Si Anna Marie Lacuesta, ulilang lubos, panganay, bread winner, at tumatayong nanay at tatay sa kanyang tatlong kapatid. Isa isang bank teller ngunit napilitang magresign upang maging secretary ng isang masungit na CEO ng Eduardo’s Corporation na si Ezekiel Eduardo. Nag-iisang anak ngunit may tatlong pinsan at kabilang dito ang girlfriend ng ex-boyfriend niyang si Yael, ang kasintahan niya ng apat na taon at iniwan siya dahil sa obligasiyon niya sa mga kapatid. Dahil dito ay mas naging strikto at mas naging masungit sa kanya si Ezekiel dahil sap ag-aakalang may pagtingin pa siya sa boyfriend ng pinakamamahal nitong pinsan. Dahil doble ang kinikita niya sa pagiging secretary niya at iyon ang kailangan niya upang matustusan ang pag-aaral at iba pang pangangailangan nilang magkakapatid ay tinitiis niya ang sobrang kasungitan ng kanyang boss. Hanggang sa hindi inaasahang pagkakataon ay may nangyari sa kanila ni Ezekiel at halos mawalan ng kulay ang kanyang mukha ng magbigay ito ng blankong tseke. Aniya ay bayad daw ng kanyang sebisyo at kung hindi daw niya kukunin ay iisipin nitong may plano sa kanya ang dalaga dahil wala naman daw libre sa mundong ito. Sa inis ay napilitan niyang kinuha ang ibinigay nitong tseke, isa pa ayaw niyang mawalan ng trabaho kaya pikit mata laman niyang tinanggap kahit napakababa ang pagtingin nito sa kanya. Hindi lamang kasi iisang beses na mayroong nangyari sa kanila at hindi rin lang iisa o dadalawa ang tsekeng natanggap niya. Inalok pa siya ng malaking halaga upang layuan daw niya ang kasintahan ng pinsan nito ngunit ang pinakaworst ay ang bilhin nito ang kanyang puso, isip at kaluluwa. Unti unti ay napapamahal siya sa binata ngunit paano niya mababago ang napakababang pagtingin nito sa kanya?
view moreSumunod na lang si Anna sa kung anong gustong mangyari ni Ezekiel para sa lunch kasama ang kanyang mga kapatid. Nanghihina siya sa isiping mapagastos ang binata ng malaki para lamang sa kanila samantalang pwede naman kahit sa karinderia na lang sila kakain. Ang nakakanerbiyos pa ay feeling close ang dalawang kapatid sa binata. Akala yata nila simpleng kuya lang nila ito at nagkukulitan habang papasok sa rezto. Mas lalo pa ang kanyang pagkawindang ng madatan nila sa VIP room ng rezto ang kapatid na si Lance na agad bumati at nakipagkamay kay Ezekiel.“Anong ginagawa mo dito?’, hindi makapaniwalang tanong niya sa kapatid. Hindi naman niya inabisuhang kakain sila sa labas at lalong wala siyang alam na dito sila dadalhin ng binata upang mananghalian.“I texted him to come since malapit lang ang university na pinapasukan niya dito.”, si Ezekiel ang tumugon sa katanungan niya sa kapatid. Napatingin tuloy siya dito ngunit tinaasan lamang din siya ng noo ng binata. Nahiwagaan tuloy siya kung
“Mr. Eduardo, what are you doing here?”, hindi makapaniwalang turan ni Mr. Chua ng makita ang CEO ng Eduardo Holdings. Hindi pa niya nakakausap ng harapan ang binata sapagkat nakikiride-on lamang naman ang maliit na construction business sa mga projects nito. Pero magkaganon may ay kilala niya ang katauhan ni Ezekiel Eduardo, ang nagmamanage at nagmamay-ari ng pinaka malaking construction firm sa buong bansa.“I heard a little friend of mine was called in this office because of my simple gift.”, turan ni Ezekiel bago inilibot ang paningin sa apat na sulok ng conference room. Lihim itong napatiim bagang ng makita si Carl sa isang sulok na tila nakaranas ng matinding pagkatakot.“He bit my son, Mr. Eduardo, and one thing more ay inamin ni Carl na kinuha lamang niya somewhere ang drone.”“That’s ridiculous because I gave it myself right in front of his family.”, ang binatang biglang pinaningkitan ng mata. Paanong inamin ni Carl na kinuha lamang nito sa kung saan ang drone kung siya mi
