Pagkauwi nila sa kubo, halos humapay si Kariel sa pagod. Pagod na pagod siya sa buong araw ng pamimigay ng food packs sa mga residente. Hindi lang dahil sa init at dami ng tao, kundi pati na rin sa bigat na nararamdaman niya sa sinabi ng babae kanina. Sa kabila ng ngiti, ramdam niya ang bigat na nadarama niya sa tuwing maalala ang sinabi nito."Upo ka na, Yamz. Magpahinga ka," malambing na sabi ni Darrius habang inalalayan siya papunta sa bangko. Agad naman nitong kinuha ang isang baso ng malamig na tubig at iniabot sa kanya. "Salamat," mahinang ani Kariel habang tinanggap ang tubig.Muling umupo si Darrius sa tabi niya at tinitigan ang mukha niyang pagod na pagod. Sa kabila ng pawis at pagkaputla, hindi pa rin mawala kay Darrius ang paghanga sa kagandahan ng dalaga."Masyado ka yatang napagod, Yamz. Magpahinga ka na muna," sabi ni Darrius habang hinaplos ang pisngi niya."Okay lang ako. Masaya akong nakatulong sa kanila," sagot ni Kariel habang nakangiti, bagaman may mga pag-aalinla
Pagkatapos buksan ni Darrius ang pinto, ay agad na pumasok sina Kiarah at Mark na dala ang pagkain mula sa bahay nila. "Ang tagal niyo Boss ha," biro ni Mark, sa amo habang tinutulungan si Kiarah na ilagay ang mga dala sa lamesa. "Aba, nag-uusap lang kami," sagot ni Darrius, sinusubukang itago ang ngiti, pero halata pa rin ang saya sa mukha niya. Samantala, si Kariel ay nanatiling tahimik, sinusubukang kontrolin ang kilig na nararamdaman habang pinagmamasdan ang tatlo. "Kain na tayo!" masayang ani Kiarah, pagkatapos ihanda ang pagkain sa lamesa, na tila hindi napapansin ang maliit na tensyon sa silid. “Sabi kasi nila ni tatay, hatiran na lang namin kayo ng pagkain, at nang hindi na kayo pumaroon sa bahay.” "Salamat," nakangiting sagot ni Kariel, na tila pagod ang tono sa maghapong ginawa. Hindi man sanay pero masaya na rin siya dahil nag-enjoy siya sa kanilang ginawa. Habang kumakain sila, hindi maiwasang mag-usap tungkol sa kanilang mga pinagdaanan. Ngunit hindi nagtagal ay mul
Nang sumunod na araw ay nagkayayaan sina Kariel, Darrius, Kiarah pati na si Mark na maligo sa ilog kasama ang mga bata. Hindi man sanay sa ganitong mga gawain, ngunit natutuwa naman si Kariel kasama si Darrius pati na rin ang mga bata. Habang nakaupo sa malapad na bato sa tabi ng ilog ay tanaw niya sa ‘di kalayuan na nag-iihaw ng nahuling tilapia ni Darrius at Mark.Nakita niya kung paano nagkatuwaan ang tatlo habang nagsasalitan sa pagluluto. Tila masaya silang nagtutulungan, ngunit hindi maitatanggi ang maliit na tensyon sa pagitan ni Kiarah at Mark. Pabirong hinahamon ni Mark si Kiarah, pero halata namang naiirita ito kay Mark. Bagay na ikinangiti niya. Nasa gitna ng mga birohan ang tatlo nang biglang lumapit ang batang babae kay Kariel. "Ate Kariel, halika na po! Maligo na tayo!" masigla ngunit malambing na aya ng bata habang marahang hinihila ang kanyang kamay. Nagsilapitan din ang iba pang mga batang kasama nito.“Oo nga po ate Kariel, maligo na tayo.” Sang-ayon pa ng kasama
Nang matapos ang paglalaro ng mga bata sa ilog, nagkayayaan na ang lahat na umahon para magsama-sama sa tabi ng ihawan. Ang amoy ng iniihaw nilang tilapia ay kumalat sa hangin, na nagpapagana sa kanilang mga sikmura. Nakalatag na rin naman ng banig si Kariel kanina. Nakahanda na rin doon ang iba pa nilang dalang pagkain.Habang abala sa paghahanda, hindi maiwasang mapansin ni Kariel ang mga maliliit na kilos ni Mark tuwing napapalapit ito kay Kiarah. Panay ang pagpapansin ni Mark sa dalaga hindi ito nagpatinag sa malamig na pagtanggap ni Kiarah. Nagsisimula na ring mapansin ng mga bata ang tila pang-aasar ni Mark sa kanya, kaya't nagkatinginan sila at nakangiting lumapit kay Kiarah."Ate Kiarah, bakit po kayo nilalapitan lagi ni Kuya Mark? Crush ka ba niya?" pilyong ani sa isa sa mga bata.“Ayieeeee, oyyy ate Kiarah. Crush ni kuya Mark,” panunukso pa ng mga ito.Nakita niyang pinamulahan ng pisngi si Kiarah. "Ay! Hindi ah!" mabilis na depensa ni Kiarah, sabay iwas ng tingin.“Weeee,
