Share

Chapter 3

Saktong kalalabas ko lang ng Dean's office ay lumabas din si Elias. Kanina pa masama ang tingin niya sa ilang minutong naroon kami sa loob. Kaya wala na iyong epekto sa akin ngayon. Ano bang problema niya?

Napangisi ako bilang pang-aasar dahilan nang pagkakahinto niya sa harapan ko. Lalo lang din siyang nangitngit sa galit.

"Ano?" pag-aamok niya.

Umiling ako habang nakangisi pa rin. "Wala naman, Elias. Masaya lang ako na makita 'yang mukha mo. Parang na-miss nga kita."

"Tangina..." Humugot siya ng hininga, tila ba mapipigtas ko ulit ang pasensya niya. "Kung ganiyan ka kanina kaamo, tingin mo ay mapupunta tayo rito? Ang arte-arte mo kasi. Akala mong kung sinong inosente."

Mariin ko siyang tinitigan.

Nalusaw din ang ngisi sa aking labi.

"Nakarami ka ng lalaki 'di ba? Hindi na bago sa 'yo iyong ginagawa ko."

Pagak akong natawa, rason naman para matigil siya. Maang niya akong tinitigan na para bang nababaliw na ako. Natatawa ko siyang tiningala. Tangina ng lalaking 'to. Dinaig pa ang bakla sa sobrang daldal.

"Mag-break na tayo," simple kong sinabi, siya namang pagsinghap ni Elias.

Gulat na gulat siya sa tinuran ko. Naabutan ko pa ang pagbagsak ng panga nito sa sahig. Hindi siya makapaniwala na panandalian siyang hindi nakapagsalita. Kinuha ko iyong oportunidad para sumbatan siya.

"Nakuha mo na lahat, hindi ba? The spotlight, the money I spent to buy your luxury— yung collection mo ng shoes. Kumpleto na lahat ng gamit mo, ano? And the easy access in all exclusive bars and hotels. Also, thanks to me, nakilala ka ng karamihan. Naging varsity player ka at nakasali bilang VIP sa Bottle Ground." Idinuro ko ang balikat niya, marahan lang naman ngunit puno ng diin. "Pasalamat ka, Elias. At least iiwan kitang may magandang reputasyon."

Maanghang na natawa si Elias. "Really, Alice? Parang ang kapal naman ng mukha mo para ipamukha sa akin lahat 'yan? Hindi lahat, iyong iba ay pinaghirapan ko pa rin."

"Well at least be thankful, right?"

Tangkang sasapakin niya ako sa mukha nang biglang bumukas ang pinto sa Dean's office. Pareho pa kaming napalingon doon ni Elias. Iniluwa nito si Haris na mayroon ng suot na eyeglasses. Naabutan niya kami sa ganoong akto. Kaya natigilan din siya at madaling itinuon ang atensyon sa aming dalawa.

"Hindi pa kayo nakakalayo, iisa pa kayo?" Ang baritonong boses niyang iyon ay siyang umalingawngaw sa hallway.

"Tch." Si Elias na iritang-irita sa akin, isang beses niya akong dinungaw at binigyan ng warning look bago siya tumalikod.

Wala sa huwisyo nang matawa ako at saka pa sinundan ng tingin ang paglayo niya. Mabibigat ang bawat yabag niya habang nakapamulsa ang parehong kamay nito.

Honestly, hindi naman siya kawalan sa akin. Wala lang din ang halaga na ginastos ko sa kaniya, o iyong kapiranggot na effort na inilaan ko rito. At alam kong hindi siya ang magiging huli kong boyfriend.

Kahit nasira ang reputasyon ko sa school na 'to, alam kong marami pa rin ang nakapila sa akin, hinihintay na mapansin ko sila. Well, marami pang oras, kung pwede ko lang din naman silang pagsabay-sabayin, why not? Pero hindi naman ako gano'n kalandi katulad ng iniisip ni Elias sa akin.

"Bumalik ka na sa klase mo," untag ni Haris mula sa gilid ko.

Ibinalik ko ang atensyon sa kaniya, muli akong napangisi. "Ano kayang ginagawa ng isang Dean lister sa Bottle Ground kagabi?"

Nakita ko ang gulat sa mukha ni Haris ngunit madali rin naman niyang naibalik ang malamig niyang expression. See? Sa akin lang siya ganiyan. Pero pagdating kay Larisa, kulang na lang siguro ay maging puso ang mga mata niya.

"I told you, hindi nga ako ang lalaking nakita mo," may diin niyang sinabi, iritable na rin.

"Paano kung mapatunayan kong ikaw nga?"

Nagtaas ako ng kilay. Sa totoo lang ay hindi ko rin alam kung bakit pinipilit ko ang sarili na siya nga iyong lalaking nakita ko kagabi. Ewan kung bakit gustung-gusto ng utak ko na sana ay siya na lang iyon.

"Bakit? Anong gagawin mo?" balik pang-uuyam niya sa akin.

Nawala ang ngisi sa labi ko, lalo noong umisang hakbang siya palapit sa akin. Unti-unti ay pumorma ang maliit na ngisi sa labi niya na naging mitsa para lalong mahulas ang emosyon sa mukha ko.

"Don't try me, Aliyah," pahayag niya, isang hakbang pa ulit palapit sa akin ay nalaglag na nang tuluyan ang panga ko sa sahig. "Baka lalong masira ang buhay mo kapag tumira ako sa bahay ninyo."

The eff?!

