Para akong nalagutan ng hininga.
Bwiset. Akala ko ba ay naliligo na siya?!
Ang akala ko ay nakatapis lang siya ng tuwalya pero hindi. Nakasuot lang siya ng plain black shirt at cargo shorts. Di naman ata siya naligo e kasi di naman basa ang buhok niya pero ang gwapo-gwapo at ang bango-bango niya.
Anong ibig sabihin nung pagkuha niya ng damit sa closet at paglagaslas ng tubig kanina sa bathroom? Eme-eme lang?
“Lauren Cordelia Arranza,” mariin niyang pagtawag sa akin.
Kahit na hindi pa naman ako humaharap sa kanya ay alam niya agad kung sino ako. Hindi na ako nagulat na alam niya ang buo kong pangalan dahil malamang nalaman na niya iyon kaninang umaga.
Pero paano niya nakilalang ako itong nanloob sa suite niya? Ang dilim kaya at tanging lamp shade lang naman ang ilaw rito sa kwarto niya!
Hindi ko siya pinansin at binuksan pa rin ang pintuan ng kanyang kwarto. Tumayo ako at mabilis na tumakbo.
Hindi ako si Lauren Cordelia Arranza. Nag-ha-hallucinate ka lang. Multo ang babaeng nakita mo, Evander!
Pero hindi pa nga ako nakakalayo nang may kamay na pumulupot sa braso ko. Hinila niya ako palapit sa kanya.
“Ano ba? Bitiwan mo nga ako! Hindi ka ba natatakot sa akin? Multo ako. Awoo! Awoo!” Nagpupumiglas ako sa kanya pero malakas talaga siya.
“Shut up.” Hila-hila niya akong naglakad siya at binuksan ang mga ilaw ng suite.
He turned to me with his cold expression. Ngayon ay kitang-kita na niya ang mukha ko.
Namutla ako at hilaw na ngumiti sa kanya. “S-surprise hehehe.”
“What are you doing in my suite?” mariin niyang tanong. Kitang-kita ang iritasyon sa gwapo niyang mukha.
“A-ano ba! Bitiwan mo na ako!” sabi ko dahil hindi pa rin niya tinatanggal ang kamay sa akin.
“And then what? You will run away again?” His jaw clenched as he looked viciously at me. “You broke into my suite and you think I will let this pass?”
Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang titig niya. “May naiwan lang akong gamit noong naglinis ako kanina rito kaya binalikan ko lang! Wala naman akong ginagawang masama sa suite mo, e. Kahit i-check mo pa ako. Wala akong kinuha sa mga gamit mo, ano!”
“Really?” he scoffed and then he grabbed the necklace I was holding behind me.
Hindi ko inasahan na gagawin niya iyon kaya wala na akong nagawa nang nakuha na niya iyon sa akin.
“Ibalik mo sa akin ‘yan!” I managed to free myself from his grip. I tried to snatch the necklace from him, but he was too tall. I couldn't reach it no matter how high I jumped.
“So this is what you came for, huh?” he said coldly while looking at the necklace in his hand.
“Akin na sabi, e!” Sinubukan ko ulit agawin pero nabigo lamang ako.
“Bakit ko ibibigay sa ‘yo to? Pumasok ka sa suite ko para nakawin to?” he said that without a hint of scorn or insult though. Parang wala lang. Parang yelo pa rin.
“Hindi nga sabi ako magnanakaw! Bakit ko nanakawin ang kwintas e sa akin naman talaga ‘yan in the first place? Alam kong alam mong sa akin iyan dahil may nakakita na pinulot mo ‘yan nang mahulog ko sa tiangge, Evander. The picture inside the locket will also prove that it’s mine!”
May maliit na picture noong bata pa ako sa locket ng kwintas. I was probably three in that photograph but the resemblance to my older self is obvious if ever he won’t believe that the little girl is me!
“No, I will report you to the police—”
Nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya. Nanlumo ako at napalunok.
Hindi ako pwedeng makulong. Paano na lang ang pag-aaral ko? Kapag nag-apply ako sa kompanya ay may record na ako ng pagkakakulong. Malaking bahid iyon sa pangalan ko at baka walang tumanggap sa akin!
“W-wala namang ganyanan oh! Hindi naman ako masamang tao para ipakulong mo,” pagmamakaawa ko sa kanya.
“But you did a lot of bullshits to me. You’ve gotten too far this time. You fucking broke into my suite!”
Napatigagal ako dahil tumaas na ang boses niya.
