Habang abala silang tatlo sa pag-uusap at pagtatawanan, may paparating na isang lalaki mula sa di kalayuan. Halata ang pagka-busy nito sa pagbibisikleta papunta sa kanila. Nang mapansin ni Darrius ang parating na tao, agad niya itong nakilala."Si Mark," bulong ni Darrius kay Kariel.“Aba'y saan na naman niya dinekwat ang bisikletang iyan?” natatawang bulong ni Kariel sa kanya. Napakibit-balikat na lamang siya bilang tugon.Nang makarating si Mark malapit sa kanila, agad itong bumaba mula sa bisikleta at inilapit ang sarili sa grupo. “Good morning, boss!” sigaw ni Mark na tila may halong biro habang inaalis ang sumbrero nito at naglalakad papalapit sa kanila.“Saan mo ba kinuha iyang bisikleta? Pagising ko kanina wala ka, saan ka ba pumunta?” tanong ni Darrius sa kanyang assistant. “Ahh…nagpahangin lang po ako boss,” sagot naman nito. Ngumiti na lamang si Darrius saka tumango."Hi, Kiarah! Ikaw na naman ang kasama nila?" nakangiting bati ni Mark kay Kiarah, na noong una’y mukhang ma
Mabilis na lumipas ang mga araw sa nayon para kina Kariel, Darrius, at Mark. Ang dalawang linggong pananatili nila ay napuno ng masasayang alaala—mula sa mga kwentuhan sa tabing-ilog, hanggang sa simpleng pamumuhay kasama ang mga bagong kakilala tulad ni Kiarah para kay Kariel. Si Kariel, na hindi sanay sa mga simpleng bagay, ay tila natuto na ring mahalin ang katahimikan ng bukirin. Samantalang si Kiarah, na noong una'y tila malamig sa pakikitungo, ay naging isang matalik na kaibigan ni Kariel. Habang nag-aayos na ng mga gamit si Kariel sa kanyang silid, ay pumasok si Darrius para tingnan at tulungan siya. “Tapos ka na ba?” bungad at tanong ni Darrius nang makapasok ito sa kubo. Nilingon niya ito at nginitian. “Ah, oo patapos na rin ako,” sagot ni Kariel. "Dalawang linggo na pala ang lumipas. Parang ang bilis," ani Kariel habang sinisiksik ang huling piraso ng damit sa kanyang bag. Lumapit si Darrius para tulungan siyang mag-impake ng kanyang maleta. "Oo nga, pero masaya
Pagkababa ng sasakyan ay agad silang sinalubong ng kanilang mga magulang na may malalapad na ngiti sa mga mukha nito. Halos mangiyak-ngiyak naman na bumaba si Kariel sa sasakyan at agad na niyakap ang mga magulang. Sumunod namang lumabas si Darrius. At yumakap rin sa ama. “Welcome back! Mga anak,” masayang bati ng kanilang ina, ngunit hindi maipagkailang naluluha na rin ito. “Mom! Dad! I really miss you,” naiiyak na ani Kariel habang yakap ang mga magulang. “We’ve miss you too, mga anak.” Tugon ng ina ni Kariel. Ganun din si Darrius, niyakap din niya ang mga magulang. “Grabe its been a week pero, parang ang tagal na pong hindi ko kayo nakita,” sabi ni Kariel at agad na pinahiran ang mga luha. “I miss you, Dad.” Usal niya sabay yakap din sa ama. “I miss you too, Anak.” Tugon naman nito. Agad naman kumalas si Kariel sa ama. Tsaka nginitian ang mga ito. “O siya pasok na tayo. May inihanda kaming pagkain, alam naming darating kayo ngayon kaya masasarap at halos paborito m
Maaga pa lang ay nagising na si Kariel, pati na si Darrius. Para samahan at ihatid ang kanilang mga magulang sa pagpunta sa airport, kahit pa ramdam nila ang pagod mula sa mahabang biyahe mula sa probinsya. Lulan ng sasakyan, tahimik ang lahat habang sinasagap ang bawat huling minuto na magkasama sila bago muling maghiwa-hiwalay. Pagdating nila sa airport, bumaba agad si Kariel at muling niyakap ang kanyang ina. "Ingat po kayo sa biyahe Mom, Dad. Balik kayo agad ha, baka naman ma-e-extend na naman iyan," pabirong sabi ni Kariel ngunit halata ang lungkot sa kanyang mga mata. "Naku, anak, hindi naman sa ganon. Kailangan lang talagang asikasuhin ang negosyo," tugon ng kanilang ina, na bahagyang namumula ang mga mata sa pagpipigil ng luhang aagos sa mga mata nito ano mang oras. “Pero kahit anong mangyari, uuwi kami agad. Don't worry, sisikapin naming makauwi agad," dagdag pa ng ina. At saka niyakap siya nang mahigpit. Tumugon na rin siya sa pagkayakap rito. "Mag-ingat kayo lag
