Imposible…
Para akong napako sa kinatatayuan at hindi makapagsalita.
Ang akala ko ay hindi na muling magtatagpo ang landas namin ng lalaking ito. Ang akala ko ay turista siya at aalis lang din ng Buenavista makaraan nang ilang araw pero mali ako!
Palihim kong kinurot ang isa kong kamay kasi baka nalipasan lang ako ng gutom at nag-iilusyon lang pero naalala kong ang dami ko nga palang nilamon kanina.
The man's piercing gaze followed my hand, and he caught me in the act of pinching myself. He then looked back at me, causing my heart to race with a mixture of fear and anticipation.
‘’Oh well, too bad I'm real," he said in a deep, husky voice that sent tingles down my spine.
Shit. Ang lalaking ito ang bago naming general manager?!
Nang matauhan ay agad akong napayuko at nilagay sa unahan ng magkabilang balikat ang buhok ko para takpan ang mukha.
"A-ah, pasensiya na ho, Sir! Hindi n'yo na dapat ako naabutan dito kung hindi lang nahulog 'yong takip ng kemikal sa ilalim ng kama ninyo! Kasalanan ko po. Patawad at hindi na mauulit! Mauuna na po ako. Salamat!"
Ni hindi ko na siya muling tiningnan sa takot na makilala niya ako.
Nagmamadali kong itinulak ang trolley palabas at tumakbo papunta sa elevator dahil baka hinahabol na pala niya ako. Hinihingal akong napasandal at nang makitang wala namang nakasunod sa akin ay nakahinga ako nang maluwag.
Pero sinong niloko ko? General manager namin ang lalaking iyon! Empleyado ako sa resort na pinapamahalaan niya. Hindi na niya ako kailangang habulin dahil madali lang sa kanyang hanapin ako.
Lagot na talaga. Katapusan ko na!
Dalawang bagay lang ang kahahantungan ko: makulong o masibak sa trabaho…o baka parehas.
As I returned the trolley to the storage room, I sat on a bench in the locker room, staring blankly ahead. Sakto na kalalabas lang din ni Jepoy sa rest room na ngayon ay maginhawa na ang pakiramdam.
Bigla kong binatukan ang sarili ko kaya nagulat si Jepoy sa akin.
"Oh, anyare sa 'yo?"
"Jepoy naman e!" problemado kong sabi.
"Ano'ng ginawa ko sa 'yo?" nalilito niyang tanong.
"Ba't pa kasi ngayon ka pa natae? I mean, oo, wala namang kaso sa 'kin na umako nung trabaho mo kasi emergency at kaibigan naman kita pero ako naman nalagay sa panganib!"
"Ha? A-anong...may masamang nangyari ba, Lia? Saan? Doon sa suite ng bagong general manager? Pumalpak ka ba? Ano?" Nanlalaki ag mga mata niya.
Nalukot ang mukha ko napatango. Ikwinento ko kay Jepoy ang nangyari noon sa tiangge. Napanganga na lang si Jepoy pagkatapos kong magkwento, hindi makapaniwala.
"Ano na ang gagawin ko ngayon?" tanong ko na parang pinagsakluban ng langit ang lupa.
“Ang laking problema nga niyan. Ang akala ko ba ay wala siya sa suite? Patay din ako kapag nalaman pa niyang hindi naman talaga ikaw ang assigned housekeeper sa suite niya!” Pati si Jepoy ay namomroblema na rin.
Napabaling lahat ng atensyon ng mga empleyado na narito sa locker room nang bumukas ang pintuan at nagsalita ang isa rin sa mga katrabaho namin.
"Pumunta raw lahat ng empleyado sa lounge ngayon."
Nagbulung-bulungan ang mga kasamahan ko at isa lang ang topic nila. Ipapakilala na ang bago naming general manager.
Nagkatinginan kami ni Jepoy.
"Wala na. Katapusan ko na, Jepoy!"
"Madami naman tayo kaya sa likod tayo pupwesto. O kaya magtago ka sa likod ko!"
"Bilisan n'yo na dahil nandoon na sa lounge sina Sir Ryan at ang general manager," sabi ng empleyado na nag-announce kanina.
Tumango si Jepoy sa akin at sumama na kaming bumaba sa mga kasamahan. Pagkarating sa lounge ay humalo kami sa mga kasamahan naming housekeeper at tulad ng sabi ni Jepoy ay sa pinakalikod kami.
