"Ano, Mommy? Hindi ka na talaga nahiya kay Daddy! Inuwi mo pa rito ang lalaki mo!" malakas kong sigaw sa sobrang galit.
Ramdam kong puputok na ang mga ugat sa aking noo, hindi hamak na para na akong bulkang sasabog. Damang-dama ko rin ang init ng katawan ko, partikular ang mga mata kong animo'y sinisilaban ng apoy. Nanlalabo na ang paningin ko para sa nagbabadyang luha. Pero hindi, hindi ako iiyak. Tuluyan akong nagwala lalo nang talikuran lang ako ni Mommy. Dere-deretso siyang naglakad papasok ng kaniyang kwarto na para bang walang narinig, o parang hindi niya ako nakita. Mas madali yatang sabihin na talagang wala na rin siyang pakialam sa kung ano man ang nararamdaman ko. Huh! For Pete's sake, anak niya ako! Hindi ako ibang tao, o kung sino lang! Nawala lang ako kagabi, nakitulog lang ako sa kaibigan kong si Precy dahil sa matinding kalasingan na hindi ko na kayang umuwi pa. Ngayon ay madadatnan ko sila ng lalaki niya rito sa bahay mismo ni Daddy? Sa pamamahay pa mismo namin?! Malamang ay dito rin iyon natulog at saan pa nga ba? Naabutan ko lang na paalis na iyong lalaki. Hinatid siya ni Mommy sa labas at doon ko sila nakita. Kaya pala nagtataka ako kung kaninong kotse iyong naka-park sa labas. At hindi naman pwede na napadaan lang iyong lalaki, hindi rin maaaring driver namin o isa sa mga tubero. Ngayon ko napatunayan na totoo nga ang sinasabi ng mga kapitbahay namin. Na may dinadalang lalaki rito si Mommy, sa reaksyon at inakto niyang iyon kanina, totoo nga. Kailangan kong magising sa katotohanan. Ibig sabihin lang din ay hindi ito ang unang beses. Nasakto lang na maaga akong umuwi ngayon kaya ko sila naabutan. Dati ay ayokong paniwalaan, ayokong maniwala dahil alam kong hindi ganoon si Mommy. Ayaw kong maniwala hangga't hindi si Mommy ang nagsasabi. Alam ko na hindi niya iyon magagawa. Alam kong kahit hiwalay na sila ni Daddy ay may respeto pa rin siya rito, pero ano ito? Bakit ganito? Animo'y gumuho ang mundo ko. Iyong babaeng iniidolo ko ay biglang naglaho. Sa isang iglap ay napalitan ng pagkasuka, pagkadismaya at pagkamuhi. Hindi ko inakala na magagawa rin niya ang bagay na ginawa noon ni Daddy, ang bagay na pareho naming isinumpa ni Mommy. "Ako pa ang mahihiya ngayon, Alice?" balik pagtatanong ni Mommy nang tuluyan siyang makapasok sa kwarto nito, isang beses niya akong nilingon na nasa hamba ng pintuan. "Noong sumama ba ang Daddy mo sa ibang babae at iniwan tayo, nahiya ba siya?" Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Nangunot din ang aking noo. Pilit kong iniintindi si Mommy. Gusto kong makita iyong tamang paliwanag kung bakit niya ito nagawa. Ngunit hindi ko ba alam kung naturang bobo ba ako kaya hindi ko rin magawa. "Naisip din ba niya tayo? Hindi naman 'di ba? Wala lang tayo sa kaniya. Kaya niya ako pinagtaksilan dahil hindi naman niya talaga ako mahal. Hindi niya ako minahal. Siguro nga ay hindi ka rin niya minahal—" "Tama na!" suway ko rito. Punung-puno ng lungkot ang boses ni Mommy, ganoon din ang kaniyang mukha. Malayang tumutulo ang luha niya. Ayaw magpaawat at ayaw magpapigil. Ngunit mas doble ang epekto sa akin. Kung nasasaktan siya, mas nadudurog ako. "At ano, Mommy? Tatapatan mo iyong kahihiyang ginawa niya?" maanghang kong