Share

Chapter 4

Tangina!

I fvckin' knew it! Wala pa man siyang sinasabi, o hindi man niya ako sagutin ng deretso ay siya talaga iyong lalaking naghatid sa akin dito sa bahay kagabi. Kaya malakas ang kutob ko— kaya gustung-gusto kong isipin na siya nga iyon. Kasi hindi naman talaga ako nagkakamali!

“Tinitingnan ko lang kung gaano ba kaganda ang bahay na iyan at diyan gustong tumira ni Daddy.” Animo'y sirang plaka at nagpaulit-ulit ang katagang iyon sa utak ko.

Hindi ko na kailangan pa ulit na magtanong sa kaniya. I know my instincts were always right! Damn, Haris! Damn it!

Mabilis akong tumalima at hinarangan ito sa tangka niyang pagpasok sa gate namin. Iniharang ko rin ang dalawang kamay sa magkabilaan kong gilid habang nananatiling hawak ang mini hand bag ko. Naka-heels pa ako at para akong tanga.

Hell, hindi ko hahayaan na makapasok ang lalaking ito sa bahay namin. Una na ngang nang-trespass ang ama nito, hindi lang 'yon, pati si Mommy ay pinasukan din.

Tinitigan ako ni Haris. Masama na ang tinging ipinupukol ko sa kaniya ngunit baliwala iyon sa kaniya. Bagkus ay mas mariin kung tingnan niya ako, tila ba gustong takutin gamit ang mga mata niya.

But heck! Wala iyong epekto sa akin. Siya ang dapat na matakot sa akin dahil una at higit sa lahat ay pamamahay namin ito. Bahay namin ito! Kung tunay nga na titira siya rito, marapat lang na mas irespeto niya ang opinyon o ang nararamdaman ko.

"Mabigat itong buhat ko. Please, paraanin mo na ako," aniya at saka pa inayos ang pagkakabuhat sa malaking box na dala niya, mukha ngang hirap na hirap na siya, pero...

"Bakit ka ba kasi nandito?!"

"Sinabi ko na kanina, 'di ba? Hindi ka naman bingi para hindi iyon marinig. Hindi ka rin bulag para hindi makita kung ano itong ginagawa namin, right?"

OMG. The nerve!

Napalatak ako sa hangin. Umisang hakbang naman si Haris, pero lalo ko lang iniharang ang dalawang kamay sa gate.

"I will never accept it, Haris! Hindi pwedeng ikaw ang anak ng lalaki ni Mommy!" singhal ko sa pagmumukha niya.

"Too bad..." Humalakhak siya na lalong ikinagalit ko, halos maghimutok lahat ng litid sa leeg at noo ko. "At hindi lang basta lalaki ng Mommy mo si Daddy, any time soon, magpapakasal din silang dalawa."

"Say what?!"

"Ayaw mo man din o sa gusto, magiging step-brother mo ako. And since ako ang mas matanda sa ating dalawa, bahay niyo man ito, matuto kang irespeto ako. I do not tolerate that kind of behavior, Aliyah Denice," matigas niyang pahayag. "So please..."

Tumagilid ang ulo niya, sumenyas din na umalis ako sa harapan niya. Bumagsak naman ang panga ko sa sahig. Bigla akong nanlumo, na halos manghina ang mga tuhod ko. Isa pa sa kinaiinisan ko— bakit ba sa tuwing tinatawag niya ako sa buo kong pangalan ay iba ang epekto sa akin?

Hindi ko alam, tipong gusto kong magalit sa tuwing gano'n, pero may kung ano sa kalooban ko na nagugustuhan iyon.

"Haris!" Boses sa likod ko dahilan para sabay namin iyong malingunan ni Haris.

Mula sa loob ng bahay ay patakbong lumapit ang isa pang lalaki. Tantya ko ay mas matanda ito kay Haris, magkamukha rin sila. Sino 'to? Kapatid niya?

"James," bulalas ni Haris.

"Tinatawag ka na ni Daddy sa loob," sabi no'ng James kaya nagkaroon ng pagkakataon si Haris na makapasok sa gate.

Hindi ko na siya napigilan dahil huminto iyong James sa gilid ko. Mas matangkad siya kay Haris, kaya halos sumakit ang leeg ko sa sobrang pagtingala sa kaniya. Animo'y nanununtok din ang ginamit nitong pabango, literal na masakit sa ilong.

Nangunot naman ang noo ko nang dungawin niya ako. Lumarawan ang galak sa mukha niya. Ngumiti pa siya nang ubod ng tamis. Samantala kung may iaasim pa ang itsura ko ngayon ay iyon na 'yon.

Fvck! Hindi ko matanggap na napapaligiran na ng mga lalaki ang bahay namin ni Mommy. Hindi ko masikmura na tatlong lalaki ang makikita ko sa pamamahay namin, titira at mamanduhan ako dahil lang sa mas matanda sila sa akin. And most especially, step-brother? Sana kainin na ako ng lupa.

"Hi there, young lady!" magiliw na bati ni James habang ngiting-ngiti sa akin, ipinapakita ang pantay at mapuputi niyang ngipin. "Ikaw si Alice, hindi ba?"

"Obviously," malamig kong turan.

Natawa si James, kapagkuwan ay inilahad ang kamay niya sa harapan ko. "By the way, my name is James Isaac Martin. Kuya ni Haris, pero two years lang naman ang tanda namin. Mas gwapo rin."

Namaywang ako sa harapan niya. Tinitigan ko lang siya hanggang sa mangalay ang kamay niyang nakalahad. Mayamaya nang matawa siya at nagkamot ng batok. Kumibot ang labi ko. Mukhang mas maamo naman ito, mas mabait din kaysa kay Haris.