“Hindi naman ako papasok sa suite mo kung hindi mo itinago ang kwintas ko. Ibalik mo lang sa akin iyon at hindi na ulit ako magpapakita sa ‘yo. Promise!” dagdag ko.
He just looked at me as if I said something stupid.
“What are you doing?” His eyes widened a fraction when I knelt in front of him.
“Gagawin ko ang lahat basta ibalik mo sa akin ang kwintas ko at huwag mo lang akong ipakulong. Kung kailangang gumulong ako sa putikan ay gagawin ko. Kahit ano pa ipagawa mo!”
I am desperate. Kailanman ay hindi ako nagmakaawa nang ganito.
Isinantabi ko na muna ang pagiging palaban ko. Wala akong pag-asang manalo sa kanya. Mayaman siya at kaya niyang ipakulong ako sa isang pitik lang. Ayaw kong mangyari iyon at gusto ko lang mabawi ang pinaka importanteng bagay sa akin!
“Pagbabayaran ko ang lahat ng ginawa ko sa ‘yo.” Tumingala ako sa kanya at kitang-kita ko ang dilim ng kanyang ekspresyon. Nagbigay ng kakaibang epekto sa akin ang kanyang tingin. “K-kung pera ang kailangan mo ay bigyan mo ako ng panahon. Uunti-untiin ko.”
Imposible akong makabayad sa kanya agad-agad. Bahala na. Hahanap ako ng paraan basta huwag niya lang akong ipakulong.
“Do you think I need your money?” he asked incredulously.
Alam kong barya lang sa kanya ang ibabayad ko. Wala siyang panahon para maghintay sa paunti-unti kong pagbayad.
“Gawin mo akong utusan kung ganoon! Kahit huwag mo na akong bayaran, ayos lang sa akin!” malapad akong ngumiti sa kanya pero mas lalong dumilim ang mga mata niya.
"And now, you want to make me an exploiter?" he asked, his voice laced with disbelief and irritation.
“H-hindi naman sa ganoon. Ano ba kasi ang dapat kong gawin para mapatawad mo ako at para ibalik mo sa akin ang kwintas ko?” nanghihina kong tanong at bumagsak ang tingin ko sa sahig.
Hindi pa ba sapat ang pagsibak mo sa akin?
Gusto kong isatinig iyon pero hindi ko na ginawa dahil baka mas lalo pa siyang magalit. Hindi ko na alam ang gagawin ko para makumbinsi siya.
Evander is as hard as stone and as cold as ice. Kung alam ko lang na ito ang mangyayari ay sana hindi ko na lang hinabol ang lalaking bumangga sa akin sa tiangge. Sana ay hindi ko siya napagkamalan at pinahiya. Sana ay may trabaho pa ako. Sana ay hindi ko naiwala ang pinaka importanteng bagay na tanging naiwan sa akin ng mga magulang ko.
Hindi ko namalayan na nag-uunahan na pala sa pagtulo ang mga luha ko. Agad ko iyong pinalis at muling tumingin kay Evander na ngayon ay hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. Umigting ang panga niya.
“S-sorry. Ipakulong mo na lang ako...” mahina kong sambit bilang pagsuko.
Nag-iwas siya ng tingin at parang galit siya sa kung ano mang tinitingnan niya sa gilid.
“Stand up. Go home and come back here before eight in the morning,” malamig niyang sinabi nang hindi pa rin ako tinitingnan.
Tumango ako at tumayo na. “Bukas na lang daw ba pupunta ang mga pulis? Mas maigi ngang dito na lang ako hulihin dahil hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa Tita ko kapag sa bahay—”
“I won’t send you to jail,” pagputol niya na nagpanganga sa akin.
“Huh?”
Ngayon ay binalingan na niya ako. Kumabog ang dibdib ko habang nakatingin sa mala tsokolate niyang mga mata.
“You will become my assistant while I’m here in Buenavista.”
