"Oh. Anong nakain mo at nagyaya kang magbar? Noon naman ay ikaw palagi ang absent tapos ngayon ay ikaw na ang nagyaya. Mas nauna ka pa sa amin dito sa bar kaya nakakapagtataka ka na, Lorelei. May problema ka ba?" deritsahang bungad ni Mary nang makarating sa bar na napag-usapan nila.
Mas lalo lang umasim ang mukha ni Lorelei nang maalala ang sinabi ng Mama Matilda niya kanina. Mabilis siyang nag-order ng vodka at inisang lagok iyon, bagay na siyang ikinanganga na ni Mary. Kalaunan ay napapangiwi na ang dalaga. "Mukhang mabigat na problema nga 'yan at nag-iinom ka," komento pa nito na tila ang sinasabihan ay ang sarili. Nakangising umupo ang dalaga sa katabing upuan ni Lorelei at saka ito nagdesisyon na kausapin na. "What's your problem? Come on. You can always rely on me, Lor. Nandito lang ako at ang barkada para sa 'yo," pangungumbinsi na ni Mary kay Lorelei na sabihin ang problema nito. Napangiti lang nang mapait si Lorelei at saka nagsalita, "Ipapakasal ako ni Mama Matilda kay Mr. Smith," deritsahang anunsyo ni Lorelei at sakto namang dumating na ang iba pa nilang kasama na siyang narinig ang sinabi niya kaya doon na ito napapasigaw. "Ano?!" sabay-sabay na reaksyon ng mga ito, bagay na siyang nagpangiwi lang kay Lorelei. "What? Ipapakasal ka sa matanda? Naku, 'wag kang pumayag, Lorelei! Hindi ka bagay na pupuwedeng ibenta lang sa iba kapag kailangan!" naging wika nga ni Mary. Napapikit si Lorelei at napahilamos nalang sa mukha niya. Hindi na niya alam kung ano pa ba ang gagawin. Matapos marinig ang sinabi ng ina niya kanina ay halos lahat ng lakas niya ay tila nawala. Kaya para mawala kaunti ang problema niya ay kaagad siyang nagyaya sa mga kaibigan niya na magbar na siyang mabilis namang sumang-ayon sa pangyayaya niya. Hindi niya aakalain na mas lalala pa pala iyon kapag sinabi niya sa mga kaibigan niya ang problema niya. "Ano ba naman 'yang si Tita Matilda, kung ipakasal ka, bakit sa matanda pa? May iba namang pupuwedeng ipakasal sa 'yo, bunso, bakit kay Mr. Smith pa na halos mangisay na sa katandaan niya," wika pa nga ni Jethro na siyang ikinatawa lang ng barkada. "Oh, ikaw nalang ang magpakasal kay Lorelei, Jeth, para maisalba mo ang bunso ng barkada," pagbibiro pa ni Mary na siyang ikinaatras na ni Jethro. "Naku, pasensiya na, bunso, pero wala akong masyadong pera para maisalba ang kompanya niyo. Isa pa, may iba nang nagmamay-ari ng puso ko. Ayokong magalit ang bebe loves ko," nakangisi pang wika ni Jethro na ang tingin ay na' kay Devony na, bagay na siyang ikinasikmat naman ng dalaga. "Ano? Bakit sa 'kin ka nakatingin? 'Wag kang tumingin sa 'kin kang pangit ka!" m*****a pa ngang wika ni Devony sa kabarkada na siyang ikinatawa nalang nila. Si Jethro naman ay mapagbirong napahawak na sa dibdib niya. "Ouch," naging wika nga niya sa sinabi ni Devony. "Pero seryoso, may naglalaman na ng puso ko. Isa pa, alam kong may magagalit kapag pinakasalan kita, Lor," nakangising wika pa ni Jethro bago tinapunan ng tingin si Derek na tahimik lang na nakikinig sa usapan nila. "What?" kompronta na nga ni Derek nang mapansin na ang paninitig ng mga barkada. Napatingin siya sa gawi ni Lorelei at nakitang nakangisi na ito sa kanya na tila ay hindi