Share

Chapter 4: Necklace

Wala na akong trabaho.

Nagbunga ang pakiusap ko na huwag nang idamay si Jepoy sa galit niya sa akin. Umuwi na ako pagkatapos kausapin ni Ma’am Editha at may pinapirmahan siya sa aking termination paper. Binigyan din ako ng huling sweldo sa pinagtrabahuhan ko nang ilang araw.

Tanggap ko naman na dahil malaki ang kasalanan ko sa kanya. Dapat pa nga akong magpasalamat dahil hindi niya ako pinakulong at pinagbayad sa ginawa ko sa kanya sa tiangge.

Wala pa si Tita Melinda nang umuwi ako kasi hanggang hapon pa siya sa pagtitinda sa palengke. Tutulong na lang ako sa kanyang magkaliskis o kaya maging kahera niya ngayong wala na akong trabaho.

Sa totoo lang ay ayaw niya akong patulungin sa pagtitinda ng isda. Mag-aral na lang daw ako. E kaso huminto nga ako at wala na ako sa Aldridge kaya ano’ng gagawin ko dito? Tutunganga hanggang sa sunod na pasukan?

“Ate Ganda!”

Natigil ako sa pagmumuni-muni rito sa kubo sa harapan ng dagat nang makita ang magandang batang babae na tumatakbo papunta sa akin.

“Hello, Bea-bhie!”

Anak si Bea ng kababata kong nurse na nag-aral sa Maynila. Nabuntis siya nang maaga at ang mga magulang na niya ang nag-aalaga kay Bea. Ilang buwan pa lang nang ipinanganak niya ang bata ay bumalik ulit siya sa Maynila para mag kolehiyo.

Straight ang itim at mahabang buhok ni Bea. Mestisa siya katulad ko. Ang mga mata niya ay mala tsokolate. May naalala tuloy ako nang makita ko ang mga mata ng bata.

“Tumakas ka na naman sa lolo at lola mo, ano?” pinaningkitan ko siya.

Tuwing hapon kasi ay pinapatulog siya ng lola niya.

“Hindi pu! Natulug pu aku agad pakakain kaya kanina pa aku nagising, Ate Ganda!” sabi niya. “Alam mu ba Ate Ganda tumawag si Mama kaninang umaga. Ang ganda-ganda talaga ng Mama ku Ate Ganda! Kailan ku kaya ulit mayayakap si Mama ku?”

“Nandito naman noong nakaraang buwan ang mama mo, ‘di ba?”

When Havene, Bea's mother, passed the board exam in November, she came home to Buenavista. She was here for Bea's fifth birthday in December until Christmas and New Year. Noong isang linggo lang ay bumalik na ulit siya sa Maynila dahil natanggap na raw siya sa ospital na pinag-applyan.

“Uu! Pero miss na miss ku na siya agad! Gustu ku palagi kung nayayakap si mama ku. Nung umuwi kasi siya ay palagi niya akung niyayakap at tabi kaming natutulug. Gustu ku palaging ganun, Ate Ganda!”

“Para sa ‘yo naman kaya umalis ang mama mo. Nagsikap siyang makapagtapos para magkaroon siya ng magandang trabaho, para matulungan niya ang lolo at lola mo. At saka, hero ang mama mo kasi tinutulungan at inaalagaan niya ang mga may sakit dahil nurse siya, alam mo ba ‘yon?”

“Opo! Peru bakit hindi na lang siya ditu. May uspital naman ditu ah. Di ba pu sa uspital nagtatrabahu ang nurse, Ate Ganda?”

“Malay mo nag-iipon lang ang mama mo. Kapag marami-rami na ang pera niya ay baka sumunod na kayo ng lolo at lola mo sa kanya sa Maynila. O baka magtrabaho rin siya rito. Sigurado akong gusto ka rin namang makasama ng mama mo nang matagal, Bea bhie. Mahal na mahal ka niya, e.” Ginulo ko ang buhok niya. Napanguso na lamang si Bea. “Teka nga pala. Sinong kasama mo?”

Hindi naman kasi siya hinahayaang mag-isa ng lola niya. Kung maglalaro siya ay hindi dapat siya nawawala sa mata ng lola niya dahil limang taong gulang pa lamang siya.

Mahirap na baka kung ano mangyari sa kanyang masama lalo na’t malapit kami sa dagat. Mahilig kasi siyang magtampisaw sa tubig e hindi pa naman siya marunong lumangoy.

