Hindi ko pa kayang bumalik sa tiangge dahil sariwa pa ang kahihiyang ginawa ko kahapon doon. Palilipasin ko muna ang ilang linggo bago ako muling gumala roon at kahit saan dahil baka mayamaya bigla na lang na may pumulupot na posas sa kamay ko kasi ipapakulong pala ako ng lalaking iyon.
Sigurado akong mayaman ang lalaking iyon. Halata naman sa hitsura at pananalita niya. Mamahalin din iyong brand ng phone niya. Iyong phone na binasag ko…Shit talaga! Sana lang ay wala namang karatula ng mukha ko na nakadikit sa kung saan-saan dahil wanted na pala ako!Baka turista lang iyong lalaking iyon. Kung dito iyon sa Buenavista nakatira ay dapat sikat na iyon katulad ng mga Carvajal. Ang ganong kagwapong mukha ay hindi puwedeng hindi maging talk of the town.Tama! Turista lang ang lalaking iyon! Siguro naman pagkaraan nang ilang linggo ay wala na siya rito kaya hindi na niya ako maipapakulong!Para akong baliw na tumawa sa kwarto ko.Umalis na ang aking Tita Melinda at pumunta na sa palengke para magtinda ng isda. Habang nag-aayos ako sa harap ng rectangle na salamin ay natigilan ako.Nawawala ang kwintas ko!I quickly flipped over the pillows and blankets on the bed but I found nothing! Sa CR, sa sala, sa kusina, sa pintuan, sa daan papunta sa bahay. Sinuyod ko na lahat pero pareho lang ang resulta!Nanghihina akong napaupo sa aking kama. Bigay iyon sa akin ng mama ko!Naiiyak na ako. Iyon ang pinaka importanteng bagay sa akin. Inalagaan ko iyong mabuti simula bata pa ako at dahil lang sa isang katangahan ay nawala na ito sa akin!Tinawagan ko si Ernie gamit ang lumang phone na bigay sa akin ni Tita Melinda.“Ernie!”“Bakit ka napatawag, Madam? Oh my gosh! Nasa presinto ka na ba?!” nag-aalalang tanong ng aking kaibigan.“Hindi! Nakita mo ba iyong kwintas ko? Hindi ko mahanap. Nilibot ko na ang buong bahay at labas na dinaanan natin kahapon pero wala!” Pabalik-balik ako ng lakad.“Hala ka, hindi ko nakita. Baka nakita ng Tita mo? Natanong mo na ba siya?”“Hindi pa at hindi ko siya tatanungin kasi pagagalitan lang niya ako! Pero mukhang hindi naman niya napulot. At saka kung nakita niya dapat ay ibinigay na niya iyon sa akin agad-agad!”“Kung wala sa Tita mo at wala riyan sa bakuran n’yo, hindi kaya…”Alam kong pareho kami ng naiisip kahit na hindi na niya tapusin ang sasabihin niya.“Hindi ako pwedeng bumalik sa tiangge. Alam mo naman kung bakit, Ernie!”“Okay, okay! Ako na ang maghahanap niyon doon para sa ‘yo. Mabuti na lang ay wala akong klase ngayong oras.”“Salamat… salamat…” Hindi ko na napigilan ang pagkabasag ng boses. May tumulo na ring luha sa mga mata ko at agad ko iyong pinahid gamit ang likod ng aking palad.“Tahan na. Update kita mayamaya, okay? Ipagdasal na lang natin na hindi iyon napulot ng kung sino dahil wala na tayong pag-asa niyan, Lia.” Despite Ernie's attempts to comfort me, the sadness in my voice was still audible.Tumango ako kahit na hindi naman kita ng kaibigan ko. Hindi ko na kayang magsalita pa.