Pagkatapos ng masayang hapon sa tabi ng ilog, napagdesisyunan ng lahat na magligpit at maghanda na para umuwi. Halata sa mukha ng mga bata ang kasiyahan, pero kahit na pauwi na sila, ay hindi pa rin nila tinigilan ang pang-aasar kay Kiarah."Ate Kiarah, si Kuya Mark kaya kaya mong pakasalan?" tanong ng isang bata, habang naglalakad sila pabalik sa bahay ni Mang Emilio."Crush na crush ka ni Kuya Mark, Ate Kiarah! Kayo na ba?" sabat naman ng isa, na kinagulat ni Kiarah."Ano ba ‘yan! Tama na! Ayoko na makipag-usap sa inyo!" sagot ni Kiarah, sabay takbo para makauna sa kanila. Halata ang pamumula ng kanyang pisngi sa sobrang inis.Ngunit kahit anong pilit niyang iwas, patuloy pa rin ang mga bata. Nakangisi lang si Mark, tila walang kapaguran sa pang-aasar. "Teka, Kiarah! Huwag ka namang masyadong seryoso. Nandito lang naman ako. Alam kong secretly kinikilig ka din," sabi ni Mark, kasabay ng pilyong tawa.“Hay naku, Mark! Kung gusto mong tumigil ang pang-aasar na 'to, pwede ba, ikaw na a
Mahimbing nang natutulog si Kariel sa loob ng kubo. Pagkatapos kasi nilang ihatid si Kiarah, ay hindi na sila naghapunan, dahil busog pa naman sila. Hindi na rin siya nagpahatid pa kay Darrius sa tinutuluyan niya. Dahil sa pagod ay agad rin siyang nakatulog ng mahiga na siya higaan niya. Ngunit naalimpungatan siya nang makaramdam siya ng kaluskos mula sa labas ng kubo. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at tumikhim, pinakikiramdaman niya muna ang ingay sa labas. “Yamz,” mahinang tawag sa kanya. At doon niya napag-alamang si Darrius ang nasa labas. Agad siyang bumangon at bumaba sa kanyang higaan para pagbuksan ito.“Darrius?” pabulong na ani Kariel nang buksan niya ang pinto. At saka iniunat-unat ang sarili.“Sorry, nagising ba kita?” tanong ni Darrius, nang makapasok ito. Agad naman niyang isinara ang pinto. “Hindi naman. Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Kariel, saka humakbang pabalik sa higaan.Huminga nang malalim si Darrius bago sumagot. “Naalala ko lang kasi…
Mag-uumaga na nang magising si Kariel sa marahang pagyugyog ni Darrius sa kanya. "Yamz, kailangan ko nang bumalik sa kubo. Bumalik ka na lang sa pagtulog, gisingin na lang kita mamaya kung kakain na," malumanay na bulong ni Darrius habang hinahaplos ang kanyang buhok. Dumilat si Kariel at ramdam niya ang pagod at kasiyahan mula sa kanilang ginawang pagtatanod ng gabi."Hmm…sandali lang," bulong ni Kariel pabalik habang inilapat ang kanyang mukha sa dibdib ng lalaki. Gusto pa niyang magtagal sa mga bisig nito, ngunit alam niyang kailangan na nilang bumalik sa reyalidad.Inisa-isang pulutin ni Darrius, ang mga damit niyang nagkalat sa sahig kagabi. Kung saan-saan na kasi nila pinaghahagis ang kasuotan nila bagay na ikinangisi ni Kariel.“Baka, may makakita sa akin kapag may araw na akong lumabas rito,” ani Darrius."Oo nga," mahinang sagot ni Kariel habang pinagmamasdang sinusuot ni Darrius ang damit nito. Tanging boxer short lang kasi ang natirang saplot nito kagabi. "Tama ka. Hindi p
Sa umagang din iyon ay, napagpasyahan ni Kariel at Kiarah na magtungo sa taniman ng mga rosas, para manguha at i-display niya sa kanyang kubo. Habang naglalakad, naramdaman ni Kariel na mas malaya na ang kanyang pakiramdam. Nasabi na nga niya noon, mas mabuting kilalanin mo ang isang tao bago mo sila husgahan. Sa loob-loob niya, naging mas komportable siya kay Kiarah. Mayroon din pa lang malambot na puso ang babaeng sa una’y inaakala niyang ka-kompetensya niya sa lalaking mahal niya.Pagkarating nila sa taniman ay bumungad sa kanila ang nagagandahang mga bulaklak. Agad na inihanda ni Kariel ang dala niyang gunting at basket para sa pangunguha ng mga bulaklak.“Oyy, parang hindi nauubusan ng mga namumukadkad ang tanim niyo rito ano?” ani Kariel bagay na ikinangiti ni Kiarah.“Oo, hindi talaga sila nagsasawang mamulaklak. Maganda din kasi ang pag-aalaga ng mga taga-nayon sa kanila. Tulad ng binilin noon ni sir Darrius na huwag pababayaan ang bagay na nagbibigay importansya sayo. Cheris