“Hello, Ms. Anna Marie Lacuesta?”, mula sa kabilang linya ng sagutin ni Anna ang kanyang cellphone. Katatapos lamang ng meeting ni Ezekiel sa labas at ngayon ay pabalik na sila sa upisina.“Yes ma’am, what can I do for you?”, magalang at hindi kalakasang turan niya.“Sa guidance office po ito ng St. Jude School pwede po ba kayong pumunta ngayon dito?”,“Bakit po? May problema po ba?”, may pag-aalalang turan niya. Nasa iisang school ang dalawa niyang kapatid at ngayon lamang siya makatanggap ng tawag mula sa guidance office.“Yes Ms., tungkol ito sa nagawa ng iyong kapatid na si Carl. Pumunta na lamang kayo ngayon para sa buong detalye.”, saad ng nasa kabilang linya at walang pag-aalinlangang tumango siya dito.‘Sige ma’am, papunta na po ako ngayon. Maraming salamat po.”, wika niya bago ipababa ang cellphone. Huminga siya ng malalim pagkatapos ay inikot ng ilang beses ang hawak na cellphone subalit hindi pa rin matanggal ang labis na pagkabaha sa kung ano ang nagawa ng kapatid.„Kuya D
“Hi, napatawag ka?”, may pag-aalinlangang turan ni Anna kay Yael. Kahit napag-usapan nilang mananatili silang magkaibigan ng dating kasintahan ay hindi pa rin niya inaasahan ang biglaang pagtawag nito.“Yeah, kumusta?”, saad ni Yael sa kabila at hindi niya napigilang mangiti. Para namang antagal nilang hindi nagkita kung mangumusta ang lalaki. Kung hindi siya nagkakamali ay nakita lamang niya ito noong binisita ni Ezekiel ang mga project sites kabilang ang ginagawa nitong proyekto.“Sa awa ng Panginoon mabuti naman kaming lahat.”, biro niya sa dating kasintahan at narinig niyang tumawa ito.“Anna are you in a relationship with Ezekiel?”, maya maya ay turan ni Yael. Hindi niya inaasahan ang biglaang katanungan nito at hindi siya nakapagsalita.“Sorry kung sa tingin mo ay pangingialam ito sa buhay mo pero mahalaga ka saakin bilang kaibigan. Sigurado ka ba diyan sa pinapasok mo?”, patuloy pa ni Yael nang hindi marinig ang kanyang kasagutan. Naghahalo halo tuloy ang pumasok sa kanyang isi
Kinabukasan ay nagulat si Anna dahil pagbaba niya mula sa kanyang kuwarto ay nabungaran niyang nag-uusap sina Lance at Ezekiel. Mabilis siyang napatingin sa orasang nakasanit sa dingding at saktong alasais pa lamang ng umaga. Nakaligo na siya para sa pagpasok sa upisina ngunit bumaba muna siya upang mag-agahan. Sa ganitong oras ay nakaluto na si Lance ng kanilang breakfast. Alam nitong maaga siyang pumapasok sa trabaho kung kayat sinisigurado nitong makakain muna siya bago umalis ng bahay. Ngunit hindi niya inaasahang mapapadpad ng ganito kaaga si Ezekiel sa kanilang bahay, samantalang kagabi lamang ay galing ang binata dito.“Hi, ate, mabuti naman at bumaba ka na kanina pa naghihintay saiyo si kuya Kiel”, si Lance ng mapansin siyang nakatayo sa may puno ng hagdan. Agad namang ibinaling ni Ezekiel ang mukha sa kanyang direksiyon pagkarinig sa sinabi ng kapatid pagkatapos ay abot hanggang mata ang ginawang pagngiti pagkakita sa kanya.“Good morning!”, bati nito at hindi niya napigilan
“Ate naman? Bakit naglagay ka ng ganyan sa iyong mukha eh may bisita ka?”, hindi napigilang reklamo ni Lance sa dalaga ng makita itong nakatayo sa may puno ng hagdan. Wala pa sanang balak magparamdam si Anna sa mga ito kaso nakita siya ng kapatid at ngayon ay nakatingin silang lahat sa dalaga. Muntik niyang takpan ang mukha sapagkat nakangiti si Ezekiel habang nakatingin sa kanya, feeling niya tuloy nakakatawa ang kanyang hitsura.“Mommy may drone na ako bigay ni kuya Kiel.”, may pagmamalaking turan ni Carl pagkatapos ay ipinakita ang isang bagay na hawak nito. Sa narinig ay biglang kumunot ang noo at nakalimutan ang mukhang nakabalot ng itim na facial mask.“Ano kamo?”, tila binging turan niya sa kapatid.„May drone na ako, bigay ni kuya Kiel.”, tuwang tuwa pang pag-uulit ng kapatid sa sinabi kung kayat mas lalong kumunot ang kanyang noo.„Anong kuya Kiel? Boss ko yan, hindi yan kinukuya!”, panenermon niya habang isa isang tumingin sa mga kapatid.“It’s okey, ako ang nagsabing tawagi
