Pagkapasok nila sa mansyon ay tila nagsitayuan na ang balahibo ni Lorelei nang madatnan ang mga nakahilerang mga kasambahay suot-suot ang pare-parehas na uniform ng mga ito. Kahit ang mga lalaki na alam niyang tauhan ng pamilya ni Griffin ay nakahilera na sa tabi ng mga kasambahay."Welcome to Mansion de Cabanilla, young lady," sabay-sabay na wika ng mga kasambahay at ng mga lalaking nakahilera bago napapayuko na siyang tila ay nagpatayo na sa balahibo ni Lorelei. Hindi niya aakalain na magiging ganoon ang madadatnan niya pagkarating sa mansyon. Alam niyang hindi siya karapat-dapat na galangin pero ang paggalang na ibinigay ng mga ito sa kanya ay tila nagpapaluha na sa dalaga.Si Griffin naman na nakita iyon ay napapaangat na ang sulok ng labi. Hinapit na niya ang baywang ng dalaga at saka na ito iginiya papasok sa mansyon."Ang sosyal naman ng mga tauhan niyo," nakabungisngis na wika ni Lorelei.Ganoon nalang ang pagkawala ng ngisi sa labi niya nang mapansin na hindi na naman siya pi
Matapos magsawa kakatingin sa loob ng kuwarto ay lumabas din ng silid si Lorelei para maglibot din sa buong mansyon. Naabutan niyang nakapan-dekuwatro si Griffin habang nakaupo sa mahabang sofa hawak-hawak ang diyaryo na alam niyang matamang nagbabasa sa nakalagay sa naturang basahin.Hindi na inabala pa ni Lorelei ang lalaki at nilapitan na ang mayordoma na alam niyang kabisado na ang pasikot-sikot sa mala-palasyong bahay ng mga Cabanilla."Manang," ani Lorelei pagkalapit na pagkalapit niya sa mayordoma. Alerto naman itong napalapit sa kanya kasama ang iilang nakahanay na mga kasambahay."Ano po 'yon, young lady?" wika pa ng mayordoma na siyang nagpaestatwa sandali kay Lorelei. Hindi siya sanay na tawaging young lady. Kahit noong may kakayahan pa sila sa buhay ay hindi niya hinahayaan ang iba na pagkabigyan siya ng special treatment dahil lang sa may kakayahan siya. Ngayong tinawag siyang young lady ay tila nahihiya siya, lalo na ngayong nakikitira nalang siya."Naku, 'wag na po yung
"Lazaro Gonzales didn't make it. I'm sorry for your loss."Napapikit si Lorelei nang maalala ang eksenang iyon sa hospital. Nailibing na ang ama niya ngunit nandito parin siya at hindi mawala-wala ang sakit na nararamdaman niya sa pagkawala ng ama. Nasa kuwarto siya ng mga magulang niya habang yakap-yakap ang litrato nito sa dibdib niya, nagluluksa sa ganoong paraan."Papa, bakit? Bakit mo ako iniwan dito? Paano nalang ako? Sino nalang ang magtatanggol sa akin? Sino nalang ang magmamahal sa akin, papa?"Sa isang iglap ay naramdaman nalang ni Lorelei ang mainit na likidong umagos mula sa mga mata niya. Nasasaktan siya at hindi niya iyon kayang itanggi pa.Mahal na mahal niya ang ama niya. Kahit na may ina naman siya ay ito na ang nagparamdam sa kanya ng isang pagmamahal na hindi niya nakuha sa ina. Kaya ngayon na nawala na ang ama ay hindi na niya alam kung ano pa ang gagawin sa buhay niya.Mabilis ang mga naging pangyayari. Noong mga nakaraang buwan lang ay masaya sila ng ama niya. Ka
"Ano?" napapatayong wika ni Lorelei na siyang ikinatingin na ni Matilda sa gawi niya. Sumalubong sa kanya ang nanunusok na mga mata ng ina at wala siyang ibang maramdaman kundi ang manginig sa takot. Pero hindi niya hahayaan ang sariling gawing bagay na siyang pampasalba lang kapag kinakailangan. Hindi nya iyon deserve."'Ma, ayoko po. Hindi po ako bagay na pupuwedeng ibenta sa kung sinu-suno lang at worst, sa matanda pa," pagtutol ni Lorelei sa ina niya na siyang ikinanlisik na ng mga mata ng ina."Uy, Lorelei! Tigil-tigilan mo nga ako r'yan sa kaartehan mo. Kita mo na ngang na-bankrupt na ang kompanya natin tapos ay may gana ka pang mag-inarte r'yan? Maghanda ka na at sumama ka na kay Mr. Smith. Nabili ka na niya sa akin kaya hindi ka na makakatanggi pa. Nagastos na namin ang ibang pera at ang iba ay nailagay na namin sa kompanya para maisalba na ito. Kaya ang gusto kong gawin mo ay kumain ka nang mabuti at magpaganda para hindi na bawiin pa ni Mr. Smith ang pera niya," wika pa nga
"Oh. Anong nakain mo at nagyaya kang magbar? Noon naman ay ikaw palagi ang absent tapos ngayon ay ikaw na ang nagyaya. Mas nauna ka pa sa amin dito sa bar kaya nakakapagtataka ka na, Lorelei. May problema ka ba?" deritsahang bungad ni Mary nang makarating sa bar na napag-usapan nila.Mas lalo lang umasim ang mukha ni Lorelei nang maalala ang sinabi ng Mama Matilda niya kanina. Mabilis siyang nag-order ng vodka at inisang lagok iyon, bagay na siyang ikinanganga na ni Mary. Kalaunan ay napapangiwi na ang dalaga."Mukhang mabigat na problema nga 'yan at nag-iinom ka," komento pa nito na tila ang sinasabihan ay ang sarili.Nakangising umupo ang dalaga sa katabing upuan ni Lorelei at saka ito nagdesisyon na kausapin na."What's your problem? Come on. You can always rely on me, Lor. Nandito lang ako at ang barkada para sa 'yo," pangungumbinsi na ni Mary kay Lorelei na sabihin ang problema nito.Napangiti lang nang mapait si Lorelei at saka nagsalita, "Ipapakasal ako ni Mama Matilda kay Mr.
