Why does life require us to endure the burning of suffering before we can savor the delight of happiness?
Bakit kailangan nating masaktan muna bago maging masaya? Bakit kailangang magkaroon ng maraming hadlang bago makamtan ang ating mga pangarap? Bakit hindi pwede na hindi na tayo makaranas ng paghihirap at maging masaya na lang sa buong buhay natin?
I understand that pain is inevitable and serves a purpose, as it can shape us, heal us, and transform us...but why does it have to be so harsh?
Iginala ko ang tingin ko sa paligid na may magagandang palamuti. Kumikinang ang mga chandelier na may mga kristal, puno ng mga masasarap na pagkain ang mga mesa, at tumutugtog ang orchestra ng musika na nababagay lang sa gala na ito na dinadaluhan ng mga bigating negosyante na nagmamay-ari ng malalaking kompanya sa bansa.
Tipid akong napangiti. Thanks to my rich grandfather, I am now part of this elite crowd that I never thought I would be a part of.
Hinangad ko lang na maiangat sa laylayan ang aming buhay kaya lumaki akong madiskarte at sinamahan ng talino. Ngunit sino'ng mag-aakala na ang batang lumaking mahirap sa isang isla ay kabilang sa dagat ng napakayamang mga tao sa bansa?
Bakit kailangan pang maghirap nang sobra ng mga magulang ko na dahilan ng pagkamatay nila kung sa simula pa lang ay mayroon naman pala kaming pera?
Kung hindi nawalay ang aking ama sa kanyang mga magulang noong bata pa siya ay hindi siya lalaking mahirap. Kung sana ay may maipapagamot siya sa aking ina na may sakit. Kung sana ay hindi na kailangang pumalaot ng aking ama upang mangisda para mabuhay niya kaming pamilya niya. Kung sana ay hindi siya mamamatay sa dagat nang pumalaot sila. Kung sana ay hindi magiging malubha ang karamdaman ng aking ina nang mawala ang aking ama. Kung sana ay hindi ako naulila sa batang edad. Kung sana ay kumpleto pa kami ngayon at masayang tinatamasa ang karangyaang mayroon kami.
Why does life have to be so harsh on punishing us?
"Lauren Cordelia Arranza—I mean Lacuesta," a man called and chuckled behind me.
"Damon Carvajal," pagbanggit ko sa kanyang pangalan at nginitian siya. "Ngayon lang kita nakita rito."
"Oh, I just got here. I'm not really interested in attending these kind of gatherings. May I sit with you?"
"Sure," tipid kong sagot habang nakatingin sa kanya.
He always used to sport a boyish look back then. Now he has grown into a rugged and handsome man. Hitsura pa lang niya ay alam mong hindi mo siya maaring pagkatiwalaan ng puso mo dahil alam mong mapaglaro siya. He always displays his sly grin that can lure you and ruin you if you give in to him.
"It's been years since I last saw you. Bigla ka na lang nawala sa Buenavista. Akala ko ay kinain ka na ng pating sa dagat." Pinasadahan niya ang kanyang buhok paatras at saka naupo sa aking tabi.
"Well, things happened." Nagkibit-balikat ako at hindi na nag-abalang ipaliwanag ang nangyari.
"You're now a Lacuesta, huh? Just because you found out that you're rich, you didn't bother informing us of your departure. Gan'on mo ba kaayaw sa akin dahil excited kang makaalis sa isla para hindi mo na 'ko makita?"
Natawa ako sa kanyang sinabi at sinakyan ang biro niya. "Alam ko kasi kung gaano ka kapatay na patay sa akin n'on. Kung magpaalam pa ako ay baka itinali mo 'ko para pigilan."
Hindi na ako nagulat na nalaman niyang apo ako ng chairman ng pinakamalaking fast-food restaurant chain sa bansa at buong Asya. We're now in the same circle. Pormal na akong ipinakilala ni Lolo Eliong sa birthday party niya noong nakaraang buwan bilang nag-iisang tagapagmana at pamilya niya. His wife, my grandma, is already dead. Ang ama ko lang na nawalay pa sa kanila ang nag-iisa nilang anak.
"Nasaan na ang kasama mo dahil mag-isa ka rito?" Natawa rin siya at sumimsim sa dala niyang wine glass.