“Ehh! Ehh!” hiyaw ng mga kaibigan niya sabay sa tugtog na bumabalot sa loob ng nasabing club. “Puts your hands up in the air! Put your hands up!” hiyaw rin ng iba. “Woohh!” sigaw ni Kariel, habang sumasayaw at sumasabay sa indak ng musikang pinapatugtog ng Dj. Ganun din ang mga kaibigan masaya, at halatang nag-e-enjoy sa gabing iyon. Ilang linggo na ring hindi siya nagagawi sa bar kaya’t sabik siyang magwala sa gitna ng dance floor, ang bawat galaw niya ay swabe at puno ng saya. Kahit hindi siya umiinom ng alak, dama niya ang kalayaan at kaligayahan ng gabi. Hindi maipinta ang ngiti sa kanyang labi at ang kanyang mga mata’y kumikislap sa ilaw na sumasalamin mula sa dance floor. Pansamantala ay nakalimutan niya ang problimang dinadala niya. Hindi niya inalintana ang pag-alis ng mga magulang niya at ang balak nilang pag-amin ni Darrius, sa totoo nilang relasyon. "Kariel, tara na, inom ka na!" sigaw ng isa sa kanyang mga kaibigan, habang bitbit ang dalawang bote ng alak at inabot
“Kaninong kapabayaan ito?!” sigaw ni Darrius, na halos pumutok na ang ugat sa kanyang leeg habang kausap ang manager ng bar. “Paano niyo hindi napansin na wala na siya?!”Nang dumating kasi siya para sunduin si Kariel ay wala na ito sa lugar. “Sir, pasensya na po, pero hindi namin nakita kung saan siya dumaan. Ayon sa mga kaibigan niya, pumasok lang siya sa restroom pero hindi na bumalik,” sagot ng staff, habang nanginginig at halatang kinakabahan sa galit ni Darrius. “Hindi niyo napansin? Hindi niyo nakita? Ilan kayong nagbabantay dito?” asik niya. “Pasensya na po Sir marami lang po talagang tao, kaya hindi namin namalayan ang nagyayari sa paligid.” Sagot ng isa pang staff. Napagtanto rin ni Darrius ang nangyari bagay na niluwagan at binitawan niya ang manager. “Pasensya na po talaga S-sir,” nauutal na ani ng manager ng bitawan niya ito. Bumaling si Darrius sa ibang empleyado, habang ang mga mata ay nagliliyab na sa galit. “CCTV. Gusto kong makita ang CCTV ngayon din!” "Pas
Sa isang abandunadong warehouse dinala si Kariel ng lalaking kumidnap sa kanya sa loob ng bar. Nakagapos at pilit niyang kumawala sa lubid na nakatali sa oanya habang nakaupo siya sa bangko. Subalit ang mga lubid na nakagapos sa kanya ay masyadong mahigpit. Sa bawat galaw, parang mas lalo lang itong humihigpit at nagsasanhi ng matinding sakit sa kanyang mga pulso ramdam niyang humahapdi at batid niyang nasugatan na iyon. Pinipilit niyang maging kalmado, ngunit ang lamig na dumadampi sa kanyang pisngi ay biglang nagpabalik ng kanyang ulirat. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Isang malamig na halakhak ang narinig niya. Nang maaninag niya ang anyo ng taong nasa harapan, halos tumigil ang tibok ng kanyang puso. "Jason..." bulong niya, at halos hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. Si Jason na nasa kulungan, ay nakalabas na. "Hindi! Paano ka nakalabas?" hindi makapaniwalang tanong niya rito. “Nice to see you, my Dear.” tugon ni Jason, at isang nakalolokong ngiti an
