Share

Chapter 8

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niyang iyon, o mahihiya dahil sa naging posisyon namin sa hagdan. Dali-dali pa akong gumalaw para makawala sa kaniya. Hindi ko na siya nilingon at dere-deretsong umakyat sa taas.

"Whatever!" pahabol kong sigaw.

Isinarado ko ang pinto sa kwarto at pumasok naman sa loob ng banyo upang magbanlaw. Natuyo na ang katawan ko, kaya ngayon na nabasa ulit ako ay panibagong lamig na naman ang naramdaman ko.

Wala pa sa sarili nang dumapo ang kamay ko sa dibdib kong nahawakan ni Haris. Nahigit ko ang hininga ko. Animo'y may kuryente pang dumaloy sa kabuuan ko at bigla akong nag-init. Dinaig ko pa iyong kamatis sa sobrang pamumula ng mukha.

Holy fvck...

Imbes na nahimasmasan na sana ako dahil sa lamig ng tubig ay lalo lang nag-init ang katawan ko. Bumuntong hininga ako at saka mariing ipinikit ang mga mata. Tumingala ako sa shower head para mas lasapin ang lamig ng tumutulong tubig, pero sadyang hindi lang nito kayang tumbasan ang nag-iinit kong katawan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status