Ngunit hindi ito maaari. Hindi pwedeng nadadala ako sa mga panunuyo nila. Kailangan ko silang palayasin, kung hindi ay ako mismo ang lalayas dito.

"Pareho kayo ng school na pinapasukan ni Haris, hindi ba? Good thing, dinadaanan ko iyon papasok ng trabaho, pwede kitang isabay sa kotse ko at para mahatid ka rin," masuyo niyang pahayag.

Tumaas ang kilay ko.

"Are you hitting on me?"

Umalpas ang pagtawa ni James, akala mo ay may nakakatawa sa tinuran ko.

"Did I hit the right spot?" senswal niyang dinilaan ang labi, nagpapahiwatig din ng kaniyang pagnanasa.

Nagpantig ang tainga ko, kasabay nang pangungunot ng noo ko. Binabawi ko na iyong sinabi kong mukha siyang mabait, mukha nga lang talaga. Pero iyong ugali, mas masahol pa yata kay Elias.

May malakas na tumikhim mula sa hindi kalayuan. Nang balingan pa ay nakita kong si Haris iyon na nananatiling nasa hamba ng pinto. Mukhang kanina pa siya naroon at hindi na umalis pa.

Nakatanaw siya sa aming dalawa ni James, baliwala na yata sa kaniya ang bigat ng dalang box na kanina lang ay inirereklamo niya. Kagaya ko ay kunot din ang kaniyang noo habang madilim ang mukha.

"Baka akala mo ay tapos na tayong maghakot?" palatak ni Haris sa Kuya niya.

Muling natawa si James. "Oo nga pala! If you'll excuse me, Alice, magbubuhat lang ako ng gamit. We'll talk later."

Kinindatan niya ako. Hindi ako nagsalita. Inirapan ko lang ulit ito at nagdadabog na pumasok sa loob. Inunahan ko siya.

Nilampasan ko lang din si Haris— bwisit silang lahat! Argh! Kung ganito lang din naman pala ang mga makakasama ko sa araw-araw, huwag na lang! Mabuti pa na sa kotse na lang ako matutulog kaysa pakisamahan ang mga lalaking ito.

"Mommy!" sigaw ko nang makarating sa sala. "Mommy! God damn it! Mommy!!"

"Shhh," pang-uurat ni Haris sa likod ko, kasunod nito ay pabagsak niyang binitawan ang malaking box sa gilid ng sofa.

"Mommy! Mommy!"

Hindi ko siya pinansin at nagderetso lang sa kung saan. Ilang sandali pa nang lumabas si Mommy sa library namin, ang siya ring opisina ni Daddy noon. Napahinto ako at mariin silang tinitigan.

"Diyan mo na lang asikasuhin ang iba mong trabaho kapag nandito ka sa bahay," ani Mommy habang nakakapit pa ang kamay niya sa isang braso ng lalaking iyon.

Halos masuka ako sa nasaksihan. Para ring nagugunaw ang mundo ko. Hindi ko na maintindihan. Gusto kong maiyak sa pinagsamahang panlulumo at galit.

Ngiwing-ngiwi ako at sa ganoong itsura ako naabutan ng tingin ng lalaki. Itinuro niya ako kay Mommy para ipasabing nandito nga ako, roon lang din niya ako binalingan.

"Nandiyan ka na pala, hija! Kanina ka pa hinahanap nitong si Benjamin at excited ka na niyang makilala," dugtong ni Mommy, hinila niya iyong Benjamin para lumapit sa akin ngunit siyang atras ko.

Nagulat na lang ako nang nasa gilid ko na bigla si Haris. Pinigilan niya ako sa pagsubok kong umatras ulit. Hinawakan niya ang braso ko, rason para mapatigalgal ako sa kaniya. Ngumiti lamang ito. Saktong paglapit nina Mommy sa harapan namin.

"Alam ko na kilala mo na itong si Haris... right, Alice? Well, magiging Kuya mo na siya, same with James, his older brother. At ito namang si Benjamin, you can call him Tito, pero mas better na Daddy na lang," lintanya ni Mommy na literal na hindi ko kinakaya. "We're going to be a real family soon. Kumpleto na ulit ang pamilya natin na siyang matagal mo nang gusto, Alice."

"For real, Mom?" maanghang kong sambit habang hindi makapaniwalang nakatingala sa kanilang tatlo. "Naririnig mo ba iyang sinasabi mo, Mommy? Gusto mong tawagin ko siyang Daddy?!"

Idinuro ko si Benjamin, kaagad namang hinawi ni Haris ang kamay ko.

"I told you, Mommy! Hindi ko ito matatanggap! Kahit kailan! Ngayon, kung dito talaga sila titira, mabuti pa na ako na lang ang aalis!" bulyaw ko, madali kong kinalas ang kamay ni Haris at saka pa siya masamang tinitigan.

Sukang-suka ako sa pagmumukha nilang lahat. Gusto kong magwala at tangina, hindi ko alam kung paano ko magagawang mabuhay nang mag-isa! Iniisip ko pa lang ay hirap na hirap na ako.

Kung nandito lang si Daddy, kung nandito lang sana siya...

Nagtiim bagang ako nang maramdaman ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. Bago pa man din ako tuluyang maiyak ay mabilis na akong tumalikod. Mabibigat ang mga yabag ko nang tahakin ko ang daan palabas.

"Ikaw na ang bahala sa kaniya, Haris. Please, take care of her for me." Rinig kong pahabol ni Mommy na lalong ikinagalit ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status