Sumilip ako sa general manager na nasa unahan kausap ang executive assistant manager naming si Sir Ryan na nasa forties na.
Nagsinghapan at tumili nang palihim ang mga kababaihan pagkakita sa lalaki. I admit he's indeed drop dead gorgeous. Hindi nga ako makapaniwala na hotelier siya dahil bagay din siyang maging modelo o kaya ay artista.
Hindi nagtagal ang titig ko sa kanya sa takot na makita niya ako kaya yumuko ako at nilagay sa magkabilang balikat ang buhok para matakpan ang mukha.
"Everyone. I know it has already reached out to you that we now have our new general manager. Actually, Sir Mike was re-assigned to the branch where our new general manager was managing." Tumingin si Sir Ryan sa lalaki. "He is the heir of Aldridge Hotels and Resort, the firstborn of the CEO Everest Aldridge. In the future, he will be taking over his father's post. Now, I introduce you our new general manager, Sir Evander Aldridge!"
Hindi lang pala siya general manager kundi may-ari rin ng kompanya!
Anong kamalasan ba itong nangyayari sa pesteng buhay ko? Wala naman akong balat sa pwet ah.
Nagpalakpakan ang mga empleyado. Pumalakpak din ako nang mahina kahit na parang binubundol ng bulldozer ang dibdib ko.
"It's actually not the first time for me to be in the resort or to be in Buenavista. This is actually our family's hometown, and this hotel and resort are the very first that my grandfather founded. With his dedication, leadership, and expertise in the industry, the business was able to grow and became one of the largest and most luxurious hotel chains globally,” kalmado niyang sinabi pero makikitaan pa rin ng awtoridad. Lalaking-lalaki talaga ang boses niya.
Alam kong malaking kompanya ng hotel chains at pang alta ang Aldridge dahil minsan nang na-discuss sa amin noong senior high ang mga malalaking kompanya rito sa bansa, pero hindi pa rin ako makapaniwala na pati pala sa iba't-ibang bansa ay mayroon ding mga hotel ang kompanya!
"I know you're curious why I am here, working as a general manager instead of being in the company's building as an executive. My father did the same thing. He worked where he could first-handily understand the people's interest and opinions about hospitality management to gain more knowledge through experience, to be able to adapt and create strategic plans for the company to be better. His experience was worthy for he was able to make the company even more successful. I ought to follow his path as the future leader of the company," he continued.
"You have been working hard to make this branch maintain its success and further improve together with your former general manager, Mike. You have worked well together, and we will continue to do so as your new general manager,” pagtatapos niya at nagpalakpakan ang mga empleyado.
It was apparent in his speech that he is passionate about his job, and he is determined to follow in his father's footsteps. Mukha nga siyang seryoso sa buhay.
Hindi ko maipagkakaila na complete package siya kaya napapalakpak na rin ako. Kahinaan ko lang talaga ang matalino, madiskarte, iyong ginagawa ang lahat para makamtan ang pangarap, matangkad, mabango, at gwapo. Yummy siya for me—teka ano ba tong pinagsasabi ko?
May atraso ka sa kanya kaya huwag kang malandi riyan, Lauren Cordelia Arranza!
Pero halatang magaling talaga siyang mamahala. Malamang ayaw niya sa mga pumapalpak na empleyado, lalong-lalo na sa may atraso sa kanyang tulad ko.
Ipinakilala ni Sir Ryan ang mga supervisors ng iba’t-ibang departments, sunod ay sila naman ang nag introduce sa kanya-kanyang nahahandle-an at kung ilan kami sa department.
Nakahinga ako nang maluwag nang dinismiss na kami at pinabalik sa mga trabaho, ngunit hindi pa rin naman nawawala ang kaba.
Hindi ba ako nakita ni Sir Evander? Pero mabuti na lang din ay natapos nang hindi niya ako pinapahiya sa harap ng mga empleyado.
"Good morning, Ma'am Editha!" sabay-sabay na bati ng mga kasamahan ko. Nasa locker room pa rin ako. Wala pang sampung minuto nang bumalik kami.
May hinala na ako kung ano ang ipinunta niya rito.
“Sumama ka sa akin, Lia,” malumanay na sabi sa akin ni Ma’am Editha at marahang umiling.