Nabura ang ngiti ko dahil sa nararamdamang mga matang tagos kung makatitig sa amin. "Nandiyan lang sa tabi-tabi."
Hindi ko na pinagkaabalahang sulyapan ang lalaking nakamasid sa aming dalawa ni Damon. Walang kaalam-alam ang kasama ko na kung makakapatay lang ang titig, kanina pa siya nakahandusay.
"Hindi ka pa rin tapos sa paglalaro, huh?" tanong ko pagkatapos masulyapan ang kanyang daliri na walang singsing.
"How 'bout you? Still not done turning down boys?" Tumingin din siya daliri kong wala ring singsing.
"No one caught my interest," simple kong sagot at sumimsim ng alak.
He chuckled and shook his head slowly. "Still the same Lia I knew. Will you believe me if I tell you that I stopped playing a long time ago?"
"Ikaw ba talaga si Damon? No way..." usal ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwalang tiningnan siya.Parang napaka imposible naman n'on sa kanya! Everyone in Buenavista knows him as the heartbreaker among the Carvajals. Lahat ng babaeng nahumaling sa kanya ay umuuwing luhaan. Walang dudang magiging kabilang ako sa mga 'yon kung naakit niya rin ako at mabuti na lang ay hindi.
But am I really lucky that I didn't fall for him? Nasaktan lang din naman ako pero ng ibang tao nga lang. At least alam kong uuwi akong luhaan kay Damon dahil inaasahan na 'yon, pero ang inaasahan kong hindi gagawin sa akin 'yon ay mas masahol pa kung manakit.
"Nakahanap ng katapat e," he muttered with a sigh, admitting his defeat.
"Oh wow. Is she with you? Where is she?" kuryoso kong tanong. Hindi ako makapaniwalang may magpapaamo pala sa isang Damon Carvajal!
"Kailangan ko pang suyuin nang malala pero bibigay din 'yon." He chuckled.
"Mukhang nararanasan mo na ang hagupit ng karma," naiiling kong sinabi.
"Kahit gumapang pa ako sa putikan," nakangisi niyang sinabi at tumayo sa kanyang upuan. "May I dance with you?"
"Sure." Inilapag ko ang wine glass sa table at tumayo. Tatanggapin ko pa lang sana ang kamay ni Damon nang may kamay na pumulupot sa aking baywang at hinila ako palapit sa katawan nito. I gasped and stiffened.
"She's my date and only allowed to dance with me. Why don't you find another woman instead?" the man said in a cold and menacing voice.
Tumingala ako sa lalaking sumabat sa usapan namin ni Damon. Pamilyar ang tinging iginagawad niya sa aking kausap. Nakangiti siya rito ngunit ang tingin niya alam mong hindi talaga ito natutuwa.
He was tall and imposing, towering over me. He stared down at me and our eyes locked. His brown eyes were sharp and cold, piercing through me like daggers.
His hair was slicked back, with a few rebellious strands falling on his forehead. He wore a black tuxedo that fit his strong body well that showed off his broad shoulders. He had thick eyebrows that framed his eyes and gave him a serious look. His nose was pointed and his lips were thin and pink. The sharp features of his face made him look handsomely dangerous.
"That explains the glares I've been feeling earlier." So he noticed it too? Humalakhak si Damon at naiiling na napatingin sa akin. "If that's what he wants then I will leave you to him. Nice meeting you again, Lia. By the way, you look gorgeous in your red dress."
His last sentence made the grip of the man on my waist tighten.
"Nice meeting you too." Nakangiti kong sinabi.
Tinanguan ni Damon ang katabi ko at nginisihan lang siya nito nang peke. Kapagkuwan ay iniwan na niya kaming dalawa.
My face darkened and looked at the man with a glare. I tried to free myself from his hold but he wouldn’t budge. Sa halip ay dinala niya ako sa dance floor.
"Ano'ng ginagawa mo?" iritadong bulong ko sa kanya at sinusubukang hindi umagaw ng pansin ng ibang taong katabi naming nagsasayaw din.
"You are my date and I'm dancing with you." Siya na mismo ang naglagay ng aking isang kamay sa kanyang balikat, at ang isa ay nakaangat habang hawak niya. Nanatili ang isang kamay niya sa baywang ko at marahan akong hinapit palapit sa kanya na halos magdikit na ang mga katawan namin.
