Ganoon nalang ang pagsinghap ni Lorelei nang pagsilip niya sa condo unit ay sumalubong sa kanya ang nagsasalubong na kilay ni Griffin."Ilang oras pa ba kitang aantayin bago ka tuluyang makapasok dito sa loob? Or... should I carry you for us to start on our business? I'm eager to finish this one," naging wika na ni Griffin na siyang mabilis na ikinataranta ni Lorelei papasok na sa loob ng condo unit."Oo na! Papasok na! Hindi makapag-antay," umuungot-ungot na wika ng dalaga na siyang mas lalong nagpasalubong na sa kilay ni Griffin."Anong hindi makapag-antay? I already waited for an hour. Do I still need to wait for another fucking hour to talk to you?"Napapatabingi na ang ulo ni Lorelei. "Usap lang ang gagawin natin?" paninigurado niya na siyang ikinataas na ng kilay ni Griffin at saka ay napapangisi na."What? Do you want us to do something other than talking?"Dahil doon ay mabilis nang napapamula ang mukha ni Lorelei at saka ay napapanguso nalang."Lock the door," deritsahang uto
"Rule no. 1, no feelings attached," unang pagbasa ni Lorelei sa unang nakasulat sa papel."As you can see, I have my beloved girlfriend---""Kung may girlfriend ka naman pala, edi sana ay siya nalang ang binuntis mo," pabalang na wika ng dalaga sa lalaki na siyang kaagad na ikinasalubong ng kilay nito."Anong magagawa ko? Ibinuka mo na ang mga hita mo sa akin at may nabuo na tayo kaya wala na tayong kawala," prankang wika ni Griffin na siyang mabilis na ikinamula na ng pisnge ng dalaga."Aba! Malay ko bang tanga ka! Sino ang lalaking makikipagsiping nang walang kahit na anong proteksyon na suot? Ikaw lang!" patutsada naman ni Lorelei na siyang mas lalo lang na ikinasalubong ng kilay ng lalaki.Nang mapansin niyang tila ay nagiging masamang damo na ang lalaki ay mabilis niyang hinawakan ang tiyan niya, bagay na siyang nagpapikit nalang sa lalaki sa tabi niya."Ano? Okay ka na ba sa rule no. 1?" kapagkuwan ay pagtatanong ng lalaki sa kanya."Ang dali lang naman niyan. Wala na bang mas i
Mabilis na namula ang pisnge ni Lorelei sa narinig. Alam niyang kasunduan lang ang lahat pero heto siya at kinikilig sa sinabi ng binata sa kanya. Heto siya at iba ang naging hatid ng pag-alok ng binata sa kanya kasal.Muling nagpeke ng ubo si Lorelei at saka muling tiningnan ang papel."Rule no. 3, you will live with me in the mansion and will follow my order," pagbasa niya at saka ay mabilis na napapatingin sa lalaki para ipakitang tutol na tutol siya sa ikatlong rule."Bakit kailangang sa mansyon tayo titira? At dapat ay sundin ko ang lahat ng utos mo? Ha! Hindi ako utusan---"Hindi paman tapos sa pagsasalita si Lorelei ay mabilis nang kinuha ni Griffin ang papel."Kung ayaw mo, edi 'wag---"Bago paman makapagtapos sa sasabihin si Griffin ay padabog nang nagsalita si Lorelei."Oo na! Papayag na ako na sa mansyon tayo titira pero tanggalin mo yung susundin ko lahat ng utos mo. Ayaw ko no'n," napipilitang wika ni Lorelei. Wala siyang matutunguhan pa kaya kung tatanggihan niya ang off
Habang bumabyahe sila papunta sa mansyon na siyang titirhan na nila mula ngayon ay hindi nalang maiwasan ni Lorelei ang makabahan. Iniisip kasi niya na baka pagdating nila sa mansyon ay hindi siya magustuhan ng pamilya ni Griffin. Sino nga lang ba siya? Isa lang naman siyang hamak na babaeng nakikisampid sa pamilya nila. Mayaman ang pamilya ng lalaki kaya alam niyang mayaman din ang gugustuhing magiging kabiyak ng anak nila.Samatala, si Griffin naman, kahit ang tingin ay nanatiling nasa kalsada, ang tainga at atensyon nito ay na kay Lorelei parin. Hindi man niya sinasadya ay alam niyang biglaan nalang mapapansin ng katawan niya ang lahat ng nagiging reaksyon ni Lorelei sa tabi niya."Kinakabahan ka?" kapagkuwan ay pagtatanong ni Griffin sa dalagang kanina pa hindi mapakali sa tabi niya.Si Lorelei naman ay hindi na maiwasang mapakurap-kurap. "S-Sinong kinakabahan? Natatakot lang ako na baka ay kung saan mo ako dadalhin. Malay ko ba kung ano nang nasa kukote mo. Hindi pa naman kita ki
