“Ate, Nandito kana agad? Halos kararating ko lang sa paghatid saiyo ah?”, gulat na turan ni Lance ng makita siyang pumasok sa may pinto. Nasa sala ito at kasalukuyang gumagawa ng drawing ng bahay.
“Oo, sumakit ang ulo ko kaya umuwi na ako.”, saad niya na pilit ikinubli ang labis na kalungkutan.
„Sina Mark at Karl, tulog na ba sila?”, turan pa niya upang mabaling sa iba ang pagtingin ng kapatid na sa ngayon ay nakatitig sa kanya.
„Pumasok na sa room nila, sigurado kang okey ka lang?”, may pag-aalalang turan nito at tumango siya.
“Okey lang ako, inom lang ako ng gamot mawawala din ito. Sige na, pasok na ako sa kuarto ko.”, pahayag niya pagkatapos ay nagmamadali na niyang tinungo ang hagdanan baka makahalata pa ito. Ayaw niyang mag-alala ang kanyang mga kapatid kaya kung ano man ang nararamdaman niya sa ngayon ay sa kanya na lamang iyon. Pagdating niya sa taas ay binuksan pa niya ang kuwarto ng dalawang kapatid. Tulog na si Karl at inayos niya ang kumot nito pagkatapos ay binigyan niya ng haik sa noo bago lumabas sa kuawrto nito. Si Mark naman ay may hawak pang libro ng mapagbuksan niya ito at tila nagulat din sa mabilis niyang pagdating.
“Nakauwi kana agad, ate?”, takang turan nito at tumango siya kasabay ng bahagyang pagngiti.
“Bakit hindi ka pa natutulog? May exam ka ba bukas?”, wika niya dito at nag-inat muna iyon bago umiling.
“Hindi pa ako inaantok ate, magbabasa na lang muna ako”, tugon ng kapatid at nginitian niya ito. Kaya naman sobrang galing ng kapatid niyang ito dahil ginagawang libangan ang pagbabasa.
“Okey, punta na ako sa kuarto ko. Good night, Mark.”, pahayag niya at kumaway ito.
“Night ate; I love you.”, turan nito kung kayat nakangiti siyang umalis sa pintuan ng silid nito. Tahimik lamang at mukhang supladito ang kapatid niyang ito ngunit pagdating sa kanya ay super sweet nito. Sweet naman silang tatlo sa kanya at ramdam na ramdam niya ang pagmamahal at respeto ng mga ito sa kanya. Hindi gumawa ng hakbang ang mga kapatid niya kung hindi sinasabi sa kanya o kinukuha ang opinion niya. Pagpasok niya sa kanyang kuarto ay bigla ngang sumakit ang kanyang ulo kaya dagli niyang tinanggal ang damit at itinutok ang katawan sa shower. Ngunit natapos siya sa paliligo ay parang mas lalong lumalala ang pananakit ng ulo kaya bumaba siya at kumuha ng gamot sa medicine cabinet at nagtungo sa kitchen upang kumuha ng maiinom.
Pagkainom niya ng gamot ay naupo muna siya sa harap ng mesa habang pinapakiramdaman ang sarili. Napahawak siya sa noo ng maalala ang nangayari sa party ni Yael kasabay pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Hindi pa rin siya makapaniwalang may girlfriend ng iba ang minamahal niyang lalaki at nanunuot ang sakit sa kanyang puso.
“Sorry ate.”, maya maya ay biglang yumakap ang kapatid sa kanyang likuran at mabilis niyang pinunasan ang mukha.
“Okey lang ako, sumakit lang ang ulo ko.”, saad niya na pilit ikinubli ang pag-iyak. Ngunit mas lalo lamang siya nitong niyapos at hinalikan ang ulo.
“Nang dahil saamin nagkaproblema kayo ni kuya Yael, sorry.”, ang kapatid kung kayat hindi na niya napigilan ang pagdaloy ng kanyang luha.