"That was the boy that flirted with you at your school," siguradong sinabi niya at walang pakialam sa galit kong mga matang nakatuon sa kanya.
"Ano naman ngayon? Wala ka nang pakialam d'on, Evander," mariin kong sambit habang sinasabayan namin ang malumanay na tugtog ng orchestra.
Ngumiti siya at ipinaikot ako at pagkatapos ay bumalik ulit ang mga kamay namin sa dating pwesto. "May pakialam ako sa 'yo at hindi ko gustong may lumalapit sa 'yong ibang lalaki."
Nagsalubong ang kilay ko. "Hindi kita kaano-ano para magkaroon ka ng pakialam sa akin."
Napapansin ko ang pagbabago sa mga ikinikilos niya nitong mga nakaraang araw. He used to be cold and ruthless to me when we met again, but now he is acting as if we’re close. Galit ako sa kanya at hinding-hindi iyon magbabago dahil sa ginawa niya noon sa akin.
My young heart had fallen in love with him and I wish that didn’t happen. I still remember how he broke my heart when I learned the truth. I still feel the pain of his betrayal every time I see him.
"You made me forget my anger towards you seeing how gorgeous you are. Damn it." He groaned. I gasped and my eyes widened when he pulled me even closer to him and placed his chin on my shoulder. Agaw pansin na ang aming posisyon dahil sa tangkad niya ay halatang-halata ang pagyukod niya.
"Bitiwan mo ako, Evander," galit kong sinabi pero parang wala siyang narinig. Bumaba ang isa niyang kamay at dalawa na itong nakahawak sa aking baywang. He's almost hugging me.
"Stop being feisty. Ako dapat ang pinapaamo mo pero baliktad ang nangyayari."
"Nahihibang ka na. Bakit ko gagawin 'yon?" Nanginginig ang boses ko at halos sumabog na ako sa galit sa sinabi niya. Hindi ko na kinakaya ang lapit naming dalawa.
“I’m really crazy because I can forget that you left me six years ago," he whispered, his breath hot and ticklish sending shivers down my spine.
"Kalimutan mo," sambit ko at nang maramdamang lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin ay kinuha ko na ang tsansa para makalayo sa kanya. Umangat ang tingin ko sa kanya. "Pero hindi ako nagsisising iniwan kita. Temporary secretary mo lang ako at hindi na ako makapaghintay na matapos ang tatlong buwan. Kung pwede lang sana na hindi ko na makita ulit ang pagmumukha mo."
Masamang ideya na sinunod ko ang gusto ni Lolo Eliong na maging kahalili ng sekretarya ni Evander nang tatlong buwan. Kung alam ko lang na siya ang CEO ng kompanya ng aking lolo ay tatanggihan ko ito. Huli na nang malaman ko na siya pala ang misteryosong golden boy niya.
Dumilim ang ekspresyon niya at ngumisi. "You can only wish to never see me again, Lia. No matter how hard you try to avoid me, I will always find you. You came back and I won't let you slip away again."
