“Damn! Why can’t you get me a normal and more descent secretary? “, hindi pa nakakapasok ng maigi ang head ng human resource department ng Eduardo’s Holding Company ay umuusok na ang tainga ni Ezekiel na kulang na lang ipagbabato ang mga papel na nakabunton sa mesa nito.
“I’m sorry sir, mukha namang matino ang mga ibinibigay naming secretary sainyo sir during the hiring process, sa katunayan dumaan pa po ang mga yan ng ilang days na orientation bago madestino sainyo. Hindi ko alam kung anong nangyayari pagdating na dito sainyo.”, kabadong paliwanag ng HR head habang hindi makatingin ng direcho sa CEO.
“So ako ang mali, ganun ba, Mrs. Santos?”,
“Hindi naman po sa ganon, sir, hindi po kaya masyadong mataas ang standard ninyo?”, si Mrs. Santos ngunit napatakip ito ng kamay sa bibig ng tignan siya ng masama ng CEO.
“Eh kasi sir, pinakamagagaling at pinakamagagada na ang mga ibinibigay namin sainyo...”.
„Pwes! Piliin mo yung hindi lamang magaling, yung hindi lamang maganda kundi seryso sa trabaho at hindi ako ang gustong trabauhin! I am a busy person, and I don’t want to entertain fuckin’ jerk!”, halos gigil na pahayag ni Ezekiel Eduardo dito. Paano imbes na makarami siya ng trabaho nadidistract siya sa pagpapacute at lantarang paglalandi sa kanya ng mga ibinibigay na secretary.
“Baka kasi namimis-interpret niyo lang sila sir, I mean...”,
„Huwag ka nang mangatwiran, Mrs. Santos, gawin niyo ng maayos ang trabaho niyo. Now, find me a mature, descent, and serious secretary. Yung responsible sa buhay at hindi puro pagpapacute ang laman ng utak. Asap yan ha? Kung hindi, papalitan ko kayong lahat na nasa HR.”, inis na pagbabanta ng CEO kung kayat napatango na lamang si Mrs, Santos bago nagbow at nagpaalam upang lumabas.
„Knock! Knock!”, halos kalalabas lamang ni Mrs. Santos ay pakunot noong nag-angat ng mukha si Ezekiel upang tignan kung sino ang nasa pinto.
“Can I come in?”, si Attorney Garcia ang nasa pinto at nakangiti habang hinihintay ang signal na papasukin niya.
“Of course, Attorney; come in and take a sit.”, biglang nag-iba ang mood niya pagkakita sa abogado sabay senyas na maupo sa upuang nasa harap ng kanyang mesa.
“Thank you, hindi ko mahintay yung mga document na ipapareview mo kaya personal na akong sumadya dito. Teka si Mrs. Santos ba yung busangot ang mukhang galing dito?”, nakatawang pahayag ng abogado at bahagya siyang napangiti. Si Attorney Garcia ay isa sa mga abogado nila sa kompanya, matagal na itong counsel ng kompanya at halos kaedaran nito ang kanyang ama kung kayat parang tatay na rin ang turing niya dito. Magaling itong abogado at naaaliw siya sa mga magagandang wisdom nito.
“Hulaan ko, nawalan kana naman ng secretary ano?”, pabirong pahayag nto at bahagya siyang natawa pagkatapos ay umiling.
“Ugh, you know me, Attorney.”, depensa niya at nakangiti ring umiling ito.
“Mag-asawa kana lang kaya para tumigil na ang mga chicks sa kahahabol saiyo?’
„Huh! Not my thing.”,
“Aba’y ilang taon ka na? Mas magandang mag-asawa ng medyo bata bata, lalo na sa napakabusy na taong katulad mo para pag-uwi mo may maglalambing saiyo.”, ang abogado at natawa na lang siyang umilng dito. Hindi pa sumasagi sa kanyang isiap ang pag-aasawa dahil nakapokus siya sa pagmamanage ng iba nilang negosyo, isa pa hindi pa niya nakikita ang babaeng gusto niyang pakasalan. Maraming babae ang nagkakagusto sa kanya, mga socialites at mga anak ng mga kumpadre at kumadre ng kanilang ama’t ina ngunit wala naman talaga siyang magustuhan o di kaya ay pumasa sa kanyang panlasa. Ang gusto niya kasi kung mag-aasawa siya ay yung babaeng gusto niya at mahal niya kahit sino at ano pa man ito.