“Ano ka ba, wala naman kayong kasalanan bakit ka humihingi ng sorry?”, saad niyang bahagyang tumawa kahit patuloy ang pagbagsak ng luha sa kanyang mga mata.
“Nasaktan ka tuloy ng dahil saamin.”, patuloy pa nito kaya hinarap niya ito pagkatapos ay hinawakan ang kamay ng kapatid.
“Wala kayong kasalanan, okey? Marahil ay hindi nga kami para sa isa’t isa ni Yael isa pa he deserves someone better.”, saad niya at napatitig ito sa kanya.
“Paano ka?”, si Lance at hindi niya naiwasang ngumiti ng mapait.
“Kayo ang priority ko sa ngayon kaya masaya na ako kung nakikita kong masaya kayong tatlo.”, pahayag niya at napayakap ulit sa kanya ang kapatid.
“Thank you, ate; promise sisikapin kong makapagtapos para ako naman ang magtatrabaho para saating lahat.”, ang kapatid at nakangiti siyang yumakap din dito kasabay ng pagtapik sa likuran nito.
“Magtatrabaho tayong dalawa, mag-iipon alam mo naman na napakataas ng pangarap ng isa nating kapatid.’, saad niya at napakamot ito sa ulo habang nakatawa.
“Oo nga, kaya ba nating magpaaral sa Harvard?”, may pag-aalalang turan nito at kahit malabo pa sa gabi ay nagthumbs up siya dito.
“Kaya yan, tiwala lang!”, mas malakas pa sa kalabaw ang fighting spirit niya at natatawang umiling iling ang kapatid.
Eduardo’s Holding Company
“Sir, narito po ang mga documents ng mga applicants baka gusto niyo pong tignan muna bago sila pumasok isa isa.”, si Mrs. Santos kay Ezekiel kasabay ng pag-abot nito sa mga nakafolder na files ng mga applicants. Nainip na yata ang CEO sa paghihintay ng secretary nito at ito na ang nagvolunteer para mag-interview sa mga aplicante.
“Let me check, ilan silang lahat?”, turan ni Ezekiel kasabay ng pagkuha sa sa folder na hawak ni Mrs. Santos.
“Twelve po silang lahat sir at nagconfirmed po silang lahat na pupunta.”, tugon ni Mrs. Santos at tumango tango ang boss pakatapos ay isa isang pinasadahan ang mga resume ng mga aplicante.
After five minutes ay nagbigay na si Ezekiel ng hudyat kay Mrs. Santos na pwede nang pumasok ang mga ito for interview. Pagkakita pa lamang sa unang applicant ay hindi na niya nagustuhan ang sobrang ikli na palda nito kaya agad niya itong dinismissed. Ang pangalawa naman ay nagpapacute sa pangiti ngiti kaya tulad ng una ay hindi rin tumagal sa harap niya. Ang pangatlo naman ay masyadong mababa ang neckline ng inner nito at kitang kita ang cleavage kaya halos hindi pa nakakaupo ay pinalabas na niya ito. Ang panglima ay masyadong makapal ang make-up kaya tulad ng mga nauna aya napalabas din kaagad.
“Excuse me, sir. May humahabol po na applicant, endorse daw ni Attorney Garcia kung pwede daw pong sumingit dahil umexit lang daw siya saglit sa work niya.”, bigla ay sumingaw ang ulo ni Mrs. Santos sa may pintuan.
“Sabihin mo pumila siya, if she can’t wait pwede na siyang umalis!”, pasupladong pahayag niya. Nainis siya bigla, hindi porke may nag-endorse sa kanya ay nag-eexpect ng special treatment. Sa inis niya ay pinabagal niya ang pag-interview kahit wala siyang bet sa mga ibang pumapasok na applicante. Okey naman ang mga credentials ng mga ito kaso wala siyang magustuhan upang maging secretary niya. Pagkatapos ng labindalawang applicant ay nagbreak muna siya at nagbasa ng mga document ng thirty minutes bago nagbigay ng hudyat kay Mrs. Santos upang papasukin ang huling dumating. Ni hindi siya nagtaas ng mukha ng narinig ang pagbukas ng pintuan at maging ang pagbati nito ng makalapit sa harap ng kanyang mesa. Hindi niya nagustuhan ang ginawa nitong paghingi ng special treatment kung kayat nanatili siya sa pagbabasa at hinayaang tumayo ito sa harap niya ng sampung minuto. Infairness, ito lamang ang nakaslacks sa mga pumasok sa kanyang upisina upang magpainterview.