“Bea!” Isang gwapong lalaking matangkad at moreno ang naglalakad papunta sa amin dito sa kubo. Iritado ang mukha niya siguro dahil kanina pa siya naghahanap kay Bea. “Sinamahan na nga kita rito sa dagat dahil gusto mo maglaro pero nalingat lang ako sandali ay tinakasan mo na kong bata ka! Ang akala ko kinain ka na ng pating!”

Wala naman talagang pating dito sa Buenavista. Panakot lang kay Bea para huwag itong pumunta mag-isa sa dagat.

“Suri pu, Kuya Jaime.” Humagikhik si Bea sabay peace sign. “Nakita ku pu kasi si Ate Ganda kaya pinuntahan ku siya!”

Nagtatakang tumingin sa akin si Jaime.

“Oh? Akala ko may trabaho ka?” Tuluyan na siyang nakalapit sa amin. Piningot muna niya si Bea at saka umupo sa tabi niya. Bale pinapagitnaan namin ang bata.

“Sinibak ako ng bago naming general manager.” Nagkibit balikat ako.

“Ano?!” gulat niyang tanong. “Bakit ka tinanggal?”

“Siya pala iyong lalaking pinahiya ko sa tiangge!”

Napanganga si Jaime. Kung di pa tinapik ni Bea ang baba niya ay baka pinasukan na ng langaw ang bibig niya.

Oo, alam niya ang nangyari sa tiangge dahil nakita niya kami ni Ernie kahapon na parang hinahabol ng aso kung tumakbo. Ikwinento ni Ernie sa kanya ang nangyari.

Saka close din talaga kami ni Jaime bata pa lang kami. Anak-anakan siya ni Tita Melinda dahil ulila na rin siya at mag-isa na lang sa buhay.

Our fathers went to sea together and died because there was a storm that day. He doesn't know his mother. He was still young when she left him with another man.

Tumira siya sa bahay namin noon sa kagustuhan ni Tita Melinda at noong nagbinata na ay bumalik na siya sa bahay nila ng ama niya. Pumupunta pa rin naman siya sa amin. Palagi nga siyang nandoon, kapag matutulog lang naman yata siya umuuwi sa bahay niya.

Siya rin pala ang katulong ni Tita Melinda sa pagtitinda. Ang unggoy, nang malamang hihinto muna ako para magtrabaho sa Aldridge ay huminto rin. Di rin daw muna siya magka-college dahil gusto niya sabay kami kahit na private ang papasukan ko kung sakali at sa public naman siya.

Gusto rin niyang makapag-ipon dahil nahihiya na siya kay Tita Melinda dahil ang tita ko rin ang nagpapa-aral sa kanya. Kung may ibang slot pa nga sa Aldridge ay magtatrabaho rin sana siya roon. Ako na lang daw ang magtrabaho roon dahil mas kakailanganin ko ang kikitain doon dahil nga sa private ako magka-college.

Pero heto na nga. Wala na akong trabaho. Baka sabay na kaming mag BSC sa susunod na pasukan.

“Ba’t ka rin pala rito, ha? Iniwan mo si Tita Melinda?” tanong ko kay Jaime.

“May pista kaya maraming bumili ng isda kaya naubos agad umaga pa lang.”

“Wala pa si Tita sa bahay ah?”

“Naimbintahan nung suki niya sa pistahan. Kanina pa kami nakauwi. Pagkatapos maligo at magbihis ay umalis na agad si Tita.”

“Oh, di ka sumama?”

Basta kasi sa tsibugan ay hindi g na g tong si Jaime kaya nakakapagtakang di siya namista.

“Sama sana ko kaso nakita ako nitong tyanak na to.” Walang pakialam si Bea kahit binwiset niya ang lalaki. Busy siya sa pagpapak ng chichirya. Dumukot si Jaime ng kinakain niya kaya umangal ang bata.

“Ate Ganda, nidudukut nitung si Kuya Jaime ang pagkain ku oh!” sumbong niya sa akin.

“Aba, isang piraso lang kinuha ko, ah. Napakadamot mo e ikaw naman dahilan ba’t naging bato pa iyong tsibog ko.”

Napangiti ako sa bangayan nila. Pwede naman kasi niyang tanggihan si Bea pero hindi niya ginawa. Hindi rin naman kasi niya matitiis ang bata. Malapit din kasi siya sa pamilya nina Bea dahil kay Ate Havene na kalaro namin noong mga bata pa kami. Napakabait ng ina ni Bea.

Binalingan ako ni Jaime. “E paano na ang pag-iipon mo para makapag-aral sa Marinae? Alam na ba ‘to ni Tita Melinda?”