Gusto niya akong maging assistant? Tulala ako habang naglalakad. Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na namalayan na nasa tapat na pala ako ng bahay namin. “Madam, anyare sa ‘yo?! May masama bang ginawa sa ‘yo ang lalaking iyon? Nilapastangan ka ba? Nabawi mo ba ang kwintas mo? Ano, ha? Sagot!” “Anak ng pating ka naman, Ernie!” Napatalon ako sa gulat nang bigla na lang sumulpot si Ernie sa kung saan. “Sandali nga, nalalamog ako!” Para ba akong alkansya na dinudukutan niya ng barya kung makaalog siya sa akin. “Pero anyare nga sa ‘yo?” “Pumunta ako sa Aldridge para bawiin iyong kwintas ko.” “Gaga ka! Pumunta ka talaga roon? Nilooban mo si pogi?” hindi makapaniwala niyang tanong. “Oo, kaso di ko nabawi iyong kwintas ko. Nahuli niya ako e,” simple kong sinabi na nagpalaglag ng panga niya. “Gaga ka e di dinagdagan mo lang atraso mo sa kanya! Nilooban mo e di ipapapulis ka na talaga no’n! May utak ka naman pero padalos-dalos ka rin talaga minsan!” namomroblema niyang sinabi. Ngumisi
“You are having dinner with before you go home,” pag-uulit ni Evander dahil natameme na ako. Gusto niyang mag-dinner kaming dalawa? Sabay kaming kakain? “Seryoso ka ba, Sir?” tanong ko. Baka jino-joke time niya lang ako e. Baka mamaya niyan ay magpapa-asikaso lang siya sa akin. Tagasalin ng inumin o baka tagasubo. Char. Malay ko ba kung anong binabalak niya. "You've worked hard today and traveled to the city for hours. You haven't eaten yet. I'm not a ruthless boss who would deprive you of a meal," he simply said. Napanguso ako. Five-star hotel and resort ang Aldridge kaya ang mamahal ng mga nasa menu. “What are you waiting for?” naiinip na tanong ni Evander. “Ikaw na lang. Sa bahay na lang ako kakain. Di ko afford pagkain dito sa Aldridge, Sir.” Napangiwi ako. “It’s all on me. It’s fine.” Nanlaki ang mga mata ko. Eh? Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata nang maigi, naghahanap ng senyales na baka nagbibiro lang talaga siya. Evander gasped and irritation is starting to sho
“I’ll drive you home,” sambit ni Evander pagkatapos naming kumain na nagpagulat sa akin. “Huwag na, Sir! Masyado na akong nakakaabala. Magta-tricycle na lang ako.” Sa katunayan ay nilalakad ko lang naman talaga ang hotel at bahay dahil bukod sa nagtitipid ako, malapit lang din naman talaga. Pero dahil gabi na at pagod na ako ay magta-tricycle na ako. “Sinong nagsabing naabala mo ako?” His brows furrowed. “It’s already dark. I don’t think you will immediately get home. Wala nang masyadong tricycle na dumadaan sa ganitong oras.” “May trabaho ka pa, Sir. Kaya ko naman umuwing mag-isa…” tanggi ko. “I’m already done with my work today. Besides, there’s no guarantee that you will get home safely. Huwag ka nang umangal,” matiim niyang sinabi. Napakamot ako sa pisngi ko at napahugot ng hininga. “O-okay.” Tumango ako dahil mukhang hindi niya ako tatantanan. Nauna na siyang maglakad papunta sa parking lot ng resort. Tahimik lang ulit akong nakasunod sa kanya. Binuksan niya ang pinto ng
Katulad na nga ng sinabi ko ay pabago-bago ang ugali ni Evander at kung kailan lang niya ako papansinin.Hahayaan ko na lang sana siya pero napansin ko kasing kakaiba na ito. Kung noon ay masungit na siya, naging times three na ngayon.Pagkatapos niya akong utusan ay hindi na niya ako pinalagi sa kanyang opisina. Wala na muna raw siyang iuutos kaya sa locker room ng mga empleyado na muna raw ako at tatawagin na lang kapag mayroon na.Mabuti na rin dahil mapapanisan ako ng laway sa kanya. Nakipag-chismisan na lang ako kina Jepoy at mga dating kasamahan na housekeeper tuwing bakanteng oras nila.Inintriga nila ako sa mga nangyari. Kung bakit daw ako nasibak at kung bakit ibinalik lang din. Sinabi ko sa kanila ang totoo, maliban sa pumunta ako sa suite niya para bawiin ang kwintas ko. Naglaglagan ang mga panga nila.Naiinggit pa ang iba dahil ang swerte ko raw dahil palagi kong nasisilayan si Evander. Umirap ako. Sino matutuwang silayan ang ganoon kasungit na lalaki? Oo, gwapo siya at hal
