Share

Chapter 35: Interrupted Desires

Pagkauwi nila sa kubo, halos humapay si Kariel sa pagod. Pagod na pagod siya sa buong araw ng pamimigay ng food packs sa mga residente. Hindi lang dahil sa init at dami ng tao, kundi pati na rin sa bigat na nararamdaman niya sa sinabi ng babae kanina. Sa kabila ng ngiti, ramdam niya ang bigat na nadarama niya sa tuwing maalala ang sinabi nito.

"Upo ka na, Yamz. Magpahinga ka," malambing na sabi ni Darrius habang inalalayan siya papunta sa bangko. Agad naman nitong kinuha ang isang baso ng malamig na tubig at iniabot sa kanya.

"Salamat," mahinang ani Kariel habang tinanggap ang tubig.

Muling umupo si Darrius sa tabi niya at tinitigan ang mukha niyang pagod na pagod. Sa kabila ng pawis at pagkaputla, hindi pa rin mawala kay Darrius ang paghanga sa kagandahan ng dalaga.

"Masyado ka yatang napagod, Yamz. Magpahinga ka na muna," sabi ni Darrius habang hinaplos ang pisngi niya.

"Okay lang ako. Masaya akong nakatulong sa kanila," sagot ni Kariel habang nakangiti, bagaman may mga pag-aalinla
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status