Pagdating nila sa parking lot ng isang mamahaling rezto ay agad bumaba si Delfin upang pagbuksan ng pintuan ang CEO. Bumaba naman agad ito pagkatapos ay walang sinsalitang tinungo ang entrace ng rezto. Kung hindi lamang sumenyas si Delfin kay Anna ay hindi pa siya kumilos upang sundan ang kanyang bagong boss. Sa haba ng biyas ng mga legs nito ay napakatulin nitong maglakad kumapara sa biyas ng isang 5’2 na katulad niya kung kayat halos tumakbo na naman siya upang makahabol dito.
“Don’t get inside!”, narinig niyang utos nito bago ito pumasok sa pintuan ng rezto. Para naman siyang sasakyan na biglang nagpreno pagkaarinig sa instruction nito habang hinabol na lamang ng kanyang tingin ang pagpasok ng CEO. Nang mawala ito sa kanyang paningin ay napabuntunghininga siya ng malalim pagkatapos ay napailing na lamang habang tumungin sa paligid. May nakita siyang upuan malapit sa entrance door at napagpasiyahan niyang doon na lamang niya hihintayin ang kanyang boss. Akala niya mapapasabak siya agad sa pagiging secretary yun pala gagawin pala siyang guard sa labas ng rezto. Noong una ay naaaliw pa siyang luminga linga sa paligid, puno ng sosyal na kainan ang street na iyon at ibang iba ang nakikita niyang ambiance. Ngunit hindi nagtagal ay nabagot din siya sa katitingin kung kayat inilabas niya ang kanyang cellphone at nagsimulang itext ang mga kapatid. Ilang minute na lamang at mag-aalas singko na kaya pinaalalahanan niya ang mga itong mag-ingat sa pag-uwi. Nahagip din ng paningin niya ang number ni Yael dahil isa rin ito sa pinapadalhan niya ng paalala tuwing hapon ngunit napangiti na siya ng may pait ng maalalang hindi na siya parte ng buhay nito at sinimulang burahin ang itinipa nitong mensahe para dito.
“Anna?”, halos naalimpungatan siya sa ginagawa ng marinig ang pagtawag sa kanyang pangalan. Nag-angat siya ng mukha mula sa pagtipa sa cellphone at nagtatanong ang mukhang luminga sa paligid. Bigla siyang napatayo ng makita si Yael habang nakatayo sa may bukana ng resto at sa ngayon ay nakatingin sa kanya.
“Anong ginagawa mo dito?”, saad nito ng makalapit sa kanya.
“Ah, wala naman… I mean may hinihintay ako sa loob.”, turan niya na parang batang hindi nakapagpaalam sa magulang at bigla siyang naguilty. Napukunot ito ng noo habang ipinaglipat ang paningin sa kanya at sa loob ng rezto.
“Umalis kana sa bangko?”, tila hindi makapaniwalang wika nito pagkatapos at tumango siya kasabay ng bahagyang pagngiti.
“Bakit? Dahil ba saakin?’, agad rumehistro ang guilt sa mukha ni Yael at agad siyang umiling.
“Hindi! Hindi!”, saad niya at napatingin ito sa kanyang mukha.
“I’m sorry.”, pahayag nito at siya naman ang napatingin sa mukha nito. Hindi niya mawari kung lungkot at pagsisisi ang nakarehistro sa mga mata Yael ngunit nginitian na lamang niya ito upang pagtakpan ang nararamdamang sakit sa kanyang puso.
“Wala yun!”, nakangiting saad niya kahit sa loob loob niya ay gusto niyang maiyak.
“Babe?”, mula sa may bukana ng pintuan ay naroon ang bagong girlfriend ni Yael.
“Coming!”, tugon ni Yael kahit nakapokus pa rin sa kanya ang paningin nito.
“We’ll talk next time. Ingat ka palagi.”, paalam ni Yael at bahagya lamang siyang yumuko dito pagkatapos ay sinundan niya ng tingin ang papalayong binata hanggang makalapit sa napakganda at eleganteng babae na naghihintay sa may pinto. Halatang mayaman ang girlfriend ni Yael base sa napakaclass nitong poise at pananamit; bagay na bagay sila ni Yael lalong lalo na sa estado ng pamumuhay. Napaisip tuloy siya kung paanong nagustuhan siya ng binata noon samantalang hindi naman lingid sa kaalaman nito na hindi sila magkalevel ng uri ng pamamumuhay. Sadya nga sigurong mabait si Yael at pati ang naitulong nito sa kanyang pamilya ay halos hindi na niya mabilang kaya hindi niya magawang magalit dito after all he deserved someone better naman talaga.
