Mahimbing nang natutulog si Kariel sa loob ng kubo. Pagkatapos kasi nilang ihatid si Kiarah, ay hindi na sila naghapunan, dahil busog pa naman sila. Hindi na rin siya nagpahatid pa kay Darrius sa tinutuluyan niya. Dahil sa pagod ay agad rin siyang nakatulog ng mahiga na siya higaan niya. Ngunit naalimpungatan siya nang makaramdam siya ng kaluskos mula sa labas ng kubo. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at tumikhim, pinakikiramdaman niya muna ang ingay sa labas. “Yamz,” mahinang tawag sa kanya. At doon niya napag-alamang si Darrius ang nasa labas. Agad siyang bumangon at bumaba sa kanyang higaan para pagbuksan ito.“Darrius?” pabulong na ani Kariel nang buksan niya ang pinto. At saka iniunat-unat ang sarili.“Sorry, nagising ba kita?” tanong ni Darrius, nang makapasok ito. Agad naman niyang isinara ang pinto. “Hindi naman. Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Kariel, saka humakbang pabalik sa higaan.Huminga nang malalim si Darrius bago sumagot. “Naalala ko lang kasi…
Mag-uumaga na nang magising si Kariel sa marahang pagyugyog ni Darrius sa kanya. "Yamz, kailangan ko nang bumalik sa kubo. Bumalik ka na lang sa pagtulog, gisingin na lang kita mamaya kung kakain na," malumanay na bulong ni Darrius habang hinahaplos ang kanyang buhok. Dumilat si Kariel at ramdam niya ang pagod at kasiyahan mula sa kanilang ginawang pagtatanod ng gabi."Hmm…sandali lang," bulong ni Kariel pabalik habang inilapat ang kanyang mukha sa dibdib ng lalaki. Gusto pa niyang magtagal sa mga bisig nito, ngunit alam niyang kailangan na nilang bumalik sa reyalidad.Inisa-isang pulutin ni Darrius, ang mga damit niyang nagkalat sa sahig kagabi. Kung saan-saan na kasi nila pinaghahagis ang kasuotan nila bagay na ikinangisi ni Kariel.“Baka, may makakita sa akin kapag may araw na akong lumabas rito,” ani Darrius."Oo nga," mahinang sagot ni Kariel habang pinagmamasdang sinusuot ni Darrius ang damit nito. Tanging boxer short lang kasi ang natirang saplot nito kagabi. "Tama ka. Hindi p
Sa umagang din iyon ay, napagpasyahan ni Kariel at Kiarah na magtungo sa taniman ng mga rosas, para manguha at i-display niya sa kanyang kubo. Habang naglalakad, naramdaman ni Kariel na mas malaya na ang kanyang pakiramdam. Nasabi na nga niya noon, mas mabuting kilalanin mo ang isang tao bago mo sila husgahan. Sa loob-loob niya, naging mas komportable siya kay Kiarah. Mayroon din pa lang malambot na puso ang babaeng sa una’y inaakala niyang ka-kompetensya niya sa lalaking mahal niya.Pagkarating nila sa taniman ay bumungad sa kanila ang nagagandahang mga bulaklak. Agad na inihanda ni Kariel ang dala niyang gunting at basket para sa pangunguha ng mga bulaklak.“Oyy, parang hindi nauubusan ng mga namumukadkad ang tanim niyo rito ano?” ani Kariel bagay na ikinangiti ni Kiarah.“Oo, hindi talaga sila nagsasawang mamulaklak. Maganda din kasi ang pag-aalaga ng mga taga-nayon sa kanila. Tulad ng binilin noon ni sir Darrius na huwag pababayaan ang bagay na nagbibigay importansya sayo. Cheris
“What the h*ck!” bulalas ni Darrius nang bumukas ang pinto ng banyo. Agad naman nitong in-off ang shower. “Hey!” hiyaw ni Kariel at biglang hinawi ang shower curtain. “Oppss,” usal niya nang muntikan na s’yang mawalan nang balanse. At agad na napasandal sa pader ng banyo. Natawa siya nang makita ang kahubdan ng lalaki. “Wow! Sayo ba lahat iyan?” wala sa sariling aniya dahil sa kalasingan. “What are you doing here in my room, Kariel?” kunot-noo’ng ani Darrius sabay abot ng robang nakasabit at dagling sinuot iyon bago hinarap si Kariel. “Can't you see? Naliligo ako,” saad pa nito. Tanging pagngisi lang ang itinugon ni Kariel at pinatutsadahan ng tingin ang nakalabas at malapad nitong dibdib. Nakaramdam ito nang hiya bagay na inayos nito ang suot. “Tsk,” “Bahay ko naman ‘to kaya puwede akong pumasok sa lahat ng kuwartong narito sa mansyon,” nakangising aniya. “You're drunk?” “No! I'm not. Hindi ako lasing!” tanggi ni Kariel. “Fvck! Sa labas na tayo mag-usap, Kari