palatak, tumutulo na rin ang mga luha ko dahil tunay na nasasaktan ako sa pamilyang mayroon ako. "Ni hindi niyo inisip iyong kapakanan ko noong naghiwalay kayo! Hindi niyo man lang ako tinanong kung okay lang ba sa akin ang desisyon ninyo!" "Bakit? May magagawa ba ang opinyon mo para maibalik natin ang dati? Para bumalik tayo sa dati? Hindi, anak. Kasi hindi na ako ang mahal ng Daddy mo. Pareho niya tayong sinaktan at iniwan, pero bakit sa akin ka lang nagagalit? Huh, Aliyah Denice??" singhal ni Mommy, saglit akong natigilan. Lalong bumuhos ang mga luha ko. Samantala ay tahimik naman ding umiiyak si Mommy sa harapan ko. Higit tatlong taon na rin noong umalis si Daddy, matagal na iyon para sa iba ngunit para sa akin ay parang kahapon lang nangyari. Iyong sakit ay parang bago pa rin, parang sariwa pa rin. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap kaya hanggang ngayon ay nananatiling puno ng galit ang buong pagkatao ko. At ang galit na iyon ay naibubuntong ko lahat kay Mommy. Hindi ko namalayan na sa paglipas ng panahon ay napapariwara ako. Rebelde na nga kung maituturing. Sa pag-aaral ko bilang third year college ay hindi ko alam kung makakatungtong pa ba ako sa fourth year gayong ilang buwan na lang ang natitira. Lahat ng subject ko ay pasang-awa. Bagsak ako palagi sa test. Wala akong matinong performance sa school. Halos itapon na nga ako ng mga Dean's officer doon dahil araw-araw yata akong laman ng office nila. Wala na akong ginawang tama. Sinira ko iyong buhay ko sa pag-aakalang baka maawa sila sa akin, baka sakali na bumalik si Daddy at muli kaming mabuo. Pero tangina, tatlong taon na ang lumipas, niho-niha ay wala siyang paramdam sa amin. Ni isang kalabit o bulong sa tainga ay wala rin. Oo, nagagalit ako kay Daddy, pero sa palagi kong kasama si Mommy dito sa bahay at palaging nakikitang umiiyak ay mas nagagalit ako sa kaniya. Pareho ko silang sinisisi na ganito ang kinahinatnan ng magandang pamilya sana namin noon. Hindi ko ba alam kung bakit sa isang iglap ay ito ang naging sukli sa kasiyahang tinatamasa ko noon. Ewan kung parusa ba ito, pero kahit kailan ay hinding-hindi ko matatanggap ang isa pang mali para pagtakpan ang isang pagkakamali ni Daddy noon. "Look, Alice. Kung masaya na ang Daddy mo sa ibang babae, hindi ba dapat ay maging masaya na rin ako? Gusto ko nang sumaya pagkatapos ng lahat ng naging sakripisyo ko. Ubos na ubos na ako at gusto ko rin ng lalaking magpapasaya sa akin— ng lalaking tanggap ako kahit ano ako," dagdag ni Mommy sa mas malumanay na boses. "Huwag... paano ako..." Humina ang tinig ko dahil sa naghihingalo kong paghinga, kasabay na pilit din akong nilalamon ng pagtangis ko. "Alam ko na hindi tama, maaaring para sa 'yo o sa ibang tao... kasalanan iyon... pero mali bang maging masaya? Mali bang magmahal muli? Mali ba na may tumanggap ulit sa akin pagkatapos ng Daddy mo?" Gusto niyang ipaintindi sa akin iyon ngunit sarado ang utak ko para umintindi. Lesson nga namin ay hindi ko maintindihan, ito pa kayang halos magpasakit ng ulo ko? Umiling-iling ako. "Kahit lumuhod kayo ng lalaki mo sa harapan ko, kailan man ay hindi ko kayong matatanggap. Kapag ipinagpatuloy mo pa ito, huwag mo na ring asahang ituturing pa kitang