ito naniniwala sa narinig mula kay Jethro. Lingid sa kaalaman ng dalaga ay totoo palang may lihim na pagtingin ang lalaki sa kanya. Ngunit naging torpe si Derek. Ayaw niyang lumayo si Lorelei sa kanya kaya hindi siya makaamin-amin sa dalaga. Tumayo si Derek at saka nilapitan na si Lorelei na siyang napangisi-ngisi narin, tila nalalasing na. Nakangiti niyang pinisil ang ilong nito na siyang ikinahaba na ng nguso ng dalaga. "Maghahanap ako nang paraan, Lorei. Mag-antay ka lang," naging pangako nga ni Derek sa dalaga bago tiningnan ang mga barkada. "Kayo na muna ang bahala kay Lorelei. May gagawin lang ako," paalam pa nga nito sa mga kabarkada bago tuluyang umalis sa lugar. Si Lorelei naman ay napapanguso lang. Pero nang maalala na naman ang naging problema niya ay doon na siya napapabuntong-hininga. "Let's go! Let's party! Magsaya tayo at 'wag mo munang pakaisipin ang problema na 'yan, Lor," wika pa nga ni Mary. Nang akmang pipigilan na siya ni Calvin ay sinikmatan naman niya ito na siyang ikinatimpi nalang ni Calvin at hinayaan na ang mga babae na magliwaliw sa gitna ng dance floor. Nagsimula na silang sumayaw sa gitna ng dance floor. Dala ng kalasingan at ng alak ay tila mas naging ganado si Lorelei sa paggiling-giling sa baywang niya at ang pag-aangat ng kamay niya para mas damhin pa ang musika. Sa kabilang banda, makikita si Griffin kasama ang mga barkada niya na siyang bigatin na sa business world. Bilang isa sa mga bigatin at kilalang CEO ng bansa ay wala dapat siyang pinoproblema dahil lahat naman ay nakukuha niya. Pera. Magarang bahay. Marangyang buhay. Babae. Pero mukhang ang pamilya lang yata niya ang magiging hadlang para sa kalayaan niya. He was forced to bear an heir that would follow his footsteps in the business world. Dahil siya lang ang nag-iisang lalaki sa pamilya ay siya ang mas pini-pressure ng ama niya na makahanap kaagad ng babaeng mapapangasawa at nang magkaroon na ng anak na siyang magiging tagapagmana niya. It's not a problem on him dahil may long time girlfriend siya. Si Serenity. Maganda ito at modelo sa US, matalino, mabait at higit sa lahat ay pinapangarap ng lahat ng mga lalaki sa mundo. Griffin is lucky enough to have her on his side. But unfortunately, Serenity choose her dream over him. Gusto na niyang magpakasal sa dalaga ngunit ay palagi nitong tinatanggihan ang offer niya. Dahil mahal niya ay mas pinili niya ang pagkaintindihin ito at hintayin ito. But his father was eager to have an heir from him. At dahil ayaw pa ng girlfriend niya ang magpakasal ay halos mapunit sa dalawa ang isipan niya at hindi na alam pa ang gagawin. "Why don't you force Serenity to marry you? Sabihin mong minamadali ka na ni Tito Charles. Baka kapag sinabi mo sa kanya iyon ay pumayag siya," suhestyon pa ni Gabriel na siyang ikinataas na ng sulok ng labi ng mga kaibigan. "Just like how you forced Anaya, Gabriel? Ganoon ba?" panunukso pa ni Rafael na siyang ikinasalubong na ng kilay ni Gabriel. "Hindi ko siya pinilit na pumasok sa buhay ko, Rafael. Binili ko siya mula sa mga taong walang awa sa kanya," depensa pa ni Gabriel sa kanyang sarili na siyang ikinahalakhak lang ni Rafael. "Marami namang mga babaeng minamaltrato at