Napakunot ang noo ni Ezekiel ng makitang mahaba ang nguso ng pinsang si Abie pagpasok pa lamang nito sa kinaroroonan nilang VIP room sa rezto kasunod ang boyfriend nitong si Yael. Napagkasunduan kasi nilang magpipinsan na magkitakita sapagkat paalis na naman ang pinsan nilang si Daniel patungo sa Australia. Hindi naman sa hindi nila ito mapuntahan sa kung saan man ito naroon ngunit parepareho silang busy sa buhay at tinetake advantage lamang nila ang mga ganitong pagkakataon.
“Why the long face, Abigail?”, pabirong turan ni Daniel sa nag-iisang babaeng pinsan nila at halos humagalpak ito ng tawa ng lalong bumusangot ang maganda nitong mukha kasabay ng pag-upo nito sa kanyang tabi.
“What’s up?”, soft tone niyang turan kay Abie kasabay ng paghagod sa likod nito. Siya ang eldest sa kanilang apat na magpipinsan at kahit pagbaliktarin niya ang mundo ay pet niya ang pinakabunso at nag-iisang babaeng Eduardo.
“I hate leeches!”, nakasimangot nitong pahayag at nagkatinginan silang tatlo.
“What do you mean?”, hindi makaapaniwalang turan ni Andrew sa pinsan sapagkat kahit sobrang arte nito ay ngayon lamang niya marinig na magsalita ng ganito si Abie.
“Ano pa nga kundi ang babaeng naghahabol kay Yael, she’s so obsessed with my boyfriend hindi ko alam kung paano niya nalamang pupunta kami dito.”, nakasimangot pa ring turan nito at hindi napigilang tumawa nina Daniel at Andrew.
“Babe, I told you, it’s a coincidence nagkataon lamang na may hinihintay siya dito sa loob.”, agad namang paliwanag ng boyfriend nitong si Yael habang palapit din sa kanilang kinauupuan.
“Hmmp! Ewan ko saiyo, palibhasa gustong gusto mo namang makita ang babaeng yun!”, nakarole eyes na pahayag ni Abie at hindi makapaniwalang umiling si Yael sa pagseselos ng kasintahan nito. Tumingin sa kanilang tatlo si Yael ngunit halos sabay sabay silang nagkibit ng balikat dito. May pagkabrat si Abigail pero ayaw naman nilang iinvalidate kung anoman ang nararamdaman nito.
“You’re impossible! Baka sabihin ng mga pinsan mo inaagrabiyado kita ha?”, nakatawa na lamang nitong pahayag kasabay ng pag-upo nito sa tabi ng pinsan at malambing na inakbayan ito.
“Don’t worry dude, we know her so well.”, pahayag ni Andrew at nagkatawanan ang lahat. Bahagya lamang ang ginawang pagngiti ni Ezekiel, one hundred percent sure siya na ang bagong secretary niya ang tinutukoy ni Abie na babaeng obsessed sa boyfriend nito. Baka yumakap na naman ito pagkakita kay Yael na hindi iniisip kung may mga tao sa paligid o kung may masasaktan ito. Ganun naman ang mga taong obsessed, mga sariling kaligayan lamang ang iniisip at walang pakialam sa mga masasaktang tao. Sa isiping iyon ay mas lalong nakaramdam siya ng matinding inis sa kanyang bagong secretary, na meet nito ang kanyang standard pero hindi niya hahayaang patuloy nitong saktan ang kanyang pinakamamahal na pinsan. Nag-enjoy muna siya sa pagkain at pakikipagkwentuhan sa mga pinsan ng halos lagpas sa isang oras. Nang malapit na silang lumabas ay nagsend siya ng message kay Mrs. Santos upang pauwiin na si Anna na kasalukuyang naghihintay sa labas ng resto. Napangiti siya pagkatapos habang nakikinita ang magiging reaction nito pagkatapos nitog maghintay g matagal sa labas.
“Ma’am?”, si Anna matapos pindutin ang answer button sa kanyang cellphone. Sinave niya ang number ni Mrs. Santos kanina kaya sinagot niya agad ito.