“Iyong trabaho mo sa hotel baka makalimutan mo. Ako na ang bahala, okay?” paalala ni Ernie sa mahinahon na boses.Nanghihinang ibinaba ko ang aking phone. May trabaho ako kaya kailangan ko nang magmadali kahit sirang-sira na ang araw ko. Mahalaga rin naman ang trabaho ko.Dapat ay maglalakad lang ako papunta sa resort dahil iyon naman ang ginagawa ko pero dahil mahuhuli na ako ay sumakay na ako sa tricycle.The Aldridge Hotel and Resort is the only five-star hotel in Buenavista, and this is just one of its branches. It is a private resort, so it is not like other resorts where there are many people. Of course, only rich tourists can afford to vacation here, especially since the activities and offerings here are high-end.Dumaan ang tricycle sa daan na para lamang sa mga empleyado ng resort. Kahit saang sulok ng resort ay maganda dahil pati ang mga tanim ay naka-landscape design.Pagkarating ko sa locker room ng mga empleyado ay naabutan ko ang tatlong mga empleyado na nagchi-chismisan. Lahat sila ay housekeeper na tulad ko at mas matanda sa akin nang ilang taon. Mukhang hindi lang basta-basta ang topic ng tatlo dahil seryoso sila sa pinag-uusapan.“Nakita mo ba kung ano ang hitsura?” si Tonet.“Hindi ko nakita pero si Josel, oo. Naikwento niya lang sa akin!” si Roda.“Lia, nandito ka na pala!” pansin sa akin ni Mabel.“Oh, bakit? Ano’ng mayroon?” I asked and went straight to my locker to put my stuff.“Hindi ba magkakaroon tayo ng bagong general manager?” sabi ni Tonet.“Uh, oo… Bakit?” naguguluhan kong tanong.“Ngayon na pala siya magsisimulang mamahala rito sa buong resort! Nakita raw ni Josel na kasama ni Sir Ryan na naglalakad-lakad kanina at nag-uusap,” sagot ni Roda.“Huh? Hindi ba si Sir Ryan na ang magiging general manager?” tanong ko.Sir Ryan is the Executive Assistant Manager of the resort, the second highest position in leadership, and the general manager is the highest. Mayroon kaming dating general manager pero na reassign siya sa ibang branch noong isang linggo.“Iyon nga rin ang akala ko pero ayon sa usap-usapan ay iyong na reassignan na branch ni Sir Mike, iyong dating general manager doon ay mapupunta naman dito. Nag switch ba!” paliwanag ni Mabel.“Hindi ko alam na ngayon na pala. Hindi man lang nagsabi si Sir Ryan,” anas ko.Tumango-tango si Mabel. “Iyon din ang akala ko! Pero hindi iyon ang pinaka pinagchichismisan!”“Ito kasi. Nakita kasi ni Josel iyong mukha. At alam n’yo kung anong sinabi niya?” Huminto muna si Roda dahil parang uod na binudburan ng asin sa pangingisay. “Bata pa raw at siguro hindi pa raw lalagpas ng twenty five ang edad. At hindi lang ‘yon, ang gwapo-gwapo raw!”Nalukot ang mukha ko sa kanya.“Bata pa? E ‘di baguhan? At saka paano kayo nakasisiguro na iyon ang bagong general manager natin? Baka guest o pamangkin ni Sir Ryan?”“Siguradong siya ‘yon. Hindi ‘yon pamangkin ni Sir Ryan dahil tinawag niyang ‘sir’. Hinatid pa nga raw niya sa opisina nito kaya siya talaga ‘yon!”Napatango-tango sina Tonet at Mabel kay Roda, kumbinsido sa rason. At pati ako ay ganoon rin. Walang duda kung hinatid na nga sa opisina nito.“Haaay! Excited na akong ipakilala siya sa atin ni Sir Ryan. Kapag sinabi ni Josel na gwapo ay paniguradong totoo ‘yon kasi sa mga Carvajal lang naman iyon nagwagwapuhan. Kung sana lang ay walang day off, araw-araw akong gaganahan pumasok sa trabaho!” nagpapantasyang sinabi ni Roda at naghagikhikan ang tatlo na akala mo mga hindi pa mga pamilyadong tao.TAPOS na akong maglinis sa isa sa mga assigned rooms ko.Habang tulak ang trolley na naglalaman ng cleaning materials ay nakasalubong ko ang mukhang natataeng si Jepoy na tulak-tulak din ang kanyang trolley.“Anyare sa ‘yo? Mukha kang natatae riyan, Jepoy.”Si Jepoy ay isang houskepeer din. Tama lang ang katawan at hindi naman payat. Kasingtangkad ko siya at isa sa mga malapit ko ritong kasamahan. Mas matanda siya sa akin nang dalawang taon at mas nauna siyang nagtrabaho sa akin dito.“Natatae talaga ako, Lia!” Hinimas ni Jepoy ang tiyan niya.“Oh, e di bilisan mo na dahil baka magkalat ka pa rito!”“E kasi kailangan kong maglinis ngayon. Kailangan na ako ngayon na habang wala pa si Sir! Pero kailangan ko ring pumunta sa CR ngayon. Masama ata ang nakain ko sa bahay.” Hindi pa rin siya mapakali. “At hindi kwarto ng guest iyon. Iyong kwarto ng bagong general manager ang lilinisin ko, Lia!”Siya kasi ang naka-assign sa kwarto ng dating general manager kaya walang duda na siya rin ang naka-assign sa bago. The housekeeping supervisor entrusted him with the general manager's room because he has been here at the hotel for several years and is highly skilled at his job.“Naku, paano ‘yan?” nag-aalalang tanong ni ko.“Kapag pumunta ako roon ay hindi ko na makakayanan. Kapag naman hindi ay paniguradong lagot ako. Ayaw kong masisante!” Nalukot ang mukha ni Jepoy. “Puwede bang ikaw na ang pumunta roon? Sige na, please, Lia,” pagmamakaawa niya.“Kahit na ibigay ko pa sa ‘yo ang sahod ko sa araw na ‘to at ilibre pa kita mamaya! Kaysa naman patalsikin ako, Lia,” dagdag pa niya.“Ayos lang. Sige na, sige na. Magmadali ka na at baka magkalat ka pa rito at baka iyon tuloy maging dahilan ng pagkasisante mo! Kahit walang kapalit ay ako na ang bahala.”Si Jepoy kasi ang bumubuhay sa pamilya niya kaya alam ko na mahirap para sa kanya kapag natanggal siya.“Salamat!”Nagpalitan na kami ng trolleys. Nagmamadali niyang itinulak iyong trolley na dala ko kanina paalis.I sighed and entered the elevator to the room of the new general manager. According to Jepoy, the general manager is currently not in his suite. It was the right time for cleaning. Dapat ay walang tao maliban na lang kung mag request ang guest na magpalinis kahit nandoon ito.Hindi naman siguro malalaman ng supervisor namin na sinalo ko ang trabaho ni Jepoy kasi wala namang tao sa suite.I stepped into the general manager's presidential suite and was immediately struck by how beautiful it looked. The Aldridge is a five-star hotel and resort, after all, and the suite lived up to its reputation. The interior was elegant and tastefully decorated, with a color scheme of white, gray, and black. It was obvious that a man stays there.What made the suite particularly impressive was that it didn't feel like a typical hotel room. It was more like a house, complete with a kitchen, living room, and even a private pool outside the sliding door.Binuksan ko ang mga bintana at sliding door papunta sa balcony ng suite para makalabas ang amoy ng mga kemikal na panlinis kapag ginamit ko na.Tinanggal ko ang bed linen at ipinasok sa laundry basket na nasa trolley. Inalis ang laman ng basurahan at alikabok mula sa kisame hanggang sa baba kasama na ang mga furniture. Nag vacuum. Pinalitan ang bed sheet at punda. Panghuli kong nilinisan ang banyo. Sa huli ay sinarado ulit ang mga bintana at ang sliding door.I sighed and wiped the sweat from my forehead with the towel on my shoulder. The presidential suite was always cleaned even if there was no occupant after the former general manager left, so the work wasn't too difficult for me. But of course, I made sure I did the job quickly and on time.“Ano ba ‘yan!” inis kong sambit nang mahulog ang takip ng cleaning chemical noong ibabalik ko na sana sa bote.Napakamot ako ng ulo at walang pagdadalawang-isip na gumapang sa ilalim ng kama.Nahirapan pa akong hanapin dahil madilim kaya kinapa ko pa ito. Naknang! Nasa pinakadulo pa talaga umabot ang takip kaya buong katawan ko na ang pumasok sa ilalim!Marahas akong bumuga ng hangin nang nakuha ko na sa wakas ang takip at nakalabas na sa ilalim.“What are you doing?”“Anak ng pating!” gulat kong anas dahil bigla na lang may nagsalita sa likod ko.Pero kumunot ang noo ko dahil parang pamilyar sa akin ang boses na iyon…hindi ko lang matandaan kung saan ko narinig.Unti-unti lang pumasok sa kukote ko na ang nagsalita ay posibleng ang bago naming general manager! Sino pa nga ba e ito ang umuukopa ng suite na ito!Naabutan pa talaga akong lumabas sa ilalim ng kama!Pero tinakpan ko ang kaba ng maligayang boses.“A-ah, good morning, Sir! Pasensiya na po pero tapos naman na ako. Nahulog lang iyong takip ng kemikal pero aalis na rin a—“Natigilan ako at namutla. Para akong naputulan ng dila nang makilala kung sino ang nagsalita sa likuran ko.Ang pinaghirapan kong pulutin na takip ay muling nahulog sa sahig. Nanlalaki ang mga mata ko na para bang nakakita ng multo.Imposible…Para akong napako sa kinatatayuan at hindi makapagsalita.Ang akala ko ay hindi na muling magtatagpo ang landas namin ng lalaking ito. Ang akala ko ay turista siya at aalis lang din ng Buenavista makaraan nang ilang araw pero mali ako!Palihim kong kinurot ang isa kong kamay kasi baka nalipasan lang ako ng gutom at nag-iilusyon lang pero naalala kong ang dami ko nga palang nilamon kanina.The man's piercing gaze followed my hand, and he caught me in the act of pinching myself. He then looked back at me, causing my heart to race with a mixture of fear and anticipation.‘’Oh well, too bad I'm real," he said in a deep, husky voice that sent tingles down my spine.Shit. Ang lalaking ito ang bago naming general manager?!Nang matauhan ay agad akong napayuko at nilagay sa unahan ng magkabilang balikat ang buhok ko para takpan ang mukha."A-ah, pasensiya na ho, Sir! Hindi n'yo na dapat ako naabutan dito kung hindi lang nahulog 'yong takip ng kemikal sa ilalim ng kama ninyo! Kasala
Wala na akong trabaho.Nagbunga ang pakiusap ko na huwag nang idamay si Jepoy sa galit niya sa akin. Umuwi na ako pagkatapos kausapin ni Ma’am Editha at may pinapirmahan siya sa aking termination paper. Binigyan din ako ng huling sweldo sa pinagtrabahuhan ko nang ilang araw.Tanggap ko naman na dahil malaki ang kasalanan ko sa kanya. Dapat pa nga akong magpasalamat dahil hindi niya ako pinakulong at pinagbayad sa ginawa ko sa kanya sa tiangge.Wala pa si Tita Melinda nang umuwi ako kasi hanggang hapon pa siya sa pagtitinda sa palengke. Tutulong na lang ako sa kanyang magkaliskis o kaya maging kahera niya ngayong wala na akong trabaho.Sa totoo lang ay ayaw niya akong patulungin sa pagtitinda ng isda. Mag-aral na lang daw ako. E kaso huminto nga ako at wala na ako sa Aldridge kaya ano’ng gagawin ko dito? Tutunganga hanggang sa sunod na pasukan?“Ate Ganda!”Natigil ako sa pagmumuni-muni rito sa kubo sa harapan ng dagat nang makita ang magandang batang babae na tumatakbo papunta sa akin
Para akong nalagutan ng hininga.Bwiset. Akala ko ba ay naliligo na siya?!Ang akala ko ay nakatapis lang siya ng tuwalya pero hindi. Nakasuot lang siya ng plain black shirt at cargo shorts. Di naman ata siya naligo e kasi di naman basa ang buhok niya pero ang gwapo-gwapo at ang bango-bango niya.Anong ibig sabihin nung pagkuha niya ng damit sa closet at paglagaslas ng tubig kanina sa bathroom? Eme-eme lang?“Lauren Cordelia Arranza,” mariin niyang pagtawag sa akin.Kahit na hindi pa naman ako humaharap sa kanya ay alam niya agad kung sino ako. Hindi na ako nagulat na alam niya ang buo kong pangalan dahil malamang nalaman na niya iyon kaninang umaga.Pero paano niya nakilalang ako itong nanloob sa suite niya? Ang dilim kaya at tanging lamp shade lang naman ang ilaw rito sa kwarto niya!Hindi ko siya pinansin at binuksan pa rin ang pintuan ng kanyang kwarto. Tumayo ako at mabilis na tumakbo.Hindi ako si Lauren Cordelia Arranza. Nag-ha-hallucinate ka lang. Multo ang babaeng nakita mo,
Gusto niya akong maging assistant? Tulala ako habang naglalakad. Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na namalayan na nasa tapat na pala ako ng bahay namin. “Madam, anyare sa ‘yo?! May masama bang ginawa sa ‘yo ang lalaking iyon? Nilapastangan ka ba? Nabawi mo ba ang kwintas mo? Ano, ha? Sagot!” “Anak ng pating ka naman, Ernie!” Napatalon ako sa gulat nang bigla na lang sumulpot si Ernie sa kung saan. “Sandali nga, nalalamog ako!” Para ba akong alkansya na dinudukutan niya ng barya kung makaalog siya sa akin. “Pero anyare nga sa ‘yo?” “Pumunta ako sa Aldridge para bawiin iyong kwintas ko.” “Gaga ka! Pumunta ka talaga roon? Nilooban mo si pogi?” hindi makapaniwala niyang tanong. “Oo, kaso di ko nabawi iyong kwintas ko. Nahuli niya ako e,” simple kong sinabi na nagpalaglag ng panga niya. “Gaga ka e di dinagdagan mo lang atraso mo sa kanya! Nilooban mo e di ipapapulis ka na talaga no’n! May utak ka naman pero padalos-dalos ka rin talaga minsan!” namomroblema niyang sinabi. Ngumisi
“You are having dinner with before you go home,” pag-uulit ni Evander dahil natameme na ako. Gusto niyang mag-dinner kaming dalawa? Sabay kaming kakain? “Seryoso ka ba, Sir?” tanong ko. Baka jino-joke time niya lang ako e. Baka mamaya niyan ay magpapa-asikaso lang siya sa akin. Tagasalin ng inumin o baka tagasubo. Char. Malay ko ba kung anong binabalak niya. "You've worked hard today and traveled to the city for hours. You haven't eaten yet. I'm not a ruthless boss who would deprive you of a meal," he simply said. Napanguso ako. Five-star hotel and resort ang Aldridge kaya ang mamahal ng mga nasa menu. “What are you waiting for?” naiinip na tanong ni Evander. “Ikaw na lang. Sa bahay na lang ako kakain. Di ko afford pagkain dito sa Aldridge, Sir.” Napangiwi ako. “It’s all on me. It’s fine.” Nanlaki ang mga mata ko. Eh? Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata nang maigi, naghahanap ng senyales na baka nagbibiro lang talaga siya. Evander gasped and irritation is starting to sho
