Maraming salamat po sa pagbabasa!
Nanlaki ang mga mata ko.Natuod na ako at siya lang ang yumayakap sa akin. Hindi mahigpit ang yakap niya ngunit sapat na iyon para mag-init ang mukha ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko at nahihiya ako dahil baka nararamdaman niya iyon sa sobrang lapit namin.Totoo ba ito? Baka tulog at nananaginip lang ako, ha?“Sir, nandito ka na ba talaga?” tanong ko at tumingala. Muntik na akong himatayin nang magsalubong ang tingin namin.Medyo na disappoint ako nang pakawalan na niya ako.“Yes…” His voice was hoarse. Kumunot na naman ang noo niya. Ay, balik sa suplado mode na siya. Pero ang mahalaga ay nakabalik na siya!Lumabas na siya sa kwarto niya kaya sinundan ko siya.“Saan ka ba nagpunta dahil nawala ka nang tatlong araw, Sir? At saka sorry pala kung natulog ako sa kama mo…sa pagod ko ay hindi ko napigilang maidlip. Baka sabihin mo ay mapansamantala ako dahil wala ka. Hindi ko sinasadya, promise!” Kinagat ko ang ibabang labi ko.Well, sinadya ko naman talagang mahiga sa kama niya kasi wala
Mag-iisang buwan na akong assistant ni Evander at tuluyan na nga siyang nagbago. Hindi na niya ako sinusungitan at nakakausap ko na rin siya, though tipid pa rin naman siya magsalita at hindi naman talaga palakwento pero ang mahalaga ay nakakausap ko na siya nang matino.Sabay na rin kami mag lunch palagi, kung hindi siya nagluluto ay sa resto kami. Nakainan na namin ang tatlong resto ng resort na akala ko ay hindi ko ma-e-experience dahil ang mamahal ng mga pagkain.Hinahatid niya rin ako pauwi ngunit minsan lang dahil tinatanggihan ko siya lalo na kung maliwanag pa. Hanggang sa kanto lang din ng street namin ako nagpapahatid. Kahit na ang bait niya ay ayaw ko naman abusuhin.Right now, I'm sitting alone on the sun lounger. The wind gently blows through my long black flowing hair, swaying it in the air. I'm wearing an off-white flowy dress that reaches beyond my knees, paired with pink doll shoes, perfectly suited for t
“Ilang sandali lang ako nawala ay kung sinu-sino na ang kinakausap mo.” Bumaling sa akin ang mala-tsokolate niyang mga mata. Nakaupo pa rin ako.“Siya ang unang kumausap sa akin.”“First name basis, huh?”“Tinawag ko siyang ‘sir’ pero ayaw niya,” paliwanag ko. “At saka, buti na lang ay dumating ka dahil ang kulit niya, Sir.”He scoffed. “You could’ve just ignored him so he would stop bugging you.”Kumunot ang noo ko at tumayo na para harapin siya. “Bilang empleyado ng resort na ito ay kailangan ko siyang igalang kaya, yes, nakipag-usap ako sa kanya, Sir.”Hindi niya ako kinibo at naglakad na kaya sinundan ko siya.“5:30 pm na, Sir. Uuwi na ako.” Five pm ang out ko at sobra na ng thirty minutes dahil hapon na rin ginawa ang kas
“Bwiset ka, bakit mo ginawa ‘yon?!” nanggagalaiting singhal ko kay Jaime pagkaalis ng kotse ni Evander. Todo aray siya habang pingot-pingot ko.“Aray! Wala naman akong ginawa ah?!” pagkakaila niya. “Ano’ng masama r’on sa paghingi ko nung ice cream niya, ha, Lauren Cordelia?”Dahil sa ingay namin ay nagising si Bea na buhat-buhat niya. Pupungas-pungas pa siya at nang makita ako ay lumiwanag ang mukha niya.“Ate Ganda! Asan na chikolet ku, ha?”Kinuha ko ang isang bar sa paper bag at bago ko ibinigay sa kanya ay binuksan ko muna iyon. “Ito na po, mahal na prinsesa. Mabungalan ka sana ng isang ngipin.”Hindi ko mapigilang pisilin ang matambok niyang pisngi. Cute-cute talaga ng batang ito. Sarap isako at itapon sa dagat.Humagikhik siya at nilantakan na iyong chocolate.