“Tell me about yourself.”, sa wakas ay turan niya habang nakapokus pa rin ang mukha sa binabasa.
‘Good morning, sir, I’m Anna Marie Lacuesta, twenty-four years old…”, panimula nito at bigla siyang natigilan pagkarinig sa pangalan nito. Pag-angat ng kanyang mukha ay pasimple siyang umayos mula sa pagkakaupo at mariing tumingin sa mukha nito habang nagpapakilala sa sarili. She looks so fresh and simple, nakalugay lamang ang hanggang balikat nitong buhok at kaunting blush on lamang ang nasa pisngi samantalang parang natural na pink lamang ang kanyang mga labi. Nakaslacks ito ng gray na kung saan nakatuck ang putting inner nito na halos natakpan ang skin hanggang sa punong leeg nito na pinatungan din ng kulay gray na blazer at pinaresan ng halos tatlong pulgada yata ang taas ng kulay gray ding close shoes. Wala din itong kolorete sa mga kuko at halos mapataas ang kilay niya dahil ang iiksi ng mga kuko nito. Parang ito lang yata ang babaing nakita niya na hindi mahahaba ang kuko at walang magandang tinta.
“That’s all sir, and thank you.”, narinig niyang turan nito. Agad siyang napakumpas sa mga daliri kahit wala siyang naintindihan sa mga sinabi nito.
“Okey, what do you think of me?”, straight niyang pahayag at halatang nagulat ito.
“Sorry, sir?”, hindi yata makapaniwala sa narinig kung kayat inulit niya ang kanyang sinabi.
“I said, what do you think of me?”, turan na habang tumitig sa mukha nito.
“In my point of view sir, you are a dignified and respectable person.”, saad nito at naitaas niya ang kanyang kilay. Sa isip niya hindi man lang ba nagandahang lalaki ito sa kanya?
“In your wildest dream, don’t you find me attractive and potential to be your boyfriend?”, wika niya at halatang natigilan ito at nanlaki ang mga mata.
“No sir!”, saad nito at ramdam niyang nag-init ang kanyang mukha. Ano ito cynic at hindi man lamang nakaramdam ng ano sa kanya samantalang halos lahat ng mga babaeng lumalapit sa kanya ang gustong makuha ang atensiyon niya?
‘What then?”, hindi niya napigilang magsungit dito.
“Pasensiya na sir, pero trabaho po ang dahilan kung bakit po ako nandito at hindi po ang paghahanap ng boyfriend.”, saad nito kung kayat mas lalong tumaas ang kanyang kilay. Sa hitsura nito ay tila hindi man lamang niya nakitaan na may dating siya dito. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay nakaramdam siya ng pagkainis dito.
“Good! This office maintains decency and does not condone bitches act. You can go!”, pagdidismissed niya dito.
“I’ll give the result to the HR, and they will be the one to contact you for the result.’, saad niya ng hindi ito agad tumalima. Pagkarinig sa sinabi niya ay napilitan itong tumango pagkatapos ay biglang rumehistro sa mukha ang tila kawalan ng pag-asa. Ganon pa man ay nagpasalamat ito sa kanya pagkatapos ay bahagyang yumuko bago tinungo ang pintuan ng kanyang upisina.