"What?" utas ko at marahas siyang nilingon nang mabilis din niya akong nilampasan.

Itinaas lang niya ang isang kamay sa ere, tanda ng pamamaalam niya sa akin. Dere-deretso siyang naglalakad, taas-noo at walang lingun-lingon.

"Haris!" sigaw ko rito.

Binalak ko siyang habulin, pero napahinto rin para himay-himayin ang sinabi nito.

Fvck! Did I hear him right? Did I fvckin' heard him say those words? Titira siya sa bahay? At sa anong dahilan? Anong karapatan ang hawak niya?

Halos maghumerantado ako sa hallway na iyon. Hindi ko na siya nakita pa dahil noong hinabol ko ito ay bigla siyang nawala. Kahit noong hanapin ko siya sa tuwing may pagkakataon ay ayaw niyang magpakita.

Wala na akong choice kung 'di i-corner ang pinakamamahal niyang girlfriend na si Larisa noong sundan ko siya sa girl's restroom. Napatalon ito sa gulat nang bumungad ako sa harapan niya.

Kalalabas lang nito ng cubicle. Nagkatitigan kami, balak niyang hindi ako pansinin nang harangan ko siya. Nag-angat ito ng tingin sa akin. Kagaya ng boyfriend niya, na-master na rin yata niya ang cold blank stare.

"Nasaan si Haris?" panimula ko at ayaw nang patagalin itong paglalapit namin, tunay na naaasiwa ako sa mukha niya.

"Bakit mo hinahanap?"

Nagsalubong ang dalawang kilay nito. Sinuyod pa niya ng tingin ang buong katawan ko, tipong doon siya kumukuha ng kasagutan sa tanong kong iyon.

"Can you call him for me?"

Natawa si Larisa. "Aw, sayang, wala kasi akong load. Si Haris ang palaging tumatawag sa akin, tagatanggap lang ako ng tawag niya."

"Then give me his phone number," sambit ko sa mababang boses, pinipilit ang sarili na maging malumanay kahit pa gustung-gusto ko nang sabunutan ang babaeng ito.

Every fvckin' day, kahit wala pa siyang gawin ay naiinis na ako. Kahit nga hindi ko siya nakikita, maisip ko pa lang ang mukha niya ay naalibadbaran na ako. I don't know what's with her, pero bwisit na bwisit ako.

Siguro ay dati rin kaming magkaaway sa past life namin. Oh, damn.

"Bakit sa tingin mo ay gagawin ko iyon? At bakit, Aliyah? Interesado ka ba sa boyfriend ko?" seryoso man ang tinig niya ay kumakawala pa rin ang pang-uuyam doon.

Napahinga ako nang malalim. Una pa lang ay alam ko nang wala akong mahihita sa kaniya. Nakatikim lang ng kaunting angat sa school na 'to, umasta siya ay akala mong nahigitan na niya ang tinamasa ko noon.

She's still that girl I know. Iyong babaeng tinatapunan ng basura, parating pinapatid, lumuluhod at umiiyak. Nagkataon lang na naging boyfriend niya ang isa sa Dean's officer, kaya marami rin ang umatras at natakot na saktan siya.

But what if, right? Paano kung mawala si Haris sa kaniya? Malamang babalik siya sa impyerno kung saan siya nababagay.

Gumalaw ang panga ko. Hindi na ako nagsalita at tinalikuran siya. Bago pa man din tuluyang makalabas ay sinadya kong huminto sa hamba ng pinto. Nilingon ko siya mula sa pagitan ng leeg at balikat ko.

"What if?" nakangisi kong sagot mula sa kaninang tanong niya.

Sa sinabi ko ay nakita ko ang pagkawala ng tapang sa mukha niya. Napalitan iyon ng tila pangamba at pagkatakot. Malakas akong humalakhak. Hindi ko na siya hinintay na magsalita at kaagad akong naglakad palayo.

What if, hindi ba? Kaya kong akitin si Haris. But I know for sure, mahaba-habang paspasan at pagpapaamo ang gagawin ko.

Oras na ng uwian ngunit sa maghapong klase ay wala man lang akong natutunan. Walang pumapasok sa utak ko, ni wala akong matandaan kahit isang topic. Natawa ako at nailing na lamang sa kawalan.

Lulan ng kotse ay dumeretso ako ng uwi sa bahay. Nangunot pa ang noo ko nang makita ang dalawang kotse na nakaparada sa labas ng bahay, rason para wala akong madaanan papasok sa loob ng gate.

Bumusina ako, siya namang bukas ng pinto sa driver's seat. Lumapit ito sa compartment ng kotse niya at saka pa may kung anong kinuha roon. Huli ko nang natanto na posibleng ito na iyong lalaki ni Mommy.

Nanlaki ang mga mata ko. Wala sa ayos na nakaparada ang kotse ko sa gitna, pero mabilis pa sa kidlat na bumaba ako. Padabog kong isinara ang pinto at mabibigat ang mga yabag na lumapit doon.

Napahinto nga lang ako sa kalagitnaan ng paglalakad nang masilayan ang lalaking kanina ko pa hinahanap. Buhat nito ang isang malaking box. Halos maharangan ang mukha nito ngunit alam kong siya nga ito. Nag-umpisa siyang maglakad, pero katulad ko ay napatigil din nang makita ako.

"Anong ginagawa mo rito?!" malakas kong bulyaw sa kaniya at nilapitan siya.

Ngumisi si Haris, kapagkuwan ay simpleng sumagot. "Titira sa bahay niyo."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status