Napabuntong hininga ako at sumunod sa kanya.
Inaasahan ko nang masisibak na ako sa anomang oras. Nakakapanghinayang at nag-aalala ako sa mangyayari sa akin.
Ano na lang ang sasabihin ko kay Tita Melinda? Nasayang lang ang panahon para makapag-ipon ako para sa kolehiyo.
Alam kong pag-aaralin pa rin naman niya ako pero baka sa BSC na public na at ibang course na ang kunin ko dahil masakit sa bulsa kapag sa Marinae pa ako. Gusto rin naman ni Tita na kunin ko ang dream course ko kaya baka payagin din niya ako sa private. Kaya nga nagtrabaho ako para makabawas na sa gagastusin niya ang maiipon ko. Kung matatanggal na ako ay hindi na ako tutuloy sa Marinae kaysa pahirapan ko pa ang Tita ko sa gastusin. Mag-isa lang kasi siyang nagpapaaral sa akin.
“Maraming salamat po, Ma’am.” Malungkot akong ngumiti kay Ma’am Editha pagkahatid niya sa akin sa opisina. Naging mabait kasi siya sa akin. Actually kaibigan siya ni mama. Siya ang nagpasok sa akin dito.
“Hay naku, kung may magagawa lamang ako,” Lumamlam ang mga mata niya at alam kong alam na niya ang nangyari. “Iiwan na kita rito at pumasok ka na.”
Tumango ako at umalis na si Ma’am Editha
Tumingin muna ako sa pintuan ng opisina ng aming bagong general manager. Huminga ako nang malalim bago kumatok.
Walang nagsalita nang kumatok ako ngunit pinihit ko na ang doorknob at saka dahan-dahang pumasok.
Nanlaki ang mga mata ko nang makitang naroon din si Jepoy. Nakatayo siya sa harapan ng lamesa ni Sir Evander at bakas ang kaba sa mukha niya.
Tumabi ako sa kay Jepoy at binati ang aming boss na abala sa laptop niya.
“G-good morning, Sir.” Ang lakas ng kabog ng puso ko.
Hindi niya ako pinansin.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Jepoy na para bang nag-uusap kaming dalawa gamit ang mga mata, takot na magsalita sa harap ng lalaki dahil baka maistorbo namin at mas lalo pa kaming managot.
Sumeryoso si Jepoy nang binitiwan na ni Sir Evander ang hawak na papeles. Yumuko kaming dalawa, takot na makipagtitigan sa kanya.
“I learned from your supervisor that she has assigned a personal housekeeper to my suite and office, and it’s you who she has assigned, Jepoy, right?” Binalingan niya si Jepoy.
“T-tama po kayo, Sir,” sagot ng kaibigan ko.
“Your supervisor said that you are very efficient and is skilled in your job, is it correct?”
“Yes, Sir…”
“Then where did you go this morning, and why did I find her in my suite cleaning instead of you?”
Napalunok ako at ngumiwi, hindi pa rin makatingin. Pinagpapawisan na ako nang malapot.
“P-pasensiya na po, Sir. Kaibigan ko po si Lia at kasamahan ko rin po siyang housekeeper. Nagkataon pong sumama ang tiyan ko kanina at hindi ko na po nakayanan kaya nakiusap po ako sa kanya na siya na munang gumawa ng trabaho ko. Hindi ko naman po ginustong mangyari iyon…”
Ayaw ko sanang sumabat pero kailangan kong ipagtanggol si Jepoy.
Nakayuko at ayaw pa ring ipakita ang mukha na nagsalita ako, “tama po ang sinabi ni Jepoy, Sir. Maasahan at magaling po siya sa kanyang trabaho at kailanman ay hindi pa po siya pumalpak. Kung hindi ko po siya tinulungan ay baka po hindi niya makayanan at—”
“Shut up. I’m not talking to you yet,” he said sharply.
Para akong kuting na bumalik sa sulok dahil biglang natakot.
Ano ba ang dapat kong gawin? Just like what I have expected, this man is scary. Hinihintay ko na lang namang pagsalitaan niya ako ng masama bago niya ako sibakin ngunit hindi ako mapanatag dahil damay si Jepoy!
Ayos lang na ako lang, ngunit huwag na ang kaibigan ko na tanging inaasahan ng pamilya niya!