ina. Huwag mo na rin akong tatawaging anak dahil ngayon pa lang na nalaman kong may lalaki ka, gusto ko nang putulin ang koneksyong mayroon tayo. Sige, magpakasaya ka." "Alice..." agap ni Mommy nang mabilis pa sa kidlat na tumalikod ako. "Alice!" Padarag kong isinarado ang pinto ng kaniyang kwarto at nagmamadaling bumaba ng hagdan. Wala pa akong tulog, pero hindi ko naman maatim na manatili rito sa bahay kung kaya ay lumabas ako. Dere-deretso akong nagmartsa patungo sa gate. Hindi ko alam kung saan ako pupunta; bahala na. Dali-dali akong pumasok sa kotse at mabilis iyong pinaharurot palabas ng villa. Bandang huli, kahit may hangover pa ay pinuno ko ulit ng alak ang baga ko. Umiikot na ang paningin ko at ramdam kong ano mang oras ay matutumba na ako. Wala akong kasama rito sa bar. Hindi ko na inaya si Precy at malamang na tatanggihan din ako ng babaeng 'yon. Hindi rin ako pumasok sa klase ko ngayong araw. Parang mas maganda na lang na maglaho kaysa ipagpatuloy ko pa ang lintik kong buhay. Malakas akong napasinok dala ng kalasingan, kapagkuwan ay pagewang-gewang na naglakad patungo sa dancefloor. Sumiksik ako sa kumpulan ng mga tao upang makarating sa gitnang parte, roon ay sinabayan ko ang malanding musika na umaalingawngaw sa kabuuan ng bar. Kabi-kabilaan din ang sigawan ng mga tao, partikular ng mga lalaking nakapaligid sa akin dahil sa maharot at magaslaw kong pagsasayaw. Ilang lalaki ang ginilingan ko, ang niyakap at hinalikan ko. Pikit-mata kong nilalasap ang lahat; sakit at pighati. Panay lang din ang tawa ko na para bang isa akong tunay na nakawala sa Mental Institution. Wala na akong pakialam sa paligid, o kung may mga babae mang nagagalit na sa akin dahil maharot kong sinasayawan ang boyfriend nila. Kahit saksakin nila ako ay wala akong pakialam. Mayamaya lang nang matigil ang kasiyahan ko nang may biglang humatak sa braso ko. Sa rahas no'n ay halos sumubsob ako sa dibdib niya. Napapikit ako nang maramdaman ang tigas nito, para akong sinalubong ng matayog na pader. Kaagad ko itong tiningala sa sobrang inis, pero nagulat ako nang matagpuan ko ang maamong mga mata niya. "Akala ko ba ay galit ka sa mga taong kumakabit, pero sa inaakto mo, hindi ba't hindi ka rin nalalayo sa kanila?" matabang niyang sinabi na gaano man kaingay sa dancefloor ay nanuot iyon sa pandinig ko. Nagpantig ang tainga ko. "Wh—what?!"Bumagsak ang panga ko. Maang akong napatitig sa lalaking nasa harapan ko. Kalaunan ay ilang beses akong napapikit para lang ibalik ang kaluluwa sa aking katawang lupa. Bukod sa sinabi niyang iyon, hindi ko naiwasang purihin siya sa utak ko. Matangkad ang lalaki, matipuno ang katawan at halos manuot sa ilong ko ang pabangong ginamit nito. Sobrang bango.Napalunok ako, ilang sandali nang mapapitlag ako. Kaagad kong ikinunot ang noo, kasabay nang pagtataas ko ng kilay dito. Una sa lahat, sino ba siya para hatakin ako ng walang pasabi? Pangalawa, sinong nagbigay sa kaniya ng karapatan na pagsalitaan ako ng ganoon? Hiningi ko ba?"Who the fvck are you?" giit ko sa mababa at madiing boses, pero sapat na rin naman na upang umabot sa pandinig niya."Hindi ba ay galit ka sa mga taong kabit?" Tumagilid ang ulo ng lalaki, tila pa nang-uuyam. "Sa ginagawa mo, parang hindi rin ka rin naiiba sa kanila."Pagak akong natawa."Kailan ko pa hiningi ang opinyon mo?" maanghang kong palatak at saka pa si
