Hello, readers! Updates will have no regular schedule. But since our school vacation is nearing and our finals almost done, expect 2 or more updates a week. Thank you for your support and enjoy reading! :}
“You are having dinner with before you go home,” pag-uulit ni Evander dahil natameme na ako. Gusto niyang mag-dinner kaming dalawa? Sabay kaming kakain? “Seryoso ka ba, Sir?” tanong ko. Baka jino-joke time niya lang ako e. Baka mamaya niyan ay magpapa-asikaso lang siya sa akin. Tagasalin ng inumin o baka tagasubo. Char. Malay ko ba kung anong binabalak niya. "You've worked hard today and traveled to the city for hours. You haven't eaten yet. I'm not a ruthless boss who would deprive you of a meal," he simply said. Napanguso ako. Five-star hotel and resort ang Aldridge kaya ang mamahal ng mga nasa menu. “What are you waiting for?” naiinip na tanong ni Evander. “Ikaw na lang. Sa bahay na lang ako kakain. Di ko afford pagkain dito sa Aldridge, Sir.” Napangiwi ako. “It’s all on me. It’s fine.” Nanlaki ang mga mata ko. Eh? Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata nang maigi, naghahanap ng senyales na baka nagbibiro lang talaga siya. Evander gasped and irritation is starting to sho
“I’ll drive you home,” sambit ni Evander pagkatapos naming kumain na nagpagulat sa akin. “Huwag na, Sir! Masyado na akong nakakaabala. Magta-tricycle na lang ako.” Sa katunayan ay nilalakad ko lang naman talaga ang hotel at bahay dahil bukod sa nagtitipid ako, malapit lang din naman talaga. Pero dahil gabi na at pagod na ako ay magta-tricycle na ako. “Sinong nagsabing naabala mo ako?” His brows furrowed. “It’s already dark. I don’t think you will immediately get home. Wala nang masyadong tricycle na dumadaan sa ganitong oras.” “May trabaho ka pa, Sir. Kaya ko naman umuwing mag-isa…” tanggi ko. “I’m already done with my work today. Besides, there’s no guarantee that you will get home safely. Huwag ka nang umangal,” matiim niyang sinabi. Napakamot ako sa pisngi ko at napahugot ng hininga. “O-okay.” Tumango ako dahil mukhang hindi niya ako tatantanan. Nauna na siyang maglakad papunta sa parking lot ng resort. Tahimik lang ulit akong nakasunod sa kanya. Binuksan niya ang pinto ng
Katulad na nga ng sinabi ko ay pabago-bago ang ugali ni Evander at kung kailan lang niya ako papansinin.Hahayaan ko na lang sana siya pero napansin ko kasing kakaiba na ito. Kung noon ay masungit na siya, naging times three na ngayon.Pagkatapos niya akong utusan ay hindi na niya ako pinalagi sa kanyang opisina. Wala na muna raw siyang iuutos kaya sa locker room ng mga empleyado na muna raw ako at tatawagin na lang kapag mayroon na.Mabuti na rin dahil mapapanisan ako ng laway sa kanya. Nakipag-chismisan na lang ako kina Jepoy at mga dating kasamahan na housekeeper tuwing bakanteng oras nila.Inintriga nila ako sa mga nangyari. Kung bakit daw ako nasibak at kung bakit ibinalik lang din. Sinabi ko sa kanila ang totoo, maliban sa pumunta ako sa suite niya para bawiin ang kwintas ko. Naglaglagan ang mga panga nila.Naiinggit pa ang iba dahil ang swerte ko raw dahil palagi kong nasisilayan si Evander. Umirap ako. Sino matutuwang silayan ang ganoon kasungit na lalaki? Oo, gwapo siya at hal
Linggo at day-off ko ngayon. Gaya ng araw-araw na ginagawa sa umaga ay namulot ako ng mga basura sa dalampasigan at pagkatapos ay naglinis sa bahay. Pati sina Tita Melinda at Jaime ay pahinga rin sa pagtitinda ng isda sa araw na ito. Nang bandang hapon na ay naglagi ako sa sala at nagbasa ng reviewer. Syempre ay may entrance exam sa college kaya kailangan kong paghandaan. Pati na rin sa mga aapplyan kong scholarships ay may exam din. Huminto pa naman ako ng isang taon kaya hindi na fresh sa utak ko ang mga napag-aralan noon. Refresher lang. Nandito rin si Jaime at pa chill-chill lang na nanonood ng TV. Nakapatong pa ang mga braso sa sandalan ng sofa na parang hari habang nanonood ng NBA. “Hindi ka ba mag-aaral, Jaime? Balita ko kay Arman ay mahirap daw ang entrance exam sa engineering ng BSC,” sabi ko sa kanya pagkatapos isarado ang libro. Si Arman ay ang dati naming kaklase na kumukuha na ng course na iyon sa BSC. Top performing school din kasi ang Buenavista State College lalo n