Pagkapasok nila sa mansyon ay tila nagsitayuan na ang balahibo ni Lorelei nang madatnan ang mga nakahilerang mga kasambahay suot-suot ang pare-parehas na uniform ng mga ito. Kahit ang mga lalaki na alam niyang tauhan ng pamilya ni Griffin ay nakahilera na sa tabi ng mga kasambahay."Welcome to Mansion de Cabanilla, young lady," sabay-sabay na wika ng mga kasambahay at ng mga lalaking nakahilera bago napapayuko na siyang tila ay nagpatayo na sa balahibo ni Lorelei. Hindi niya aakalain na magiging ganoon ang madadatnan niya pagkarating sa mansyon. Alam niyang hindi siya karapat-dapat na galangin pero ang paggalang na ibinigay ng mga ito sa kanya ay tila nagpapaluha na sa dalaga.Si Griffin naman na nakita iyon ay napapaangat na ang sulok ng labi. Hinapit na niya ang baywang ng dalaga at saka na ito iginiya papasok sa mansyon."Ang sosyal naman ng mga tauhan niyo," nakabungisngis na wika ni Lorelei.Ganoon nalang ang pagkawala ng ngisi sa labi niya nang mapansin na hindi na naman siya pi
Matapos magsawa kakatingin sa loob ng kuwarto ay lumabas din ng silid si Lorelei para maglibot din sa buong mansyon. Naabutan niyang nakapan-dekuwatro si Griffin habang nakaupo sa mahabang sofa hawak-hawak ang diyaryo na alam niyang matamang nagbabasa sa nakalagay sa naturang basahin.Hindi na inabala pa ni Lorelei ang lalaki at nilapitan na ang mayordoma na alam niyang kabisado na ang pasikot-sikot sa mala-palasyong bahay ng mga Cabanilla."Manang," ani Lorelei pagkalapit na pagkalapit niya sa mayordoma. Alerto naman itong napalapit sa kanya kasama ang iilang nakahanay na mga kasambahay."Ano po 'yon, young lady?" wika pa ng mayordoma na siyang nagpaestatwa sandali kay Lorelei. Hindi siya sanay na tawaging young lady. Kahit noong may kakayahan pa sila sa buhay ay hindi niya hinahayaan ang iba na pagkabigyan siya ng special treatment dahil lang sa may kakayahan siya. Ngayong tinawag siyang young lady ay tila nahihiya siya, lalo na ngayong nakikitira nalang siya."Naku, 'wag na po yung
"Lazaro Gonzales didn't make it. I'm sorry for your loss."Napapikit si Lorelei nang maalala ang eksenang iyon sa hospital. Nailibing na ang ama niya ngunit nandito parin siya at hindi mawala-wala ang sakit na nararamdaman niya sa pagkawala ng ama. Nasa kuwarto siya ng mga magulang niya habang yakap-yakap ang litrato nito sa dibdib niya, nagluluksa sa ganoong paraan."Papa, bakit? Bakit mo ako iniwan dito? Paano nalang ako? Sino nalang ang magtatanggol sa akin? Sino nalang ang magmamahal sa akin, papa?"Sa isang iglap ay naramdaman nalang ni Lorelei ang mainit na likidong umagos mula sa mga mata niya. Nasasaktan siya at hindi niya iyon kayang itanggi pa.Mahal na mahal niya ang ama niya. Kahit na may ina naman siya ay ito na ang nagparamdam sa kanya ng isang pagmamahal na hindi niya nakuha sa ina. Kaya ngayon na nawala na ang ama ay hindi na niya alam kung ano pa ang gagawin sa buhay niya.Mabilis ang mga naging pangyayari. Noong mga nakaraang buwan lang ay masaya sila ng ama niya. Ka
"Ano?" napapatayong wika ni Lorelei na siyang ikinatingin na ni Matilda sa gawi niya. Sumalubong sa kanya ang nanunusok na mga mata ng ina at wala siyang ibang maramdaman kundi ang manginig sa takot. Pero hindi niya hahayaan ang sariling gawing bagay na siyang pampasalba lang kapag kinakailangan. Hindi nya iyon deserve."'Ma, ayoko po. Hindi po ako bagay na pupuwedeng ibenta sa kung sinu-suno lang at worst, sa matanda pa," pagtutol ni Lorelei sa ina niya na siyang ikinanlisik na ng mga mata ng ina."Uy, Lorelei! Tigil-tigilan mo nga ako r'yan sa kaartehan mo. Kita mo na ngang na-bankrupt na ang kompanya natin tapos ay may gana ka pang mag-inarte r'yan? Maghanda ka na at sumama ka na kay Mr. Smith. Nabili ka na niya sa akin kaya hindi ka na makakatanggi pa. Nagastos na namin ang ibang pera at ang iba ay nailagay na namin sa kompanya para maisalba na ito. Kaya ang gusto kong gawin mo ay kumain ka nang mabuti at magpaganda para hindi na bawiin pa ni Mr. Smith ang pera niya," wika pa nga