Share

002: Pagsusumamo

"Ano?" napapatayong wika ni Lorelei na siyang ikinatingin na ni Matilda sa gawi niya. Sumalubong sa kanya ang nanunusok na mga mata ng ina at wala siyang ibang maramdaman kundi ang manginig sa takot. Pero hindi niya hahayaan ang sariling gawing bagay na siyang pampasalba lang kapag kinakailangan. Hindi nya iyon deserve.

"'Ma, ayoko po. Hindi po ako bagay na pupuwedeng ibenta sa kung sinu-suno lang at worst, sa matanda pa," pagtutol ni Lorelei sa ina niya na siyang ikinanlisik na ng mga mata ng ina.

"Uy, Lorelei! Tigil-tigilan mo nga ako r'yan sa kaartehan mo. Kita mo na ngang na-bankrupt na ang kompanya natin tapos ay may gana ka pang mag-inarte r'yan? Maghanda ka na at sumama ka na kay Mr. Smith. Nabili ka na niya sa akin kaya hindi ka na makakatanggi pa. Nagastos na namin ang ibang pera at ang iba ay nailagay na namin sa kompanya para maisalba na ito. Kaya ang gusto kong gawin mo ay kumain ka nang mabuti at magpaganda para hindi na bawiin pa ni Mr. Smith ang pera niya," wika pa nga ni Matilda na siyang ikinaluha na lamang ni Lorelei dahil lumalabas na naman ang masama nitong ugali na siyang nakasanayan na niya noon paman. Ang akala niya ay nagbago na ito pero hindi parin pala. Ayaw parin nito sa kanya at ngayon nga ay ibinibenta na siya nito sa isang matanda at kukunot-kunot na matanda.

Nang makita na ang pagtayo ng ina ay mabilis nang tumayo si Lorelei para magmakaawa sa ina. Mabilis niyang hinawakan ang kamay nito para pigilan ito sa pag-alis at pakinggan siya sa sasabihin niya.

"Pakiusap, Mama Matilda. 'Wag mo po akong ibenta sa kung sinu-sino lang, lalo na sa matanda na iyon. Magta-trabaho po ako. Maghahanap ako ng paraan para maisalba ang kompanya natin sa ibang paraan, please, 'wag lang ang ibenta ako sa matanda na iyon, 'Ma. Hindi ko kaya," halos napapaiyak nang wika ni Lorelei na siyang mabilis na ikinainis ni Matilda.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?! Naibenta na kita at nabayaran ka na niya kaya wala ka nang magagawa pa! Nagbibingi-bingihan ka ba o tanga ka lang talaga?!" walang preno ang bibig na wika ni Matilda na siyang ikinaluha na lamang ni Lorelei.

Nang makita na ang akmang paglalakad ng ina ay mabilis na siyang napaluhod para lang magmakaawa sa ina na huwag siyang ibenta sa matanda.

"Please, 'Ma. Hindi ko talaga kaya. Hahanap ako nang paraan. Magta-trabaho ako. Kahit ilang trabaho pa ang kunin ko para lang maibalik ang pera natin at maisalba ang kompanya ay gagawin ko, 'wag lang akong makasal kay Mr. Smith, 'Ma," nagsusumamong wika ni Lorelei sa ina, ang luha ay masagana nang nagsipatakan mula sa mga mata niya.

Napangisi si Matilda at inis na hinila ang buhok ni Lorelei. Kung noon ay nakakapagpigil pa siya na saktan ang dalaga dahil nandoon si Lazaro na siyang asawa niya, ngayon ay malaya na niyang magagawa ang mga bagay na gusto niyang gawin sa dalaga.

"At kailan mo naman maibabalik ang perang nagastos natin, Lorelei? Kapag pumuti na ang uwak? Baka mamulubi na kami ng anak ko sa mga pangangailangan namin ay hindi mo pa maibabalik ang pera! Baka tuluyan nang malibing sa limot ang kompanya natin ay hindi mo parin naibabalik ang perang nawala sa kompanya!" paninigaw ni Matilda sa kanya at saka siya padabog na binitawan.

"Malinaw na ang naging usapan namin ni Mr. Smith. Nabayaran ka na niya at ang kailangan mo nalang gawin ay ang sundin ang lahat ng gusto niya para hindi niya bawiin pa ang pera. Kung hindi ka sasama sa kanila ay parehas tayong mamatay sa gutom. Gusto mo ba 'yon, Lorelei?" panininghal na ni Matilda sa kanya na siyang walang ibang naging reaksyon kay Lorelei kundi ang tahimik nalang na mapaiyak sa naging kinahinatnan niya.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
JADE DELFINO
sabunutan kita Matilda
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status