I felt the cold water seep through my skin as I dipped my feet in. Dagdag pa na mahangin at maaga pa kaya damang-dama ko ang lamig. Hinihipan ng hangin ang aking buhok kaya sinikop ko iyon papunta sa balikat ko at saka pinulot ang mga sanga at plastic na nasa tubig na pakalat-kalat.
Papaangat na ang haring araw. Mula sa malayong parte ng dagat ay may iilang bangka ng mangingisda, ang iba ay papabalik na sa dalampasigan at ang iba ay magsisimula pa lang sa paglalakbay sa dagat para manghuli. This is the normal day to day in the town of Buenavista.Samantala, may sarili naman akong gawain sa tuwing umaga. May pasok man sa trabaho o wala ay namumulot ako ng mga basurang napapadpad sa dalampasigan. Mabuti ay palagi naman ritong nalilinisan kaya hindi naman umabot sa puntong nagmukhang Manila Bay dito. Mga ilang pirasong basura lang naman.“Lia, pasok na. Nakahanda na ang pagkain!” Narinig ko ang sigaw ni Tita Melinda na kalalabas lang ng bahay namin hindi kalayuan.“Opo, papasok na! Tapos na rin naman ako rito, Tita!” I yelled back.Para hindi mabasa, hawak ko ang laylayan ng aking mahabang pulang palda na kadalasan kong style pambahay. Papabalik na sana ako sa buhangin nang biglang may malaking alon ang humampas sa akin.“Bwisit! Kung kailan pabalik na e!”Tumawa na lang ako. Binitiwan ko na ang pagkakahawak sa palda dahil wala na rin namang saysay dahil basang-basa na ako. Umahon na ako sa tubig at lumapit na sa Tita Melinda kong naghihintay sa akin.“Ikaw talagang babaita ka hindi ka nag-iingat. Sige, isampay mo ‘yan agad pagkarating mo sa bahay para matuyo. Huwag na huwag mo ‘yang ilalagay sa laundry basket nang basa dahil kukurutin kita sa singit!”Umaktong mariin at gigil na gigil na kumukurot sa hangin si Tita Melinda. Humagikhik ako at umakto ring umiiwas.“Tita naman! Magtu-twenty na na ako. Matanda na ako pero pinagbabantaan mo pa rin akong kukurutin sa singit. Hinaan mo naman ang boses mo baka marinig ni Mang Boyet.” Tukoy ko sa mangingisdang inaayos iyong lambat niya hindi kalayuan sa amin.“Kahit naman lumapit pa tayo sa kanya ay di agad ako maririnig niyan kasi bingi ‘yan!” anas niya, “At ano naman kung matanda ka na? Sa sakit ng ulo na binibigay mo sa akin ay kulang pa ‘yang kurot sa singit!”Ito talaga si Tita in character sa pagiging palengkera. May puwesto kasi kami ng tindahan ng isda. Pero kahit na magtitinda ng isda at mala armalite ang bibig ng tita ko ay walang binatbat sa ganda niya iyong mga self-proclaimed mayaman dito sa barangay namin porke two-storey ang mga bahay at may pintura pero baon naman sa utang.Palagi siyang pinagchichismisan na kesyo malandi raw kasi ang daming manliligaw mapa mas bata man sa kanya, kaedad, o mas matanda.May isa pa ngang lagpas otsenta na ata na naka wheelchair na umakyat ng ligaw sa kanya last year kaso wala pa ngang isang linggo noong pumunta rito, ayon na-deds na. Hanep na matandang iyon. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.Wala rin namang balak si Tita na sagutin iyong matandang iyon. Mataas standards ng Tita ko kaya hanggang ngayon ay dalaga pa rin. Fresh na fresh.“Ang aga-aga nagsusungit ka na agad. Baka magka-wrinkles ka na niyan at mawala na iyong title mong ‘hot palengkera ng Buenavista’!” eksaherada kong sinabi ang huling pangungusap.Bumunghalit ako ng tawa at mabilis na lumayo kay Tita Melinda dahil alam ko na hahampasin niya ako.“Ako’y tigil-tigilan mo sa mga salitang ‘yan, Lia, ah. Isa ka pa. Hot, oo. Naiirita ako sa ‘palengkera’ kahit na palengkera ako. Hindi na ginawang ‘hot momma’ man lang!”“Itong si Tita oh! Paano ka magiging ‘hot momma’ e wala ka namang anak? Haler!”“Sabagay…” Tumango-tango siya pero agad ding nagbalik ang mala-dragong galit niyang mukha. “E ‘di ‘hot’ na lang sana! Magbibigay na lang ng title ang cheap pa!”Napakamot na lang ako sa pisngi.Bata siyang tingnan kahit forty na ang edad niya. But of course, it is still obvious that she is no longer in her twenties. Sa ganda niya ay di mo aakalain na hindi ito nakapag-asawa.Dahan-dahan akong naglakad sa likod ni Tita at ipinatong ko ang dalawang palad sa mga balikat niya.“Ang aga-aga ang sungit mo na naman. Dapat bawas-bawasan mo ‘yan. Paano ka magkaka asawa kung palagi kang ganyan? Para kang dragong palaging magbubuga ng apoy, e.” Minasahe ko siya.