I felt the cold water seep through my skin as I dipped my feet in. Dagdag pa na mahangin at maaga pa kaya damang-dama ko ang lamig. Hinihipan ng hangin ang aking buhok kaya sinikop ko iyon papunta sa balikat ko at saka pinulot ang mga sanga at plastic na nasa tubig na pakalat-kalat. Papaangat na ang haring araw. Mula sa malayong parte ng dagat ay may iilang bangka ng mangingisda, ang iba ay papabalik na sa dalampasigan at ang iba ay magsisimula pa lang sa paglalakbay sa dagat para manghuli. This is the normal day to day in the town of Buenavista. Samantala, may sarili naman akong gawain sa tuwing umaga. May pasok man sa trabaho o wala ay namumulot ako ng mga basurang napapadpad sa dalampasigan. Mabuti ay palagi naman ritong nalilinisan kaya hindi naman umabot sa puntong nagmukhang Manila Bay dito. Mga ilang pirasong basura lang naman. “Lia, pasok na. Nakahanda na ang pagkain!” Narinig ko ang sigaw ni Tita Melinda na kalalabas lang ng bahay namin hindi kalayuan. “Opo, papasok na! T
Hindi ko pa kayang bumalik sa tiangge dahil sariwa pa ang kahihiyang ginawa ko kahapon doon. Palilipasin ko muna ang ilang linggo bago ako muling gumala roon at kahit saan dahil baka mayamaya bigla na lang na may pumulupot na posas sa kamay ko kasi ipapakulong pala ako ng lalaking iyon. Sigurado akong mayaman ang lalaking iyon. Halata naman sa hitsura at pananalita niya. Mamahalin din iyong brand ng phone niya. Iyong phone na binasag ko… Shit talaga! Sana lang ay wala namang karatula ng mukha ko na nakadikit sa kung saan-saan dahil wanted na pala ako! Baka turista lang iyong lalaking iyon. Kung dito iyon sa Buenavista nakatira ay dapat sikat na iyon katulad ng mga Carvajal. Ang ganong kagwapong mukha ay hindi puwedeng hindi maging talk of the town. Tama! Turista lang ang lalaking iyon! Siguro naman pagkaraan nang ilang linggo ay wala na siya rito kaya hindi na niya ako maipapakulong! Para akong baliw na tumawa sa kwarto ko. Umalis na ang aking Tita Melinda at pumunta na sa palen
Imposible…Para akong napako sa kinatatayuan at hindi makapagsalita.Ang akala ko ay hindi na muling magtatagpo ang landas namin ng lalaking ito. Ang akala ko ay turista siya at aalis lang din ng Buenavista makaraan nang ilang araw pero mali ako!Palihim kong kinurot ang isa kong kamay kasi baka nalipasan lang ako ng gutom at nag-iilusyon lang pero naalala kong ang dami ko nga palang nilamon kanina.The man's piercing gaze followed my hand, and he caught me in the act of pinching myself. He then looked back at me, causing my heart to race with a mixture of fear and anticipation.‘’Oh well, too bad I'm real," he said in a deep, husky voice that sent tingles down my spine.Shit. Ang lalaking ito ang bago naming general manager?!Nang matauhan ay agad akong napayuko at nilagay sa unahan ng magkabilang balikat ang buhok ko para takpan ang mukha."A-ah, pasensiya na ho, Sir! Hindi n'yo na dapat ako naabutan dito kung hindi lang nahulog 'yong takip ng kemikal sa ilalim ng kama ninyo! Kasala
Wala na akong trabaho.Nagbunga ang pakiusap ko na huwag nang idamay si Jepoy sa galit niya sa akin. Umuwi na ako pagkatapos kausapin ni Ma’am Editha at may pinapirmahan siya sa aking termination paper. Binigyan din ako ng huling sweldo sa pinagtrabahuhan ko nang ilang araw.Tanggap ko naman na dahil malaki ang kasalanan ko sa kanya. Dapat pa nga akong magpasalamat dahil hindi niya ako pinakulong at pinagbayad sa ginawa ko sa kanya sa tiangge.Wala pa si Tita Melinda nang umuwi ako kasi hanggang hapon pa siya sa pagtitinda sa palengke. Tutulong na lang ako sa kanyang magkaliskis o kaya maging kahera niya ngayong wala na akong trabaho.Sa totoo lang ay ayaw niya akong patulungin sa pagtitinda ng isda. Mag-aral na lang daw ako. E kaso huminto nga ako at wala na ako sa Aldridge kaya ano’ng gagawin ko dito? Tutunganga hanggang sa sunod na pasukan?“Ate Ganda!”Natigil ako sa pagmumuni-muni rito sa kubo sa harapan ng dagat nang makita ang magandang batang babae na tumatakbo papunta sa akin