Halos hindi maipaliwanang ni Anna ang nararamdaman pagkalabas sa upisina ng CEO ng Eduardo’s Holding. Parang nawalan siya ng pag-asang makakapagtrabaho siya bilang secretary labis labis ang panghihinayang sa dobleng pasahod. Napakalaking tulong kasi para sa kanilang magkakapatid ang malaking sahod upang matugunan ang pangangailangan nila araw araw lalong lalo na sap ag-aaral ng mga kapatid. Pagpasok niya sa elevator pababa ay pabuntunghiniga niyang isinandal sa ang likod sa wall nito pagkatapos ay lupaylpay ang balikat na tila wala sa sariling nakatingin sa taas. Mabuti na lamang at mag-isa siyang lulan dito kung kayat feel na feel niya ang pagsesenti. Kung bakit naman kasi ganon ang mga katanungan ng nag-interview sa kanya, sigurado bang CEO ang lalaking iyon? Imbes na yung mga kakayahan niya ang tinanong nito ay para namang schoolboy na tinatanong kung attractive ito at may potential itong maging boyfriend niya. Jusko Lord, kung ibang babae lamang siguro siya wala ng tanong tanong.
Pagdating nila sa parking lot ng isang mamahaling rezto ay agad bumaba si Delfin upang pagbuksan ng pintuan ang CEO. Bumaba naman agad ito pagkatapos ay walang sinsalitang tinungo ang entrace ng rezto. Kung hindi lamang sumenyas si Delfin kay Anna ay hindi pa siya kumilos upang sundan ang kanyang bagong boss. Sa haba ng biyas ng mga legs nito ay napakatulin nitong maglakad kumapara sa biyas ng isang 5’2 na katulad niya kung kayat halos tumakbo na naman siya upang makahabol dito.“Don’t get inside!”, narinig niyang utos nito bago ito pumasok sa pintuan ng rezto. Para naman siyang sasakyan na biglang nagpreno pagkaarinig sa instruction nito habang hinabol na lamang ng kanyang tingin ang pagpasok ng CEO. Nang mawala ito sa kanyang paningin ay napabuntunghininga siya ng malalim pagkatapos ay napailing na lamang habang tumungin sa paligid. May nakita siyang upuan malapit sa entrance door at napagpasiyahan niyang doon na lamang niya hihintayin ang kanyang boss. Akala niya mapapasabak siya a
Kinbukasan ay maagang nagising si Anna upang maghanda para sa bagong trabaho. First day niya bilang secretary ngayon kaya dapat mas maaga siyang pumasok kesa sa kanyang boss. Kailangan niyang magpaimpress, tumataginting na fifty thousand ang kanyang sweldo at kailangan niyang pangalagaan ito kahit gaano pa kasungit ang kanyang amo. Salamat sa mga tip na ibinigay ni Mrs. Santos, kung hindi magkakaproblema siya ng malaki sa mga susuotin at pagmamake-up.“Ate, ikaw ba yan?”, si Lance ng mababaan niyang naghahanda ng pagkain sa hapag. Nakaturtle neck kasi siya ng kulay black at simpleng nakatuck-in sa kulay gray niyang slacks habang nakasuot ng napakakapal na salamin.“Akala ko ba secretary ang pinasukan mo? Bat mukhang ikaw ang papalit kay Ms. Tapia?”, saad pa ng kapatid at manganingani niyang kutusan ito.“Grave ka! Kung maka Ms. Tapia ka diyan, magkakamukha lang tayo, oi!”, nakatawang turan niya kasabay ng pag-upo sa harap ng mesa. Napaismid ang kanyang kapatid pagkatapos ay iiling ili