“Wala akong pakialam. Kahit magsungit ako ay maganda pa rin ako kaya sinong hindi magkakagusto sa akin? Kita mo naman sa mga pumipilang sumusubok manligaw, ‘di ba?” Mayabang niyang sinabi at tumango-tango ako. “At saka, wala rin namang kuwenta ‘yang sinabi mo. Ilang taon na tayo rito pero may nagustuhan ba ako? Wala naman kasing sobrang mayaman dito na gwapo na available pa! Hindi man lang nagtira sa akin kahit isa sa mga Carvajal!”Ang mga Carvajal ay hindi lamang isa sa mga pinakamayamang pamilya rito—tunay itong pinakamayaman dito sa Buenavista.Ang alam ko ay nagmamay-ari ng malalaking kompanya ang pamilya nila. Bawat isa ata sa kanila ay may kompanya. Kahit kumabit si Tita sa mga nakatatandang Carvajal ay wala rin siyang aasahan dahil mga loyal ito sa asawa. Nuncang papayag ding maging kabit ang Tita ko.“Kaya ikaw, galingan mong bumingwit ng isa sa kanila! Nawalan lang ako ng pag-asa dahil may mga asawa na ang mga nakatatandang Carvajal noong lumipat ako rito sa Buenavista pagkatapos mamatay nina Ate Lucinda at Kuya Robert para alagaan ka. Kung nakilala lang nila ako bago ang kanya-kanyang asawa ay hindi ko na kailangang magkaliskis ng malalansang isda sa palengke!”Napakatayog ng ambisyon ni Tita na yumaman. Ang sinasabi kong standards niya sa lalaking mapapangasawa ay mayaman, walang sabit, at gwapo.Hindi lang kasi naliligo sa ginto ang mga Carvajal. Noong nagpaulan yata si Lord ng kagandahan at kagwapuhan ay lahat sila nasa labas. Ang gandang lahi kaya rin pinupush ako ni Tita na lumandi sa kahit isa sa mga batang Carvajal. Kahit hindi na raw siya ang makapangasawa ng mayaman na gwapo, kahit ako na lang daw dahil sayang ang ganda ko kung kanino lang daw ako babagsak.Oo, mahirap kami. Gusto ko rin namang umangat sa buhay pero hindi sumagi sa isip ko na mag-asawa na lang ng mayaman para makamit iyon. Even if I were to marry a fisherman, it would be okay, as long as I love him and we are happy.“Ba’t kasi ang tigas ng ulo mo na huminto muna sa pag-aaral…e di sana ay may nilalandi ka nang Carvajal na nasa BSC ngayon!”Kilala ko ang mga binatang Carvajal dahil sikat sila rito sa Buenavista, iyong iba ay schoolmate ko, iyong iba ay graduate na, o kaya naman ay nasa Maynila. Oo, mala-Adonis ang kagwapuhan nila pero wala akong gusto sa kahit isa sa kanila. Mukha rin namang hindi sila papatol sa katulad ko dahil ang mayaman ay gusto lang ding maging asawa ang mayaman ding tulad nila.Napabuntong hininga na lang ako at hindi na isinatinig kay Tita ang nasa isip ko dahil dadakdakan lang niya ako. At saka kahit ganyan ang mindset ni Tita ay mabait siya. Sanay na ako sa kanya.“Oh, siya. Kumain ka na sa loob at pupunta na ako sa palengke.”Inalis ko na ang kamay sa mga balikat ni Tita at saka humarap siya sa akin.“Oo nga pala, Tita. Sabi ni Ernie sa akin kahapon na magpapasama siya sa akin sa tiangge ngayon. Puwede ba, Tita?” tanong ko at ngumiti sa kanya. Naalala ko lang ngayon ang gagawin.“Oh, sige. May magagawa pa ba ako? Kahit naman pagbawalan kita ay wala rin namang kuwenta. Magtitinda ako ng isda sa palengke kaya ikaw lang din naman maiiwan dito. Matigas ang ulo mo kaya aalis ka pa rin naman. Mag-ingat ka na lang. Kukurutin kita kapag may ginawa kang kalokohan, babaita ka!” Umikot ang mga mata niya at saka pumasok na sa bahay para kunin ang mga gamit bago pumunta sa palengke.“Opo, Tita!”Yes! My lips formed a wide smile.Naligo ako pagkatapos mag-almusal. I put on my favorite outfit style—an off-shoulder white top and a long blue skirt with white flower prints. Nagsuot ako ng brown flip flops na may magandang design. Ang tanging suot kong accessory ay kwintas. My mother gave it to me so I always wore it and took care of it. I let my long and wavy natural brown hair fall freely.Pagkatapos ko lang mag-ayos ay narinig ko na ang matinis na boses ng baklang si Ernie."Lia, are you there?!"