“You could have just go the suite and clean after that…I could understand. But I don’t tolerate what you did, you letting this woman get inside my suite when she shouldn’t be.”
Kung magsalita siya ay para akong isang masamang tao na may gagawing hindi maganda sa suite niya.
“Ang akala ko po kasi ay kailangang sundin ang oras kung kailan ka nagpapalinis, Sir. Ang akala ko po kasi ay kapag hindi ko iyon nagawa sa nakatakdang oras ay mapapagalitan ako…mali po ako sa ginawa ko at patawad po. Pero maaasahan din naman po si Lia kaya sa kanya ko ipinasa ang trabaho ko,” namomroblemang paliwanag ni Jepoy. “Alam ko pong hindi siya gagawa ng bagay na ikasisira niya.”
“Really?” he scoffed then looked at me.
Napapikit ako nang mariin at mas lalo pang yumuko para hindi niya makita ang mukha ko.
Galit ba siya sa akin dahil sa ginawa namin ni Jepoy o dahil sa ginawa ko sa kanya sa tiangge? Nakikilala ba niya ako? Malamang! Hindi niya makakalimutan ang mukha ng babaeng namahiya sa kanya!
Shit talaga!
At ano pa ba ang silbi ng pagtago ng mukha ko? Nakita na rin naman niya ang mukha ko noong naabutan niya ako sa suite niya.
Basta ayaw ko lang tumingin sa kanya. Hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya dahil para akong kinukuryente.
Magsalita na ba ako? Para magpaliwanag at ipagtanggol si Jepoy man lang? Kaso hindi naman ba niya ako pagagalitan lalo? Pero pag hindi ako nagsalita ay hindi lang ako ang mawawalan ng trabaho kundi si Jepoy din!
“Leave. I am going to assign a new personal housekeeper. I will decide what I will do to you after I talk to Editha.” Then he looked at me. “Especially you.”
Nanlaki ang mga mata ni Jepoy pagkarinig niyon at napayuko pagkatapos, bakas ang lungkot sa mga mata.
“P-pe—” magpropotesta pa sana ako nang hilahin na ni Jepoy ang braso ko at umiling siya sa akin.
“Tara na, Lia!” bulong niya. “Aalis na po kami, Sir. Salamat.”
Hindi na kami binalingan ni Sir Evander dahil nagpatuloy na siya sa ginagawa sa laptop.
Lumabas kaming dalawa sa opisina at doon na naglabas ng saloobin si Jepoy.
“Kung alam ko lang na ito ang mangyayari ay hindi ko na sana ipinasa ang trabaho ko sa ‘yo, Lia. Pasensiya na, nadamay ka pa. Tsaka paano na lang ang pag-iipon mo para sa kolehiyo?”
Napabuntong-hininga ako at nginitian siya nang malungkot. “Ayos lang ako, Jepoy. Sa ‘yo ako mas nag-aalala, sa mangyayari sa inyo ng pamilya mo kapag tinanggal niya tayo sa trabaho. At saka ako dapat ang sisihin mo dahil ako ang may kasanalan sa kanya. Siguradong dahil sa ginawa ko sa kanya noon kaya niya tayo napag-initan. Ikaw ang nadamay sa kagagawan ko.”
“Siguro ay mangingisda na lang ulit ako. Mas kakaunti ang kita kumpara sa pagtatrabaho ko rito sa resort pero ayos na rin, basta may makain kami sa bahay.”
I felt a twinge of guilt. I know that it’s gonna be hard for Jepoy to lose his job.
Hindi ako makakapayag na mangyari iyon kay Jepoy.
Naiintindihan ko namang mahalaga ang suite ni Evander at may mga importanteng gamit kaya ayaw niyang ipagalaw sa iba. Talaga bang ganoon na lang? Isang beses lang namang nangayari ang kapalpakan namin ni Jepoy pero gusto na agad niya kaming tanggalin?
Nagawa ko naman nang maayos ang trabaho. Wala naman akong ginawang masama sa suite niya ah.
Tiningnan ko si Jepoy. “Dito ka lang. Kakausapin ko si Sir Evander.”
I took a deep breath and straightened my shoulders. I knew what I had to do. I couldn't let Jepoy and his family suffer because of my mistake.
“Teka, Lia, ano’ng gagawin mo?” Bago pa ako mapigilan ni Jepoy ay naisarado ko na ang pintuan.