“Why don’t you just endorse someone to be my secretary? Yung need niya ang work at walang hidden agenda, I’m willing to pay double plus other benefits and incentives.”, sa halip ay turan niya sa abogado at napataas ang noo nito.
“Seems like you’re really in dilemma, anyway, tamang tama may kilala ako and it really suits to your standard.”, si Attorney Garcia at bigla siyang nabuhayan ng loob. Respetado at disenteng tao si Attorney kaya tiwala siyang hindi ito magrerekomenda ng sakit ng ulo.
“Really? Tell her to submit her CV as soon as possible!”, excited niyang pahayag at tumango tango ito.
“Sure! Sure!”, tila mas excited namang pahayag ni Attorney bago kinuha ang mga documents na ipapareview niya dito at magpaalam.
“Ninong!”, si Anna ng makita ang amaing si Attorney Garcia sa kinaroroonang hospital room ng kapatid na si Karl. Mabilis siyang tumayo at nagmano dito.
“Kaawaan ka ng Diyos, iha; kumusta ang kapatid mo?”, saad nito kasabay ng pagtingi sa nakahigang kapatid.
“Sa awa ng Diyos, medyo okay na po siya Ninong hopefully makakalabas na siya bukas.”, pahayag niya at tumango tango ito habang lumapit ito kay Karl at hinaplos ang ulo nito.
“Mabuti at naagapan niyo kaagad’ kumusta naman ang work?”, maya maya ay baling nito sa kanya.
“Okey naman po Ninong, kumuha ako ng one-week na emergency leave para maalagaan si Karl, yung dalawa naman parehong graduating kaya hindi pwedeng umabsent.”, turan niyang may kasamang lungkot at ginulo nito ang kanyang buhok.
“Be more patient iha, ikaw lamang ang masasandalan ng mga kapatid mo. Anyway, bukod sa bisitahin ang bunso niyo may sasabihin pa pala ako saiyo. Baka gusto mong lumipat ng trabaho, mas malaki ng doble ang sahod plus maraming benefits and incentives.”, ang kanyang ninong at biglang lumaki ang kanyang mata. Naexcite siya sa dobleng pasahod, sa katunayan hirap na hirap siya sa pagbubudget sa kanyang sahod kaya hindi niya naiwasang maexcite.
“Talaga po, Ninong? Saan po?”,
„Naghahanap ng secretary ang CEO ng Eduardo Holdings, irerecomenda kita kug gusto mo?”, wika ng kanyang ninong at parang gusto niyang matuwa. Wala nmang problema sa pagiging teller niya sa bangko ngunit nakakatakam ang dobleng sahod at benefits, hindi na siguro siya masyadong mamoblema sa budget ng pagkain at allowance ng mga kapatid.
“Pag-isipan mo iha, I think it will help you a lot kung doon ka maemploy.”, saad pa ng kanyang ninong at tumango tango siya dito. Pero siyempre hindi naman ganun kasimple, magpapaalam pa siya ng maayos sa kasalukuyan niyang trabaho para mas maganda ang kanyang employment record.
“Sige, ninong, pag-iisipan ko po. Pero kung sakaling magresign na po ako sa trabaho, sure po kayang makukuha ako ninong?”, may pagdadalawang isip niyang turan dito.
„Of course, ako ang magrecommend saiyo at sisiguraduhin kong makukuha ka.”, paninigurado ng kanyang ninong at nakangiti siyang tumango tango dito. Best friend ng tatay niya ang kanyang ninong at ito ang nagguguide sa kanya sa pag-aala sa mga kapatid. Kung may problema siya, dito siya humihingi ng advise maging sa pinansiyal kung talagang nashoshort ang kanilang budget. Marami na nga siyang utang dito na hindi pa bayad, mabuti na lamang at maunawain din ang asawa nito maging ang kanyang mga kinakapatid.
“Sige po, ninong, ayusin ko po ang application ko pagkalabas ni Karl dito.”, turan niya at halatanng labis itong natuwa sa kanyang sinabi.
“Good! Huwag mo ng patagalin at talagang kailangan ng CEO ang secretary.”, ang kanyang ninong at tumango siya.