Sa mga sandaling iyon, ramdam ni Kariel ang malamig na patalim ni Jason na nakadampi sa kanyang leeg. Ang bawat segundo ay tila napakabagal, at ang kaba sa dibdib niya ay tila hindi na niya kayang pigilan. Sa kabila ng takot, pilit niyang iniisip ang posibleng pagdating ni Darrius—ang tanging pag-asa niyang maligtas mula sa impiyernong ito.“God help me,” dalangin ni Kariel, habang nanginginig siya sa takot.“Don't worry, parating na ang iyong nobyo,” ngising ani Jason. Ngunit napatingin sila pareho sa pintuan nang marinig ang tunog ng mga yapak sa malayo, at ilang segundo lang ay bumukas ang pinton ng warehouse. “Kariel!” tumambad si Darrius, mag-isa, ngunit may di-matatawarang determinasyon sa kanyang mga mata. Humakbang siya palapit sa kanilang posisyon. Alerto naman si Jason, pinalipat-lipat nito ang hawak na kutsilyo sa kanilang dalawa.“Diyan ka lang! Kung ayaw mong humiwalay ang ulo ng nobya mo sa katawan nito,” natatawang ani Jason, at tumawa na tila isang baliw. Nataranta b
MAAGA pa nang makarating sina Kariel, Darrius, at Darielle kasama na ang kapatid na si Kenneth dahil bakasyon at on leave ito, sa resort na pag-aari ni Kieth. Agad silang sinalubong ng mga staff na may malalapad na ngiti at magalang na pagbati. Napapalibutan ng luntiang mga puno at namumukadkad na mga bulaklak ang paligid, at ang dagat ay kumikislap sa liwanag ng umaga. Ang malamig na simoy ng hangin ay nagdala ng kakaibang saya sa kanilang lahat, lalo na kay Darielle na namamangha sa tanawin. Puti rin ang buhangin at ang linis tingnan na halatang hindi pinapababayaan ng mga naroon. “Wow, Mommy! Ang ganda dito!” bulalas ni Darielle habang hawak-hawak ang kamay ng ina. “Oo nga, anak. Parang paraiso, hindi ba?” sagot ni Kariel habang malambing na tinatapik ang ulo ng anak. “Paraiso nga ito,” sabat ni Darrius na nasa gilid lamang nila. Ngunit hindi tanawin ang tinitingnan nito kundi si Kariel. Nang magtama ang kanilang mga mata, bahagyang umiwas si Kariel, na ramdam ang pag-i
MAAGANG nagising si Kariel kinaumagahan. Agad niyang kinapa ang tabi ngunit wala doon ang anak kaya dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata. Agad siyang bumangon at nagtungo sa banyo upang tingnan kung naroon ang anak. "Darielle, anak?" dahil walang bakas na naroon ang anak, lumabas siya ng kwarto. Pagtapat niya sa veranda, natanaw niya ang anak na masayang naglalaro sa hardin kasama si Darrius. Tahimik niyang pinagmasdan ang dalawa. Para silang matagal nang magkasama. Panay ang hagikgik ng anak habang buhat-buhat ito ng ama. May kung anong kirot siyang naramdaman sa puso niya. Matagal na panahon silang nawalay sa isa’t isa, at ngayon ay unti-unti silang bumabalik sa buhay ng isa’t isa. Naputol ang pagmumuni-muni niya nang mapansin siyang nakatingin si Darrius. Ngumiti ito bago ibinaba si Darielle at tumawag, “Mommy, halika rito! Maglaro tayo kasama si Daddy, mommy!” "Oo nga, pumarini ka na at samahan kami rito!" Napasinghap siya saka napangiti. Hindi niya alam
Matapos ang emosyonal na muling pagtatagpo nina Darrius at Darielle, dinala ng pamilya si Kariel at Darrius sa dining area para sa isang espesyal na hapunan. Halatang pinaghandaan ito ng kanyang mga magulang, na tila isang paraan ng pagsuporta at tahimik na pagtanggap sa nangyari. Sa mahabang mesa, naupo si Darielle sa pagitan nina Kariel at Darrius. Panay ang kwento ng bata habang kumakain, walang tigil sa pagsasalaysay ng mga bagay na gusto niyang gawin kasama ang kanyang ama. Hindi naman iyon nagawang pigilan ni Kariel dahil alam niyang sobra ang pagkasabik ng bata bagay na napangiti na lamang siya habang pinagmamasdan ang mga ito. “Daddy, marunong ka bang magtayo ng kastilyong buhangin?” Puno ng excitement na tanong ng anak na ikinangiti ni Darrius. “Oo naman, baby. Gusto mo bang turuan kita?” Tumango naman si Darielle, bakas ang kasabikan sa kanyang mukha. “Yes! Gusto ko po! Pwede po ba bukas? Isama natin si mommy sa pagpunta sa beach resort na itinayo ni tito Kieth.”