inaabuso, ah? Pero bakit si Anaya lang ang binili mo at hindi na ang iba?" pang-iintriga na ni Rafael na siyang mas lalong ikinasalubong ng kilay ni Gabriel. Si Nicholas na siyang nakikinig lang sa usapan ay napapailing na. "Parang hindi ko gusto ang pakatutunguhan ng usapan na 'to, ah?" Si Griffin naman na nakikinig sa usapan ng barkada ay napakuha ng isang baso na may alak at saka iyon deritsahang nilagok. Tumayo siya at nagpunta na sa dance floor. Doon ay napasabi na siyang hahayaan niya ang tadhana sa kung ano ang ibibigay na solusyon nito sa kanya. Samantala, si Lorelei naman ay halos nalunod na sa kalasingan. Nagpatuloy siya sa pagsasayaw. Maraming nakipagsayaw sa kanya. May iba na kung saan-saan na napupunta ang kamay sa katawan niya. Namimili siya ng taong alam niyang sisira sa pagkababae niya dahil wala na naman siyang kinabukasan pero dahil wala siyang tipo ni isa sa mga nakasayaw niya ay umusog siya sa unahan para maghanap ng lalaking papasok sa panlasa niya. Nasa kalagitnaan siya ng pagsasayaw niya nang may biglaang nakipagsayaw sa kanya. Hindi niya na sana papansinin iyon at makikipagsayaw lang nang marinig niya ang baritonong boses nito na tila ay nagpakiliti sa pagkababae niya. "Hey. Alone?" baritonong tanong ng isang estranghero sa kanya na siyang tila nagpatibok sa puso niya. Napatingala si Lorelei sa mukha ng lalaki at doon ay napapanganga sa kaguwapuhang taglay nito. Doon ay napapangisi na si Lorelei at napasabi na sa sarili na nakita na nga niya ang lalaking gusto niyang sumira sa pagkababae niya. "Take me away and do whatever you want. I don't have a tomorrow anyway."Napadaing si Lorelei nang pagkapasok nila sa isang hotel room ay deritsahan na siyang sinunggaban ng halik ng estrangherong lalaki. Napapikit siya at nagsimulang tumugon sa mga mapupusok at mabagsik na mga halik nito sa kanya. Ipinulupot niya ang kanyang mga braso sa leeg ng lalaki at mas pinalalim pa ang halikan na ginagawa nila.Napaungol si Lorelei sa bibig ng lalaki nang maramdaman ang paghagod nito sa likuran niya. Tila may kuryenteng dumaloy sa katawan niya na ngayon lang niya naramdaman sa tanang buhay niya. Ilang ulit na siyang hinahawakan ng iilang kalalakihan doon sa bar pero ang estrangherong lalaki lang na ito ang kayang magbigay ng kakaibang sensasyon sa katawan niya na hindi niya mawari kung ano ang naging dahilan.Nang hawakan ng lalaki ang puwetan niya ay awtomatiko niyang nakuha ang gusto nitong gawin. Mabilis niyang ipinulupot ang mga hita niya sa baywang nito at mas pinalalim pa ang halik na pinagsaluhan nila.Naramdaman niya sa likuran niya ang malamig na pader nan
Maagang nagising si Lorelei at ganoon nalang ang pagtigil niya nang maramdaman ang mabigat na bagay na nakayakap sa baywang niya. Doon lang pumasok sa isip niya ang nangyari kagabi at kung ano ang ginawa niya. Napapasagitsit siya ngunit wala ni isang pagsisisi ang pumasok sa isip niya dahil ginusto niya iyon.Hinding-hindi niya hahayaang makuha lang ni Mr. Smith ang gusto nito.Ang gawin siyang bride at ang makuha ang gusto nito sa katawan niya.Dahan-dahan niyang tinanggal ang braso nitong nakapulupot sa baywang niya at saka maingat na bumaba ng kama. Isa-isa na niyang isinusuot ang mga damit niya at doon na nga siya maingat na lumabas ng hotel room. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at tuluyan nang lumisan sa lugar kung saan nawala ang pinakaiingatan niya."Aray, Mama Matilda! Masakit!" pagdaing ni Lorelei nang pag-uwi niya ay kaagad na hinila ng ina niya ang buhok niya."Masakit? E, kung sampalin kitang malandi ka!" paninigaw ng ina niya at saka siya ibinalibag sa sofa nila sa ma
Tila namanhid si Lorelei nang marinig ang katagang iyon mula sa doktor."A-Ano? Nabibingi na yata ako, dok. Ano nga po yung sinasabi niyo?" nauutal at hindi na mawaring wika ni Lorelei sa doktor."Buntis ka, Miss Gonzales. You have a baby twins. Please don't be shocked on that. Blessing ang isang bata, Miss Gonzales. Ngayong dalawa naman yung dinadala mo ay double blessing na iyan," iyon na ang huling sinabi ng doktor bago umalis ng silid.Doon na sunod-sunod na umagos ang luha sa mga mata niya. Biyaya nga ang anak sa buhay ng isang tao pero para sa kanya na siyang mag-isa na sa buhay at walang malalapitan na kamag-anak kapag kakailanganin niya ay kalbaryo iyon sa buhay niya."Papa'nong... Papa'nong buntis ako? Isang gabi lang iyon. Isang beses lang nangyari iyon kasama ang estrangherong lalaking 'yon. Paano ako nabuntis?" naging wika na nga lamang ni Lorelei sa sarili bago napapasabunot sa sariling buhok."Paano na ako ngayon? Kakasimula ko palang sa trabaho ko. Wala pa akong pera pa
"At sino ka naman? Anong karapatan mong pigilan ako sa pagkaladkad ko sa pasaway kong anak? Wala kang karapatan kaya tumahimik ka!" panininghal ni Matilda sa lalaki. Napataas ang kilay niya at saka pinanliitan ng mata ang lalaki at tiningnan mula ulo hanggang paa. Napatawa si Matilda nang makita ang pormal nitong suot."Lalaki mo 'to, Lorelei? Bakit sa lahat ng lalaking papatulan mo, yung nagpapanggap pang mayaman! Hanggang ngayon parin pala ay tanga kang babae ka! Akala ko ay mapapakinabangan kita at may mapapala ako sa 'yo pero mukhang wala naman pala!"Napapatiim-bagang nalang si Griffin sa ginawang pang-i-insulto ng ina ng dalaga sa kanya. Paano nito nasasabi na nagpapanggap lang siyang mayaman? Hindi ba siya nito kilala?"Tingnan mo nga ang suot n'yan! Iba ang kulay ng suit na suot niya at ibang-iba rin ang kulay ng necktie niya! Necktie palang, dapat ay alam mo nang walang ka-taste-taste kaya hindi ako maluluko ng walang kuwentang lalaking 'yan!"Napapatingin si Griffin sa suot
"Bakit mo ako tinutulungan?" maliit ang boses na tanong ni Lorelei sa binata na siyang seryoso at tahimik nang nagda-drive sa kotseng sinasakyan nila.Matapos ang sagutan ng lalaki at ng ina niya ay hindi na siya binitawan pa ng binata hanggang sa makasakay sila ng kotse nito. Wala namang nagawa ang ina niya sa lalaki, bagay na siyang malaking ikinataka na ni Lorelei. Walang nakakapigil sa ina niya pagdating sa kanya, pero ganoon nalang ang gulat niya nang makitang tila ay tumitiklop ang ina niya sa sinabi ng binata. Ngayon ay naku-kuryoso na siya kung ano nga ba ang sinabi ng binata sa ina niya para tumiklop ito nang ganoon sa lalaki."Ano nga palang sinabi mo kay Mama Matilda para tumiklop siya nang ganoon sa 'yo? Kailanman ay hindi nagpapahuli si mama kaya nagulat nalang ako na napapatiklop mo siya at natatahimik siya matapos mong may ibulong sa kanya. Anong sinabi mo sa kanya?" sunod-sunod na pagtatanong ni Lorelei sa lalaki na siyang binaliwala naman ang presensiya niya.Ganoon n