“Bakit po pala wala siyang secretary ngayon? Masungit po ba siya?”, out of the blue ay curious niyang tanong.
“No, hindi siya masungit, iha, masyado lamang siyang seryoso sa buhay kaya mukha lang siyang masungit. Tsaka sigurado akong kayang kaya mo ang trabaho kaya wala naman siguraong problema.”, wika ng kanyang ninong at tumango siya. Sabagay, saka lang naman nagsusungit ang mga boss kung hindi mo alam ang ginagawa mo o di kaya ay nagpapasaway ang mga emplayado, napakaunprofessional na lang ng boss kung magsusungit ito ng walang dahilan.
“Ate, birthday ni kuya Yael ngayon baka nakalimutan mo?”, si Lance habang busy sa harap ng stove. Ito ang tumatayong chef nila sa bahay at tagalaba din ng kanilang damit samantalang taga hugas ng mga pinagkainan at taga linis ng bahay naman ang pangatlo niyang kapatid na si Mark. Since siya naman daw ang naghahanap buhay para sa kanilang lahat ay hindi na siya pinapagawa ng anumag gawaing bahay. Paggising at pagdating niya galing trabaho ay wala na siyang gagawin kundi kumain na lamang dahil nakahain na rin ang mga pagkain sa mesa para sa kanya kaya kahit gaano man kahirap ang responsibilidad na nakaatang sa kanyang balikat ay masaya pa rin siya sapagkat mababait ang kanyang mga kapatid.“Oo nga, hindi ko nga sure kung makakapunta ako o hindi.”, tugon niya sa kapatid. Ilang beses na kasi niyang tinangkang tawagan ang nobyo ngunit hindi nito sinasagot ang kanyang tawag. Nagtampo na nga siguro sa kanya ng husto at hindi pa niya alam kung paano ito susuyuin. Naintindihan naman niya ito p
Paglabas ni Anna sa gate ng mga Domiguez ay doon na niya pinakawalan ang kanina pang gustong kumawalang mga luha. Ang sakit sakit sa dibdib na ang taong minahal mo ng ilang taon ay malalaman mong meron ng iba. Parang may dalawang malalaking bato na umiipit sa kanyang puso at kung hindi siya iiyak ay maalagutan siya ng hininga. Kung alam lamang niya na ganito ang mangyayari hini na lamang sana siya pumunta dahil bukod sa parang pasan ng kanyang dibdib ang mundo ay nagmukha siyang katawa tawa kanina sa pag-aakalang boyfriend pa niya si Yael. Ang sweet pa ng pagkakayakap niya mula sa likuran nito upang surpresahin, yun pala siya ang nasorpresa sapagkat meron na pala itong iba. Nabigla siya ng husto at hindi niya namalayan kung paano siya nakawala sa mata ng mga taong naroon. Inaamin niyang may mga pagkukulang siya pero ginagawan naman niya ng paraan upang mamend ang lahat ng shortcomings niya sa kanilang relasyon. Hindi perpekto ang relasyon nila bilang magkasintahan ngunit mas marami n
“Ate, Nandito kana agad? Halos kararating ko lang sa paghatid saiyo ah?”, gulat na turan ni Lance ng makita siyang pumasok sa may pinto. Nasa sala ito at kasalukuyang gumagawa ng drawing ng bahay.“Oo, sumakit ang ulo ko kaya umuwi na ako.”, saad niya na pilit ikinubli ang labis na kalungkutan.„Sina Mark at Karl, tulog na ba sila?”, turan pa niya upang mabaling sa iba ang pagtingin ng kapatid na sa ngayon ay nakatitig sa kanya.„Pumasok na sa room nila, sigurado kang okey ka lang?”, may pag-aalalang turan nito at tumango siya.“Okey lang ako, inom lang ako ng gamot mawawala din ito. Sige na, pasok na ako sa kuarto ko.”, pahayag niya pagkatapos ay nagmamadali na niyang tinungo ang hagdanan baka makahalata pa ito. Ayaw niyang mag-alala ang kanyang mga kapatid kaya kung ano man ang nararamdaman niya sa ngayon ay sa kanya na lamang iyon. Pagdating niya sa taas ay binuksan pa niya ang kuwarto ng dalawang kapatid. Tulog na si Karl at inayos niya ang kumot nito pagkatapos ay binigyan niya n
Halos hindi maipaliwanang ni Anna ang nararamdaman pagkalabas sa upisina ng CEO ng Eduardo’s Holding. Parang nawalan siya ng pag-asang makakapagtrabaho siya bilang secretary labis labis ang panghihinayang sa dobleng pasahod. Napakalaking tulong kasi para sa kanilang magkakapatid ang malaking sahod upang matugunan ang pangangailangan nila araw araw lalong lalo na sap ag-aaral ng mga kapatid. Pagpasok niya sa elevator pababa ay pabuntunghiniga niyang isinandal sa ang likod sa wall nito pagkatapos ay lupaylpay ang balikat na tila wala sa sariling nakatingin sa taas. Mabuti na lamang at mag-isa siyang lulan dito kung kayat feel na feel niya ang pagsesenti. Kung bakit naman kasi ganon ang mga katanungan ng nag-interview sa kanya, sigurado bang CEO ang lalaking iyon? Imbes na yung mga kakayahan niya ang tinanong nito ay para namang schoolboy na tinatanong kung attractive ito at may potential itong maging boyfriend niya. Jusko Lord, kung ibang babae lamang siguro siya wala ng tanong tanong.
Pagdating nila sa parking lot ng isang mamahaling rezto ay agad bumaba si Delfin upang pagbuksan ng pintuan ang CEO. Bumaba naman agad ito pagkatapos ay walang sinsalitang tinungo ang entrace ng rezto. Kung hindi lamang sumenyas si Delfin kay Anna ay hindi pa siya kumilos upang sundan ang kanyang bagong boss. Sa haba ng biyas ng mga legs nito ay napakatulin nitong maglakad kumapara sa biyas ng isang 5’2 na katulad niya kung kayat halos tumakbo na naman siya upang makahabol dito.“Don’t get inside!”, narinig niyang utos nito bago ito pumasok sa pintuan ng rezto. Para naman siyang sasakyan na biglang nagpreno pagkaarinig sa instruction nito habang hinabol na lamang ng kanyang tingin ang pagpasok ng CEO. Nang mawala ito sa kanyang paningin ay napabuntunghininga siya ng malalim pagkatapos ay napailing na lamang habang tumungin sa paligid. May nakita siyang upuan malapit sa entrance door at napagpasiyahan niyang doon na lamang niya hihintayin ang kanyang boss. Akala niya mapapasabak siya a
Kinbukasan ay maagang nagising si Anna upang maghanda para sa bagong trabaho. First day niya bilang secretary ngayon kaya dapat mas maaga siyang pumasok kesa sa kanyang boss. Kailangan niyang magpaimpress, tumataginting na fifty thousand ang kanyang sweldo at kailangan niyang pangalagaan ito kahit gaano pa kasungit ang kanyang amo. Salamat sa mga tip na ibinigay ni Mrs. Santos, kung hindi magkakaproblema siya ng malaki sa mga susuotin at pagmamake-up.“Ate, ikaw ba yan?”, si Lance ng mababaan niyang naghahanda ng pagkain sa hapag. Nakaturtle neck kasi siya ng kulay black at simpleng nakatuck-in sa kulay gray niyang slacks habang nakasuot ng napakakapal na salamin.“Akala ko ba secretary ang pinasukan mo? Bat mukhang ikaw ang papalit kay Ms. Tapia?”, saad pa ng kapatid at manganingani niyang kutusan ito.“Grave ka! Kung maka Ms. Tapia ka diyan, magkakamukha lang tayo, oi!”, nakatawang turan niya kasabay ng pag-upo sa harap ng mesa. Napaismid ang kanyang kapatid pagkatapos ay iiling ili
“I said get inside the office!”, mula sa pagkagulat kanina dahil sa biglaang pagkarinig sa boses ng boss sa kung saan ay napatayo si Anna mula sa pagkakaupo. Meron palang nakabuilt na audio sa kanyang working space na nakaconnect sa office ng CEO at bigla siyang kinabahan dahil siguradong narinig nito ang pagtataray sa babaeng caller kanina. Ninenerbiyos man hindi naman siya nag-atubiling pumasok sa private office ng kanyang boss.“Sir may kailangan po kayo?”, turan niya sa amo habang hindi makatingin ng direcho dito. Nag-angat ng mukha si Mr. Eduardo at kitang kita niya sa gilid ng kanyang mga mata ang pagkadisgusto sa nakapinta sa mukha nito.“Call this A&Z Builders kung hindi sila makapaghintay I’m very willing to terminate their contract and partnership with us!”, turan nitong habang kasabay ng paglapag nito ng papeles sa kanyang harapan. Lihim siyang napahinga ng maluwang sapagkat hindi tungkol sa pagbagak niya ng telepono ang rason kung bakit hindi maganda ang timpla nito ngunit
Pakiramdam ni Anna ay gumapang pataas sa kanyang mukha ang lahat ng kanyang dugo dahil sa pagkahuli sa kanya ng kanyang boss habang nakatingin dito sa pamamagitan ng salamin. Pasimple niyang inayos ang makapal na salamin pagkatapos ay patay malisyang umayos ng upo sa tabi ng driver. Mabuti na lamang at eksaktong tumigil na sa parking lot ng restaurant ang sasakyan at mabilis na bumaba si Kuya Delfin upang pagbuksan ang kanilang amo. Nang makababa ito ay pinagalitan niya ang sarili at pinagtatapik pa ang noo. Nagulat pa siya ng buksan ni kuya delfin ang pintuan sa tabi niya at sinabihan siyang pwede na siyang bumaba.“Salamat, kuya.”, pasasalamat niya at ngumiti lang din ito sa kanya sabay nguso sa papasok na sa restong amo.“Bilis.”, nakangiti pa nitong turan kung kayat kulang na lamang ay liparin na niya ang distansiya nila ng kanyang boss upang makalapit agad dito. Mabuti na lamang at bahagyang tumigil, marahil ay wala itong ideya kung anong table ang kanilang eservation.“Hmp! Mabu
Sumunod na lang si Anna sa kung anong gustong mangyari ni Ezekiel para sa lunch kasama ang kanyang mga kapatid. Nanghihina siya sa isiping mapagastos ang binata ng malaki para lamang sa kanila samantalang pwede naman kahit sa karinderia na lang sila kakain. Ang nakakanerbiyos pa ay feeling close ang dalawang kapatid sa binata. Akala yata nila simpleng kuya lang nila ito at nagkukulitan habang papasok sa rezto. Mas lalo pa ang kanyang pagkawindang ng madatan nila sa VIP room ng rezto ang kapatid na si Lance na agad bumati at nakipagkamay kay Ezekiel.“Anong ginagawa mo dito?’, hindi makapaniwalang tanong niya sa kapatid. Hindi naman niya inabisuhang kakain sila sa labas at lalong wala siyang alam na dito sila dadalhin ng binata upang mananghalian.“I texted him to come since malapit lang ang university na pinapasukan niya dito.”, si Ezekiel ang tumugon sa katanungan niya sa kapatid. Napatingin tuloy siya dito ngunit tinaasan lamang din siya ng noo ng binata. Nahiwagaan tuloy siya kung
“Mr. Eduardo, what are you doing here?”, hindi makapaniwalang turan ni Mr. Chua ng makita ang CEO ng Eduardo Holdings. Hindi pa niya nakakausap ng harapan ang binata sapagkat nakikiride-on lamang naman ang maliit na construction business sa mga projects nito. Pero magkaganon may ay kilala niya ang katauhan ni Ezekiel Eduardo, ang nagmamanage at nagmamay-ari ng pinaka malaking construction firm sa buong bansa.“I heard a little friend of mine was called in this office because of my simple gift.”, turan ni Ezekiel bago inilibot ang paningin sa apat na sulok ng conference room. Lihim itong napatiim bagang ng makita si Carl sa isang sulok na tila nakaranas ng matinding pagkatakot.“He bit my son, Mr. Eduardo, and one thing more ay inamin ni Carl na kinuha lamang niya somewhere ang drone.”“That’s ridiculous because I gave it myself right in front of his family.”, ang binatang biglang pinaningkitan ng mata. Paanong inamin ni Carl na kinuha lamang nito sa kung saan ang drone kung siya mi
“Hello, Ms. Anna Marie Lacuesta?”, mula sa kabilang linya ng sagutin ni Anna ang kanyang cellphone. Katatapos lamang ng meeting ni Ezekiel sa labas at ngayon ay pabalik na sila sa upisina.“Yes ma’am, what can I do for you?”, magalang at hindi kalakasang turan niya.“Sa guidance office po ito ng St. Jude School pwede po ba kayong pumunta ngayon dito?”,“Bakit po? May problema po ba?”, may pag-aalalang turan niya. Nasa iisang school ang dalawa niyang kapatid at ngayon lamang siya makatanggap ng tawag mula sa guidance office.