“Nandito ako sa kwarto. Teka, palabas na!” sigaw ko. Tiningnan ko muna ang hitsura sa salamin bago lumabas.Bumungad sa akin si Ernie na komportableng nakaupo sa aming sala na naka cross legs pa. Naka shorts itong hanggang tuhod at naka pink na shirt at tsinelas lang.Ito ang pinakamatalik kong kaibigan dito sa Buenavista. Nasa ibang street lang ang bahay nila at malapit lang sa amin kaya naging malapit kaming dalawa.Ang totoo niyan ay kinaibigan niya ako dahil sa mukha ko. Hindi dahil type niya ako ano! Mas pipiliin niyang kumain ng tae kaysa magkagusto sa may perlas dahil birdie ang hanap niya!Bet niya raw akong pagpraktisan ng make-up skills niya dahil maganda raw ako. Sabi ko nga sa kanya ay bakit hindi iyong iba na kailangang pagandahin ang pag praktisan niya, pero ang sinagot lang niya sa akin ay ginaya lang daw niya iyong nakikita niya sa magazine at TV. Hindi naman daw pangit ang mga modelo roon.Sabi niya iyon, ah.“Oh, pak! Taray mo talaga, Madam. Mababali naman ang mga ulo ng mga makakakita sa ‘yo niyan!” eksaheradang sambit ni Ernie kasabay ang isang malakas na palakpak habang pinapasadahan ako ng tingin.Umirap ako at kinuha na ang sling bag ko. “Tara na nga sa tiangge! Sigurado akong para na naman sa lalaki ‘yong bibilhin mo.”“E, kasi naman hindi ko alam kung ano magandang iregalo. Wala akong ibang maisip na maganda at alam kong matutulungan mo ako.” Ipinulupot niya ang kamay sa braso ko.“Iyan kasi ang dami mo nang niregaluhan na lalaki kaya naubos na ang ideya mong panregalo.”“Iba naman kasi ngayon, Lia. Birthday ni Eric sa sunod na linggo. Invited kaming mga kaklase at syempre dapat magustuhan niya iyong regalo ko!”Si Eric iyong kaklase slash crush niya.Huminto ako pansamantala sa pag-aaral pagka graduate ng senior high para magtrabaho sa Aldridge Hotel and Resort. Hindi ako pinayagan ni Tita pero gaya nga ng sabi niya ay matigas ang ulo ko kaya wala siyang nagawa.Valid naman ang rason ko. Gusto kong makaipon dahil mataas ang sasahurin ko sa trabaho para makaipon bago mag kolehiyo. Wala kasi sa Buenavista State College na tanging public college rito iyong kursong gusto ko na Accountancy. Sa Marinae College na private college lang meron.Sana ay first year na rin ako sa college ngayon katulad ni Ernie. Ayaw ko kasing palagpasin ang pagkakataon sa resort.“Teka! Hindi ka ba magme-make up muna?”“Make-up, make-up. Wala namang okasyon kaya bakit pa?” Kumunot ang noo ko na nagpaikot ng mga mata ng kaibigan ko.“Hay naku, Madam! Sa ngayon ay kahit bibili ka lang ng sardinas, hindi puwedeng hindi ka man lang nag-ayos!”“Sus, ikaw lang naman ‘yan kaya huwag mo na akong idamay. Nagpapapansin ka lang sa mga tambay diyan,” biro ko.“Anong nagpapapansin? Hindi ba puwedeng gusto ko lang maging confident at maganda?” angal ni Ernie.“Nag liptint naman ako kaya ayos lang. Confident naman ako sa mukha ko kaya no need. Kapag nag make-up pa ako ay baka hindi lang mabali ang leeg ng mga lalaki, baka mapugutan pa ng ulo.” Nagkibit balikat ako at natawa.Hindi ko naman pinagmamayabang sa iba na maganda ako. Kay Tita Melinda at Ernie ko lang naman nasasabi iyon at biruan lang naman namin iyon kahit na totoo.Hindi ako mahilig mag make-up pero marunong naman ako maglagay niyon dahil natuto na ako mula sa kaibigan ko. Nalalagyan lang ako kapag pinag-e-eksperimentuhan ni Ernie o kaya ay may okasyon. Lip tint lang ay ayos na sa akin.“Shala! Ganda kasi e, ‘no? Hmph!”Humalakhak ako habang naglalakad na paalis nang magkapulupot ang aming mga braso.Buenavista is the most popular town here in the province when it comes to beaches. Fine and white sand, blue water, and twelve islands make up this town which is great for island hopping.Maraming resort dito mapa pribado man o publiko. Maraming turista ang pumupunta rito kahit dayuhan kaya hindi lang sa probinsiya sikat ang Buenavista.Dahil nga maganda ang turismo rito ay may tiangge kung saan makabibili ng sari-saring souvenirs. Karamihan sa mga nagtitinda rito ay mga taga rito lang din kaya ang mga mabibili rin karamihan ay mga gawang lokal gaya ng pagkain, handicrafts, at iba pa.“E, kung damit na lang kaya ibigay mo?” tanong ko kay Ernie habang naglalakad kasabay ng napakaraming tao.“Ayaw ko no’n! Gusto ko iyong palagi niyang dala. Iyong maalala niyang ako ang nagbigay no’n sa kanya!” Sa hitsura ng mukha ni Ernie ay mukhang nag-iilusyon na naman siya.“Dapat palaging dala… Dapat maganda para siguradong palagi niyang dala at maalala ka niya…” Nag-isip ako habang ang daliri ay nasa aking baba. “Ah, alam ko na!”