“I said get inside the office!”, mula sa pagkagulat kanina dahil sa biglaang pagkarinig sa boses ng boss sa kung saan ay napatayo si Anna mula sa pagkakaupo. Meron palang nakabuilt na audio sa kanyang working space na nakaconnect sa office ng CEO at bigla siyang kinabahan dahil siguradong narinig nito ang pagtataray sa babaeng caller kanina. Ninenerbiyos man hindi naman siya nag-atubiling pumasok sa private office ng kanyang boss.“Sir may kailangan po kayo?”, turan niya sa amo habang hindi makatingin ng direcho dito. Nag-angat ng mukha si Mr. Eduardo at kitang kita niya sa gilid ng kanyang mga mata ang pagkadisgusto sa nakapinta sa mukha nito.“Call this A&Z Builders kung hindi sila makapaghintay I’m very willing to terminate their contract and partnership with us!”, turan nitong habang kasabay ng paglapag nito ng papeles sa kanyang harapan. Lihim siyang napahinga ng maluwang sapagkat hindi tungkol sa pagbagak niya ng telepono ang rason kung bakit hindi maganda ang timpla nito ngunit
Pakiramdam ni Anna ay gumapang pataas sa kanyang mukha ang lahat ng kanyang dugo dahil sa pagkahuli sa kanya ng kanyang boss habang nakatingin dito sa pamamagitan ng salamin. Pasimple niyang inayos ang makapal na salamin pagkatapos ay patay malisyang umayos ng upo sa tabi ng driver. Mabuti na lamang at eksaktong tumigil na sa parking lot ng restaurant ang sasakyan at mabilis na bumaba si Kuya Delfin upang pagbuksan ang kanilang amo. Nang makababa ito ay pinagalitan niya ang sarili at pinagtatapik pa ang noo. Nagulat pa siya ng buksan ni kuya delfin ang pintuan sa tabi niya at sinabihan siyang pwede na siyang bumaba.“Salamat, kuya.”, pasasalamat niya at ngumiti lang din ito sa kanya sabay nguso sa papasok na sa restong amo.“Bilis.”, nakangiti pa nitong turan kung kayat kulang na lamang ay liparin na niya ang distansiya nila ng kanyang boss upang makalapit agad dito. Mabuti na lamang at bahagyang tumigil, marahil ay wala itong ideya kung anong table ang kanilang eservation.“Hmp! Mabu
Habang lumilipas ang mga araw ay unti unti niyang namamaster ni Anna ang kanyang trabaho bilang secretary ni Ezekiel Eduardo. Nakakapagod ang maging secretary ng CEO ng napakalaking kumpanya, bukod sa kaliwa’t kanang meetings ng kanyang boss ay walang habas sa pagdating ang napakaraming documents at walang patumanggang calls mula sa loob at labas ng company. Noong una ay tila mabubuwang siya sa dami ng gagawin ngunit hindi naglaon ay natutunan na rin niya ang tamang technic sa kanyang trabaho. Nag-eenjoy na siya sa mga ginagawa at unti unti ay nasasanay na rin siya sa pagkamasungit at pagkasnob ng kanyang boss. Hindi nga niya alam kung bakit napakainit ng dugo nito sa kanya samantalang ginagawa naman niya ng mabuti ang kanyang trabaho. NI hindi na nga siya nagbrebreak at madalas lagpas ng tanghalian kung siya’y kumakain para lamang tapusin ang mga ginagawa pero parang wala itong pakiramdam at hindi man lamang nakikita ang mga ganong effort niya.“Send this to finance department, ASAP!