“Ms. Lacuesta, pwede ka nang umuwi.”, turan nito at nagtaka siya kung inuutusan na siyang umuwi samantalang hindi pa lumalabas si Mr. Eduardo.
“Ma’am, nasa loob pa si Sir hindi pa po lumalabas.”, saad niya dito.
“Okey lang yan, tutal lagpas alas singko na wala ka nang pananagutan sa kanya.”, pahayag ng nasa kabila.
“Sigurado po kayo? Baka sisantehin niya ako agad ma’am, alam niyo namang kailangan ko ang trabahong ito.”, may pag-aalinlangang pahayag niya at narinig niya ang bahagyang pagtawa nito.
„Oo, sige na! Umuwi ka na mas lalong mawawalan ka ng trabaho kung hindi mo susundin ang sinasabi ko.”, si Mrs. Santos kung kayat dagli siyang napatayo.
„Okey ma’am, paalis na po ako. Salamat po.”, mabilis niyang pahayag kay Mrs. Santos pagkatapos ay dalidali siyang umalis sa kinauupuan at pumunta sa gilid ng kalsada upang pumara ng taxi. Ang weird naman, pinaghintay siya ng pagkatagal tagal sa labas na parang timang pagkatapos ay ora orada ding pauuwiin? Nakakaloka! Matino pa ba ang pag-iisip ng Ezekiel Eduardo na iyon?
Kinbukasan ay maagang nagising si Anna upang maghanda para sa bagong trabaho. First day niya bilang secretary ngayon kaya dapat mas maaga siyang pumasok kesa sa kanyang boss. Kailangan niyang magpaimpress, tumataginting na fifty thousand ang kanyang sweldo at kailangan niyang pangalagaan ito kahit gaano pa kasungit ang kanyang amo. Salamat sa mga tip na ibinigay ni Mrs. Santos, kung hindi magkakaproblema siya ng malaki sa mga susuotin at pagmamake-up.“Ate, ikaw ba yan?”, si Lance ng mababaan niyang naghahanda ng pagkain sa hapag. Nakaturtle neck kasi siya ng kulay black at simpleng nakatuck-in sa kulay gray niyang slacks habang nakasuot ng napakakapal na salamin.“Akala ko ba secretary ang pinasukan mo? Bat mukhang ikaw ang papalit kay Ms. Tapia?”, saad pa ng kapatid at manganingani niyang kutusan ito.“Grave ka! Kung maka Ms. Tapia ka diyan, magkakamukha lang tayo, oi!”, nakatawang turan niya kasabay ng pag-upo sa harap ng mesa. Napaismid ang kanyang kapatid pagkatapos ay iiling ili
“I said get inside the office!”, mula sa pagkagulat kanina dahil sa biglaang pagkarinig sa boses ng boss sa kung saan ay napatayo si Anna mula sa pagkakaupo. Meron palang nakabuilt na audio sa kanyang working space na nakaconnect sa office ng CEO at bigla siyang kinabahan dahil siguradong narinig nito ang pagtataray sa babaeng caller kanina. Ninenerbiyos man hindi naman siya nag-atubiling pumasok sa private office ng kanyang boss.“Sir may kailangan po kayo?”, turan niya sa amo habang hindi makatingin ng direcho dito. Nag-angat ng mukha si Mr. Eduardo at kitang kita niya sa gilid ng kanyang mga mata ang pagkadisgusto sa nakapinta sa mukha nito.“Call this A&Z Builders kung hindi sila makapaghintay I’m very willing to terminate their contract and partnership with us!”, turan nitong habang kasabay ng paglapag nito ng papeles sa kanyang harapan. Lihim siyang napahinga ng maluwang sapagkat hindi tungkol sa pagbagak niya ng telepono ang rason kung bakit hindi maganda ang timpla nito ngunit
Pakiramdam ni Anna ay gumapang pataas sa kanyang mukha ang lahat ng kanyang dugo dahil sa pagkahuli sa kanya ng kanyang boss habang nakatingin dito sa pamamagitan ng salamin. Pasimple niyang inayos ang makapal na salamin pagkatapos ay patay malisyang umayos ng upo sa tabi ng driver. Mabuti na lamang at eksaktong tumigil na sa parking lot ng restaurant ang sasakyan at mabilis na bumaba si Kuya Delfin upang pagbuksan ang kanilang amo. Nang makababa ito ay pinagalitan niya ang sarili at pinagtatapik pa ang noo. Nagulat pa siya ng buksan ni kuya delfin ang pintuan sa tabi niya at sinabihan siyang pwede na siyang bumaba.“Salamat, kuya.”, pasasalamat niya at ngumiti lang din ito sa kanya sabay nguso sa papasok na sa restong amo.“Bilis.”, nakangiti pa nitong turan kung kayat kulang na lamang ay liparin na niya ang distansiya nila ng kanyang boss upang makalapit agad dito. Mabuti na lamang at bahagyang tumigil, marahil ay wala itong ideya kung anong table ang kanilang eservation.“Hmp! Mabu