Ganoon nalang ang pagsinghap ni Lorelei nang pagsilip niya sa condo unit ay sumalubong sa kanya ang nagsasalubong na kilay ni Griffin."Ilang oras pa ba kitang aantayin bago ka tuluyang makapasok dito sa loob? Or... should I carry you for us to start on our business? I'm eager to finish this one," naging wika na ni Griffin na siyang mabilis na ikinataranta ni Lorelei papasok na sa loob ng condo unit."Oo na! Papasok na! Hindi makapag-antay," umuungot-ungot na wika ng dalaga na siyang mas lalong nagpasalubong na sa kilay ni Griffin."Anong hindi makapag-antay? I already waited for an hour. Do I still need to wait for another fucking hour to talk to you?"Napapatabingi na ang ulo ni Lorelei. "Usap lang ang gagawin natin?" paninigurado niya na siyang ikinataas na ng kilay ni Griffin at saka ay napapangisi na."What? Do you want us to do something other than talking?"Dahil doon ay mabilis nang napapamula ang mukha ni Lorelei at saka ay napapanguso nalang."Lock the door," deritsahang uto
"Rule no. 1, no feelings attached," unang pagbasa ni Lorelei sa unang nakasulat sa papel."As you can see, I have my beloved girlfriend---""Kung may girlfriend ka naman pala, edi sana ay siya nalang ang binuntis mo," pabalang na wika ng dalaga sa lalaki na siyang kaagad na ikinasalubong ng kilay nito."Anong magagawa ko? Ibinuka mo na ang mga hita mo sa akin at may nabuo na tayo kaya wala na tayong kawala," prankang wika ni Griffin na siyang mabilis na ikinamula na ng pisnge ng dalaga."Aba! Malay ko bang tanga ka! Sino ang lalaking makikipagsiping nang walang kahit na anong proteksyon na suot? Ikaw lang!" patutsada naman ni Lorelei na siyang mas lalo lang na ikinasalubong ng kilay ng lalaki.Nang mapansin niyang tila ay nagiging masamang damo na ang lalaki ay mabilis niyang hinawakan ang tiyan niya, bagay na siyang nagpapikit nalang sa lalaki sa tabi niya."Ano? Okay ka na ba sa rule no. 1?" kapagkuwan ay pagtatanong ng lalaki sa kanya."Ang dali lang naman niyan. Wala na bang mas i
Mabilis na namula ang pisnge ni Lorelei sa narinig. Alam niyang kasunduan lang ang lahat pero heto siya at kinikilig sa sinabi ng binata sa kanya. Heto siya at iba ang naging hatid ng pag-alok ng binata sa kanya kasal.Muling nagpeke ng ubo si Lorelei at saka muling tiningnan ang papel."Rule no. 3, you will live with me in the mansion and will follow my order," pagbasa niya at saka ay mabilis na napapatingin sa lalaki para ipakitang tutol na tutol siya sa ikatlong rule."Bakit kailangang sa mansyon tayo titira? At dapat ay sundin ko ang lahat ng utos mo? Ha! Hindi ako utusan---"Hindi paman tapos sa pagsasalita si Lorelei ay mabilis nang kinuha ni Griffin ang papel."Kung ayaw mo, edi 'wag---"Bago paman makapagtapos sa sasabihin si Griffin ay padabog nang nagsalita si Lorelei."Oo na! Papayag na ako na sa mansyon tayo titira pero tanggalin mo yung susundin ko lahat ng utos mo. Ayaw ko no'n," napipilitang wika ni Lorelei. Wala siyang matutunguhan pa kaya kung tatanggihan niya ang off