“Ate, may budget ka pa diyan?”, si Lance na kanina pa aligaga na parang hindi makapanganak na pusa. Paroo’t parito ang kapatid at pagsasabihan na niya sana kung hindi pa ito magsasalita.“Pero kung wala, okey lang naman.”, saad nito kasabay ng bahagyang pagkamot sa ulo. Medyo kinbahan siya sapagkat hindi magsasabi ang kapatid ng budget kung hindi importante at kailangan. Simot na ang pera sa wallet niya at pamasahe na lamang niya ng dalawang araw ang naroon.“Para saan?”„May exhibit kasi sa school, gusto ko sanang sumali pero wala akong panregister at kulang yung gamit. Pero okey lang naman kung hindi na, next time nalang.”, atubiling pahayag ng kapatid. Magaling si Lance sa pagdadrawing ng kung ano ano kaya naiintindihan niya ang excitement at eagerness nitong sumali ngunit ramdam din niya ang slight disappointment nito sa maaring hindi niya pagsali.“Ah, hindi, hindi! Sasali ka, kailan ba yan? Magkano?”, turan niyang mas malaka pa ang fighting spirit niya sa kapatid at kitang kita
Pagbaba ni Anna mula sa 25th floor ay naroon na ang kapatid na si Lance sa bukana ng building at kausap ang nakaduty na guard sa may entrance door ngunit ng makita siya ay agad itong kumaway na parang galing siya sa ibang bansa. Paglapit niya sa kinaroroonan nito ay agad nitong kinuha ang kanyang bag at isinukbit sa sariling balikat pagkatapos ay magalang na nagpaalam sa kausap na guard. Halatang excited ang kapatid sa kanilang pagrogrocery at umakbay pa ito sa kanya habang tinutungo ang kanilang sasakyan.“Ang bait naman ng boss mo ate, maaga niyang binigay ang sahod mo?”, natutuwang turan nito.“Kinabahan nga ako kanina akala ko tatangtangalin na niya ako sa trabaho.”, natatawa niyang tugon pagkaalala sa reaction niya ng biglang ibigay ng boss niya ang kanyang paycheck. Kung ano ano na ang naiisip niya kanina keso paano na silang magkakapatid kung mawawalan siya ng trabaho, mabuti na lamang at hindi pa siya tuluyang naiyak. In fairness naappriciate niya ng todo ang pagiging consider
“Uhmm, I will go and change; thanks for this anyway.”, sa halip ay turan ng dalaga pagkatapos ay isa isang binitbit ang mga paper bag at tulirong humarap sa may hagdan. Parang naglalaro pa sa isip niya ang sinabi ng binatang boyfriend niya ito at halo halo ang kanyang nararamdaman. May pag-aalinlangan ang kanyang isipan sapagkat may katumbas na responsibilidad ang maging isang girlfriend, baka hindi niya maibigay ang sapat na atensiyon at oras dito kagaya ng nauna niyang naging karelasyon. Ngunit sa kaibuturan ng kanyang puso ay ramdam niya ang labis na kasiyahan at kulang na lamang ay takbuhin niya ang hagdanan pataas at magtatalon sa tuwa.“Wear something casual, maglilibot lang tayo sa mga sites ngayon.”, turan ng binata kung kayat agad niyang ikinubli ang pagkatuwa pagkatapos ay humarap dito at nagbow. Pag-angat niya ng mukha ay tumambad sa kanyang paningin ang nakangiting mukha ng binata habang nakatingin sa kanya. Hindi niya alam kung pinagkakatuwan siya nito ngunit hindi naman
Pagdating nila sa bahay ng binata sa Fpark ay walang nagawa si Anna ng hilahin nito ang kanyang kamay pababa sa may sasakyan ngunit halos himatayin siya ng bigla siyang buhatin ni Ezekiel na parang isang sako ng bigas. Sa kabila ng kanyang pagpalag ay tuloy tuloy itong pumasok sa pintuan ng bahay na automatic namang nagbukas at nagsara din ng kusa ng makapasok sila sa loob. Maingat siyang ibinaba sa napakalaking couch sa living room ngunit dumagan din ito sa kanya pagkatapos.“Now, tell me your problem.”, seryosong turan nito ngunit hindi maikukubli ang nagsasayaw nitong mga mata habang nakatunghay sa kanya.“Utang na loob umalis ka diyan nakakahiya sa mga kasama mo sa bahay.”, nag-aalalang saad niya dito. Baka iba ang isipin ng mga kasambahay nito kapag nakita itong nakadagan sa kanya. Isa pa hindi siya kumportable sa kanilang ayos. Ngunit ngumiti lamang si Ezekiel sa kanyang tinuran pagkatapos ay tila tuwang tuwang inilapit ang mukha sa kanyang mukha.“Is that your problem?”, nakaka
“Who’s with you last night?’, bago pa man tuluyang makalayo sa binata upang tunguhin ang direksiyon ng kinaroroonan ng gamit ay bigla siyang napahinto ng marinig ulit ang boses ng binata. Hindi niya alam kung para ba sa kanya ang katanungan nito ngunit dahan dahan pa rin siyang humarap dito. At mula sa kinatatayuan ay nakapamulsa ang binata habang mariing nakatingin sa kanya, bigla tuloy natuliro ang kanyang puso.“Why did Yael come to your house?”, walang kasinseryosong wika nito. Sa expression ng mukha ng Ezekiel ay tila nakagawa siya ng malaking pagkakamali. Napaisip din siya kung paano nito nalamang naroon sa bahay nila kagabi ang dating kasintahan.“He’s not there because of me.”, defensive niyang pahayag ngunit ikiniling lamang ng binata ang ulo nito.“He’s there for my parent’s anniversary.”, paliwanag niya.“And then?”, nakataas ang dalawang kilay ng binata at tila nagdedemand ng maraming explanation.“We eat together with my siblings.”,“Tapos?”, ang binata at hindi siya maka
Pagkatapos ng dinner ay ipinagpatuloy ng magpapinsang Eduardo ang kwentuhan sa lanai. Isa kasi sa nagpapasaya sa abuela ng mga ito ay makita silang magkakasama at nagkakaintindihan kaya naman lumaki silang malapit sa isa’t isa. Isa pa walang busy busy at malayo kung nasa Maynila si Donia Izabela. Kahit may edad na ito ay nakikipagsabayan pa rin sa mga apo kung makipagkwentuhan lalo na kung medyo matagal na hindi niya nakikita ang mga ito. Nagpahanda siya ng wine para sa mga apong lalaki at fresh juice naman para sa mga kasamang dalaga upang mas Ganado ang mga ito sa pakikipagkwentuhan sa kanya.Si Anna ay tahimik lang din na nakikinig sa mga kasama, hindi siya nakakarelate dahil wala naman siyang partisipasyon sa pamilya. Yung tipong pangiti ngiti lamang kapag may kwentong nakakatawa. Maya maya lamang ay napansin niyang nagvivibrate ang cellphone sa loob ng kanyang bag, Hindi branded na kagaya ng mga hawak ng mga kasama niyang dalaga subalit paborito niya ito dahil bukod sa regalo n
“My favorite apo, salamat sa Panginoon at dumating ka rin.”, hindi pa man sila nakakarating sa pintuan ng Villa ay sumasalubong na ang nasa humigit 60 anyos na babae sa binata habang nakabukas ang dalawang kamay at ready sa pagyakap dito.“Hi grandma, I miss you.”, masayang turan ni Ezekiel sa kanyang lola kasabay ng mahigpit na pagyakap dito.“My darling apo, kanina pa ako naghigintay saiyo dito. Akala ko hindi kana darating, magtatampo na sana ako saiyo.”, paglalambing ng matanda at natatawang hinalikan ni Ezekiel ang ulo nito.“Pwede ba naman yun? Siyempre darating at darating ako para sainyo.”, saad nito at kitang kita ang labis na pagkatuwa sa mukha ng matanda. Lumaki si Ezekiel sa poder ng kanyang lola sapagkat maliit pa lamang ito ay nagtratravel na ang mga magulang dahil sa negosyo ng pamilya. Ang ama niya kasi ang panganay sa apat na magkakatid na Eduardo at ito ang humawak ng responsibilidad upang pangalagaan ang negosyo na nagsimula pa sa kanilang mga ninuno. Kaya kung may
Pagkalabas ni Ezekiel sa pintuan ay naipaypay ni Anna ang dalawang kamay sa mukha, feeling niya biglang uminit ang panahon kahit na nakafull sa pinakamalamig na temperature ang aircon. Ramdam pa niya ang pangangapal ng mukha sapagkat nag-assume siyang hahalikan siya ng binata kaya pumikit siya at hinintay na dumampi ang mga labi nito. Sa kasamaang palad ay mali ang kanyang inakala, sa halip ay iniwan siya at pinagtawanan. Kung pwede lang talaga lumubog siya sa kinatatayuan dahil sa labis na pagkapahiya. Masyado yata siyang naoverwhelmed sa ipinakita nitong sweetness kagabi at mali ang inisip niyang may something sa kanilang dalawa. “Haist! Anna Marie Lacuesta kung hindi ka naman talaga assuming!”, halos kutusan niya ang sarili dahil hindi siya nag-iisip.Hindi na bumalik si Ezekiel sa upisina at kung saan man ito pumunta ay wala siyang ideya kaya sumakit ang kanyang ulo sa kaliwat kanang tawag mula sa iba’t ibang department na nagfofollow-up sa mga documents na pipirmahan ng binata.
“HUwaw! Ate, ikaw ba yan?”, si Lance ng mababaan niya ang kapatid sa kusina. Maaga siyang naghanda para sa pagpasok kaya nakabihis na siya bago bumaba at mag-agahan. Umiiwas siya sa traffic kaya kailangan niyang umalis ng maaga sa bahay. Nginitian lamng niya ang kapatid habang dumirecho sa may cup board upang kumuha ng tasa at magtimple ng kape.“Seriously, pwede nang magpaganda sa upisina niyo?”, si Lance na humarap pa sa kanya at natawa siya dito. Nasabi pala niya sa kapatid dati na bawal ang magpaganda sa kanilang upisina kaya nagtataka ito sa maayos niyang itchura. Kahit simple ay nag-effort din kasi siyang naglagay ng kaunting make-up sa mukha at pumili ng damit na talagang bumagay sa kanya.“Uhm.”, tumango lamang siya sa kapatid pagkatapos ay hinarap ang pagtitimpla ng kape. Ano ba kasing nakain niya at nagmamaganda siya sa araw na ito?„Much better, you look younger and prettier.”, komento ni Lance at umabot yara hanggang sa kanyang tainga ang pagkakangiti.“I miss the old yo
Pagdating ni Anna sa bahay ay napakaliwanag pa rin ng paligid, halos nakabukas yata ang lahat ng kanilang ilaw. Mag-aalas diyes na ng gabi, sa ganitong oras ay nasa room na sina Mark at Carl. Si Lance ang naiiwan sa maliit na study room na malapit sa kanilang sala dahil sa ginagawa nitong mga designs. Marahil ay hinihintay ang kanyang pagdating. Sa isiping iyon ay medyo nakonsensiya siya, gabi na baka hindi kumakain ang mga ito. Kultur ana kasi sa loob ng kanilang pamilya na magkakasabay kumain sa tuwing anniversary ng kanilang mga magulang. Pagbukas niya ng pintuan ay naroon panga sa sala ang lahat at nanonood ng TV.“I’m home, sorry for being late.”, turan habang pinapalitan ng pambahay na slippers ang suot na sapatos.“Thank you, Lord, dumating din siya TomG na kami.”, narinig niyang wika ng isang kapatid kung kayat napangit siya. Itinabi ang tinanggal na sapatos sa may shoe rack pagkatapos ay lumapit sa mga kapatid. Nagulat siya dahil may kasama ang mga ito na sa ngayon ay naka
“There you are, my son; I missed you a lot.”, isang glamorosa at elaganteng babae ang palapit sa kanilang kinatatayuan na agad yumakap kay Ezekiel pagkatapos ay pinupog ng halik ang magkabilang pisngi ng binata.„I miss you too, mom.”, malambing na tugon ng binata na akala mo ay hindi nagkita ang dalawa ng mahabang panahon.“You’re still in good shape! Glad you're taking care of yourself." Ang ina habang iniinspection ang kabuuan ng anak.“Of course, mom! Anyway, I would like you to meet Anna Marie Lacuesta, I bragged about your culinary skills, and she has graciously accepted my invitation to sample your cooking”, nakatawang biro ni Ezekiel sa ina at tulad nito ay bumungisngis ng tawa kasabay ng pagpalo sa bisig ng binata.“Anna, this is my mom; Madam Estrella Eduardo.”, nakatawang baling ni Ezekiel sa dalaga.“Grabe kang bata ka! Hello iha, nice to meet you! I don’t cook but I made everything in the table happen.”, nakangiting turan ng mommy ni Ezekiel.“Hello ma’am, I’m happy to m