“Ayaw ko na sa kanya!” Tinapik-tapik ko ang balikat ni Ernie habang inaakbayan. Tumungga siya ng beer at marahas na inilapag ang bote sa lamesa. “Ang sakit-sakit na makita ang mahal mo na may ibang kasama! Bwisit na puso ‘to!” umiiyak niyang sambit. “Noong isang araw lang ay crush mo lang ‘yong Eric ah?” sabi ko. It was only less than five days ago when he mentioned Eric as a mere crush. “Iyon din ang akala ko pero hindi ko lang pala siya basta crush. Hindi naman ako ganito nasaktan kapag nakikita ko ‘yong mga dati kong crush kapag may kasamang babae. Hindi naman ako nagselos nang ganito…ngayon lang kay Eric…” He openly admitted, his voice showing a mix of emotions. Listening to Ernie's words, I understood just how deeply he felt and how much pain he was experiencing. “Natural lang naman ang magselos at masaktan kapag nagmamahal. Nakausap mo na ba si Eric tungkol sa nararamdaman mo para sa kanya?” tanong ko kay Ernie. Umiling siya. “Para saan pa? Hinding-hindi ako aamin sa kanya
Nagising ako na may masakit na ulo.Ilang sandali muna akong nahiga sa kama, inaalala ang nangyari kagabi.Ayaw mong maging crush ko. Ikaw na lang mag-crush sa akin! Oh, ano?Bigla akong napabangon.Shit.You will regret this tomorrow.AAAAAHHHHH!Sinabunutan ko ang sarili. Hayup ka, Lia, anong pinagsasabi mo kagabi, ha?!Kilala ko ang lalaking naghatid kagabi sa amin ni Ernie. Paano niya kami natagpuan ni Ernie kagabi?Impit akong napatili sa inis dahil tinawagan nga pala namin siya dahil sa laro namin. Mas lalo ko lang sinabunutan ang sarili nang unti-unting naalala ang ibang sinabi ko kay Evander kagabi.Sinabi ko sa kanya na kamukha niya ang crush ko! Hindi ko naman siguro sinabi kung sino iyong crush ko, ‘di ba?Kinakaltukan ko ang ulo ko nang may kumatok sa pinto. Bumangon na ako para pagbuksan iyon. Bumungad sa akin si Jaime na mukhang badtrip.“Umagang-umaga naka busangot ka diyan?” tanong ko at lumabas na sa kwarto para mag-almusal.Mabuti na lang ay sakto lang ang paggising
Hindi ulit pumasok si Evander kinabukasan.Dapat ay panatag na ang loob ko dahil nasiguro ko namang hindi naman siya napahamak ngunit hindi. Nalulumbay ako. Siguro dahil hindi lang ako sanay na walang ginagawa.Pagkatapos ko kasing maglinis ay tambay na lang ako buong araw. Kung pwede nga lang na maglinis na lang ako ng mga suite kahit na hindi naman na ako housekeeper para may magawa lang na trabaho. Hindi naman kasi ako pwedeng umuwi na lang porke wala si Evander.“Ano kaya ang dahilan bakit wala pa rin si Sir Evander?” tanong ni Mabel.“Oo nga. Baka may importanteng pinuntahan? Alam mo na, mga business meeting. Di ba ganon naman talaga?” si Roda.“Totoo ba ‘yong sinabi ni Roda, Lia?” tanong sa akin ni Tonet.“Hindi ko alam. Wala naman sa schedule niya…”Wala siyang business meeting na pinuntahan. Alam ko, malamang assistant niya ako kaya alam ko ang mga gagawin niya. Maliban na lang kung emergency meeting iyon. Hindi naman pala kwento ang lalaking iyon para sabihan ako habang nagmam
Nanlaki ang mga mata ko.Natuod na ako at siya lang ang yumayakap sa akin. Hindi mahigpit ang yakap niya ngunit sapat na iyon para mag-init ang mukha ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko at nahihiya ako dahil baka nararamdaman niya iyon sa sobrang lapit namin.Totoo ba ito? Baka tulog at nananaginip lang ako, ha?“Sir, nandito ka na ba talaga?” tanong ko at tumingala. Muntik na akong himatayin nang magsalubong ang tingin namin.Medyo na disappoint ako nang pakawalan na niya ako.“Yes…” His voice was hoarse. Kumunot na naman ang noo niya. Ay, balik sa suplado mode na siya. Pero ang mahalaga ay nakabalik na siya!Lumabas na siya sa kwarto niya kaya sinundan ko siya.“Saan ka ba nagpunta dahil nawala ka nang tatlong araw, Sir? At saka sorry pala kung natulog ako sa kama mo…sa pagod ko ay hindi ko napigilang maidlip. Baka sabihin mo ay mapansamantala ako dahil wala ka. Hindi ko sinasadya, promise!” Kinagat ko ang ibabang labi ko.Well, sinadya ko naman talagang mahiga sa kama niya kasi wala