Share

One Night with a Hot Stranger (Daddy Series #1)
One Night with a Hot Stranger (Daddy Series #1)
Author: 1ionhart

001: Sold to the Old Rich Guy

"Lazaro Gonzales didn't make it. I'm sorry for your loss."

Napapikit si Lorelei nang maalala ang eksenang iyon sa hospital. Nailibing na ang ama niya ngunit nandito parin siya at hindi mawala-wala ang sakit na nararamdaman niya sa pagkawala ng ama. Nasa kuwarto siya ng mga magulang niya habang yakap-yakap ang litrato nito sa dibdib niya, nagluluksa sa ganoong paraan.

"Papa, bakit? Bakit mo ako iniwan dito? Paano nalang ako? Sino nalang ang magtatanggol sa akin? Sino nalang ang magmamahal sa akin, papa?"

Sa isang iglap ay naramdaman nalang ni Lorelei ang mainit na likidong umagos mula sa mga mata niya. Nasasaktan siya at hindi niya iyon kayang itanggi pa.

Mahal na mahal niya ang ama niya. Kahit na may ina naman siya ay ito na ang nagparamdam sa kanya ng isang pagmamahal na hindi niya nakuha sa ina. Kaya ngayon na nawala na ang ama ay hindi na niya alam kung ano pa ang gagawin sa buhay niya.

Mabilis ang mga naging pangyayari. Noong mga nakaraang buwan lang ay masaya sila ng ama niya. Kahit pa ay hindi siya mahal ng ina niyang si Matilda at ayaw nito sa kanya ay hindi niya maiwasang magpasalamat sa ama. Ito ang tumayong ama at ina niya kahit nandiyan naman ang ina niyang si Matilda.

Mula nang mamulat siya sa mga bagay-bagay sa mundo ay ipina-realize na ng ina niya na ayaw nito sa kanya. Kahit na ano pang pilit na pagpanalo ni Lorelei sa pagmamahal sa ina ay hindi niya iyon magagawa dahil ayaw nito sa kanya.

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang biglaan na lamang bumukas ang pinto at nadatnan niya ang nakababata niyang kapatid na si Ingrid.

"Lumabas ka. Tinatawag ka ni Mommy sa hapag."

'Yon lang at padabog na nitong isinara ang pinto. Napabuntong-hininga nalang si Lorelei at tumayo na. Isa sa pinaka-ayaw ng ina niya ay yung tinatawag siya nito pero hindi siya nakikinig. Kaya ngayong ipinaalam na ng kapatid niya mismo na tinatawag siya ng Mama Matilda niya ay mabilis na siyang bumaba at nagpunta sa hapag. Ayaw niyang galitin ang ina niya na alam niyang ilang araw ring walang tulog dahil sa pagkamatay ng asawa.

"Ma, tinawag niyo raw po ako?" magalang na wika ni Lorelei sa ina na siyang ikinatango nito.

"Umupo ka, Lorelei. Ilang araw kang walang maayos na kain kaya kumain ka na. Namamayat ka na. Hindi matutuwa ang ama mo kapag nalaman niyang pinapabayaan mo ang sarili mo at baka sabihin ay pinapabayaan kita," wika ni Matilda na siyang mabilis na ikinaluha ni Lorelei.

Hindi niya aakalain na magiging maganda na ang pakikitungo ng ina niya sa kanya. Isang beses nang mamulat sa mundo ay hindi niya ito kailanman nakitang naging mabuti sa kanya. Kaya ngayon na tila ay nag-aalala ito sa kalusugan niya ay hindi maiwasan ni Lorelei ang mapaluha nalang.

"Ano pang ginagawa mo r'yan? Umupo ka na. Pangit na nga, tanga pa," naging patutsada ng nakababatang kapatid niya na siyang ikinabalik ni Lorelei sa reyalidad.

Si Matilda naman na narinig iyon ay mabilis nang pinandilatan ng mata ang anak. Naging mabuti lang siya kay Lorelei dahil may gagawin siya mamaya sa dalaga. Ito lang ang magiging daan para maisalba ang kompanya nila at nang hindi na sila mamulubi pa.

"Sige na, anak. Umupo ka na at kumain na," pekeng wika pa nga ni Matilda. Nang makita ang pagkagulat ni Lorelei sa tinuran niya ay doon na siya napapangiti.

Hinapit niya sa isang yakap ang dalaga at saka nagsalita, "Pasensiya na at hindi ako naging mabuting ina para sa 'yo, anak. Pasensiya na. Ngayon ko lang napagtanto na ang sama-sama kong ina at hindi kita nagawang mahalin. Nahihiya ako sa 'yo dahil hindi ako naging mabuti sa 'yo, anak," umaaktong wika pa nga ni Matilda na siyang mabilis lang na ikinailing-iling ni Lorelei.

"Okay lang po, 'Ma. Hindi ka masama. Ang importante po ay okay na po tayo ngayon," nakangiti pa ngang wika ni Lorelei sa pag-aakalang naging totoo ang ina niya sa sinabi nito. Lingid sa kaalaman niya ay nagpapanggap lang pala ang ina na mabait sa kanya dahil may kailangan ito sa kanya. Kahit si Ingrid na narinig ang pekeng mga salita ng ina ay napapairap nalang sa ere, bagay na siyang ikinasama ng tingin ni Matilda. Nag-aalala siyang baka makita iyon ni Lorelei at makatunog sa magiging plano nila.

Kumalas na sa yakap si Matilda at saka ngitinian na si Lorelei.

"Kain na, 'nak. Baka nakatingin si Lazaro ngayon at magalit sa akin. Baka masabi niyang pinapabayaan kita," umaaktong wika ni Matilda na siyang ikinangiti na ni Lorelei.

Doon nga ay nagsi-upuan na sila. Nanatiling nakatayo si Matilda at nilagyan na ng kanin ang plato ni Lorelei bago ito tinapik sa balikat.

"Kumain ka nang mabuti, ha?" wika pa nito bago umupo. Si Ingrid na nakita iyon ay nanlaki na ang mga mata. Hindi niya inaasahan na gagawin iyon ng ina sa kapatid niya. Napapairap nalang siya ere at hinayaan na ang ina na gawin ang mga bagay na iyon sa kapatid niya.

"By the way, anak. Malaki ang naging problema natin dahil sa pagkahospital ni Lazaro. Nabaon tayo sa utang at bumagsak ang kompanya natin. Pero 'wag kang mag-alala. May nahanap na akong paraan para maisalba pa ang kompanya natin at nang huwag na tayong mamulubi pa sa gutom," biglaang pag-open up ni Matilda sa plano niya na siyang ikinatango ni Lorelei.

"Mabuti naman, 'Ma. Akala ko ay maghihirap na tayo dahil masyadong malaki ang nagastos sa hospital," wika pa ni Lorelei na siyang ikinatigil na ni Matilda sa pagkain.

"Hindi mo manlang ba tatanungin kung ano ang solusyon na nakuha ko?"

Napakurap-kurap si Lorelei sa naging tinuran ng ina. "A-Ano po 'yon?" nauutal nang wika ni Lorelei na siyang peke nang ikinangiti ni Matilda.

"Si Mr. Smith. May deal kami kahapon lang. Tutulungan niya tayong maisalba ang kompanya kapalit ng pagpapakasal mo sa kanya. Binili ka na niya sa akin kaya hindi ka na makakahindi pa, Lorelei," anunsyo na ni Matilda at doon ay umani ang masamang halakhak sa buong bahay na nagmula kay Ingrid.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
JADE DELFINO
gandaaaa ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status