Habang lumilipas ang mga araw ay unti unti niyang namamaster ni Anna ang kanyang trabaho bilang secretary ni Ezekiel Eduardo. Nakakapagod ang maging secretary ng CEO ng napakalaking kumpanya, bukod sa kaliwa’t kanang meetings ng kanyang boss ay walang habas sa pagdating ang napakaraming documents at walang patumanggang calls mula sa loob at labas ng company. Noong una ay tila mabubuwang siya sa dami ng gagawin ngunit hindi naglaon ay natutunan na rin niya ang tamang technic sa kanyang trabaho. Nag-eenjoy na siya sa mga ginagawa at unti unti ay nasasanay na rin siya sa pagkamasungit at pagkasnob ng kanyang boss. Hindi nga niya alam kung bakit napakainit ng dugo nito sa kanya samantalang ginagawa naman niya ng mabuti ang kanyang trabaho. NI hindi na nga siya nagbrebreak at madalas lagpas ng tanghalian kung siya’y kumakain para lamang tapusin ang mga ginagawa pero parang wala itong pakiramdam at hindi man lamang nakikita ang mga ganong effort niya.“Send this to finance department, ASAP!
“Ate, may budget ka pa diyan?”, si Lance na kanina pa aligaga na parang hindi makapanganak na pusa. Paroo’t parito ang kapatid at pagsasabihan na niya sana kung hindi pa ito magsasalita.“Pero kung wala, okey lang naman.”, saad nito kasabay ng bahagyang pagkamot sa ulo. Medyo kinbahan siya sapagkat hindi magsasabi ang kapatid ng budget kung hindi importante at kailangan. Simot na ang pera sa wallet niya at pamasahe na lamang niya ng dalawang araw ang naroon.“Para saan?”„May exhibit kasi sa school, gusto ko sanang sumali pero wala akong panregister at kulang yung gamit. Pero okey lang naman kung hindi na, next time nalang.”, atubiling pahayag ng kapatid. Magaling si Lance sa pagdadrawing ng kung ano ano kaya naiintindihan niya ang excitement at eagerness nitong sumali ngunit ramdam din niya ang slight disappointment nito sa maaring hindi niya pagsali.“Ah, hindi, hindi! Sasali ka, kailan ba yan? Magkano?”, turan niyang mas malaka pa ang fighting spirit niya sa kapatid at kitang kita
Pagbaba ni Anna mula sa 25th floor ay naroon na ang kapatid na si Lance sa bukana ng building at kausap ang nakaduty na guard sa may entrance door ngunit ng makita siya ay agad itong kumaway na parang galing siya sa ibang bansa. Paglapit niya sa kinaroroonan nito ay agad nitong kinuha ang kanyang bag at isinukbit sa sariling balikat pagkatapos ay magalang na nagpaalam sa kausap na guard. Halatang excited ang kapatid sa kanilang pagrogrocery at umakbay pa ito sa kanya habang tinutungo ang kanilang sasakyan.“Ang bait naman ng boss mo ate, maaga niyang binigay ang sahod mo?”, natutuwang turan nito.“Kinabahan nga ako kanina akala ko tatangtangalin na niya ako sa trabaho.”, natatawa niyang tugon pagkaalala sa reaction niya ng biglang ibigay ng boss niya ang kanyang paycheck. Kung ano ano na ang naiisip niya kanina keso paano na silang magkakapatid kung mawawalan siya ng trabaho, mabuti na lamang at hindi pa siya tuluyang naiyak. In fairness naappriciate niya ng todo ang pagiging consider
Pagkalipas ng fifteen minutes mula sa pagbaybay sa kalsada ay narating nila ang mahigit twenty floor na building na pag-aari ng pamilya Marquez. Agad nilang tinungo ang elevator at may ilang minuto rin ang nakalipas bago nila narating ang pinakamataas na palapag ng building. Pagbukas ng elevator ay tumambad agad ang malawak na helipad sa taas na ngayon ay may nakaparadang helicopter. Ito ang sasakyan nilang papuntang norte upang imeet ang kaibigan niyang si Matt Marquez na kasalukuyang gobernador sa nasabing probinsiya. Nakaandar na ang helicopter at agad sumalubong sa kanila ang isang crew upang alalayan silang makasakay. Napansin niyang bahagyang tumigil si Anna pagkatapos ay napasign of the cross bago lumulan at umupo sa kanyang tabi. Halatang natatakot ito sapagkat halos mawala ang kulay ng mukha nito habang panay ang close-open ng kanyang palad. Mas lalo pa yata itong ninerbiyos ng sabihan sila ng pilot na isuot ang kanilang seatbelt at earpads dahil magsisimula na ang kanilang pa
Bumalik na lamang si Anna sa kanilang cottage at inilock ang sarili. Wala na siyang balak pang bumalik sa pool para maligo. Sa hitsura ng asawa ni Arabella kanina ay hindi na nito papayagan pang maligo ang bagong kaibigan. Dahil hindi naman kailangan ng kanyang boss ang kanyang presensiya sa ginagawang pool party ay nagpalit na lamang siya ng damit pagkatapos ay kinuha ang dalang netbook at nagcheck ng mga incoming emails para upisina ng CEO. Gumawa rin siya ng notes kung sino sino ang mga nag-email ang priority ng amo na kakausapin at kung ano ano pa. Babayaran siya ng tama ng kanyang boss kaya tama lamang na magtatrabaho pa rin siya kahit nasa out of town sila. Hanggang hindi na niya namalayan ang oras, nagulat na lamang siya ng mapatingin siya sa bintanang nakaharap sa dagat ay madilim na ang paligid at may tig-iisang kumukutikutitap na ilaw sa kawalan. Medyo lumipas pa ang ilang minute bago marealized na ang mga mangingisda iyon at nasa gitna ng laot. Parang hindi na rin siya ginu
“Uhmm, I will go and change; thanks for this anyway.”, sa halip ay turan ng dalaga pagkatapos ay isa isang binitbit ang mga paper bag at tulirong humarap sa may hagdan. Parang naglalaro pa sa isip niya ang sinabi ng binatang boyfriend niya ito at halo halo ang kanyang nararamdaman. May pag-aalinlangan ang kanyang isipan sapagkat may katumbas na responsibilidad ang maging isang girlfriend, baka hindi niya maibigay ang sapat na atensiyon at oras dito kagaya ng nauna niyang naging karelasyon. Ngunit sa kaibuturan ng kanyang puso ay ramdam niya ang labis na kasiyahan at kulang na lamang ay takbuhin niya ang hagdanan pataas at magtatalon sa tuwa.“Wear something casual, maglilibot lang tayo sa mga sites ngayon.”, turan ng binata kung kayat agad niyang ikinubli ang pagkatuwa pagkatapos ay humarap dito at nagbow. Pag-angat niya ng mukha ay tumambad sa kanyang paningin ang nakangiting mukha ng binata habang nakatingin sa kanya. Hindi niya alam kung pinagkakatuwan siya nito ngunit hindi naman
Pagdating nila sa bahay ng binata sa Fpark ay walang nagawa si Anna ng hilahin nito ang kanyang kamay pababa sa may sasakyan ngunit halos himatayin siya ng bigla siyang buhatin ni Ezekiel na parang isang sako ng bigas. Sa kabila ng kanyang pagpalag ay tuloy tuloy itong pumasok sa pintuan ng bahay na automatic namang nagbukas at nagsara din ng kusa ng makapasok sila sa loob. Maingat siyang ibinaba sa napakalaking couch sa living room ngunit dumagan din ito sa kanya pagkatapos.“Now, tell me your problem.”, seryosong turan nito ngunit hindi maikukubli ang nagsasayaw nitong mga mata habang nakatunghay sa kanya.“Utang na loob umalis ka diyan nakakahiya sa mga kasama mo sa bahay.”, nag-aalalang saad niya dito. Baka iba ang isipin ng mga kasambahay nito kapag nakita itong nakadagan sa kanya. Isa pa hindi siya kumportable sa kanilang ayos. Ngunit ngumiti lamang si Ezekiel sa kanyang tinuran pagkatapos ay tila tuwang tuwang inilapit ang mukha sa kanyang mukha.“Is that your problem?”, nakaka
“Who’s with you last night?’, bago pa man tuluyang makalayo sa binata upang tunguhin ang direksiyon ng kinaroroonan ng gamit ay bigla siyang napahinto ng marinig ulit ang boses ng binata. Hindi niya alam kung para ba sa kanya ang katanungan nito ngunit dahan dahan pa rin siyang humarap dito. At mula sa kinatatayuan ay nakapamulsa ang binata habang mariing nakatingin sa kanya, bigla tuloy natuliro ang kanyang puso.“Why did Yael come to your house?”, walang kasinseryosong wika nito. Sa expression ng mukha ng Ezekiel ay tila nakagawa siya ng malaking pagkakamali. Napaisip din siya kung paano nito nalamang naroon sa bahay nila kagabi ang dating kasintahan.“He’s not there because of me.”, defensive niyang pahayag ngunit ikiniling lamang ng binata ang ulo nito.“He’s there for my parent’s anniversary.”, paliwanag niya.“And then?”, nakataas ang dalawang kilay ng binata at tila nagdedemand ng maraming explanation.“We eat together with my siblings.”,“Tapos?”, ang binata at hindi siya maka
Pagkatapos ng dinner ay ipinagpatuloy ng magpapinsang Eduardo ang kwentuhan sa lanai. Isa kasi sa nagpapasaya sa abuela ng mga ito ay makita silang magkakasama at nagkakaintindihan kaya naman lumaki silang malapit sa isa’t isa. Isa pa walang busy busy at malayo kung nasa Maynila si Donia Izabela. Kahit may edad na ito ay nakikipagsabayan pa rin sa mga apo kung makipagkwentuhan lalo na kung medyo matagal na hindi niya nakikita ang mga ito. Nagpahanda siya ng wine para sa mga apong lalaki at fresh juice naman para sa mga kasamang dalaga upang mas Ganado ang mga ito sa pakikipagkwentuhan sa kanya.Si Anna ay tahimik lang din na nakikinig sa mga kasama, hindi siya nakakarelate dahil wala naman siyang partisipasyon sa pamilya. Yung tipong pangiti ngiti lamang kapag may kwentong nakakatawa. Maya maya lamang ay napansin niyang nagvivibrate ang cellphone sa loob ng kanyang bag, Hindi branded na kagaya ng mga hawak ng mga kasama niyang dalaga subalit paborito niya ito dahil bukod sa regalo n
“My favorite apo, salamat sa Panginoon at dumating ka rin.”, hindi pa man sila nakakarating sa pintuan ng Villa ay sumasalubong na ang nasa humigit 60 anyos na babae sa binata habang nakabukas ang dalawang kamay at ready sa pagyakap dito.“Hi grandma, I miss you.”, masayang turan ni Ezekiel sa kanyang lola kasabay ng mahigpit na pagyakap dito.“My darling apo, kanina pa ako naghigintay saiyo dito. Akala ko hindi kana darating, magtatampo na sana ako saiyo.”, paglalambing ng matanda at natatawang hinalikan ni Ezekiel ang ulo nito.“Pwede ba naman yun? Siyempre darating at darating ako para sainyo.”, saad nito at kitang kita ang labis na pagkatuwa sa mukha ng matanda. Lumaki si Ezekiel sa poder ng kanyang lola sapagkat maliit pa lamang ito ay nagtratravel na ang mga magulang dahil sa negosyo ng pamilya. Ang ama niya kasi ang panganay sa apat na magkakatid na Eduardo at ito ang humawak ng responsibilidad upang pangalagaan ang negosyo na nagsimula pa sa kanilang mga ninuno. Kaya kung may
Pagkalabas ni Ezekiel sa pintuan ay naipaypay ni Anna ang dalawang kamay sa mukha, feeling niya biglang uminit ang panahon kahit na nakafull sa pinakamalamig na temperature ang aircon. Ramdam pa niya ang pangangapal ng mukha sapagkat nag-assume siyang hahalikan siya ng binata kaya pumikit siya at hinintay na dumampi ang mga labi nito. Sa kasamaang palad ay mali ang kanyang inakala, sa halip ay iniwan siya at pinagtawanan. Kung pwede lang talaga lumubog siya sa kinatatayuan dahil sa labis na pagkapahiya. Masyado yata siyang naoverwhelmed sa ipinakita nitong sweetness kagabi at mali ang inisip niyang may something sa kanilang dalawa. “Haist! Anna Marie Lacuesta kung hindi ka naman talaga assuming!”, halos kutusan niya ang sarili dahil hindi siya nag-iisip.Hindi na bumalik si Ezekiel sa upisina at kung saan man ito pumunta ay wala siyang ideya kaya sumakit ang kanyang ulo sa kaliwat kanang tawag mula sa iba’t ibang department na nagfofollow-up sa mga documents na pipirmahan ng binata.