“Ano, Madam?” Ernie looked so excited.“Magkano muna budget mo? Kung gusto mo talagang iyong dadalhin niya palagi ay dapat mamahalin o magandang klase man lang. Maliban na lang kung crush ka rin ni Eric dahil kahit anong regalo mo ay masaya na ‘yon!”Sumimangot si Ernie at mukhang mas lalong nalugmok.“Ni hindi nga ako pinapansin no’n at straight ‘yon kaya paano ako magugustuhan? At ito lang ang pera ko, kaya paano ako makakabili ng mamahalin, Madam?” Ipinakita ni Ernie sa akin ang laman ng wallet niya at kulang na lang magdabog na siyang parang bata.“Problema ba ‘yan?” I said coolly and grinned, then I pulled Ernie.Pumunta kami sa isang tindahan na nagtitinda ng mga relo. Isang matandang babae ang tindera roon at nang nakita kami ay agad na tumayo sa inuupuan nito.“Bibili ba kayo? Anong gusto n’yo, hija at hijo? Mumurahin lang mga paninda ko!” The vendor is happy because finally somebody entered her shop.“Relo na mura? Hindi kaya hindi naman original ‘yang mga ‘yan, Madam?”“Syempre, hindi! Magkano lang ‘yang pera mo. Sa tingin mo makakabili ka ng original sa ganyang halaga? Asa ka!”Ni hindi nga kumalahati ang pera niya sa presyo ng mga original!“Huwag kayong mag-alala. Kahit na hindi ito mamahalin ay magaganda naman ‘tong klase.” Iwinagayway ng matanda ang mga kamay niya sa amin. “Ah, tamang-tama! May replika dito at gayang-gaya sa original. Hindi rin mapapansin na peke ito. Tingnan n’yo!”Nagkatinginan kami ni Ernie at saka tumango. Lumapit kami sa estanteng gawa sa salamin na may hilera ng mga relo.“Pili kayo kung ano ang gusto n’yo riyan!” hikayat ng tindera.Sa hitsura ni Ernie ay mukhang kumbinsido na siyang bumili. Magaganda nga naman talaga kasi ang mga relo at mukhang original. May kataasan din ang presyo pero mura na iyon sa original. Tamang-tama sa pera niya.“Ito ang gusto ko, Manang!” Ernie pointed to the watch that caught his eye. The vendor took out the watch so the two of us could see it better.Ernie examined it carefully and exclaimed, “Ang ganda nga nito! Hindi halatang mumurahin lang. Bibilhin ko na ito, Manang!”“Oo naman. Sige, sige!” Mabilis na tumalima ang matanda. Kinuha niya ang relo at inilagay sa box. Pagkatapos magbayad ni Ernie ay lumabas na kami.“Oh, ‘di ba, sabi ko na sa ‘yo. Magandang choice ang relo at paniguradong palaging dadalhin ‘yan ni Eric kasi maganda at mukhang mamahalin. Ikaw rin ang maaalala niya kapag tinitingnan niya ang orasan! Uy kilig ang pwet niya!” pang-aasar ko at kinikilig na nga siya sa sinabi ko. Ernie even pretended to put the runaway hair behind his ear, na wala naman talaga dahil hindi naman mahaba ang buhok niya.“Pero syempre bibili pa ako ng magandang paper bag!” sambit ni Ernie.Sunod na pinuntahan namin iyong tindahan na may paper bag na binebenta. Habang namimili si Ernie ay napukaw ang atensyon ko ng isang souvenir sa parehong tindahan.Isa iyong bolang salamin. Katamtaman lang ang laki at may base kaya hindi gugulong. Sa loob niyon ay may buhangin, dalawang magkadikit na palm tree, at starfish na kulay pink. Ang buhangin lang ang tunay, at ang dalawa ay syempre peke.“Ate, bibilhin ko ‘to,” sabi ko na hindi pa rin tinatanggal ang tingin doon.It was really beautiful. Malaki talaga ng pagmamahal ko sa dagat. Kahit na rito ako lumaki ay hindi talaga nakakasawa. Mabuti na lang ay nagdala ako ng pera.I smiled as we left the store. Tinitingnan ko sa loob ng paper bag ang binili habang naglalakad.Pero nawala ngiti ko nang maramdamang may bumundol sa akin galing sa likod. Siksikan sa tiangge kaya hindi maiiwasang magkabanggaan pero sumusobra naman ang lalaking iyon!“Ah!” Napasigaw ako nang malakas dahil alam kong matutumba ako na nangyari nga.Pero nanlumo ako nang makitang hindi lang ako ang tumilapon sa kalsada kundi pati na rin iyong bolang salamin na binili ko at basag basag na iyon!Buong katawan ko ang nakadikit sa lupa.My eyes widened as I stare open-mouthed at my shattered glass ball. The sand, palm trees, and starfish spill out of the broken pieces. The contents are now scattered all over the ground!Pinagtitinginan na ako ng mga tao at rinig na rinig ko ang mga bulungan ng mga chismosa.Masakit ang palad ko dahil pinang suporta ko iyon para sana hindi tuluyang madapa kaso natuluyan pa rin!