“I’ll drive you home,” sambit ni Evander pagkatapos naming kumain na nagpagulat sa akin. “Huwag na, Sir! Masyado na akong nakakaabala. Magta-tricycle na lang ako.” Sa katunayan ay nilalakad ko lang naman talaga ang hotel at bahay dahil bukod sa nagtitipid ako, malapit lang din naman talaga. Pero dahil gabi na at pagod na ako ay magta-tricycle na ako. “Sinong nagsabing naabala mo ako?” His brows furrowed. “It’s already dark. I don’t think you will immediately get home. Wala nang masyadong tricycle na dumadaan sa ganitong oras.” “May trabaho ka pa, Sir. Kaya ko naman umuwing mag-isa…” tanggi ko. “I’m already done with my work today. Besides, there’s no guarantee that you will get home safely. Huwag ka nang umangal,” matiim niyang sinabi. Napakamot ako sa pisngi ko at napahugot ng hininga. “O-okay.” Tumango ako dahil mukhang hindi niya ako tatantanan. Nauna na siyang maglakad papunta sa parking lot ng resort. Tahimik lang ulit akong nakasunod sa kanya. Binuksan niya ang pinto ng
Katulad na nga ng sinabi ko ay pabago-bago ang ugali ni Evander at kung kailan lang niya ako papansinin.Hahayaan ko na lang sana siya pero napansin ko kasing kakaiba na ito. Kung noon ay masungit na siya, naging times three na ngayon.Pagkatapos niya akong utusan ay hindi na niya ako pinalagi sa kanyang opisina. Wala na muna raw siyang iuutos kaya sa locker room ng mga empleyado na muna raw ako at tatawagin na lang kapag mayroon na.Mabuti na rin dahil mapapanisan ako ng laway sa kanya. Nakipag-chismisan na lang ako kina Jepoy at mga dating kasamahan na housekeeper tuwing bakanteng oras nila.Inintriga nila ako sa mga nangyari. Kung bakit daw ako nasibak at kung bakit ibinalik lang din. Sinabi ko sa kanila ang totoo, maliban sa pumunta ako sa suite niya para bawiin ang kwintas ko. Naglaglagan ang mga panga nila.Naiinggit pa ang iba dahil ang swerte ko raw dahil palagi kong nasisilayan si Evander. Umirap ako. Sino matutuwang silayan ang ganoon kasungit na lalaki? Oo, gwapo siya at hal
Linggo at day-off ko ngayon. Gaya ng araw-araw na ginagawa sa umaga ay namulot ako ng mga basura sa dalampasigan at pagkatapos ay naglinis sa bahay. Pati sina Tita Melinda at Jaime ay pahinga rin sa pagtitinda ng isda sa araw na ito. Nang bandang hapon na ay naglagi ako sa sala at nagbasa ng reviewer. Syempre ay may entrance exam sa college kaya kailangan kong paghandaan. Pati na rin sa mga aapplyan kong scholarships ay may exam din. Huminto pa naman ako ng isang taon kaya hindi na fresh sa utak ko ang mga napag-aralan noon. Refresher lang. Nandito rin si Jaime at pa chill-chill lang na nanonood ng TV. Nakapatong pa ang mga braso sa sandalan ng sofa na parang hari habang nanonood ng NBA. “Hindi ka ba mag-aaral, Jaime? Balita ko kay Arman ay mahirap daw ang entrance exam sa engineering ng BSC,” sabi ko sa kanya pagkatapos isarado ang libro. Si Arman ay ang dati naming kaklase na kumukuha na ng course na iyon sa BSC. Top performing school din kasi ang Buenavista State College lalo n