“HUwaw! Ate, ikaw ba yan?”, si Lance ng mababaan niya ang kapatid sa kusina. Maaga siyang naghanda para sa pagpasok kaya nakabihis na siya bago bumaba at mag-agahan. Umiiwas siya sa traffic kaya kailangan niyang umalis ng maaga sa bahay. Nginitian lamng niya ang kapatid habang dumirecho sa may cup board upang kumuha ng tasa at magtimple ng kape.“Seriously, pwede nang magpaganda sa upisina niyo?”, si Lance na humarap pa sa kanya at natawa siya dito. Nasabi pala niya sa kapatid dati na bawal ang magpaganda sa kanilang upisina kaya nagtataka ito sa maayos niyang itchura. Kahit simple ay nag-effort din kasi siyang naglagay ng kaunting make-up sa mukha at pumili ng damit na talagang bumagay sa kanya.“Uhm.”, tumango lamang siya sa kapatid pagkatapos ay hinarap ang pagtitimpla ng kape. Ano ba kasing nakain niya at nagmamaganda siya sa araw na ito?„Much better, you look younger and prettier.”, komento ni Lance at umabot yara hanggang sa kanyang tainga ang pagkakangiti.“I miss the old yo
Pagdating ni Anna sa bahay ay napakaliwanag pa rin ng paligid, halos nakabukas yata ang lahat ng kanilang ilaw. Mag-aalas diyes na ng gabi, sa ganitong oras ay nasa room na sina Mark at Carl. Si Lance ang naiiwan sa maliit na study room na malapit sa kanilang sala dahil sa ginagawa nitong mga designs. Marahil ay hinihintay ang kanyang pagdating. Sa isiping iyon ay medyo nakonsensiya siya, gabi na baka hindi kumakain ang mga ito. Kultur ana kasi sa loob ng kanilang pamilya na magkakasabay kumain sa tuwing anniversary ng kanilang mga magulang. Pagbukas niya ng pintuan ay naroon panga sa sala ang lahat at nanonood ng TV.“I’m home, sorry for being late.”, turan habang pinapalitan ng pambahay na slippers ang suot na sapatos.“Thank you, Lord, dumating din siya TomG na kami.”, narinig niyang wika ng isang kapatid kung kayat napangit siya. Itinabi ang tinanggal na sapatos sa may shoe rack pagkatapos ay lumapit sa mga kapatid. Nagulat siya dahil may kasama ang mga ito na sa ngayon ay naka
“There you are, my son; I missed you a lot.”, isang glamorosa at elaganteng babae ang palapit sa kanilang kinatatayuan na agad yumakap kay Ezekiel pagkatapos ay pinupog ng halik ang magkabilang pisngi ng binata.„I miss you too, mom.”, malambing na tugon ng binata na akala mo ay hindi nagkita ang dalawa ng mahabang panahon.“You’re still in good shape! Glad you're taking care of yourself." Ang ina habang iniinspection ang kabuuan ng anak.“Of course, mom! Anyway, I would like you to meet Anna Marie Lacuesta, I bragged about your culinary skills, and she has graciously accepted my invitation to sample your cooking”, nakatawang biro ni Ezekiel sa ina at tulad nito ay bumungisngis ng tawa kasabay ng pagpalo sa bisig ng binata.“Anna, this is my mom; Madam Estrella Eduardo.”, nakatawang baling ni Ezekiel sa dalaga.“Grabe kang bata ka! Hello iha, nice to meet you! I don’t cook but I made everything in the table happen.”, nakangiting turan ng mommy ni Ezekiel.“Hello ma’am, I’m happy to m