“Hala, kawawa naman ang babae.”“Oo nga! Ang ganda-ganda pa naman. Naku, nagalusan kaya? Ang ganda ng kutis tapos mababahiran?”“Hindi ba si Lia ‘yan na pamangkin ni Melinda? Ano’ng nangyari at bakit ganyan ang hitsura?”“Nabangga ng lalaki na mukhang nagmamadali. Ayun, nadapa at nabasag ‘yong dala niya. Tsk, kawawa naman!”Nag-iinit na ang mukha ko at pulang-pula na iyon sa kahihiyan.“Lia, ayos ka lang?! Nasugatan ka ba? May masakit ba sa katawan mo?” nag-aalalang tanong ni Ernie at tinulungan akong makatayo. Tinulungan niya akong magpagpag ng dumi sa damit.“May galos lang ako sa palad. Malayo ‘to sa bituka,” iritado kong sinabi habang ang galit na mga mata ay nakatuon doon sa lalaking papalayo.“Lia? Teka, Madam! Saan ka pupunta?!” sigaw ni Ernie nang basta-basta ko siyang iniwan at nakipagsiksikan sa dagat ng mga tao.Hahabulin ko ang walanghiyang lalaking iyon at makakatikim siya sa akin!Habang tumatakbo ay tumitingala ako sa unahan para hanapin iyong lalaki dahil hindi ko na makita. Wala naman siyang ibang kalyeng malilikuan kaya alam kong dumiretso lang siya. Hindi pa iyon nakalalayo!“Tabi!” sigaw ko sa mga nadadaanan.Nakakahiya itong ginagawa ko pero mas nakakahiya iyong pagkadapa ko dahil sa lalaking iyon! Mas lamang ang galit ko at hindi ako papayag na makaalis ang talipandas nang basta-basta!Sa wakas ay nakaalis na ako sa siksikang mga tao. Luminga-linga ako at tama nga ang hinala ko na hindi pa nakakalayo ang lalaking iyon!Tiningnan ko muna kung may paparating na mga sasakyan at nang makitang wala ay mabilis kong kinain ang distansiya namin ng walanghiyang lalaki.The man had his back turned, preoccupied with a phone call, near a parked black luxury car. He was tall and well-built, wearing a black t-shirt, jeans, shoes, and a ball cap.“Hoy, unggoy!” sigaw ko pagkatawid ng kalsada pero hindi man lang ako pinansin ng lalaki. Inis kong hinaklit ang balikat niya at ipinaharap siya sa akin. “Ano, nagbibingi-bingihan kang talipandas ka?! Bulag at bingi?!”“Excuse me?” Malalim na boses ng lalaki.Ngayon ay napagmasdan ko ang hitsura ng lalaki. Kahit na may sombrero ay kitang-kita ko ang hitsura niya dahil hanggang balikat niya lang ako at natitingala ko siya.The man paused while looking at me.Matangos ang ilong, makapal ang kilay na magkasalubong dahil sa bahagyang pagkunot ng noo, pinkish ang labi, at nakakaagaw ng pansin ang mata niyang kulay brown. Ang sa akin ay dark brown na karaniwang kulay ng mga mata sa Pinas pero ang sa lalaki ay brown talaga! His eyes were so strikingly brown that they looked like two chocolate spheres that one could get lost in.The man was not just handsome, but stunningly gorgeous, perhaps even more so than Adonis, but I don’t care because of what he did to me!“Ano, magmamaang-maangan ka naman na wala kang alam, ha?!” bulyaw ko.Kahit na galit na galit na ako sa harapan niya ay patuloy pa rin sa pakikipag tawagan ang lalaki."I'm sorry, it's nothing. Some random lady just approached me spouting nonsense," the man said calmly na mas lalong nagpagalit sa akin.Walang pagdadalawang-isip kong tinabig ang phone niya dahilan para mabitiwan niya iyon. Nahulog iyon sa sementadong kalye at nabasag.Mala demonyo akong tumawa.Hindi makapaniwala ang lalaki sa nangyari. Ilang sandaling nagtagal ang tingin niya sa kanyang sira-sirang phone bago ako binalingan.“What the hell is your problem? Are you nuts?” kahit malamig at kalmado ang boses ng lalaki nagawa pa rin niyang pigilan ang sarili na sumigaw.Pinulot at sinubukan niyang buksan ang cellphone niya pero may mga guhit-guhit na at hindi na mabasa ang nasa screen dahil sira na ang LCD.“Buti nga sa ‘yo! Kapalit lang ‘yan ng ginawa mo sa ‘kin! Nadapa ako dahil binunggo mo ako at nabasag ang bolang salamin ko! Kita mo ‘to?!” Ipinakita ko sa kanya ang may galos kong mga palad na namumula pa. “Nagasgasan pa ako sa pagkakadapa!”“What the fuck are you talking about, Miss?” Irritation is starting to show on his handsome face.“What the fuck am I talking about? Nagmamaang-maangan ka para makatakas sa kasalanan mo?!” matapang kong sinabi.Mana yata ako kay Tita Melinda sa pagiging palaban! Mala armalite rin kaya ang bibig ko lalo na kapag ginagalit!"I don't have time to fool around with you. Did you realize what you just did? I was speaking with an important person! You just destroyed my phone!”“Ano naman? English-english ka pa riyan, akala mo hindi kita naiintindihan? Hoy, marunong din akong mag-english kahit ‘di ako mayaman, ano! Nakikipag debate ako sa eskwelahan!”Totoo ang sinabi ko dahil ako ang pambato pagdating sa debate ng strand namin. Kahit na ABM ako ay taob sa akin ang mga taga HUMSS. Pwede nga akong mag-abogado pero ang maging accountant talaga ang gusto ko. Magaling lang talaga kasi akong rumason at magpalusot kasi nasanay ako kapag nagsisinungaling ako kay Tita Melinda. Hehe.“Ano ngayon kung nasira ang phone mo? Sinira mo naman ang bolang salamin ko. Hindi na ‘yon mapapalitan dahil iyon na lang ang natira kaya kwits lang tayo!” Dinuro-duro ko siya."I don't really know what you are talking about. I don't know that fucking glass ball of yours that I broke. I don't even remember bumping into you or anyone else, so why are you coming at me?" the man said in a firm tone.“Hindi mo ako maloloko! Tandang-tanda ko ‘yang damit mo at sinundan kita kaya huwag ka nang magsinungaling!”Umigting ang panga ng lalaki."Do you think I'm stupid that I'll easily fall for your scheme? Alright, tell me how much money you want, and I'll give it to you even if you've destroyed my phone just to get you to leave," he offered.Hindi pa niya nabubunot ang wallet mula sa bulsa sa likod ng pantalon niya ay lumanding na ang palad ko sa pisngi niya.Nagsinghapan ang mga tao. Para ba kaming pelikula na pinapanood nila sa sine.“Ngayon ay mas lalo mo lang akong ginalit! Hoy, hindi ako sindikato, talipandas ka! Kayong mga mayayaman, akala ninyo lahat ay matatapatan ng pera? Mahirap lang ako pero hindi gagana sa akin ‘yang pera mo! Is*ksak mo ‘yan sa baga mo! Napakawalanghiya!”Nakatingin pa rin sa gilid ang lalaki at pulang-pula na ang pisngi niya dahil sa sampal ko. Pasalamat siya dahil hindi nagmarka ang palad ko sa mukha niya!“Humingi ka na lang sana ng tawad, pero ano? Tinatapalan mo ang kasalanan mo sa akin ng pera at pinagkamalan pa akong sindikato? Deserve mong mabasagan ng phone at ng sampal ko!”Ngayon ay tumingin na siya sa aking mga mata. Malamig ang tingin niya at parang kinilabutan ako roon pero matapang pa rin akong humarap sa kanya.Naghihintay ako na sampalin din niya ako pabalik pero wala akong nadamang dumapo sa mukha ko. Kalmado pa rin ang lalaki kahit na pinagpipiyestahan na siya ng mga bulung-bulungan. Bakit siya aangal e deserve naman niya iyon!"You should be the one apologizing to me, not the other way around. You destroyed my phone, publicly humiliated me, and slapped me. Miss, you've got it all wrong."Napasinghap ako at sasagot na sana nang marinig ko ang boses ni Ernie sa likod ko.“M-madam… huwag ka nang sasagot. Halika ka, Lia, ano ba…” Hinila-hila ni Ernie ang kamay ko pero hindi pa rin natitinag ang pakikipagtagisan ko ng titig sa lalaking umiiling.“Ikaw—““Tama na, gaga ka!” I was unable to continue because Ernie desperately cut me off.“Ano ba, Ernie?!” singhal ko sa kaibigang lukot na lukot ang mukha na parang naiihi.“Hindi ‘yan ‘yong bumangga sa ‘yo! Nakita ko na lumiko at saka pareho lang sila ng damit pero nakasisiguro akong hindi siya ‘yon. Masyado itong matangkad. Kaya rin tinatanggi niya ang akusasyon mo kasi hindi siya ‘yon, Madam…”“A-ano…” nauutal kong anas. Parang nawalan ng dugo ang aking mukha. Maputla kong hinarap ang lalaki na seryoso akong tinitingnan."You heard him. You got the wrong guy," he said firmly.Mas lumakas ang bulung-bulungan ng mga tao. Kanina lang ay naiinis sila sa lalaki, ngayon ay sa akin naman at nakikisimpatya na sila sa kanya dahil sa ginawa ko!“Sabi na! Kanina ko pa ‘yan nakita si pogi riyan kaya naguguluhan ako sa sinabi ng babae na ito raw ang bumangga sa kanya at bumasag sa gamit niya!”“Kawawa naman. Nabasag ang selpon, sinampal, at pinahiya, pero hindi naman pala siya!”