"I am so happy!" patuloy na pahayag ni Mommy habang pumapalakpak din siya, hinarap niya si Benjamin. "Thank you, honey. Salamat dahil dumating ka sa buhay ko."Niyakap ni Mommy si Benjamin, kitang-kita ko ang pagmamahal nito sa lalaki niya. Good for her, na nakita na niya ang taong magpapasaya sa kaniya, ng taong magbibigay sa kaniya ng kalinga at atensyon.Samantalang ako, heto at nangangasim ang mukha habang pinagmamasdan silang dalawa. Gusto kong masuka. Panay ang irap ng mga mata ko sa ere. Sina Haris at James naman ay nakatanaw sa akin.Alam nila kung gaano ako nandidiri sa relasyon ng aming magulang, tipong gusto kong baliktarin itong lamesa para lang matigil sila. Tuluyan na akong nawalan ng ganang ipagpatuloy ang pagkain ko at kahit hindi pa ako tapos ay lumabas na ako.Iniwan ko silang nakatulala sa akin. Wala na rin akong narinig na tutol galing sa kanila kaya umakyat ako sa kwarto ko at doon nagkulong. Marahas akong bumuntong hininga at halos hindi malaman ang gagawin. Gus
"Precy!" malakas kong sigaw dahilan para mapabalikwas ito ng upo, kamuntikan pa siyang mahulog sa sahig.Mabibigat ang mga yabag na naglakad ako patungo sa pwesto niya kung saan kami madalas na tumambay kapag may free time kami sa school. Sa sigaw ko ring iyon ay saglit na tumigil ang mga tao sa bilyaran at mabilis na napalingon sa akin.Kilala na ako rito, kahit no'ng may-ari. Tila VIP na nga ang turing sa akin dito, kaya noong dumaan ako sa kumpulan ay tahimik na nahati iyon sa gitna. Ingay lang na nagmumula sa heels ko ang umaalingawngaw sa kabuuan ng lugar.Isama na rin ang malakas na pagtibok ng puso ni Precy dahil sa kaba kung tunay lang na naririnig ko iyon mula rito. Kitang-kita ko ang pagkakatigil ng kaniyang hininga, kasabay nang pag-awang ng labi niya.Tumayo kaagad si Precy, hindi para salubungin ako ng yakap, kung 'di para depensahan ang sarili. Ngunit huli na at madali ko siyang pinatahimik."Alice—"Sinalubong ko ng sampal ang isa niyang pisngi, rason para mapabalik ito
Whatever! Kung ano man ang gustong itago ni Haris at Anthony ay wala na dapat akong pakialam— bahala na sila sa buhay nila.Sinundan ko ng tingin si Anthony nang mag-walk out ito. Dere-deretso ang paglalakad nito habang nakakuyom ang pareho niyang kamao. Sunod kong nilingon si Haris na ganoon pa rin ang emosyon sa mukha, malamig ngunit nagtatago roon ang tila misteryong hindi ko mawari.Napairap ako sa ere, kasabay nang paghawi ko sa buhok ko. Nilayasan ko na rin silang dalawa ni Larisa roon dahil wala na akong balak na pahabain pa itong nangyayari. Nabubwisit ako kay Anthony. Hindi ko talaga inakala na mas baliw pa siya kay Elias.Nang matapos ang huling klase ay malakas akong humikab. Literal na inaantok ako at sobrang boring ng Professor. Halos sabay lang din kaming lumabas ni Larisa ng room. Nabangga pa ako nito sa balikat dahil sa pagmamadali niya."Ano ba?!" singhal ko rito, napahinto siya at isang beses akong nilingon mula sa balikat at leeg niya. "Mag-ingat ka naman! Makakalab
"Ano, Mommy? Hindi ka na talaga nahiya kay Daddy! Inuwi mo pa rito ang lalaki mo!" malakas kong sigaw sa sobrang galit.Ramdam kong puputok na ang mga ugat sa aking noo, hindi hamak na para na akong bulkang sasabog. Damang-dama ko rin ang init ng katawan ko, partikular ang mga mata kong animo'y sinisilaban ng apoy. Nanlalabo na ang paningin ko para sa nagbabadyang luha. Pero hindi, hindi ako iiyak.Tuluyan akong nagwala lalo nang talikuran lang ako ni Mommy. Dere-deretso siyang naglakad papasok ng kaniyang kwarto na para bang walang narinig, o parang hindi niya ako nakita. Mas madali yatang sabihin na talagang wala na rin siyang pakialam sa kung ano man ang nararamdaman ko.Huh! For Pete's sake, anak niya ako!Hindi ako ibang tao, o kung sino lang! Nawala lang ako kagabi, nakitulog lang ako sa kaibigan kong si Precy dahil sa matinding kalasingan na hindi ko na kayang umuwi pa. Ngayon ay madadatnan ko sila ng lalaki niya rito sa bahay mismo ni Daddy?Sa pamamahay pa mismo namin?!Malam
