Why does life require us to endure the burning of suffering before we can savor the delight of happiness? Bakit kailangan nating masaktan muna bago maging masaya? Bakit kailangang magkaroon ng maraming hadlang bago makamtan ang ating mga pangarap? Bakit hindi pwede na hindi na tayo makaranas ng paghihirap at maging masaya na lang sa buong buhay natin? I understand that pain is inevitable and serves a purpose, as it can shape us, heal us, and transform us...but why does it have to be so harsh? Iginala ko ang tingin ko sa paligid na may magagandang palamuti. Kumikinang ang mga chandelier na may mga kristal, puno ng mga masasarap na pagkain ang mga mesa, at tumutugtog ang orchestra ng musika na nababagay lang sa gala na ito na dinadaluhan ng mga bigating negosyante na nagmamay-ari ng malalaking kompanya sa bansa. Tipid akong napangiti. Thanks to my rich grandfather, I am now part of this elite crowd that I never thought I would be a part of. Hinangad ko lang na maiangat sa laylayan a
I felt the cold water seep through my skin as I dipped my feet in. Dagdag pa na mahangin at maaga pa kaya damang-dama ko ang lamig. Hinihipan ng hangin ang aking buhok kaya sinikop ko iyon papunta sa balikat ko at saka pinulot ang mga sanga at plastic na nasa tubig na pakalat-kalat. Papaangat na ang haring araw. Mula sa malayong parte ng dagat ay may iilang bangka ng mangingisda, ang iba ay papabalik na sa dalampasigan at ang iba ay magsisimula pa lang sa paglalakbay sa dagat para manghuli. This is the normal day to day in the town of Buenavista. Samantala, may sarili naman akong gawain sa tuwing umaga. May pasok man sa trabaho o wala ay namumulot ako ng mga basurang napapadpad sa dalampasigan. Mabuti ay palagi naman ritong nalilinisan kaya hindi naman umabot sa puntong nagmukhang Manila Bay dito. Mga ilang pirasong basura lang naman. “Lia, pasok na. Nakahanda na ang pagkain!” Narinig ko ang sigaw ni Tita Melinda na kalalabas lang ng bahay namin hindi kalayuan. “Opo, papasok na! T
Hindi ko pa kayang bumalik sa tiangge dahil sariwa pa ang kahihiyang ginawa ko kahapon doon. Palilipasin ko muna ang ilang linggo bago ako muling gumala roon at kahit saan dahil baka mayamaya bigla na lang na may pumulupot na posas sa kamay ko kasi ipapakulong pala ako ng lalaking iyon. Sigurado akong mayaman ang lalaking iyon. Halata naman sa hitsura at pananalita niya. Mamahalin din iyong brand ng phone niya. Iyong phone na binasag ko… Shit talaga! Sana lang ay wala namang karatula ng mukha ko na nakadikit sa kung saan-saan dahil wanted na pala ako! Baka turista lang iyong lalaking iyon. Kung dito iyon sa Buenavista nakatira ay dapat sikat na iyon katulad ng mga Carvajal. Ang ganong kagwapong mukha ay hindi puwedeng hindi maging talk of the town. Tama! Turista lang ang lalaking iyon! Siguro naman pagkaraan nang ilang linggo ay wala na siya rito kaya hindi na niya ako maipapakulong! Para akong baliw na tumawa sa kwarto ko. Umalis na ang aking Tita Melinda at pumunta na sa palen
Imposible…Para akong napako sa kinatatayuan at hindi makapagsalita.Ang akala ko ay hindi na muling magtatagpo ang landas namin ng lalaking ito. Ang akala ko ay turista siya at aalis lang din ng Buenavista makaraan nang ilang araw pero mali ako!Palihim kong kinurot ang isa kong kamay kasi baka nalipasan lang ako ng gutom at nag-iilusyon lang pero naalala kong ang dami ko nga palang nilamon kanina.The man's piercing gaze followed my hand, and he caught me in the act of pinching myself. He then looked back at me, causing my heart to race with a mixture of fear and anticipation.‘’Oh well, too bad I'm real," he said in a deep, husky voice that sent tingles down my spine.Shit. Ang lalaking ito ang bago naming general manager?!Nang matauhan ay agad akong napayuko at nilagay sa unahan ng magkabilang balikat ang buhok ko para takpan ang mukha."A-ah, pasensiya na ho, Sir! Hindi n'yo na dapat ako naabutan dito kung hindi lang nahulog 'yong takip ng kemikal sa ilalim ng kama ninyo! Kasala