I stepped inside the office and my heart is beating fast with determination. I found Evander still seated behind his large wooden desk, his eyes fixed on his computer screen, as if he doesn’t care about me barging into his office.
“Sir, hindi na ako magmamakaawa sa ‘yong huwag akong sibakin sa trabaho dahil alam ko naman na ang mangyayari sa akin. Pero isang bagay lang ang ipapakiusap ko sa iyo…”
Kung kanina ay nakayuko ako at hindi siya matingnan nang diretso, ngayon ay buong tapang ko siyang hinarap. Wala na rin namang saysay ang pagtatago ko.
He still didn’t even throw a look at me.
“Hindi n’yo namang pwedeng sibakin kaming dalawa nang dahil lang inako ko ag trabaho ni Jepoy. Naipaliwanag naman namin ang nangyari. Wala naman akong ginawang masama sa loob ng suite n’yo at maayos ko namang ginawa ang trabaho ko, ah,” sambit ko, “Nang dahil sa ginawa ko sa iyo roon sa tiangge kaya mo kami pinag-iinitan ‘di ba?”
He finally paid me heed. He paused from what he is doing on his computer. His brown eyes finally met mine. He raised a brow and leaned on his chair, finally giving me his attention.
Tila nalusaw ang tapang ko. Why does he have to look at me like that? Para bang katatawanan akong pinapanood niya.
Ano ba, Lia! Kailangan mong magmakaawa sa kanya kaya gawin mo ang lahat para makumbinsi mo siya!
“I’m sorry kung nagawa ko ‘yon sa ‘yo. Hindi ko naman sinasadya. Napagkamalan kita at inaamin ko na nagkamali ako. A-at—”
“I denied it, but did you believe me?” he cut me off.
Napakagat ko ang labi ko. “Nadala lang ako sa galit ko dahil sa nangyari sa bolang salamin ko. Kung galit ka sa akin at hindi mo ako mapapatawad ay ayos lang. May ipapakiusap lang ako sa iyo…” I took a deep breath. “Kung sisibakin mo kami, huwag mo nang idamay si Jepoy. Kahit ako na lang ang tanggalin mo. Nagkamali siya pero hindi naman ganoon kalala ang ginawa niya. Kung matatanggal siya dahil nadamay lang siya sa galit mo sa akin, please, huwag mo na siyang isama, Sir.”
My heart raced as I waited for his response. The decision was in his hands, and I could only hope that he would show some mercy.
He chuckled, the sound dripping with condescension as if he found my words amusing or even ridiculous. His eyes narrowed, and a smirk played at the corners of his mouth, as if he was mocking me.
“Why are you begging for him? Playing the hero, huh? You like him?”
“Kaibigan ko po si Jepoy, Sir. Siya lang ang bumubuhay sa pamilya niya at may sakit ang nanay niya. Kawawa sila kapag nawalan ng trabaho ang kaibigan ko. Habambuhay akong magi-guilty kapag nakita kong mas lalo silang maghirap nang dahil sa akin,” I explained sincerely and looked down. “Ako na lang ang sibakin mo. Huwag na si Jepoy, Sir.”
“Alright then.”
Tumingala ako sa kanya.
“You’re fired.”