Napilitan akong pumasok sa school kinabukasan sa sobrang pag-iwas ko kay Mommy. Ayoko siyang kausapin hangga't hindi nagbabago ang desisyon niyang sumama sa lalaki niya.Galit pa rin ako at hindi ko alam kung hanggang kailan mananatili ang galit sa puso ko, para bang sa araw-araw na nagdaraan ay purong galit na lang ang nananalaytay sa dugo ko. Hindi ko na magawang ngumiti, o kahit ibalik ang dating ako.I used to be bubbly. Masaya na ako kahit sa maliit na bagay, ngayon ay naiirita dahil sa maliliit na bagay na iyan. I never asked for anything, or even asked for luxury. Sa buhay ko ay kuntento na ako. Wala na akong mahihiling pa dahil tunay na nasa akin na ang lahat. Mayaman, masagana at masayang pamilya. Naalala ko pang marami ang naiinggit sa akin dahil sa family background ko. Marami ang pumupuri.Ngayon ay hindi ko na alam. Hindi ko inakala na ganito kalaki ang naging epekto sa akin nang panloloko noon ni Daddy, nang pag-alis at pag-iwan niya sa amin. It's been fvckin' three year
Saktong kalalabas ko lang ng Dean's office ay lumabas din si Elias. Kanina pa masama ang tingin niya sa ilang minutong naroon kami sa loob. Kaya wala na iyong epekto sa akin ngayon. Ano bang problema niya?Napangisi ako bilang pang-aasar dahilan nang pagkakahinto niya sa harapan ko. Lalo lang din siyang nangitngit sa galit."Ano?" pag-aamok niya.Umiling ako habang nakangisi pa rin. "Wala naman, Elias. Masaya lang ako na makita 'yang mukha mo. Parang na-miss nga kita.""Tangina..." Humugot siya ng hininga, tila ba mapipigtas ko ulit ang pasensya niya. "Kung ganiyan ka kanina kaamo, tingin mo ay mapupunta tayo rito? Ang arte-arte mo kasi. Akala mong kung sinong inosente."Mariin ko siyang tinitigan.Nalusaw din ang ngisi sa aking labi."Nakarami ka ng lalaki 'di ba? Hindi na bago sa 'yo iyong ginagawa ko."Pagak akong natawa, rason naman para matigil siya. Maang niya akong tinitigan na para bang nababaliw na ako. Natatawa ko siyang tiningala. Tangina ng lalaking 'to. Dinaig pa ang bakl
Tangina!I fvckin' knew it! Wala pa man siyang sinasabi, o hindi man niya ako sagutin ng deretso ay siya talaga iyong lalaking naghatid sa akin dito sa bahay kagabi. Kaya malakas ang kutob ko— kaya gustung-gusto kong isipin na siya nga iyon. Kasi hindi naman talaga ako nagkakamali!“Tinitingnan ko lang kung gaano ba kaganda ang bahay na iyan at diyan gustong tumira ni Daddy.” Animo'y sirang plaka at nagpaulit-ulit ang katagang iyon sa utak ko.Hindi ko na kailangan pa ulit na magtanong sa kaniya. I know my instincts were always right! Damn, Haris! Damn it!Mabilis akong tumalima at hinarangan ito sa tangka niyang pagpasok sa gate namin. Iniharang ko rin ang dalawang kamay sa magkabilaan kong gilid habang nananatiling hawak ang mini hand bag ko. Naka-heels pa ako at para akong tanga.Hell, hindi ko hahayaan na makapasok ang lalaking ito sa bahay namin. Una na ngang nang-trespass ang ama nito, hindi lang 'yon, pati si Mommy ay pinasukan din.Tinitigan ako ni Haris. Masama na ang tinging