“Hindi ko pa nasasabi. Mamaya, pag-uwi niya.” Bumuntong hininga ako. “Hindi pa sapat ang ipon ko para mag private e.”

“Paano na ang pag-a-accountancy mo?”

“Huwag na lang. Mag-bi-BSC na ako!” pinaligaya ko ang boses ko.

“Ayaw ko, Lia. Mag-a-accountancy ka!” mariin niyang sambit.

Kinunotan ko siya ng noo. “Hindi nga kaya ng budget, Jaime.”

“Tutulong ako sa pagpapaaral sa iyo. Hindi na ako mag-ka-college at maghahanap ako ng trabaho tutal graduate naman ako ng senior high,” seryoso niyang sinabi kaya napanganga ako.

“Ayoko nga! Tatay ba kita para pag-aralin mo ako?” Tumawa ako.

“Uu nga, Kuya Jaime! Hindi mu naman anak si Ate Ganda kasi sabi mu sa ‘kin aasaw—” Tinakpan ng lalaki ang bibig ng bata.

“Tumahimik ka kundi ibabalik na kita sa inyo!” Pinandilatan niya ng mata si Bea.

“Hindi ako payag sa gusto mo, Jaime. Matalino ka at hindi rin ako papayag na hindi ka makapagtapos,” mariin kong sinabi.

Totoong matalino rin si Jaime kahit na maloko. We're always in the top 10 of our batch. He took the STEM strand in senior high, and I never saw him struggle with their subjects when we studied together at home. Samantalang ako ay may iniyakan na subject kasi hindi ko agad magets iyong topic.

Kaya rin maraming nagkakagusto sa unggoy na ito dahil matalino at masipag na nga, gwapo pa. Pero wala akong gusto sa kanya dahil parang kapatid na rin ang turing ko sa kanya.

“Pero hindi rin ako payag na hindi mo kunin ang dream course mo, Lia!” determinado niyang sinabi.

“Anong magagawa natin e mahirap tayo?” Sinalubong ko ang tingin niya at siya na ang unang nagbawi ng tingin. Kahit na moreno ay halata ang pamumula ng mukha niya.

“Pero sa accountancy ka masaya…” mahina niyang sinabi nang hindi nakatingin sa akin.

“Ayos lang naman sa akin kahit ibang course na lang, Jaime. Ang mahalaga ay makapagtapos ako at magkaroon ng trabaho,” sinsero kong sinabi at ngumiti sa kanya, “at saka mag-a-apply naman ako sa mga scholarship. Kung palarin e di maganda. Baka nga pag-aralin pa rin naman ako ni Tita Melinda sa Marinae pero kung walang scholarship akong makukuha para makabawas sa gastusin ay sa BSC na ako dahil hindi biro ang tuition fee roon, Jaime. At saka ayaw mo no’n? Sabay na tayong mag-aaral sa BSC!”

“Uu nga, Kuya Jaime! Sabay kayu ni Ate Ganda!”

“Tumahimik ka sabi!” galit na sabi ni Jaime sa labi pero may multo ng ngiti sa labi. “Tara na nga! Maligo na lang tayo sa dagat!” Bigla niyang hinila sa kamay.

“Hoy bwisit ka! Ayaw kong mabasa!” protesta ko pero parang walang narinig ang unggoy dahil patuloy siya sa paghila sa akin. Nakikipaghilahan ako sa kanya pero malakas siya. Ang tyanak naming kasama ay tatawa-tawa lang sa amin.

Napatili na lang ako nang tuluyan na niya akong nadala sa tubig. Itinulak niya ako at napaupo ako kaya agad akong nabasa. Malakas ko siyang hinila sa kamay kaya natumba rin siya. Mabilis akong lumangoy palayo nang tumatawa dahil alam kong gaganti siya.

Pagkatapos naming magtampisaw sa dagat ay hinatid muna namin si Bea sa bahay nila at pag-uwi namin ay naroon na si Tita Melinda. Pinagalitan kaming dalawa dahil sa mga basa naming damit.

“Nakakailang damit ka sa isang araw sa pagpapalit-palit mo! Mas marami pa ang labahin mo kaysa sa akin. Isampay mo ‘yan!” litanya ni Tita Melinda. “At isa ka pa, Jaime! Para kayong mga basang sisiw sa hitsura n’yo!”

“Si Lia po ang naunang nambasa kaya gumanti lang ako, Tita!”

“Sinungaling kang unggoy ka, ah! Huwag kang maniniwala riyan, Tita. Siya kaya ang nauna kahit tanungin pa natin si Bea-bhie!”