“Yes Ms., tungkol ito sa nagawa ng iyong kapatid na si Carl. Pumunta na lamang kayo ngayon para sa buong detalye.”, saad ng nasa kabilang linya at walang pag-aalinlangang tumango siya dito.‘Sige ma’am, papunta na po ako ngayon. Maraming salamat po.”, wika niya bago ipababa ang cellphone. Huminga siya ng malalim pagkatapos ay inikot ng ilang beses ang hawak na cellphone subalit hindi pa rin matanggal ang labis na pagkabaha sa kung ano ang nagawa ng kapatid.„Kuya D
“Hi, napatawag ka?”, may pag-aalinlangang turan ni Anna kay Yael. Kahit napag-usapan nilang mananatili silang magkaibigan ng dating kasintahan ay hindi pa rin niya inaasahan ang biglaang pagtawag nito.“Yeah, kumusta?”, saad ni Yael sa kabila at hindi niya napigilang mangiti. Para namang antagal nilang hindi nagkita kung mangumusta ang lalaki. Kung hindi siya nagkakamali ay nakita lamang niya ito noong binisita ni Ezekiel ang mga project sites kabilang ang ginagawa nitong proyekto.“Sa awa ng Panginoon mabuti naman kaming lahat.”, biro niya sa dating kasintahan at narinig niyang tumawa ito.“Anna are you in a relationship with Ezekiel?”, maya maya ay turan ni Yael. Hindi niya inaasahan ang biglaang katanungan nito at hindi siya nakapagsalita.“Sorry kung sa tingin mo ay pangingialam ito sa buhay mo pero mahalaga ka saakin bilang kaibigan. Sigurado ka ba diyan sa pinapasok mo?”, patuloy pa ni Yael nang hindi marinig ang kanyang kasagutan. Naghahalo halo tuloy ang pumasok sa kanyang isi
Kinabukasan ay nagulat si Anna dahil pagbaba niya mula sa kanyang kuwarto ay nabungaran niyang nag-uusap sina Lance at Ezekiel. Mabilis siyang napatingin sa orasang nakasanit sa dingding at saktong alasais pa lamang ng umaga. Nakaligo na siya para sa pagpasok sa upisina ngunit bumaba muna siya upang mag-agahan. Sa ganitong oras ay nakaluto na si Lance ng kanilang breakfast. Alam nitong maaga siyang pumapasok sa trabaho kung kayat sinisigurado nitong makakain muna siya bago umalis ng bahay. Ngunit hindi niya inaasahang mapapadpad ng ganito kaaga si Ezekiel sa kanilang bahay, samantalang kagabi lamang ay galing ang binata dito.“Hi, ate, mabuti naman at bumaba ka na kanina pa naghihintay saiyo si kuya Kiel”, si Lance ng mapansin siyang nakatayo sa may puno ng hagdan. Agad namang ibinaling ni Ezekiel ang mukha sa kanyang direksiyon pagkarinig sa sinabi ng kapatid pagkatapos ay abot hanggang mata ang ginawang pagngiti pagkakita sa kanya.“Good morning!”, bati nito at hindi niya napigilan
“Ate naman? Bakit naglagay ka ng ganyan sa iyong mukha eh may bisita ka?”, hindi napigilang reklamo ni Lance sa dalaga ng makita itong nakatayo sa may puno ng hagdan. Wala pa sanang balak magparamdam si Anna sa mga ito kaso nakita siya ng kapatid at ngayon ay nakatingin silang lahat sa dalaga. Muntik niyang takpan ang mukha sapagkat nakangiti si Ezekiel habang nakatingin sa kanya, feeling niya tuloy nakakatawa ang kanyang hitsura.“Mommy may drone na ako bigay ni kuya Kiel.”, may pagmamalaking turan ni Carl pagkatapos ay ipinakita ang isang bagay na hawak nito. Sa narinig ay biglang kumunot ang noo at nakalimutan ang mukhang nakabalot ng itim na facial mask.“Ano kamo?”, tila binging turan niya sa kapatid.„May drone na ako, bigay ni kuya Kiel.”, tuwang tuwa pang pag-uulit ng kapatid sa sinabi kung kayat mas lalong kumunot ang kanyang noo.„Anong kuya Kiel? Boss ko yan, hindi yan kinukuya!”, panenermon niya habang isa isang tumingin sa mga kapatid.“It’s okey, ako ang nagsabing tawagi