Wala na akong trabaho.Nagbunga ang pakiusap ko na huwag nang idamay si Jepoy sa galit niya sa akin. Umuwi na ako pagkatapos kausapin ni Ma’am Editha at may pinapirmahan siya sa aking termination paper. Binigyan din ako ng huling sweldo sa pinagtrabahuhan ko nang ilang araw.Tanggap ko naman na dahil malaki ang kasalanan ko sa kanya. Dapat pa nga akong magpasalamat dahil hindi niya ako pinakulong at pinagbayad sa ginawa ko sa kanya sa tiangge.Wala pa si Tita Melinda nang umuwi ako kasi hanggang hapon pa siya sa pagtitinda sa palengke. Tutulong na lang ako sa kanyang magkaliskis o kaya maging kahera niya ngayong wala na akong trabaho.Sa totoo lang ay ayaw niya akong patulungin sa pagtitinda ng isda. Mag-aral na lang daw ako. E kaso huminto nga ako at wala na ako sa Aldridge kaya ano’ng gagawin ko dito? Tutunganga hanggang sa sunod na pasukan?“Ate Ganda!”Natigil ako sa pagmumuni-muni rito sa kubo sa harapan ng dagat nang makita ang magandang batang babae na tumatakbo papunta sa akin
Para akong nalagutan ng hininga.Bwiset. Akala ko ba ay naliligo na siya?!Ang akala ko ay nakatapis lang siya ng tuwalya pero hindi. Nakasuot lang siya ng plain black shirt at cargo shorts. Di naman ata siya naligo e kasi di naman basa ang buhok niya pero ang gwapo-gwapo at ang bango-bango niya.Anong ibig sabihin nung pagkuha niya ng damit sa closet at paglagaslas ng tubig kanina sa bathroom? Eme-eme lang?“Lauren Cordelia Arranza,” mariin niyang pagtawag sa akin.Kahit na hindi pa naman ako humaharap sa kanya ay alam niya agad kung sino ako. Hindi na ako nagulat na alam niya ang buo kong pangalan dahil malamang nalaman na niya iyon kaninang umaga.Pero paano niya nakilalang ako itong nanloob sa suite niya? Ang dilim kaya at tanging lamp shade lang naman ang ilaw rito sa kwarto niya!Hindi ko siya pinansin at binuksan pa rin ang pintuan ng kanyang kwarto. Tumayo ako at mabilis na tumakbo.Hindi ako si Lauren Cordelia Arranza. Nag-ha-hallucinate ka lang. Multo ang babaeng nakita mo,
Gusto niya akong maging assistant? Tulala ako habang naglalakad. Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na namalayan na nasa tapat na pala ako ng bahay namin. “Madam, anyare sa ‘yo?! May masama bang ginawa sa ‘yo ang lalaking iyon? Nilapastangan ka ba? Nabawi mo ba ang kwintas mo? Ano, ha? Sagot!” “Anak ng pating ka naman, Ernie!” Napatalon ako sa gulat nang bigla na lang sumulpot si Ernie sa kung saan. “Sandali nga, nalalamog ako!” Para ba akong alkansya na dinudukutan niya ng barya kung makaalog siya sa akin. “Pero anyare nga sa ‘yo?” “Pumunta ako sa Aldridge para bawiin iyong kwintas ko.” “Gaga ka! Pumunta ka talaga roon? Nilooban mo si pogi?” hindi makapaniwala niyang tanong. “Oo, kaso di ko nabawi iyong kwintas ko. Nahuli niya ako e,” simple kong sinabi na nagpalaglag ng panga niya. “Gaga ka e di dinagdagan mo lang atraso mo sa kanya! Nilooban mo e di ipapapulis ka na talaga no’n! May utak ka naman pero padalos-dalos ka rin talaga minsan!” namomroblema niyang sinabi. Ngumisi
“You are having dinner with before you go home,” pag-uulit ni Evander dahil natameme na ako. Gusto niyang mag-dinner kaming dalawa? Sabay kaming kakain? “Seryoso ka ba, Sir?” tanong ko. Baka jino-joke time niya lang ako e. Baka mamaya niyan ay magpapa-asikaso lang siya sa akin. Tagasalin ng inumin o baka tagasubo. Char. Malay ko ba kung anong binabalak niya. "You've worked hard today and traveled to the city for hours. You haven't eaten yet. I'm not a ruthless boss who would deprive you of a meal," he simply said. Napanguso ako. Five-star hotel and resort ang Aldridge kaya ang mamahal ng mga nasa menu. “What are you waiting for?” naiinip na tanong ni Evander. “Ikaw na lang. Sa bahay na lang ako kakain. Di ko afford pagkain dito sa Aldridge, Sir.” Napangiwi ako. “It’s all on me. It’s fine.” Nanlaki ang mga mata ko. Eh? Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata nang maigi, naghahanap ng senyales na baka nagbibiro lang talaga siya. Evander gasped and irritation is starting to sho
