Chapter: Chapter 15Whatever! Kung ano man ang gustong itago ni Haris at Anthony ay wala na dapat akong pakialam— bahala na sila sa buhay nila.Sinundan ko ng tingin si Anthony nang mag-walk out ito. Dere-deretso ang paglalakad nito habang nakakuyom ang pareho niyang kamao. Sunod kong nilingon si Haris na ganoon pa rin ang emosyon sa mukha, malamig ngunit nagtatago roon ang tila misteryong hindi ko mawari.Napairap ako sa ere, kasabay nang paghawi ko sa buhok ko. Nilayasan ko na rin silang dalawa ni Larisa roon dahil wala na akong balak na pahabain pa itong nangyayari. Nabubwisit ako kay Anthony. Hindi ko talaga inakala na mas baliw pa siya kay Elias.Nang matapos ang huling klase ay malakas akong humikab. Literal na inaantok ako at sobrang boring ng Professor. Halos sabay lang din kaming lumabas ni Larisa ng room. Nabangga pa ako nito sa balikat dahil sa pagmamadali niya."Ano ba?!" singhal ko rito, napahinto siya at isang beses akong nilingon mula sa balikat at leeg niya. "Mag-ingat ka naman! Makakalab
Huling Na-update: 2024-09-05
Chapter: Chapter 14"Precy!" malakas kong sigaw dahilan para mapabalikwas ito ng upo, kamuntikan pa siyang mahulog sa sahig.Mabibigat ang mga yabag na naglakad ako patungo sa pwesto niya kung saan kami madalas na tumambay kapag may free time kami sa school. Sa sigaw ko ring iyon ay saglit na tumigil ang mga tao sa bilyaran at mabilis na napalingon sa akin.Kilala na ako rito, kahit no'ng may-ari. Tila VIP na nga ang turing sa akin dito, kaya noong dumaan ako sa kumpulan ay tahimik na nahati iyon sa gitna. Ingay lang na nagmumula sa heels ko ang umaalingawngaw sa kabuuan ng lugar.Isama na rin ang malakas na pagtibok ng puso ni Precy dahil sa kaba kung tunay lang na naririnig ko iyon mula rito. Kitang-kita ko ang pagkakatigil ng kaniyang hininga, kasabay nang pag-awang ng labi niya.Tumayo kaagad si Precy, hindi para salubungin ako ng yakap, kung 'di para depensahan ang sarili. Ngunit huli na at madali ko siyang pinatahimik."Alice—"Sinalubong ko ng sampal ang isa niyang pisngi, rason para mapabalik ito
Huling Na-update: 2024-09-04
Chapter: Chapter 13"I am so happy!" patuloy na pahayag ni Mommy habang pumapalakpak din siya, hinarap niya si Benjamin. "Thank you, honey. Salamat dahil dumating ka sa buhay ko."Niyakap ni Mommy si Benjamin, kitang-kita ko ang pagmamahal nito sa lalaki niya. Good for her, na nakita na niya ang taong magpapasaya sa kaniya, ng taong magbibigay sa kaniya ng kalinga at atensyon.Samantalang ako, heto at nangangasim ang mukha habang pinagmamasdan silang dalawa. Gusto kong masuka. Panay ang irap ng mga mata ko sa ere. Sina Haris at James naman ay nakatanaw sa akin.Alam nila kung gaano ako nandidiri sa relasyon ng aming magulang, tipong gusto kong baliktarin itong lamesa para lang matigil sila. Tuluyan na akong nawalan ng ganang ipagpatuloy ang pagkain ko at kahit hindi pa ako tapos ay lumabas na ako.Iniwan ko silang nakatulala sa akin. Wala na rin akong narinig na tutol galing sa kanila kaya umakyat ako sa kwarto ko at doon nagkulong. Marahas akong bumuntong hininga at halos hindi malaman ang gagawin. Gus
Huling Na-update: 2024-09-04