Ate!”, masayang turan ng mga kapatid ng biglang magpakita si Anna sa school ni Carl. Nakaupo lang sa tabi ang tatlo habang nanonood sa mga activities. Isa isang tumayo ang mga ito at nagsilapit sa kanya na tila nabuhayan ng loob.„ Akala namin hindi ka na makakarating?”, si Lance na halatang tuwang tuwa sa kanyang presensiya.„Pwede ba naman yun? Di hindi na mag-eenjoy ang isa diyan kung wala ako?”, turan niya habang nakangiting tumingin sa bunsong kapatid. Ngumiti ng abot hanggang tainga si Carl pagkatapos ay yumakap sa kanya.“Thank you, mommy.”“Anything for you, my love.”, malambing niyang wika dito kasabay ng paggulo ng buhok ng kapatid.“Oh, ano pong hinihintay natin? Sali na tayo sa mga palaro.”, deklara ni Lance at nagsipagsang-ayunan naman ang lahat.“Family sack race na! Dali, pumila na kayong tatlo dun.”, excited na pahayag ni Mark habang nakaturo sa mga pumapagitnang kalahok na kinabibilangan ng tatay, nanay, at anak. Agad namang iniabot ni Anna ang hawak na bag sa kapatid
“Uhmm, I will go and change; thanks for this anyway.”, sa halip ay turan ng dalaga pagkatapos ay isa isang binitbit ang mga paper bag at tulirong humarap sa may hagdan. Parang naglalaro pa sa isip niya ang sinabi ng binatang boyfriend niya ito at halo halo ang kanyang nararamdaman. May pag-aalinlangan ang kanyang isipan sapagkat may katumbas na responsibilidad ang maging isang girlfriend, baka hindi niya maibigay ang sapat na atensiyon at oras dito kagaya ng nauna niyang naging karelasyon. Ngunit sa kaibuturan ng kanyang puso ay ramdam niya ang labis na kasiyahan at kulang na lamang ay takbuhin niya ang hagdanan pataas at magtatalon sa tuwa.“Wear something casual, maglilibot lang tayo sa mga sites ngayon.”, turan ng binata kung kayat agad niyang ikinubli ang pagkatuwa pagkatapos ay humarap dito at nagbow. Pag-angat niya ng mukha ay tumambad sa kanyang paningin ang nakangiting mukha ng binata habang nakatingin sa kanya. Hindi niya alam kung pinagkakatuwan siya nito ngunit hindi naman
Pagdating nila sa bahay ng binata sa Fpark ay walang nagawa si Anna ng hilahin nito ang kanyang kamay pababa sa may sasakyan ngunit halos himatayin siya ng bigla siyang buhatin ni Ezekiel na parang isang sako ng bigas. Sa kabila ng kanyang pagpalag ay tuloy tuloy itong pumasok sa pintuan ng bahay na automatic namang nagbukas at nagsara din ng kusa ng makapasok sila sa loob. Maingat siyang ibinaba sa napakalaking couch sa living room ngunit dumagan din ito sa kanya pagkatapos.“Now, tell me your problem.”, seryosong turan nito ngunit hindi maikukubli ang nagsasayaw nitong mga mata habang nakatunghay sa kanya.“Utang na loob umalis ka diyan nakakahiya sa mga kasama mo sa bahay.”, nag-aalalang saad niya dito. Baka iba ang isipin ng mga kasambahay nito kapag nakita itong nakadagan sa kanya. Isa pa hindi siya kumportable sa kanilang ayos. Ngunit ngumiti lamang si Ezekiel sa kanyang tinuran pagkatapos ay tila tuwang tuwang inilapit ang mukha sa kanyang mukha.“Is that your problem?”, nakaka