Share

Chapter 7

Kasabay nang paghalik ni James sa akin ay ang pagkabasag ng kung ano. Napatalon ako sa gulat, doon lang din yata ako nagkaroon ng lakas para itulak si James. Madali kong nilingon ang pwesto ni Haris. Nasa paanan nito ang nabasag na baso ngunit wala siyang pakialam, bagkus ay nananatili ang mariin niyang paninitig sa amin.

Napakurap-kurap ako, lalo pa noong humakbang ito at papalapit sa gawi namin ni James. Ang inakala kong susugurin niya si James, base na rin sa pagkakakuyom ng dalawang kamao nito, pati ng galit na naroon sa kaniyang mukha— nagkamali ako.

Deretso ang naging lakad nito. Dumaan ito sa gilid ko at damang-dama ko ang hanging dumaplis sa katawan ko nang lumampas siya sa akin. Kung gaano kabigat ang bawat yabag niya ay ganoon din kabigat ang hiningang binibitawan ako. Nang tuluyan siyang mawala sa paningin ko ay napasinghap ako.

Binalingan ko si James na nananatiling nasa harapan ko. Katulad ko ay gulat din ang mababakas sa mukha niya. Ngunit mas nagulantang nga lang siy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status