Chapter: Chapter 12But no! Hindi ko gagawin ang ginawa nina Mommy at Daddy. Kahit sirang-sira na ang buhay ko ay hindi ko pa rin kayang gawin na sumira ng ibang relasyon. I'm not into adultery. Hindi ako kagaya nila."Aliyah!" daing ni Haris nang dumiin ang paggamot ko sa kaniyang pisngi.Nandito kami ngayon sa kwarto ko at kung papaanong hindi ako nagtagumpay sa paglalayas ko kanina ay hindi ko rin alam. Matapos mag-sorry ni Mommy ay binawi rin niya ang sinabi nito kanina.But that doesn't mean na napatawad ko na siya. I'm still hurt, hindi lang sa nagawa niyang pagsampal sa akin, kung 'di sa masasakit na salitang ibinato niya sa akin. I am emotionally damaged.Hindi nila alam kung gaano kasakit na manggagaling pa mismo sa bibig ng sarili mong ina ang mga salitang iyon. Masakit na sa akin na maiwanan ng ama, dumagdag pa sa sakit si Mommy na parang hindi niya naiintindihan ang nararamdaman ko bilang nag-iisang anak niya. "Ouch!" daing ulit ni Haris nang hindi ko mamalayang napadiin ulit ang bulak sa su
Huling Na-update: 2024-09-04
Chapter: Chapter 11"Kanino ba dapat, Haris?" nang-uudyo kong tanong sabay sundot sa tagiliran niya.Napaigtad ito, kamuntikan pa kaming mabangga dahil sa biglaan niyang pag-apak sa brake. Sakto kasing nag-red light kaya huminto siya. Marahas niya akong nilingon at malamig na tinitigan.Lulan ng sarili kong kotse ay siya ang naging driver ko pauwi sa bahay. Pinaiwan na muna niya ang kotse nito sa Bottle Ground. Aniya ay babalikan na lang daw niya iyon, kung hindi bukas ay sa Monday.Nakakagulat na sa kaniya pa manggagaling ang salitang iyon. Hindi ko alam kung bilang kinakapatid niya ba ako, o talagang trip lang niyang pagbawalan ako. Pero kanino ba dapat? Sino ba dapat ang para sa akin?"Hmm... kung hindi ko lang alam na may girlfriend kang tao, mag-a-assume talaga ako na gusto mo ako." Malakas akong humalakhak, saka pa nagtaas ng kilay dito. "Tell me, Haris, gusto mo ako?"Saglit siyang natigilan. Napansin ko pa ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa steering wheel. Lumabas ang ugat doon. Lalo akong ngu
Huling Na-update: 2024-09-04
Chapter: Chapter 10Seryoso ba siya? Iyan talaga ang pinunta niya rito sa building namin at hindi ang girlfriend niyang si Larisa? Gustong pumalakpak ng tainga ko, pero ngayon na nabubwisit ako sa kaniya ay sadyang hindi ko magawa.Like, bakit ba ang daming problema ng mga tao sa akin? Ano bang pakialam nila?Akala mo kung sino. Tumira lang sa bahay namin, nabigyan lang ng karapatan ni Mommy na bantayan ako ay halos hindi na yata ako maiwanan.Iyong sarili ko ngang ama, ni magparamdam o kumustahin ako ay hindi magawa. Iyong sarili ko ngang pamilya ay binabaliwala ako, sila pa na hindi ko naman kadugo?Totoo na gusto kong matuwa ngunit nakakagalit na bakit kailangan na sa iba ko pa mararamdaman iyong kalinga na gusto ko? Bakit sila... may pakialam sa akin? Bakit sina Mommy at Daddy ay wala?Marahas kong isinarado ang pinto sa kotse ko. Kasabay nang pagsinghap ko. Muling nag-ring ang cellphone sa hand bag ko. Malamang si Anthony na naman iyon. Nakailang missed call na siya.Huminga ako nang malalim bago in
Huling Na-update: 2024-09-03