Wala na akong trabaho.Nagbunga ang pakiusap ko na huwag nang idamay si Jepoy sa galit niya sa akin. Umuwi na ako pagkatapos kausapin ni Ma’am Editha at may pinapirmahan siya sa aking termination paper. Binigyan din ako ng huling sweldo sa pinagtrabahuhan ko nang ilang araw.Tanggap ko naman na dahil malaki ang kasalanan ko sa kanya. Dapat pa nga akong magpasalamat dahil hindi niya ako pinakulong at pinagbayad sa ginawa ko sa kanya sa tiangge.Wala pa si Tita Melinda nang umuwi ako kasi hanggang hapon pa siya sa pagtitinda sa palengke. Tutulong na lang ako sa kanyang magkaliskis o kaya maging kahera niya ngayong wala na akong trabaho.Sa totoo lang ay ayaw niya akong patulungin sa pagtitinda ng isda. Mag-aral na lang daw ako. E kaso huminto nga ako at wala na ako sa Aldridge kaya ano’ng gagawin ko dito? Tutunganga hanggang sa sunod na pasukan?“Ate Ganda!”Natigil ako sa pagmumuni-muni rito sa kubo sa harapan ng dagat nang makita ang magandang batang babae na tumatakbo papunta sa akin
Para akong nalagutan ng hininga.Bwiset. Akala ko ba ay naliligo na siya?!Ang akala ko ay nakatapis lang siya ng tuwalya pero hindi. Nakasuot lang siya ng plain black shirt at cargo shorts. Di naman ata siya naligo e kasi di naman basa ang buhok niya pero ang gwapo-gwapo at ang bango-bango niya.Anong ibig sabihin nung pagkuha niya ng damit sa closet at paglagaslas ng tubig kanina sa bathroom? Eme-eme lang?“Lauren Cordelia Arranza,” mariin niyang pagtawag sa akin.Kahit na hindi pa naman ako humaharap sa kanya ay alam niya agad kung sino ako. Hindi na ako nagulat na alam niya ang buo kong pangalan dahil malamang nalaman na niya iyon kaninang umaga.Pero paano niya nakilalang ako itong nanloob sa suite niya? Ang dilim kaya at tanging lamp shade lang naman ang ilaw rito sa kwarto niya!Hindi ko siya pinansin at binuksan pa rin ang pintuan ng kanyang kwarto. Tumayo ako at mabilis na tumakbo.Hindi ako si Lauren Cordelia Arranza. Nag-ha-hallucinate ka lang. Multo ang babaeng nakita mo,
Gusto niya akong maging assistant? Tulala ako habang naglalakad. Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na namalayan na nasa tapat na pala ako ng bahay namin. “Madam, anyare sa ‘yo?! May masama bang ginawa sa ‘yo ang lalaking iyon? Nilapastangan ka ba? Nabawi mo ba ang kwintas mo? Ano, ha? Sagot!” “Anak ng pating ka naman, Ernie!” Napatalon ako sa gulat nang bigla na lang sumulpot si Ernie sa kung saan. “Sandali nga, nalalamog ako!” Para ba akong alkansya na dinudukutan niya ng barya kung makaalog siya sa akin. “Pero anyare nga sa ‘yo?” “Pumunta ako sa Aldridge para bawiin iyong kwintas ko.” “Gaga ka! Pumunta ka talaga roon? Nilooban mo si pogi?” hindi makapaniwala niyang tanong. “Oo, kaso di ko nabawi iyong kwintas ko. Nahuli niya ako e,” simple kong sinabi na nagpalaglag ng panga niya. “Gaga ka e di dinagdagan mo lang atraso mo sa kanya! Nilooban mo e di ipapapulis ka na talaga no’n! May utak ka naman pero padalos-dalos ka rin talaga minsan!” namomroblema niyang sinabi. Ngumisi
“You are having dinner with before you go home,” pag-uulit ni Evander dahil natameme na ako. Gusto niyang mag-dinner kaming dalawa? Sabay kaming kakain? “Seryoso ka ba, Sir?” tanong ko. Baka jino-joke time niya lang ako e. Baka mamaya niyan ay magpapa-asikaso lang siya sa akin. Tagasalin ng inumin o baka tagasubo. Char. Malay ko ba kung anong binabalak niya. "You've worked hard today and traveled to the city for hours. You haven't eaten yet. I'm not a ruthless boss who would deprive you of a meal," he simply said. Napanguso ako. Five-star hotel and resort ang Aldridge kaya ang mamahal ng mga nasa menu. “What are you waiting for?” naiinip na tanong ni Evander. “Ikaw na lang. Sa bahay na lang ako kakain. Di ko afford pagkain dito sa Aldridge, Sir.” Napangiwi ako. “It’s all on me. It’s fine.” Nanlaki ang mga mata ko. Eh? Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata nang maigi, naghahanap ng senyales na baka nagbibiro lang talaga siya. Evander gasped and irritation is starting to sho