“I’ll drive you home,” sambit ni Evander pagkatapos naming kumain na nagpagulat sa akin. “Huwag na, Sir! Masyado na akong nakakaabala. Magta-tricycle na lang ako.” Sa katunayan ay nilalakad ko lang naman talaga ang hotel at bahay dahil bukod sa nagtitipid ako, malapit lang din naman talaga. Pero dahil gabi na at pagod na ako ay magta-tricycle na ako. “Sinong nagsabing naabala mo ako?” His brows furrowed. “It’s already dark. I don’t think you will immediately get home. Wala nang masyadong tricycle na dumadaan sa ganitong oras.” “May trabaho ka pa, Sir. Kaya ko naman umuwing mag-isa…” tanggi ko. “I’m already done with my work today. Besides, there’s no guarantee that you will get home safely. Huwag ka nang umangal,” matiim niyang sinabi. Napakamot ako sa pisngi ko at napahugot ng hininga. “O-okay.” Tumango ako dahil mukhang hindi niya ako tatantanan. Nauna na siyang maglakad papunta sa parking lot ng resort. Tahimik lang ulit akong nakasunod sa kanya. Binuksan niya ang pinto ng
Katulad na nga ng sinabi ko ay pabago-bago ang ugali ni Evander at kung kailan lang niya ako papansinin.Hahayaan ko na lang sana siya pero napansin ko kasing kakaiba na ito. Kung noon ay masungit na siya, naging times three na ngayon.Pagkatapos niya akong utusan ay hindi na niya ako pinalagi sa kanyang opisina. Wala na muna raw siyang iuutos kaya sa locker room ng mga empleyado na muna raw ako at tatawagin na lang kapag mayroon na.Mabuti na rin dahil mapapanisan ako ng laway sa kanya. Nakipag-chismisan na lang ako kina Jepoy at mga dating kasamahan na housekeeper tuwing bakanteng oras nila.Inintriga nila ako sa mga nangyari. Kung bakit daw ako nasibak at kung bakit ibinalik lang din. Sinabi ko sa kanila ang totoo, maliban sa pumunta ako sa suite niya para bawiin ang kwintas ko. Naglaglagan ang mga panga nila.Naiinggit pa ang iba dahil ang swerte ko raw dahil palagi kong nasisilayan si Evander. Umirap ako. Sino matutuwang silayan ang ganoon kasungit na lalaki? Oo, gwapo siya at hal
Linggo at day-off ko ngayon. Gaya ng araw-araw na ginagawa sa umaga ay namulot ako ng mga basura sa dalampasigan at pagkatapos ay naglinis sa bahay. Pati sina Tita Melinda at Jaime ay pahinga rin sa pagtitinda ng isda sa araw na ito. Nang bandang hapon na ay naglagi ako sa sala at nagbasa ng reviewer. Syempre ay may entrance exam sa college kaya kailangan kong paghandaan. Pati na rin sa mga aapplyan kong scholarships ay may exam din. Huminto pa naman ako ng isang taon kaya hindi na fresh sa utak ko ang mga napag-aralan noon. Refresher lang. Nandito rin si Jaime at pa chill-chill lang na nanonood ng TV. Nakapatong pa ang mga braso sa sandalan ng sofa na parang hari habang nanonood ng NBA. “Hindi ka ba mag-aaral, Jaime? Balita ko kay Arman ay mahirap daw ang entrance exam sa engineering ng BSC,” sabi ko sa kanya pagkatapos isarado ang libro. Si Arman ay ang dati naming kaklase na kumukuha na ng course na iyon sa BSC. Top performing school din kasi ang Buenavista State College lalo n
“Ayaw ko na sa kanya!” Tinapik-tapik ko ang balikat ni Ernie habang inaakbayan. Tumungga siya ng beer at marahas na inilapag ang bote sa lamesa. “Ang sakit-sakit na makita ang mahal mo na may ibang kasama! Bwisit na puso ‘to!” umiiyak niyang sambit. “Noong isang araw lang ay crush mo lang ‘yong Eric ah?” sabi ko. It was only less than five days ago when he mentioned Eric as a mere crush. “Iyon din ang akala ko pero hindi ko lang pala siya basta crush. Hindi naman ako ganito nasaktan kapag nakikita ko ‘yong mga dati kong crush kapag may kasamang babae. Hindi naman ako nagselos nang ganito…ngayon lang kay Eric…” He openly admitted, his voice showing a mix of emotions. Listening to Ernie's words, I understood just how deeply he felt and how much pain he was experiencing. “Natural lang naman ang magselos at masaktan kapag nagmamahal. Nakausap mo na ba si Eric tungkol sa nararamdaman mo para sa kanya?” tanong ko kay Ernie. Umiling siya. “Para saan pa? Hinding-hindi ako aamin sa kanya