“We're going to be a real family soon. Kumpleto na ulit ang pamilya natin na siyang matagal mo nang gusto, Alice.” Oo, gustung-gusto ko ng buo at kumpletong pamilya! Gusto kong maging masaya ulit! Gusto ko 'yon! Gustung-gusto ko! Pero hindi ito iyong inaasahan ko. Hindi ito 'yung gusto ko. Hindi si Benjamin ang kailangan ko, hindi si James o si Haris. O kahit sinong lalaki ang itapal ni Mommy bilang kapalit ni Daddy sa akin. Si Daddy... siya lang... Hindi ba nila iyon maintindihan? Siya lang naman ang kailangan ko. Mahirap ba na ibigay iyon? Si Daddy lang naman. Tumulo ang luha sa aking pisngi ngunit madali ko ring pinalis. Sa paglabas ko pa ng bahay ay nagkasalubong kami ni James. Mabilis siyang gumilid habang buhat-buhat niya ang malaking box nang mapansin ang mabibigat kong mga yabag. Kuyom ang dalawang kamao ko. Sa itsura ko ay animo'y may susugurin at mag-aamok ng away. Pero sa totoo lang ay nanghihina ako. Nanginginig ang dalawang tuhod ko, kasabay nang panginginig sa gal
Kinabukasan ay hindi ako nakapasok dahil masama pa rin ang pakiramdam ko. Gusto ko man, para rin sana makawala sa bahay na ito ngunit hindi ko magawang gumalaw nang maayos. Kahit ang pagbangon sa kama ay nahihirapan pa akong gawin.Kaya sa buong maghapong dumaan ay nasa kwarto lang ako, nakahilata at nagbabasa ng libro. May isang katulong lang din ang naglalabas-masok para dalhan ako rito ng pagkain, o ng kung anu-ano pang mga bagay na hindi ko naman kailangan.Mabuti rin at hindi naiisipang pumarito ni Benjamin, o kahit ng dalawang anak niyang sina James at Haris. Malamang din ay abala sila, posibleng pumasok si Benjamin at James sa kani-kanilang trabaho.Si Haris naman ay sa school. Si Mama ay dumalaw na rito kanina, pero nag-anyo akong tulog para hindi siya magkaroon ng oras na kausapin ako. Sa ilang minuto na nandito siya ay nagtulug-tulugan ako, 'di naglaon ay umalis din nang maburyo.Hindi na iyon nasundan pa at ayaw ko rin namang mangyari na magpang-abot pa kami rito. Hindi ko
Kasabay nang paghalik ni James sa akin ay ang pagkabasag ng kung ano. Napatalon ako sa gulat, doon lang din yata ako nagkaroon ng lakas para itulak si James. Madali kong nilingon ang pwesto ni Haris. Nasa paanan nito ang nabasag na baso ngunit wala siyang pakialam, bagkus ay nananatili ang mariin niyang paninitig sa amin. Napakurap-kurap ako, lalo pa noong humakbang ito at papalapit sa gawi namin ni James. Ang inakala kong susugurin niya si James, base na rin sa pagkakakuyom ng dalawang kamao nito, pati ng galit na naroon sa kaniyang mukha— nagkamali ako. Deretso ang naging lakad nito. Dumaan ito sa gilid ko at damang-dama ko ang hanging dumaplis sa katawan ko nang lumampas siya sa akin. Kung gaano kabigat ang bawat yabag niya ay ganoon din kabigat ang hiningang binibitawan ako. Nang tuluyan siyang mawala sa paningin ko ay napasinghap ako. Binalingan ko si James na nananatiling nasa harapan ko. Katulad ko ay gulat din ang mababakas sa mukha niya. Ngunit mas nagulantang nga lang siy
