Share

Chapter 38

Nang matapos ang paglalaro ng mga bata sa ilog, nagkayayaan na ang lahat na umahon para magsama-sama sa tabi ng ihawan. Ang amoy ng iniihaw nilang tilapia ay kumalat sa hangin, na nagpapagana sa kanilang mga sikmura. Nakalatag na rin naman ng banig si Kariel kanina. Nakahanda na rin doon ang iba pa nilang dalang pagkain.

Habang abala sa paghahanda, hindi maiwasang mapansin ni Kariel ang mga maliliit na kilos ni Mark tuwing napapalapit ito kay Kiarah. Panay ang pagpapansin ni Mark sa dalaga hindi ito nagpatinag sa malamig na pagtanggap ni Kiarah. Nagsisimula na ring mapansin ng mga bata ang tila pang-aasar ni Mark sa kanya, kaya't nagkatinginan sila at nakangiting lumapit kay Kiarah.

"Ate Kiarah, bakit po kayo nilalapitan lagi ni Kuya Mark? Crush ka ba niya?" pilyong ani sa isa sa mga bata.

“Ayieeeee, oyyy ate Kiarah. Crush ni kuya Mark,” panunukso pa ng mga ito.

Nakita niyang pinamulahan ng pisngi si Kiarah. "Ay! Hindi ah!" mabilis na depensa ni Kiarah, sabay iwas ng tingin.

“Weeee,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status