“Importante raw iyong katawagan. Baka girlfriend o sa negosyo? Mukhang mayaman, e. Tapos binasag ng babae ang selpon. Pasalamat siya ay hindi siya sinaktan kahit niyurakan niya si pogi!”Napalunok ako at nawalan ng mukhang ihaharap dahil sa kahihiyan. Nag-iilingan ang mga tao sa akin sa pagkadismaya habang awang-awa naman sa lalaki.Dahan-dahan akong lumingon sa lalaki at hilaw na ngumiti sabay peace sign.“Ernie, takbo!” sigaw ko sa kaibigan at daig pa namin ang sumali sa marathon na kumaripas pauwi dahil baka ipadampot pa ako sa pulis ng lalaking iyon!Hindi ko pa kayang bumalik sa tiangge dahil sariwa pa ang kahihiyang ginawa ko kahapon doon. Palilipasin ko muna ang ilang linggo bago ako muling gumala roon at kahit saan dahil baka mayamaya bigla na lang na may pumulupot na posas sa kamay ko kasi ipapakulong pala ako ng lalaking iyon. Sigurado akong mayaman ang lalaking iyon. Halata naman sa hitsura at pananalita niya. Mamahalin din iyong brand ng phone niya. Iyong phone na binasag ko… Shit talaga! Sana lang ay wala namang karatula ng mukha ko na nakadikit sa kung saan-saan dahil wanted na pala ako! Baka turista lang iyong lalaking iyon. Kung dito iyon sa Buenavista nakatira ay dapat sikat na iyon katulad ng mga Carvajal. Ang ganong kagwapong mukha ay hindi puwedeng hindi maging talk of the town. Tama! Turista lang ang lalaking iyon! Siguro naman pagkaraan nang ilang linggo ay wala na siya rito kaya hindi na niya ako maipapakulong! Para akong baliw na tumawa sa kwarto ko. Umalis na ang aking Tita Melinda at pumunta na sa palen
Imposible…Para akong napako sa kinatatayuan at hindi makapagsalita.Ang akala ko ay hindi na muling magtatagpo ang landas namin ng lalaking ito. Ang akala ko ay turista siya at aalis lang din ng Buenavista makaraan nang ilang araw pero mali ako!Palihim kong kinurot ang isa kong kamay kasi baka nalipasan lang ako ng gutom at nag-iilusyon lang pero naalala kong ang dami ko nga palang nilamon kanina.The man's piercing gaze followed my hand, and he caught me in the act of pinching myself. He then looked back at me, causing my heart to race with a mixture of fear and anticipation.‘’Oh well, too bad I'm real," he said in a deep, husky voice that sent tingles down my spine.Shit. Ang lalaking ito ang bago naming general manager?!Nang matauhan ay agad akong napayuko at nilagay sa unahan ng magkabilang balikat ang buhok ko para takpan ang mukha."A-ah, pasensiya na ho, Sir! Hindi n'yo na dapat ako naabutan dito kung hindi lang nahulog 'yong takip ng kemikal sa ilalim ng kama ninyo! Kasala
Wala na akong trabaho.Nagbunga ang pakiusap ko na huwag nang idamay si Jepoy sa galit niya sa akin. Umuwi na ako pagkatapos kausapin ni Ma’am Editha at may pinapirmahan siya sa aking termination paper. Binigyan din ako ng huling sweldo sa pinagtrabahuhan ko nang ilang araw.Tanggap ko naman na dahil malaki ang kasalanan ko sa kanya. Dapat pa nga akong magpasalamat dahil hindi niya ako pinakulong at pinagbayad sa ginawa ko sa kanya sa tiangge.Wala pa si Tita Melinda nang umuwi ako kasi hanggang hapon pa siya sa pagtitinda sa palengke. Tutulong na lang ako sa kanyang magkaliskis o kaya maging kahera niya ngayong wala na akong trabaho.Sa totoo lang ay ayaw niya akong patulungin sa pagtitinda ng isda. Mag-aral na lang daw ako. E kaso huminto nga ako at wala na ako sa Aldridge kaya ano’ng gagawin ko dito? Tutunganga hanggang sa sunod na pasukan?“Ate Ganda!”Natigil ako sa pagmumuni-muni rito sa kubo sa harapan ng dagat nang makita ang magandang batang babae na tumatakbo papunta sa akin
Para akong nalagutan ng hininga.Bwiset. Akala ko ba ay naliligo na siya?!Ang akala ko ay nakatapis lang siya ng tuwalya pero hindi. Nakasuot lang siya ng plain black shirt at cargo shorts. Di naman ata siya naligo e kasi di naman basa ang buhok niya pero ang gwapo-gwapo at ang bango-bango niya.Anong ibig sabihin nung pagkuha niya ng damit sa closet at paglagaslas ng tubig kanina sa bathroom? Eme-eme lang?“Lauren Cordelia Arranza,” mariin niyang pagtawag sa akin.Kahit na hindi pa naman ako humaharap sa kanya ay alam niya agad kung sino ako. Hindi na ako nagulat na alam niya ang buo kong pangalan dahil malamang nalaman na niya iyon kaninang umaga.Pero paano niya nakilalang ako itong nanloob sa suite niya? Ang dilim kaya at tanging lamp shade lang naman ang ilaw rito sa kwarto niya!Hindi ko siya pinansin at binuksan pa rin ang pintuan ng kanyang kwarto. Tumayo ako at mabilis na tumakbo.Hindi ako si Lauren Cordelia Arranza. Nag-ha-hallucinate ka lang. Multo ang babaeng nakita mo,