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niyang iyon, o mahihiya dahil sa naging posisyon namin sa hagdan. Dali-dali pa akong gumalaw para makawala sa kaniya. Hindi ko na siya nilingon at dere-deretsong umakyat sa taas."Whatever!" pahabol kong sigaw.Isinarado ko ang pinto sa kwarto at pumasok naman sa loob ng banyo upang magbanlaw. Natuyo na ang katawan ko, kaya ngayon na nabasa ulit ako ay panibagong lamig na naman ang naramdaman ko.Wala pa sa sarili nang dumapo ang kamay ko sa dibdib kong nahawakan ni Haris. Nahigit ko ang hininga ko. Animo'y may kuryente pang dumaloy sa kabuuan ko at bigla akong nag-init. Dinaig ko pa iyong kamatis sa sobrang pamumula ng mukha.Holy fvck...Imbes na nahimasmasan na sana ako dahil sa lamig ng tubig ay lalo lang nag-init ang katawan ko. Bumuntong hininga ako at saka mariing ipinikit ang mga mata. Tumingala ako sa shower head para mas lasapin ang lamig ng tumutulong tubig, pero sadyang hindi lang nito kayang tumbasan ang nag-iinit kong katawan
Whatever! Kung ano man ang gustong itago ni Haris at Anthony ay wala na dapat akong pakialam— bahala na sila sa buhay nila.Sinundan ko ng tingin si Anthony nang mag-walk out ito. Dere-deretso ang paglalakad nito habang nakakuyom ang pareho niyang kamao. Sunod kong nilingon si Haris na ganoon pa rin ang emosyon sa mukha, malamig ngunit nagtatago roon ang tila misteryong hindi ko mawari.Napairap ako sa ere, kasabay nang paghawi ko sa buhok ko. Nilayasan ko na rin silang dalawa ni Larisa roon dahil wala na akong balak na pahabain pa itong nangyayari. Nabubwisit ako kay Anthony. Hindi ko talaga inakala na mas baliw pa siya kay Elias.Nang matapos ang huling klase ay malakas akong humikab. Literal na inaantok ako at sobrang boring ng Professor. Halos sabay lang din kaming lumabas ni Larisa ng room. Nabangga pa ako nito sa balikat dahil sa pagmamadali niya."Ano ba?!" singhal ko rito, napahinto siya at isang beses akong nilingon mula sa balikat at leeg niya. "Mag-ingat ka naman! Makakalab
"Precy!" malakas kong sigaw dahilan para mapabalikwas ito ng upo, kamuntikan pa siyang mahulog sa sahig.Mabibigat ang mga yabag na naglakad ako patungo sa pwesto niya kung saan kami madalas na tumambay kapag may free time kami sa school. Sa sigaw ko ring iyon ay saglit na tumigil ang mga tao sa bilyaran at mabilis na napalingon sa akin.Kilala na ako rito, kahit no'ng may-ari. Tila VIP na nga ang turing sa akin dito, kaya noong dumaan ako sa kumpulan ay tahimik na nahati iyon sa gitna. Ingay lang na nagmumula sa heels ko ang umaalingawngaw sa kabuuan ng lugar.Isama na rin ang malakas na pagtibok ng puso ni Precy dahil sa kaba kung tunay lang na naririnig ko iyon mula rito. Kitang-kita ko ang pagkakatigil ng kaniyang hininga, kasabay nang pag-awang ng labi niya.Tumayo kaagad si Precy, hindi para salubungin ako ng yakap, kung 'di para depensahan ang sarili. Ngunit huli na at madali ko siyang pinatahimik."Alice—"Sinalubong ko ng sampal ang isa niyang pisngi, rason para mapabalik ito
"I am so happy!" patuloy na pahayag ni Mommy habang pumapalakpak din siya, hinarap niya si Benjamin. "Thank you, honey. Salamat dahil dumating ka sa buhay ko."Niyakap ni Mommy si Benjamin, kitang-kita ko ang pagmamahal nito sa lalaki niya. Good for her, na nakita na niya ang taong magpapasaya sa kaniya, ng taong magbibigay sa kaniya ng kalinga at atensyon.Samantalang ako, heto at nangangasim ang mukha habang pinagmamasdan silang dalawa. Gusto kong masuka. Panay ang irap ng mga mata ko sa ere. Sina Haris at James naman ay nakatanaw sa akin.Alam nila kung gaano ako nandidiri sa relasyon ng aming magulang, tipong gusto kong baliktarin itong lamesa para lang matigil sila. Tuluyan na akong nawalan ng ganang ipagpatuloy ang pagkain ko at kahit hindi pa ako tapos ay lumabas na ako.Iniwan ko silang nakatulala sa akin. Wala na rin akong narinig na tutol galing sa kanila kaya umakyat ako sa kwarto ko at doon nagkulong. Marahas akong bumuntong hininga at halos hindi malaman ang gagawin. Gus