Para akong nalagutan ng hininga.Bwiset. Akala ko ba ay naliligo na siya?!Ang akala ko ay nakatapis lang siya ng tuwalya pero hindi. Nakasuot lang siya ng plain black shirt at cargo shorts. Di naman ata siya naligo e kasi di naman basa ang buhok niya pero ang gwapo-gwapo at ang bango-bango niya.Anong ibig sabihin nung pagkuha niya ng damit sa closet at paglagaslas ng tubig kanina sa bathroom? Eme-eme lang?“Lauren Cordelia Arranza,” mariin niyang pagtawag sa akin.Kahit na hindi pa naman ako humaharap sa kanya ay alam niya agad kung sino ako. Hindi na ako nagulat na alam niya ang buo kong pangalan dahil malamang nalaman na niya iyon kaninang umaga.Pero paano niya nakilalang ako itong nanloob sa suite niya? Ang dilim kaya at tanging lamp shade lang naman ang ilaw rito sa kwarto niya!Hindi ko siya pinansin at binuksan pa rin ang pintuan ng kanyang kwarto. Tumayo ako at mabilis na tumakbo.Hindi ako si Lauren Cordelia Arranza. Nag-ha-hallucinate ka lang. Multo ang babaeng nakita mo,
Gusto niya akong maging assistant? Tulala ako habang naglalakad. Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na namalayan na nasa tapat na pala ako ng bahay namin. “Madam, anyare sa ‘yo?! May masama bang ginawa sa ‘yo ang lalaking iyon? Nilapastangan ka ba? Nabawi mo ba ang kwintas mo? Ano, ha? Sagot!” “Anak ng pating ka naman, Ernie!” Napatalon ako sa gulat nang bigla na lang sumulpot si Ernie sa kung saan. “Sandali nga, nalalamog ako!” Para ba akong alkansya na dinudukutan niya ng barya kung makaalog siya sa akin. “Pero anyare nga sa ‘yo?” “Pumunta ako sa Aldridge para bawiin iyong kwintas ko.” “Gaga ka! Pumunta ka talaga roon? Nilooban mo si pogi?” hindi makapaniwala niyang tanong. “Oo, kaso di ko nabawi iyong kwintas ko. Nahuli niya ako e,” simple kong sinabi na nagpalaglag ng panga niya. “Gaga ka e di dinagdagan mo lang atraso mo sa kanya! Nilooban mo e di ipapapulis ka na talaga no’n! May utak ka naman pero padalos-dalos ka rin talaga minsan!” namomroblema niyang sinabi. Ngumisi
“You are having dinner with before you go home,” pag-uulit ni Evander dahil natameme na ako. Gusto niyang mag-dinner kaming dalawa? Sabay kaming kakain? “Seryoso ka ba, Sir?” tanong ko. Baka jino-joke time niya lang ako e. Baka mamaya niyan ay magpapa-asikaso lang siya sa akin. Tagasalin ng inumin o baka tagasubo. Char. Malay ko ba kung anong binabalak niya. "You've worked hard today and traveled to the city for hours. You haven't eaten yet. I'm not a ruthless boss who would deprive you of a meal," he simply said. Napanguso ako. Five-star hotel and resort ang Aldridge kaya ang mamahal ng mga nasa menu. “What are you waiting for?” naiinip na tanong ni Evander. “Ikaw na lang. Sa bahay na lang ako kakain. Di ko afford pagkain dito sa Aldridge, Sir.” Napangiwi ako. “It’s all on me. It’s fine.” Nanlaki ang mga mata ko. Eh? Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata nang maigi, naghahanap ng senyales na baka nagbibiro lang talaga siya. Evander gasped and irritation is starting to sho
“I’ll drive you home,” sambit ni Evander pagkatapos naming kumain na nagpagulat sa akin. “Huwag na, Sir! Masyado na akong nakakaabala. Magta-tricycle na lang ako.” Sa katunayan ay nilalakad ko lang naman talaga ang hotel at bahay dahil bukod sa nagtitipid ako, malapit lang din naman talaga. Pero dahil gabi na at pagod na ako ay magta-tricycle na ako. “Sinong nagsabing naabala mo ako?” His brows furrowed. “It’s already dark. I don’t think you will immediately get home. Wala nang masyadong tricycle na dumadaan sa ganitong oras.” “May trabaho ka pa, Sir. Kaya ko naman umuwing mag-isa…” tanggi ko. “I’m already done with my work today. Besides, there’s no guarantee that you will get home safely. Huwag ka nang umangal,” matiim niyang sinabi. Napakamot ako sa pisngi ko at napahugot ng hininga. “O-okay.” Tumango ako dahil mukhang hindi niya ako tatantanan. Nauna na siyang maglakad papunta sa parking lot ng resort. Tahimik lang ulit akong nakasunod sa kanya. Binuksan niya ang pinto ng