Napadaing si Lorelei nang pagkapasok nila sa isang hotel room ay deritsahan na siyang sinunggaban ng halik ng estrangherong lalaki. Napapikit siya at nagsimulang tumugon sa mga mapupusok at mabagsik na mga halik nito sa kanya. Ipinulupot niya ang kanyang mga braso sa leeg ng lalaki at mas pinalalim pa ang halikan na ginagawa nila.Napaungol si Lorelei sa bibig ng lalaki nang maramdaman ang paghagod nito sa likuran niya. Tila may kuryenteng dumaloy sa katawan niya na ngayon lang niya naramdaman sa tanang buhay niya. Ilang ulit na siyang hinahawakan ng iilang kalalakihan doon sa bar pero ang estrangherong lalaki lang na ito ang kayang magbigay ng kakaibang sensasyon sa katawan niya na hindi niya mawari kung ano ang naging dahilan.Nang hawakan ng lalaki ang puwetan niya ay awtomatiko niyang nakuha ang gusto nitong gawin. Mabilis niyang ipinulupot ang mga hita niya sa baywang nito at mas pinalalim pa ang halik na pinagsaluhan nila.Naramdaman niya sa likuran niya ang malamig na pader nan
Maagang nagising si Lorelei at ganoon nalang ang pagtigil niya nang maramdaman ang mabigat na bagay na nakayakap sa baywang niya. Doon lang pumasok sa isip niya ang nangyari kagabi at kung ano ang ginawa niya. Napapasagitsit siya ngunit wala ni isang pagsisisi ang pumasok sa isip niya dahil ginusto niya iyon.Hinding-hindi niya hahayaang makuha lang ni Mr. Smith ang gusto nito.Ang gawin siyang bride at ang makuha ang gusto nito sa katawan niya.Dahan-dahan niyang tinanggal ang braso nitong nakapulupot sa baywang niya at saka maingat na bumaba ng kama. Isa-isa na niyang isinusuot ang mga damit niya at doon na nga siya maingat na lumabas ng hotel room. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at tuluyan nang lumisan sa lugar kung saan nawala ang pinakaiingatan niya."Aray, Mama Matilda! Masakit!" pagdaing ni Lorelei nang pag-uwi niya ay kaagad na hinila ng ina niya ang buhok niya."Masakit? E, kung sampalin kitang malandi ka!" paninigaw ng ina niya at saka siya ibinalibag sa sofa nila sa ma
Tila namanhid si Lorelei nang marinig ang katagang iyon mula sa doktor."A-Ano? Nabibingi na yata ako, dok. Ano nga po yung sinasabi niyo?" nauutal at hindi na mawaring wika ni Lorelei sa doktor."Buntis ka, Miss Gonzales. You have a baby twins. Please don't be shocked on that. Blessing ang isang bata, Miss Gonzales. Ngayong dalawa naman yung dinadala mo ay double blessing na iyan," iyon na ang huling sinabi ng doktor bago umalis ng silid.Doon na sunod-sunod na umagos ang luha sa mga mata niya. Biyaya nga ang anak sa buhay ng isang tao pero para sa kanya na siyang mag-isa na sa buhay at walang malalapitan na kamag-anak kapag kakailanganin niya ay kalbaryo iyon sa buhay niya."Papa'nong... Papa'nong buntis ako? Isang gabi lang iyon. Isang beses lang nangyari iyon kasama ang estrangherong lalaking 'yon. Paano ako nabuntis?" naging wika na nga lamang ni Lorelei sa sarili bago napapasabunot sa sariling buhok."Paano na ako ngayon? Kakasimula ko palang sa trabaho ko. Wala pa akong pera pa