ng tingin si Margaret sa kanilang dalawa.

"Hey, I think it's you... Wait!" dali-dali itong umakyat sa kanilang kwarto at pagbalik ay may hawak na itong litrato..

"Yes, it's you! You're my dad..." sigaw ng munting tinig nito.

Saka lamang muling tiningnan ni Carlo ang bata. May kakaibang galak na nabuhay sa kanyang puso ng marinig ang mga sinabi nito. Nakangiting tiningnan niya si Cherry.

"Hindi ko tinago sa kanya ang lahat. Simula't sapol ay sinabi ko na sa kanya ang totoo." Mahinahong sabi ng dalaga. "Karapatan niyang malaman kung sino ang kanyang tunay na ama. Hindi ko itinago sa kanya ang mga pictures mo, kahit nasa malayo ka makilala man lang niya ang mukha mo. Siguro kung hindi ka man niya agad na nakilala, dahil malaki na rin ang pinagbago mo ngayon." At muling naglakbay ang paningin nito sa kanyang kabuuan.

Tama si Cherry. Malaki rin ang pinagbago niya. Kung noon ay medyo payatin siya, ngayon ay nagkalaman na ang kanyang katawan at nagka-muscles na ang kanyang mga braso. Kumisig siya at naging matipuno ang pangangatawan. Mas pumuti na rin siya ngayon. Isang katangian lang ang hindi nawala sa kanya, ang kanyang pagiging seryoso at pagiging pormal.

"Thank you, Cherry. Ikaw din, napakalaki ng pinagbago mo." Masayang sabi niya. Marahan siyang lumuhod at niyakap ang anak. "Marami akong dalang pasalubong para sa 'yo." sabay turo sa mga dalang nasa ibabaw ng sofa.

Pormal namang nakatitig ang bata sa kanya. Walang kakurap-kurap na tinitingnan nito ang ama. Mababanaag ang excitement at takot sa mukha nito. Sa wakas ay nakaharap na niya ang tunay na ama. Sa kabilang banda ay medyo natatakot itong magpakita nga kaligayahan. Hanggang kailan niya makakasama ang ama? Paano kung iwan din siya nito agad? Paano kung hindi siya nito gusto?

"Pangit ba ako? Or may dumi ako sa mukha?" natatawang sabi niya sa bata. "O baka hindi ka makapaniwala na gwapo nga pala ang Daddy mo?"

"Until when are you going to stay here?" tanong nito sa ama. Nasa tinig nito ang pananabik na mayakap ang ama, ngunit halatang pinipigilan nito ang sarili.

"I don't know yet", sagot niya. "Perhaps a month or two... or maybe I will stay here forever, especially now that I found you."

"Are you going to stay here with Mommy?"

"With you and your Mommy", sagot niya.

Dahil sa narinig ay mahigpit na niyakap ni Margaret ang ama. Ilang sandaling nagyakapan ang mag-ama. May mga munting butil ng luha na sumilay sa mga mata ni Carlo dahil sa labis na kaligayahan. Biglang bumitiw sa kanya ang anak. "Why did you come home only now? Hindi mo ba love si Mommy? Didn't you miss us?" muling usisa ng bata.

Walang mahanap na sagot si Carlo sa mga tanong ng anak. Napatingin siya kay Cherry.

"Ahh, Anak... I think you're late for your tutorial classes. Please go to the library now, your teacher is waiting." maagap na sabad ng dalaga bago pa may masabing kung ano-ano ang bata.

SANDALING KATAHIMIKAN ang namayani ng magkasarilinan sina Carlo at Cherry sa sala.

"She's so cute.... and very smart. Manang-mana sa 'yo." Nakangiting saad ng binata.

"Nope... parang sa iyo siya nagmana. Seryoso at very studious. Minsan nga hindi ko na alam kung paano sasagutin ang mga tanong niya araw-araw. Sa tuwing nagkikita sila ng Mama't Papa mo, madalas niyang itanong kung kailan ka pa uuwi. Bakit daw kailangan mo pang magtrabaho sa Amerika... Kung hindi mo raw ba siya nami-miss. Baka hindi mo raw siya mahal," may pait ang ngiting namutawi sa labi ng dalaga.

"I'm so sorry, Cherry. Ang dami ng pagkukulang ko kay Margaret," pag-amin niya matapos ang isang malalim na buntung-hininga. "Sa kagustuhan kong lumayo at makalimutan kaagad si Joanna, ay napabayaan ko rin siya. Nasabik din akong makita siya, mayakap at mahagkan. Lalo na kapag tumatawag ang mga magulang ko at nagkukuwento tungkol sa kanya."

"Hindi ko siya ipinagkait sa pamilya mo. She's very close to your parents and your siblings. Madalas nila itong isama sa pamamasyal o di kaya'y dinadala sa bahay niyo."

"I know, sinasabi nila sa akin lahat. My family loves Margaret so much... Thank you so much, Cherry. Sa kabila ng lahat nang nangyari, hindi mo pinagkait sa pamilya ko ang ating anak."

ATING ANAK. Halos maluha sa Cherry sa narinig. Kaysarap pakinggan. Ngayon niya lang narinig mula sa mga labi nito na inakong anak nito ang bata.

"Maraming beses akong tumawag at sumulat, pero wala akong natanggap na sagot galing sa inyo. Bakit?"

"I encouraged Margaret to answer your call or write you, but ayaw niya talaga." Pagsisinungaling niya. Batid niya na sinadya niyang hindi kausapin ang lalaki upang lubusan na niya itong makalimutan.

"Maybe she doesn't like me... or maybe she even hates me," may halong lungkot na sagot ng lalaki. "But we cannot blame her, Cherry. Kasalanan ko rin, hindi ko man lang siya nabigyan ng kahit konting oras sa loob ng anim na taon."

Katahimikan. Maya-maya ay tumayo ang lalaki at tinungo ang pinto.

"I have to go. Medyo pagod pa ako sa biyahe."

"Ok. Thank you for coming." matipid na sagot ng dalaga.

"Cherry.... can I borrow Margaret one of these days? Kung pwede ko siyang isama sa pamamasyal," tanong ng lalaki. "But that is, if she wants to come with me. Baka hindi niya ako gustong makasama." may lungkot sa matang sabi nito.

"I'll tell her. Ikaw din ang nagsabi na we cannot blame her, di ba. This is the first time na magkita kayo.. na magkakasama kayo."

"Yes... and I am sorry." sagot nito. "Anyway I have to go. Pakibigay na lang sa kanya ang mga dala kong pasalubong. Ang iba diyan, para rin sa iyo." at tumalikod na ito palayo.

Ilang sandaling natahimik si Cherry ng makaalis na ang lalaki. Nasiyahan siya na nagawa nitong dalawin sila kaagad pagkadating nito. Ang sarap sa pakiramdam na malamang nasa isip din nito ang bata kahit nasa malayo. Napahawak siya sa kanyang puso.

'Do I still love him?' naitanong niya. Hindi niya alam ang nararamdaman, batid niyang sa loob ng maraming taon ay hindi maipagkakailang nasasabik din siyang makitang muli ang binata. At kanina nga ay naramdaman niya ang halos paglundag ng kanyang puso sa tuwa ng makita niya ito. Buong akala niya ay tuluyan na niya itong nakalimutan. Hindi pa rin pala. Tumanggap din naman siya ng mga manliligaw pero batid niyang hinahanap-hanap pa rin niya ang katangian at ugali ng binata.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status