“Boss, matagal pa ba ‘yong pinapasundo sa atin?” usisa ng assistant. Magdadalawang oras na silang naghihintay sa labas ng airport pero, hindi pa lumalabas ang pinapasundo sa kanila.“Ang sabi kanina, ni dad. Sunduin ko na daw si Kc.” Palinga-lingang aniya sabay tingin sa kanyang wrists watch. Anak ito ng kaibigan at kasusyo ng kinilalang magulang. Kilala ito, bilang model at endorsers ng mga beauty products sa Paris. “Kanina pa tayo rito, boss. Nilalamok na nga ako rito eh,” reklamo nito.“Puwede ba, tumahimik ka na lang d’yan. Maghintay na lang tayo baka nagkaroon lang nang aberya,” turan niya. “Baka nga,” usal nita saka tinikom ang bibig at nanahimik sa isang tabi.“Tagal,” sa isip-isip niya. Akma na sana niyang bubuksan ang pinto ng sasakyan at sa loob na lang hintayin ang dalaga.“Boss! Ang ganda talaga ni miss Kc sa personal,” giit ng assistant bagay na ikinatigil at ikinalingon niya. At nakita nga niya ang isang magandang babae na nakasuot ng wool winter gray coat ay palapit
ALAS-NUEBE na ng umaga nagising si Kariel. Habang pababa ng hagdan ay amoy niya ang masarap na niluluto mula sa kusina. “Hmm, ang bango. Ano po ang niluluto niyo, ate Rocel?” nakangiting aniya sa babaeng nakatalikod. Lumingon ito at nginitian siya.“Good morning,” “You're not, ate Rocel. Who are you?” “Uhm, I'm—“Ang aga mo ‘ata nagising, miss Kc. Ano po ang niluluto niyo? Sabat ni Mark.“What! Wait, kilala mo siya?” gulat at takang aniya rito.“Opo, miss Kariel. Sinundo namin siya ng kuya Darrius niyo sa airport kagabi,” sagot nito.Kunot noo’ng pinasadahan niya nang tingin ang babae. “So, bakit nandito siya?” tanong niya kay Mark ng hindi inaalis ang tingin rito.“Ahm, pansamantala muna akong ti—“Hindi ikaw ang kausap ko!” Taas-kilay n’yang ani sa babae, dahilan para tumahimik ito. “Kariel! ‘wag kang bastos. Bisita natin siya at mas matanda siya sayo, kaya matuto kang rumespito.” Saway sa kanya mula sa likuran. Napalingon at nakita n'yang magkasalubong ang kilay ng lalaking pa
NASA isang dance studio si Kariel kasama ang kapatid at mga ka-grupo nito. Isang sikat na dance group na s’yang hinahangaan ng lahat. Umani na ng samot’saring parangal ng grupo sa loob at labas ng bansa. Nagkakaubusan rin ng tickets sa tuwing magkakaroon ang mga ito ng concert. Nakaupo sa sopa na sa isang tabi si Kariel habang pinapanood ang pagsayaw ng kapatid at mga kasamahan sabay sa sikat na tugtog Enhypen na ‘Brought the heat back’. Bukod sa magaling ay hindi rin maipagkailang may angking kaguwapuhan ang mga ito. Mga mayayaman ngunit mas pinili nilang maging mananayaw at ipakita sa buong mundo ang kanilng angking talento. Minutes passed, ay natapos rin ang pag-ensayo ng grupo. Nakangiting lumapit ang kapatid sa kanyang puwesto.“Kumusta? Okay lang ba ang performance, namin?” tanong ng kapatid ng makalapit sa kanya. Agad itong umupo sa tabi niya. Sunod lumapit ang ibang kasamahan ng kapatid.“Nag-enjoy ka bang panoorin kami, bunso?” usisa ni Nanon. Isa sa kasamahan ng k
HINDI makapaniwala si Kariel na ikakasal na siya sa lalaking ngayon lang niya nakita at nakilala. Buong akala niya ang babaeng pansamantalang nakikituloy sa kanila ay ang babaeng ikakasal para kay Darrius. Ngunit, nagkamali siya. Pilit na ngiti ang iginawad niya sa lalaking kaharap.“Hi, I'm Jason Laurel. Nice to meet you,” bati sa kanya ni Jason. She faked a smile. “Nice to meet you too,” usal niya.“Oh by the way. Ano gusto mong orderin?” tanong nito habang tinitingnan ang menu. Nasa loob sila ng isang sikat na korean restaurant sa Manila. Pinilit lamang siya ng ama na kitain ito. Although, nasa kabilang lamesa lang ang ama, kasama ang ama ni Jason.“Hey, are you okay? Pansin ko parang wala ka sa sarili,” nakangiting anito. “Wala, may iniisip lang ako. Order ka lang ‘di naman ako mapili,” saad niya nang mabalik sa ulirat. “Okay,” tipid na tugon ng kaharap. Maya-maya ay tinawag na nito ang waiter para ipahanda ang in-order nito. Kaunti lamang ang tao sa nasabing restaurant kaya tahi