Gusto niya akong maging assistant? Tulala ako habang naglalakad. Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na namalayan na nasa tapat na pala ako ng bahay namin. “Madam, anyare sa ‘yo?! May masama bang ginawa sa ‘yo ang lalaking iyon? Nilapastangan ka ba? Nabawi mo ba ang kwintas mo? Ano, ha? Sagot!” “Anak ng pating ka naman, Ernie!” Napatalon ako sa gulat nang bigla na lang sumulpot si Ernie sa kung saan. “Sandali nga, nalalamog ako!” Para ba akong alkansya na dinudukutan niya ng barya kung makaalog siya sa akin. “Pero anyare nga sa ‘yo?” “Pumunta ako sa Aldridge para bawiin iyong kwintas ko.” “Gaga ka! Pumunta ka talaga roon? Nilooban mo si pogi?” hindi makapaniwala niyang tanong. “Oo, kaso di ko nabawi iyong kwintas ko. Nahuli niya ako e,” simple kong sinabi na nagpalaglag ng panga niya. “Gaga ka e di dinagdagan mo lang atraso mo sa kanya! Nilooban mo e di ipapapulis ka na talaga no’n! May utak ka naman pero padalos-dalos ka rin talaga minsan!” namomroblema niyang sinabi. Ngumisi
“You are having dinner with before you go home,” pag-uulit ni Evander dahil natameme na ako. Gusto niyang mag-dinner kaming dalawa? Sabay kaming kakain? “Seryoso ka ba, Sir?” tanong ko. Baka jino-joke time niya lang ako e. Baka mamaya niyan ay magpapa-asikaso lang siya sa akin. Tagasalin ng inumin o baka tagasubo. Char. Malay ko ba kung anong binabalak niya. "You've worked hard today and traveled to the city for hours. You haven't eaten yet. I'm not a ruthless boss who would deprive you of a meal," he simply said. Napanguso ako. Five-star hotel and resort ang Aldridge kaya ang mamahal ng mga nasa menu. “What are you waiting for?” naiinip na tanong ni Evander. “Ikaw na lang. Sa bahay na lang ako kakain. Di ko afford pagkain dito sa Aldridge, Sir.” Napangiwi ako. “It’s all on me. It’s fine.” Nanlaki ang mga mata ko. Eh? Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata nang maigi, naghahanap ng senyales na baka nagbibiro lang talaga siya. Evander gasped and irritation is starting to sho
“I’ll drive you home,” sambit ni Evander pagkatapos naming kumain na nagpagulat sa akin. “Huwag na, Sir! Masyado na akong nakakaabala. Magta-tricycle na lang ako.” Sa katunayan ay nilalakad ko lang naman talaga ang hotel at bahay dahil bukod sa nagtitipid ako, malapit lang din naman talaga. Pero dahil gabi na at pagod na ako ay magta-tricycle na ako. “Sinong nagsabing naabala mo ako?” His brows furrowed. “It’s already dark. I don’t think you will immediately get home. Wala nang masyadong tricycle na dumadaan sa ganitong oras.” “May trabaho ka pa, Sir. Kaya ko naman umuwing mag-isa…” tanggi ko. “I’m already done with my work today. Besides, there’s no guarantee that you will get home safely. Huwag ka nang umangal,” matiim niyang sinabi. Napakamot ako sa pisngi ko at napahugot ng hininga. “O-okay.” Tumango ako dahil mukhang hindi niya ako tatantanan. Nauna na siyang maglakad papunta sa parking lot ng resort. Tahimik lang ulit akong nakasunod sa kanya. Binuksan niya ang pinto ng
Katulad na nga ng sinabi ko ay pabago-bago ang ugali ni Evander at kung kailan lang niya ako papansinin.Hahayaan ko na lang sana siya pero napansin ko kasing kakaiba na ito. Kung noon ay masungit na siya, naging times three na ngayon.Pagkatapos niya akong utusan ay hindi na niya ako pinalagi sa kanyang opisina. Wala na muna raw siyang iuutos kaya sa locker room ng mga empleyado na muna raw ako at tatawagin na lang kapag mayroon na.Mabuti na rin dahil mapapanisan ako ng laway sa kanya. Nakipag-chismisan na lang ako kina Jepoy at mga dating kasamahan na housekeeper tuwing bakanteng oras nila.Inintriga nila ako sa mga nangyari. Kung bakit daw ako nasibak at kung bakit ibinalik lang din. Sinabi ko sa kanila ang totoo, maliban sa pumunta ako sa suite niya para bawiin ang kwintas ko. Naglaglagan ang mga panga nila.Naiinggit pa ang iba dahil ang swerte ko raw dahil palagi kong nasisilayan si Evander. Umirap ako. Sino matutuwang silayan ang ganoon kasungit na lalaki? Oo, gwapo siya at hal