But no! Hindi ko gagawin ang ginawa nina Mommy at Daddy. Kahit sirang-sira na ang buhay ko ay hindi ko pa rin kayang gawin na sumira ng ibang relasyon. I'm not into adultery. Hindi ako kagaya nila."Aliyah!" daing ni Haris nang dumiin ang paggamot ko sa kaniyang pisngi.Nandito kami ngayon sa kwarto ko at kung papaanong hindi ako nagtagumpay sa paglalayas ko kanina ay hindi ko rin alam. Matapos mag-sorry ni Mommy ay binawi rin niya ang sinabi nito kanina.But that doesn't mean na napatawad ko na siya. I'm still hurt, hindi lang sa nagawa niyang pagsampal sa akin, kung 'di sa masasakit na salitang ibinato niya sa akin. I am emotionally damaged.Hindi nila alam kung gaano kasakit na manggagaling pa mismo sa bibig ng sarili mong ina ang mga salitang iyon. Masakit na sa akin na maiwanan ng ama, dumagdag pa sa sakit si Mommy na parang hindi niya naiintindihan ang nararamdaman ko bilang nag-iisang anak niya. "Ouch!" daing ulit ni Haris nang hindi ko mamalayang napadiin ulit ang bulak sa su
"Kanino ba dapat, Haris?" nang-uudyo kong tanong sabay sundot sa tagiliran niya.Napaigtad ito, kamuntikan pa kaming mabangga dahil sa biglaan niyang pag-apak sa brake. Sakto kasing nag-red light kaya huminto siya. Marahas niya akong nilingon at malamig na tinitigan.Lulan ng sarili kong kotse ay siya ang naging driver ko pauwi sa bahay. Pinaiwan na muna niya ang kotse nito sa Bottle Ground. Aniya ay babalikan na lang daw niya iyon, kung hindi bukas ay sa Monday.Nakakagulat na sa kaniya pa manggagaling ang salitang iyon. Hindi ko alam kung bilang kinakapatid niya ba ako, o talagang trip lang niyang pagbawalan ako. Pero kanino ba dapat? Sino ba dapat ang para sa akin?"Hmm... kung hindi ko lang alam na may girlfriend kang tao, mag-a-assume talaga ako na gusto mo ako." Malakas akong humalakhak, saka pa nagtaas ng kilay dito. "Tell me, Haris, gusto mo ako?"Saglit siyang natigilan. Napansin ko pa ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa steering wheel. Lumabas ang ugat doon. Lalo akong ngu
Seryoso ba siya? Iyan talaga ang pinunta niya rito sa building namin at hindi ang girlfriend niyang si Larisa? Gustong pumalakpak ng tainga ko, pero ngayon na nabubwisit ako sa kaniya ay sadyang hindi ko magawa.Like, bakit ba ang daming problema ng mga tao sa akin? Ano bang pakialam nila?Akala mo kung sino. Tumira lang sa bahay namin, nabigyan lang ng karapatan ni Mommy na bantayan ako ay halos hindi na yata ako maiwanan.Iyong sarili ko ngang ama, ni magparamdam o kumustahin ako ay hindi magawa. Iyong sarili ko ngang pamilya ay binabaliwala ako, sila pa na hindi ko naman kadugo?Totoo na gusto kong matuwa ngunit nakakagalit na bakit kailangan na sa iba ko pa mararamdaman iyong kalinga na gusto ko? Bakit sila... may pakialam sa akin? Bakit sina Mommy at Daddy ay wala?Marahas kong isinarado ang pinto sa kotse ko. Kasabay nang pagsinghap ko. Muling nag-ring ang cellphone sa hand bag ko. Malamang si Anthony na naman iyon. Nakailang missed call na siya.Huminga ako nang malalim bago in