Matapos ang emosyonal na pagtanggap ng mga magulang ni Kariel sa kanilang pagbabalik, dama pa rin ni Darrius ang kaunting tensyon sa pagitan nila. Hindi naman siya nagtataka, alam niyang hindi ganoon kadali para sa pamilya ni Kariel na naging pamilya na rin niya ng ilang taon na bigla siyang muling tanggapin sa buhay ng anak nila matapos ang lahat ng nangyari. Subalit, ipinangako niya sa sarili na hindi na siya muling mawawala at paninindigan ang desisyong napili sa kabila ng lahat. Habang nagmimiryenda sila sa sala, tahimik lang si Darrius na pinagmamasdan ang bawat kilos ni Kariel. Panay ang abot niya ng pagkain sa babae, tila ba paraan niya iyon ng pagpapakita ng pag-aalaga. "Nga pala, pinasundo ko muna si Darielle sa school. Maya-maya lang ang narito na ang mga 'yon," wika ng ina na ikinatango ni Kariel. Ilang sandali pa, tanaw nila mula sa sala ang pagparada ng puting van sa harap ng mansyon at bumaba mula roon ang kanilang anak. "Mommy!" Agad na tumayo at sinalubong
Matapos makalapag ang eroplano, tahimik na bumiyahe mula sa airport patungo sa mansyon sina Kariel at Darrius. Pareho silang may sariling iniisip, ngunit dama ang tensyon at excitement sa hangin. Bagamat kinakabahan, hindi maiwasan ni Kariel ang mapangiti sa ideya na makikita muli ang kanyang pamilya. Lalo na ang anak na ilang linggong hindi na kasama. Tahimik din si Darrius ngunit bakas sa mukha ang hindi matatawarang excitement dahil sa wakas, makikita na ang anak na matagal nang nawalay sa kaniya. “Magiging okay din ang lahat,” saad ni Kariel saka ipinilig ang ulo sa balikat ng lalaki. Ngumiti naman ito at saka mahigpit na niyakap ang palad ng mga palad din nito. “Yeah, magiging okay din ang lahat.” Muli na lang napangiti si Kariel nang maramdaman ang marahang pag-amoy at paghalik ng lalaki sa ulo niya.PAGDATING nila sa malaking gate ng mansyon, bumaba si Kariel mula sa sasakyan. Agad namang sumunod si Darrius na puno ng galak sa kaniyang puso. Ilang taon na rin magmula nang u
SA KABILANG DAKU Sa isang maliit ngunit marangyang villa sa tagong bahagi ng lungsod, nakaupo sa isang leather armchair ang isang babaeng may matapang na aura. Nakasuot siya ng itim na blazer na bumagay sa kanyang makinis at mahabang buhok, habang hawak ang isang baso ng alak. Siya si Cassandra, ngunit mas kilala sa ilalim n'yang pangalang Diablo. Sa kabila ng kanyang eleganteng anyo, ang kanyang mga mata ay puno ng galit at determinasyon. Alam niyang oras na para muling simulan ang plano laban kay Darrius. Alam n'yang sa mga oras na ito ay alam na nito ang pagtakas niya at pag-uwi sa Pilipinas. Medyo mainit at patuloy kasi sa pagtutugis sa kaniya ang kapulisan at assets na nakuha ni Darrius bagay na kailangan niyang kumalma at magpalamig na muna. Ngunit hindi siya titigil para sa paghihiganteng alam niyang sagot para mawala ang sakit sa nakaraan. Sa harap niya ay nakaayos ang mga dokumento, larawan, at mapa. Kabilang dito ang larawan ni Kariel na kuha sa isang public event, na