Bumagsak ang panga ko. Maang akong napatitig sa lalaking nasa harapan ko. Kalaunan ay ilang beses akong napapikit para lang ibalik ang kaluluwa sa aking katawang lupa. Bukod sa sinabi niyang iyon, hindi ko naiwasang purihin siya sa utak ko. Matangkad ang lalaki, matipuno ang katawan at halos manuot sa ilong ko ang pabangong ginamit nito. Sobrang bango.Napalunok ako, ilang sandali nang mapapitlag ako. Kaagad kong ikinunot ang noo, kasabay nang pagtataas ko ng kilay dito. Una sa lahat, sino ba siya para hatakin ako ng walang pasabi? Pangalawa, sinong nagbigay sa kaniya ng karapatan na pagsalitaan ako ng ganoon? Hiningi ko ba?"Who the fvck are you?" giit ko sa mababa at madiing boses, pero sapat na rin naman na upang umabot sa pandinig niya."Hindi ba ay galit ka sa mga taong kabit?" Tumagilid ang ulo ng lalaki, tila pa nang-uuyam. "Sa ginagawa mo, parang hindi rin ka rin naiiba sa kanila."Pagak akong natawa."Kailan ko pa hiningi ang opinyon mo?" maanghang kong palatak at saka pa si
Napilitan akong pumasok sa school kinabukasan sa sobrang pag-iwas ko kay Mommy. Ayoko siyang kausapin hangga't hindi nagbabago ang desisyon niyang sumama sa lalaki niya.Galit pa rin ako at hindi ko alam kung hanggang kailan mananatili ang galit sa puso ko, para bang sa araw-araw na nagdaraan ay purong galit na lang ang nananalaytay sa dugo ko. Hindi ko na magawang ngumiti, o kahit ibalik ang dating ako.I used to be bubbly. Masaya na ako kahit sa maliit na bagay, ngayon ay naiirita dahil sa maliliit na bagay na iyan. I never asked for anything, or even asked for luxury. Sa buhay ko ay kuntento na ako. Wala na akong mahihiling pa dahil tunay na nasa akin na ang lahat. Mayaman, masagana at masayang pamilya. Naalala ko pang marami ang naiinggit sa akin dahil sa family background ko. Marami ang pumupuri.Ngayon ay hindi ko na alam. Hindi ko inakala na ganito kalaki ang naging epekto sa akin nang panloloko noon ni Daddy, nang pag-alis at pag-iwan niya sa amin. It's been fvckin' three year
Saktong kalalabas ko lang ng Dean's office ay lumabas din si Elias. Kanina pa masama ang tingin niya sa ilang minutong naroon kami sa loob. Kaya wala na iyong epekto sa akin ngayon. Ano bang problema niya?Napangisi ako bilang pang-aasar dahilan nang pagkakahinto niya sa harapan ko. Lalo lang din siyang nangitngit sa galit."Ano?" pag-aamok niya.Umiling ako habang nakangisi pa rin. "Wala naman, Elias. Masaya lang ako na makita 'yang mukha mo. Parang na-miss nga kita.""Tangina..." Humugot siya ng hininga, tila ba mapipigtas ko ulit ang pasensya niya. "Kung ganiyan ka kanina kaamo, tingin mo ay mapupunta tayo rito? Ang arte-arte mo kasi. Akala mong kung sinong inosente."Mariin ko siyang tinitigan.Nalusaw din ang ngisi sa aking labi."Nakarami ka ng lalaki 'di ba? Hindi na bago sa 'yo iyong ginagawa ko."Pagak akong natawa, rason naman para matigil siya. Maang niya akong tinitigan na para bang nababaliw na ako. Natatawa ko siyang tiningala. Tangina ng lalaking 'to. Dinaig pa ang bakl
Tangina!I fvckin' knew it! Wala pa man siyang sinasabi, o hindi man niya ako sagutin ng deretso ay siya talaga iyong lalaking naghatid sa akin dito sa bahay kagabi. Kaya malakas ang kutob ko— kaya gustung-gusto kong isipin na siya nga iyon. Kasi hindi naman talaga ako nagkakamali!“Tinitingnan ko lang kung gaano ba kaganda ang bahay na iyan at diyan gustong tumira ni Daddy.” Animo'y sirang plaka at nagpaulit-ulit ang katagang iyon sa utak ko.Hindi ko na kailangan pa ulit na magtanong sa kaniya. I know my instincts were always right! Damn, Haris! Damn it!Mabilis akong tumalima at hinarangan ito sa tangka niyang pagpasok sa gate namin. Iniharang ko rin ang dalawang kamay sa magkabilaan kong gilid habang nananatiling hawak ang mini hand bag ko. Naka-heels pa ako at para akong tanga.Hell, hindi ko hahayaan na makapasok ang lalaking ito sa bahay namin. Una na ngang nang-trespass ang ama nito, hindi lang 'yon, pati si Mommy ay pinasukan din.Tinitigan ako ni Haris. Masama na ang tinging