Linggo at day-off ko ngayon. Gaya ng araw-araw na ginagawa sa umaga ay namulot ako ng mga basura sa dalampasigan at pagkatapos ay naglinis sa bahay. Pati sina Tita Melinda at Jaime ay pahinga rin sa pagtitinda ng isda sa araw na ito. Nang bandang hapon na ay naglagi ako sa sala at nagbasa ng reviewer. Syempre ay may entrance exam sa college kaya kailangan kong paghandaan. Pati na rin sa mga aapplyan kong scholarships ay may exam din. Huminto pa naman ako ng isang taon kaya hindi na fresh sa utak ko ang mga napag-aralan noon. Refresher lang. Nandito rin si Jaime at pa chill-chill lang na nanonood ng TV. Nakapatong pa ang mga braso sa sandalan ng sofa na parang hari habang nanonood ng NBA. “Hindi ka ba mag-aaral, Jaime? Balita ko kay Arman ay mahirap daw ang entrance exam sa engineering ng BSC,” sabi ko sa kanya pagkatapos isarado ang libro. Si Arman ay ang dati naming kaklase na kumukuha na ng course na iyon sa BSC. Top performing school din kasi ang Buenavista State College lalo n
“Ayaw ko na sa kanya!” Tinapik-tapik ko ang balikat ni Ernie habang inaakbayan. Tumungga siya ng beer at marahas na inilapag ang bote sa lamesa. “Ang sakit-sakit na makita ang mahal mo na may ibang kasama! Bwisit na puso ‘to!” umiiyak niyang sambit. “Noong isang araw lang ay crush mo lang ‘yong Eric ah?” sabi ko. It was only less than five days ago when he mentioned Eric as a mere crush. “Iyon din ang akala ko pero hindi ko lang pala siya basta crush. Hindi naman ako ganito nasaktan kapag nakikita ko ‘yong mga dati kong crush kapag may kasamang babae. Hindi naman ako nagselos nang ganito…ngayon lang kay Eric…” He openly admitted, his voice showing a mix of emotions. Listening to Ernie's words, I understood just how deeply he felt and how much pain he was experiencing. “Natural lang naman ang magselos at masaktan kapag nagmamahal. Nakausap mo na ba si Eric tungkol sa nararamdaman mo para sa kanya?” tanong ko kay Ernie. Umiling siya. “Para saan pa? Hinding-hindi ako aamin sa kanya
Nagising ako na may masakit na ulo.Ilang sandali muna akong nahiga sa kama, inaalala ang nangyari kagabi.Ayaw mong maging crush ko. Ikaw na lang mag-crush sa akin! Oh, ano?Bigla akong napabangon.Shit.You will regret this tomorrow.AAAAAHHHHH!Sinabunutan ko ang sarili. Hayup ka, Lia, anong pinagsasabi mo kagabi, ha?!Kilala ko ang lalaking naghatid kagabi sa amin ni Ernie. Paano niya kami natagpuan ni Ernie kagabi?Impit akong napatili sa inis dahil tinawagan nga pala namin siya dahil sa laro namin. Mas lalo ko lang sinabunutan ang sarili nang unti-unting naalala ang ibang sinabi ko kay Evander kagabi.Sinabi ko sa kanya na kamukha niya ang crush ko! Hindi ko naman siguro sinabi kung sino iyong crush ko, ‘di ba?Kinakaltukan ko ang ulo ko nang may kumatok sa pinto. Bumangon na ako para pagbuksan iyon. Bumungad sa akin si Jaime na mukhang badtrip.“Umagang-umaga naka busangot ka diyan?” tanong ko at lumabas na sa kwarto para mag-almusal.Mabuti na lang ay sakto lang ang paggising
Hindi ulit pumasok si Evander kinabukasan.Dapat ay panatag na ang loob ko dahil nasiguro ko namang hindi naman siya napahamak ngunit hindi. Nalulumbay ako. Siguro dahil hindi lang ako sanay na walang ginagawa.Pagkatapos ko kasing maglinis ay tambay na lang ako buong araw. Kung pwede nga lang na maglinis na lang ako ng mga suite kahit na hindi naman na ako housekeeper para may magawa lang na trabaho. Hindi naman kasi ako pwedeng umuwi na lang porke wala si Evander.“Ano kaya ang dahilan bakit wala pa rin si Sir Evander?” tanong ni Mabel.“Oo nga. Baka may importanteng pinuntahan? Alam mo na, mga business meeting. Di ba ganon naman talaga?” si Roda.“Totoo ba ‘yong sinabi ni Roda, Lia?” tanong sa akin ni Tonet.“Hindi ko alam. Wala naman sa schedule niya…”Wala siyang business meeting na pinuntahan. Alam ko, malamang assistant niya ako kaya alam ko ang mga gagawin niya. Maliban na lang kung emergency meeting iyon. Hindi naman pala kwento ang lalaking iyon para sabihan ako habang nagmam