“Tumigil kayo dahil pareho ko kayong tsitsinelasin!” High blood na naman si Tita. “At ikaw, Jaime, bumalik ka rito pagkapalit mo ng damit. May inuwi akong mga pagkain.”

“Yown! Opo, Tita!” Tuwang-tuwa ang unggoy.

Pinakyuhan ko si Jaime at nakita iyon ni Tita Melinda kaya pinalipad niya ang tsinelas niya sa akin. Tatawa tawa akong tumakbo sa loob ng bahay at mabuti na lang di ako inabot ng flying tsinelas.

NAKALIMUTAN kong sabihin kay Tita na wala na akong trabaho dahil ang dami niyang kwento tungkol sa nangyari sa pista. Iyong kalapit daw niyang pwesto sa isdaan na nakatira malapit sa bahay ng suki niya kung saan siya namista ay hinabol ng itak ng asawa nito dahil may kabit daw. Ayon, pinatawag daw sa barangay ang dalawa.

Nag-aayos na ako ng sarili dahil matutulog na ako nang maalala ko ang nawawala kong kwintas.

Oo nga pala!

Tatawagan ko pa lang sana si Ernie para tanungin kung ano na ang update dahil siya ang pinapunta ko sa tiangge pero nauna na niya akong tinawagan.

“Ernie! Ano na ang balita sa kwintas ko?” bungad ko sa kanya. “Oo nga pala, bakla! Alam mo ba kung gaano ako kamalas? Sobrang malas! Iyong lalaki palang pinahiya ko sa tiangge ay ang bago naming general manager! Nakilala niya ako kaya sinibak niya ako!”

“Oh my g…ang malas mo nga, Madam…” hindi makapaniwalang sinabi niya at natunugan ko na may iba pa siyang pinapahiwatig doon.

“Bakit? Hindi na ba talaga nahanap iyong kwintas ko?” nalulugmok kong tanong.

“Hindi ko alam kung malas ba ito o hindi,” pasuspense niyang sinabi.

“Ano?” naiinip kong tanong.

“Ang swerte ay may lead na ako kung nasaan ang kwintas mo! Tinanong ko iyong natatandaan kong mga nakakita sa eksena n’yo at nakita nga raw nila ang kwintas mo!”

“Talaga?!” sumigla ang boses ko. “Nasaan raw?”

“Ah, eh…ito na nga ang malas, Madam…”

“Huwag mo na akong binibitin. Sabihin mo na kung nasaan ang kwintas ko!”

“Nasa lalaking iyon daw, Madam! Nahulog mo raw iyon noong tumakbo tayo at pinulot daw ni pogi!”

Napanganga ako sa narinig.

“Nandiyan ka pa ba, Madam?” tanong ni Ernie dahil hindi ako nagsasalita.

“Pupuntahan ko si Evander ngayon din,” mariin kong sinabi.

“Ano?! Hindi ko alam kung ano’ng binabalak mo pero sa tono mo ay parang hindi magandang ideya ang naiisip mo,” kinakabahan niyang sambit.

“Babawiin ko lang ang kwintas ko, Ernie.”

“Hoy, sandali—” Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil pinutol ko na ang tawag.

Mabilis ang umalis ng bahay pagkatapos magpalit ng damit.

Mabuti na lang ay may napadaan na tricycle kaya mabilis akong nakarating sa resort.

Isinuot ko iyong uniporme kong pang housekeeper dahil hindi ako papapasukin kung hindi naman ako guest. Ang pang gabing guard ang naka-shift ngayon at hindi niya alam na nasibak na ako kanina kaya mabilis akong nakalusot.

Phew!

It was already eleven at night, so there weren't many people around. There were only a few guests hanging out outside. Some were night swimming in the pool in front of the hotel.

I went straight inside. I took the elevator and pressed the button for the fourth floor, where the presidential suite and the general manager's office were located.

The whole floor was dark, and only the two dim wall lights in the hallway served as the only source of light.

Siniguro kong huwag gumawa ng kahit anong ingay. Teka, bakit para akong magnanakaw ngayon?

Pero hindi naman ako magnanakaw, ah? Babawiin ko lang ang akin!

Alam naman ni Evander na sa akin ang kwintas na iyon pero bakit hindi niya ibinalik kanina sa akin?

Evander na lang tawag ko sa kanya. Hitsura niya, hindi ko naman na siya boss, ano!

Huminto ako at sandaling nag-isip kung saan ko unang hahanapin ang ang kwintas.

Sa opisina na muna ako kasi iyon ang mas malapit. Pinihit ko ang doorknob pero naka-lock iyon. Napakamot ako ng pisngi. Sige sa suite na lang.