Ang gulo-gulo ng taong yelong iyon.Yes. Balik na naman siya sa pagiging malamig na tungo sa akin. Wala naman akong natatandaang ginawa na hindi niya magugustuhan kaya bakit?Nakausap ko lang siya kapag may iuutos. Nung mag-lunch ay basta na lang niya akong iniwan sa opisina at kumain siyang mag-isa sa restaurant.Kahit kasi sinabi kong palagi na kaming nagsasabay ay hinihintay ko pa rin na ayain niya ako. Ang kaso ay hindi niya naman ginawa kaya mag-isa na lang din tuloy akong nag-lunch. Sakop naman ng Aldridge ang lunch ng mga empleyado.Baka nagkakamali lang ako. Baka badtrip lang siya sa ibang bagay kaya nadadamay ako. Stressed siguro siya sa work kaya palilipasin ko muna. Hindi ko muna siya kukulitin sa araw na ito.Ang kaso nang sumapit na ang bukas ay walang pagbabago. Pinagmasdan ko siya habang naglilinis, mukha namang hindi siya stressed, o baka hindi lang niya pinapakit
Dinala ako ni Evander sa infirmary ng resort. Mayroong babaeng nurse roon nasa 30's ang umasikaso sa akin. Nasa tabi lang si Evander ng kama, nanonood habang binibigyan ako ng lunas."Is it done? Is she going to be okay?" tanong niya sa nurse nang matapos na ito sa ginagawa sa paa ko."Yes, Mr. Aldridge. She sprained her ankle, and it will take a few days to recover but she's going to be okay." Bumaling sa akin ang nurse. "It'simportant to give your ankle enough time to heal. Avoid putting excessive weight on it and try to rest as much as possible. Don't rush into strenuous activities too soon to prevent reinjury, okay?"Tumango ako.Marami pa siyang binilin na kailangang gawin at pagkatapos ay iniwan na niya kami.Lumapit si Evander. Sa tabi lang siya ng kama, nakatayo."Does it still hurt?" Halata sa mukha niya ang pag-aalala."Medyo pero hindi na kasing sakit kanina," sagot ko.Nakagaan ng pakiramdam ko iyong ice pack
Sa nakaraang isang linggo ay nasa bahay lang ako. Sinabi ko kay Tita Melinda ang totoo na na-sprain ako kaya hindi ako makapasok. Di ko na lang idinetalye kung paano ko 'yun nakuha sa trabaho.Naging maayos na rin naman ang pakiramdam ko sa ikatlong araw. Balak ko nga sanang pumasok na dahil kaya ko naman na pero nang sinabi ko 'yun kay Evander ay hindi siya pumayag. Sa next week na raw ako bumalik para hindi mabinat at pag nagpumilit ako ay ibabalik lang niya ako sa bahay namin.Kahit na bagot na bagot na ako ay nawawala iyon kahit papaano kapag nagti-text siya sa akin para kumustahin ang kalagayan ko. Iyon nga lang ay hindi mahabang convo. Kapag sinagot ko ang tanong niya ay hindi na siya magrereply. At least tinupad niya ang sinabi niya.Pumunta ako sa isang café sa may centro mag-isa. Nagki-crave ako ng pizza at milk tea kaya iyon ang inorder ko. Nagtitipid ako pero pagbibigyan ko lang ngayon ang sarili ko.Habang sumis*psip sa straw ay panay ang tingin ko sa phone ko, umaasa sa te
"Ah hehehe. Isda naman talaga ang ibibigay ko sa 'yo. 'Di ba magluluto tayo ngayon? Marami kaming isda dahil nagtitinda ang tita ko niyon sa palengke kaya naisipan kong mag-ambag naman sa kakainin natin." Ngumiti ako nang malawak sa kanya para hindi niya mahalata ang kapalpakan ko. Buti na lang ay nakaisip ako ng palusot. Ba't kasi ito ang nadala ko? Ito 'yung box nung ice cream na ibinili sa akin ni Evander. Hindi ko naman kasi alam na pinaglagyan ni Tita ng isda 'yung container at ipinasok sa ref namin. Ayan tuloy mali 'yung nakuha kong box! He licked his lips and stared at me for a while, then his lips curled into a smirk. "Okay. I thought you just gave me the wrong container." Nanlaki ang mga mata ko. "Isda nga ang ibibigay ko sa 'yo kasi marami kami niyon! Ano ba ang ine-expect mo, ha? Akala mo ice cream, 'no?" Nginisihan ko siya. "Sige, bibigyan kita ng ice cream bukas kung 'yun ang gusto mo." Nagsimula na siyang mag-ayos ng mga lulutuin. Nalukot ang mukha ko nang makitang p