Beat Larisa? Baliw ba ang lalaking 'yon?Samantalang sa tuwing pinagtitripan at inaaway ko ang girlfriend niya ay galit na galit siya. Ngayon ay sasabihin niyang talunin ko si Larisa? Sa patalinuhan pa talaga? Eh, 'di rin hamak na talo na ako ro'n.Nasa kaniya iyong brain.Ako, beauty lang.Oo sige, aaminin ko na isa iyon sa kinaiinggitan ko kay Larisa. Kaya hindi rin hamak na kaya niyang makipagsagutan sa mga bully niya. Tipong made-depress ka sa mga salita niya kapag pinatulan ka niya.“Mas valid pa ang pagiging broken family ko dahil patay na ang tatay ko. Eh, ikaw? Paano ang Daddy mo? Hindi ba't hiniwalayan niya ang Mommy mo at sumama sa ibang babae?”Naalala ko pa iyang mga katagang 'yan.Pumutok noon ang balitang hiwalayan ng Mommy at Daddy ko sa buong school kung kaya ay hindi na rin kataka-taka na maging siya ay alam iyon. She knows how to talk back. Kagaya rin no'ng nangyari sa CR.Kaya talagang inis na inis ako sa kaniya. Sa lahat ng taong gusto kong mawala sa paningin ko, s
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niyang iyon, o mahihiya dahil sa naging posisyon namin sa hagdan. Dali-dali pa akong gumalaw para makawala sa kaniya. Hindi ko na siya nilingon at dere-deretsong umakyat sa taas."Whatever!" pahabol kong sigaw.Isinarado ko ang pinto sa kwarto at pumasok naman sa loob ng banyo upang magbanlaw. Natuyo na ang katawan ko, kaya ngayon na nabasa ulit ako ay panibagong lamig na naman ang naramdaman ko.Wala pa sa sarili nang dumapo ang kamay ko sa dibdib kong nahawakan ni Haris. Nahigit ko ang hininga ko. Animo'y may kuryente pang dumaloy sa kabuuan ko at bigla akong nag-init. Dinaig ko pa iyong kamatis sa sobrang pamumula ng mukha.Holy fvck...Imbes na nahimasmasan na sana ako dahil sa lamig ng tubig ay lalo lang nag-init ang katawan ko. Bumuntong hininga ako at saka mariing ipinikit ang mga mata. Tumingala ako sa shower head para mas lasapin ang lamig ng tumutulong tubig, pero sadyang hindi lang nito kayang tumbasan ang nag-iinit kong katawan
Kasabay nang paghalik ni James sa akin ay ang pagkabasag ng kung ano. Napatalon ako sa gulat, doon lang din yata ako nagkaroon ng lakas para itulak si James. Madali kong nilingon ang pwesto ni Haris. Nasa paanan nito ang nabasag na baso ngunit wala siyang pakialam, bagkus ay nananatili ang mariin niyang paninitig sa amin. Napakurap-kurap ako, lalo pa noong humakbang ito at papalapit sa gawi namin ni James. Ang inakala kong susugurin niya si James, base na rin sa pagkakakuyom ng dalawang kamao nito, pati ng galit na naroon sa kaniyang mukha— nagkamali ako. Deretso ang naging lakad nito. Dumaan ito sa gilid ko at damang-dama ko ang hanging dumaplis sa katawan ko nang lumampas siya sa akin. Kung gaano kabigat ang bawat yabag niya ay ganoon din kabigat ang hiningang binibitawan ako. Nang tuluyan siyang mawala sa paningin ko ay napasinghap ako. Binalingan ko si James na nananatiling nasa harapan ko. Katulad ko ay gulat din ang mababakas sa mukha niya. Ngunit mas nagulantang nga lang siy