Ang kaso ay pareho ring naka-lock ang pinto. Pero syempre dahil may utak ako ay may naisip akong ibang paraan para makapasok.

Pumunta ako sa dulo ng hallway kung nasaan ang balkonahe. Sa tabi kasi nito ay ang balkonahe naman ng presidential suite at ilang dipa lang ang layo sa isa’t-isa. Doon ako dadaan.

Maingat akong lumipat sa kabilang balkonahe dahil siguradong wasak-wasak ang katawan ko kapag nahulog ako rito.

Napabuntong hininga ako dahil succesful naman akong nakalipat.

Napangiti ako nang makitang bahagyang nakabukas ang sliding door papunta sa living room ng suite. Kung sineswerte nga naman ako oh!

Dahan-dahan akong pumasok sa loob. Katulad sa hallway ay sarado rin ang ilaw ng buong suite at tanging isang floor lamp lamang ang nagsisilbing liwanag.

Nagtago muna ako sa dingding at sinipat muna ang sunod na daraanan papunta sa kwarto ni Evander. Mahirap na baka makasalubong ko siya dahil gising pa pala ang lalaking iyon. Kaso mukha atang tulog na siya. Tanging aircon na lamang ang naririnig kong ingay.

Hmm. Kung may pagtataguan man siya ng bagay ay siguradong sa kwarto niya iyon.

Muli akong napangiti nang pihitin ko ang doorknob ng kwarto dahil bukas din iyon!

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pinakiramdaman muna ang paligid dahil baka gising pa pala siya kaso ang tahimik talaga.

Tulog na talaga siguro si Evander.

Natuwa ako nang walang makitang nakahiga sa kama. Wala siya sa kwarto niya! Sinipat ko ang bathroom kung nakabukas ang ilaw dahil baka nandoon pala siya pero nakasarado iyon! Ang tahi-tahimik talaga ng paligid kaya siguradong wala siya rito!

Baka nasa labas siya at nagliliwaliw.

Ayos! Kukunin ko na ang chance na ito para halughugin ang kwarto niya!

Mabilis kong binuksan isa-isa ang mga cabinet na naroon kaso wala roon ang aking kwintas. Isang cabinet na lang ang di ko pa nagagalaw. Iyong nasa gilid ng kama. Sunod ko iyong hinalughog.

Totoo pala talagang kinuha ng lalaking iyon ang kwintas ko! Halos mapaiyak ako sa tuwa nang sa wakas ay mahanap ko na ang napaka importanteng bagay sa akin. Nakalagay iyon sa box. Hinalikan ko muna ito at napangiti nang malawak.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kung hindi nga ito nakabalik sa akin.

Maayos ko namang ibinalik sa dati ang lahat para hindi mapansin na may pumasok rito.

Pipihitin ko palang sana ang seradura dahil lalabas na ako ng kwarto nang marinig kong sumarado ang pinto sa labas. Nanlaki ang mga mata ko.

Patay. Nandito na si Evander!

Hindi ko alam kung paano ako makakalabas sa kwarto niya nang hindi niya nakikita. Siguradong papunta na siya rito. Basta ang alam ko ay kailangan kong magtago! Natataranta akong umilalim sa kama niya at napapikit nang mariin dahil saktong bumukas ang pinto pagkapasok ko sa baba.

Kagat-kagat ko ang labi ko habang tinitingnan ang makinis, maputi, at malaki niyang paa na naglalakad. Naka-tsinelas lang kasi siya na alam kong mamahalin.

Sinusundan ng mga mga mata ko ang paa niya. Pumunta siya sa closet at alam kong kumuha siya ng damit doon. Sigurado akong pupunta siya sa bathroom para siguro maligo o mag half-bath.

Iyon ang chance ko para makaalis dito. Napangisi ako.

Ilang sandali lang ang lumipas ay pumasok na nga siya sa banyo. Inilabas ko ang ulo ko sa ilalim para silipin kung nakasara ang pinto ng bathroom. Sarado na iyon at malakas na bumubuhos na ang tubig mula sa shower. Naliligo na siya.

Dahan-dahan akong lumabas mula sa ilalim ng kama hawak ang kwintas ko. Iniwan ko na kasi ang kahon sa kung saan ito nakalagay kanina para hindi niya mahalatang nakuha ko na pala ang kwintas sa loob niyon.

Gumapang akong parang sanggol papunta sa pintuan at pipihitin ko pa lang sana ang doorknob nang may marinig akong nagsalita sa likod ko.

“Do you think I wouldn’t notice that someone else broke into my suite?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status