Ate!”, masayang turan ng mga kapatid ng biglang magpakita si Anna sa school ni Carl. Nakaupo lang sa tabi ang tatlo habang nanonood sa mga activities. Isa isang tumayo ang mga ito at nagsilapit sa kanya na tila nabuhayan ng loob.„ Akala namin hindi ka na makakarating?”, si Lance na halatang tuwang tuwa sa kanyang presensiya.„Pwede ba naman yun? Di hindi na mag-eenjoy ang isa diyan kung wala ako?”, turan niya habang nakangiting tumingin sa bunsong kapatid. Ngumiti ng abot hanggang tainga si Carl pagkatapos ay yumakap sa kanya.“Thank you, mommy.”“Anything for you, my love.”, malambing niyang wika dito kasabay ng paggulo ng buhok ng kapatid.“Oh, ano pong hinihintay natin? Sali na tayo sa mga palaro.”, deklara ni Lance at nagsipagsang-ayunan naman ang lahat.“Family sack race na! Dali, pumila na kayong tatlo dun.”, excited na pahayag ni Mark habang nakaturo sa mga pumapagitnang kalahok na kinabibilangan ng tatay, nanay, at anak. Agad namang iniabot ni Anna ang hawak na bag sa kapatid
“Uhmm, I will go and change; thanks for this anyway.”, sa halip ay turan ng dalaga pagkatapos ay isa isang binitbit ang mga paper bag at tulirong humarap sa may hagdan. Parang naglalaro pa sa isip niya ang sinabi ng binatang boyfriend niya ito at halo halo ang kanyang nararamdaman. May pag-aalinlangan ang kanyang isipan sapagkat may katumbas na responsibilidad ang maging isang girlfriend, baka hindi niya maibigay ang sapat na atensiyon at oras dito kagaya ng nauna niyang naging karelasyon. Ngunit sa kaibuturan ng kanyang puso ay ramdam niya ang labis na kasiyahan at kulang na lamang ay takbuhin niya ang hagdanan pataas at magtatalon sa tuwa.“Wear something casual, maglilibot lang tayo sa mga sites ngayon.”, turan ng binata kung kayat agad niyang ikinubli ang pagkatuwa pagkatapos ay humarap dito at nagbow. Pag-angat niya ng mukha ay tumambad sa kanyang paningin ang nakangiting mukha ng binata habang nakatingin sa kanya. Hindi niya alam kung pinagkakatuwan siya nito ngunit hindi naman
Pagdating nila sa bahay ng binata sa Fpark ay walang nagawa si Anna ng hilahin nito ang kanyang kamay pababa sa may sasakyan ngunit halos himatayin siya ng bigla siyang buhatin ni Ezekiel na parang isang sako ng bigas. Sa kabila ng kanyang pagpalag ay tuloy tuloy itong pumasok sa pintuan ng bahay na automatic namang nagbukas at nagsara din ng kusa ng makapasok sila sa loob. Maingat siyang ibinaba sa napakalaking couch sa living room ngunit dumagan din ito sa kanya pagkatapos.“Now, tell me your problem.”, seryosong turan nito ngunit hindi maikukubli ang nagsasayaw nitong mga mata habang nakatunghay sa kanya.“Utang na loob umalis ka diyan nakakahiya sa mga kasama mo sa bahay.”, nag-aalalang saad niya dito. Baka iba ang isipin ng mga kasambahay nito kapag nakita itong nakadagan sa kanya. Isa pa hindi siya kumportable sa kanilang ayos. Ngunit ngumiti lamang si Ezekiel sa kanyang tinuran pagkatapos ay tila tuwang tuwang inilapit ang mukha sa kanyang mukha.“Is that your problem?”, nakaka
“Ate, si Carl ang taas ng lagnat dadalhin ko na ba sa ospital?”, halatang soba ang pag-aalala ni Lance na pangalawang kapatid ni Anna. Hindi basta basta tumatawag ang kapatid kung kaya pa nitong ihandle ang sitwasyon sa kanilang bahay. May lagnat na kaninang umaga ang bunso nilang kapatid at base sa palitan nila ng mensahe ni Lance ay tila okey naman iito maghapon sa tulong ng paracetamol ngunit biglang tumaas ang lagnat nito na halos tumitirik daw ang mga mata.“Punasan mo ng basang towel ang kanyang katawan, palabas pa lamang ako sa upisina.”, pag-iinstruct niya sa kapatid. Ganon kasi ang madalas nilang ginagawa kapag sinusumpong ng lagnat si Carl. “Ginawa ko na ate, mataas pa rin.”, aburidong pahayag ni Lance at nasa niya ang kanyang ulo sa matinding pag-aalala sa bunsong kapatid. Kung pwede lang lilipad na siya pauwi upang makita agad ang kalagayan nito, pero naghihintay din ang kasintahang si Yael sa isang mamahaling rezto para sa kanilang 4th year anniversary. Nagatatampo n...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments