Share

Chapter 15

Whatever! Kung ano man ang gustong itago ni Haris at Anthony ay wala na dapat akong pakialam— bahala na sila sa buhay nila.

Sinundan ko ng tingin si Anthony nang mag-walk out ito. Dere-deretso ang paglalakad nito habang nakakuyom ang pareho niyang kamao. Sunod kong nilingon si Haris na ganoon pa rin ang emosyon sa mukha, malamig ngunit nagtatago roon ang tila misteryong hindi ko mawari.

Napairap ako sa ere, kasabay nang paghawi ko sa buhok ko. Nilayasan ko na rin silang dalawa ni Larisa roon dahil wala na akong balak na pahabain pa itong nangyayari. Nabubwisit ako kay Anthony. Hindi ko talaga inakala na mas baliw pa siya kay Elias.

Nang matapos ang huling klase ay malakas akong humikab. Literal na inaantok ako at sobrang boring ng Professor. Halos sabay lang din kaming lumabas ni Larisa ng room. Nabangga pa ako nito sa balikat dahil sa pagmamadali niya.

"Ano ba?!" singhal ko rito, napahinto siya at isang beses akong nilingon mula sa balikat at leeg niya. "Mag-ingat ka naman! Makakalab
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status