Nang sumunod na araw, maagang naggayak sina Darrius at Kariel upang maghanda sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas. At ang kanilang mga bagahe ay maayos nang nakalatag sa tabi ng pinto, at ramdam sa buong silid ang katahimikan. Sa kabila ng kanilang excitement na makabalik, hindi maiwasan ni Kariel na mag-alala sa mga darating na araw, lalo’t alam niyang hindi magiging madali ang kanilang haharapin.Habang iniinspeksyon ni Darrius ang kanilang mga dokumento, lumapit si Kiarah na nakangiti. “Mukhang ready na talaga kayo ah, good luck na lang sa inyo. Parang kailan lang, at ngayon sabay na kayong babalik sa bansa.”“Oo nga, medyo kinakabahan din ako. Hindi para sa pagbabalik namin sa bahay kundi sa hamon na kailangan naming harapin para sa ikakatahimik ng lahat,” nakangiti ngunit bakas sa mukha ni Kariel ang labis na alinlangan sa darating na mga araw. Bahagya namang napangiti si Kiarah dahil ramdam niya ang alinlangan sa puso ni Kariel bagay na nilapitan na lamang niya ito at niyakap.“
Matapos ibaba ang tawag, agad namang napatingin si Darrius sa kawalan dahil sa nabalitaan ngunit bumajas rin sa kaniyang mukha ang galit ang pagkamuhi. Napansin naman iyon ni Kariel na ngayon ay nakasandal sa kama at tahimik lang din na nakatingin sa lalaki. Pagod man sa kanilang pag-iisa subalit ramdam naman ni Kariel ang labis na pagkabahala sa nakita.“Dar,” tawag niya, “ano bang nangyari?”Napalingon naman si ni Darrius, ngunit imbis na sumagot, tumayo ito at naglakad papunta sa bintana. At napatitig sa mga naglalakihang gusali sa lugar.“Darr, kausapin mo naman ako,” dagdag ni Kariel nang hindi siya nito sinagot. “Ano bang problima?”Huminga nang malalim si Darrius bago pa bumalik sa tabi ni Kariel. Naupo siya sa gilid ng kama at mahigpit na hinawakan ang kamay ng babae. “Kariel,” panimula niya, “may isang bagay na kailangang asikasuhin. At hindi ko puwedeng ipagsawalang-bahala ito.”“Anong ibig mong sabihin? May nangyari ba?” tanong ni Kariel, na ramdam ang hindi magandang bali
Sa bawat pagbaon ng pagkalalaki ni Darrius, ay s’ya namang pagliyad at pa-ungol ni Kariel. Hindi niya alam pero parang muli s’yang dinala sa langit kung saan ilang taon na n’yang hindi napupuntahan. At sa bawat ulos ni Darrius pakiramdam n’ya muli na naman silang pinag-isa. Hindi niya alam kong ano ang magiging reaksyon niya sa bawat pagpasok nito sa kaniyang kuweba. Basta ang tanging nagawa niya lang ay sambiti ang pangalan ng kaulayaw sa mahina ngunit tila angel na umaawit sa pandinig ni Darrius. "Yamz-" Saglit pa itong tumigil at pinagmamasdan siya bagay na magtama ang kanilang mga mata. “I've waited this for so many years, at ngayon nakasama na kita ulit.” “Me too,” tugon naman ni Kariel. Ngumiti naman si Darrius sa sinabi ni Kariel saka nag-smirk. “Just moaned my name, at ako na ang bahalang magdala sa’yo sa langit.” “Loko,” nakangising aniya. “Kung ako lang ang nasusunod, hindi ko na hahayaang matapos pa ang gabing ‘to para naman makasama pa kita nang matagal.” Ngumiti p